CO_Q2_Music5_Modyul 3 MAPEH (Music) Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Sharp, Flat at Natural 5
MAPEH (Music) – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Sharp, Flat at Natural Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________ Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jetchelle Ann M. Alkuino Editors: Deowel F. Abapo, Mariel A. Alla, Marlito P. Malinao Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Charo C. Sombilon, Angela N. Villasin Tagaguhit: Lea Marie B. Abapo Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez Tagapamahala: Ramir B. Uytico Raul D. Agban Arnulfo M. Balane Lorelei B. Masias Rosemarie M. Guino David E. Hermano, Jr. Joy B. Bihag Shirley L. Godoy Ryan R. Tiu Eva D. Divino Nova P. Jorge Jo-Ann C. Rapada c
5 MAPEH (Music) Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Sharp, Flat at Natural
ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
3 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Alamin Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp (#), flat (♭) at natural (♮) sa pagtukoy ng mga pagbabago sa tonong ginamit sa awit. Sa modyul na ito, makikilala at mailalarawan mo ang iba’t ibang simbolo na sharp (#), flat (b), natural (♮) at ang mga gamit nito sa pagbabago ng tono (MU5ME-IIb-3) at inaasahang makamit ang mga sumusunod: a. Nailalarawan ng mga simbolong sharp (#), flat (♭), at natural (♮) b. Nakaaawit ng awiting bayan na may tonong pababa, pataas at natural na tono. c. Naibibigay ang tama at angkop na paliwanag na gamit ng SHARP, FLAT, at NATURAL SIGN sa isang musikal na komposisyon Subukin Pag-aralang mabuti ang susunod na mga pagsasanay para lalong maintindihan ang mga simbolo ng sharp o flat. Panuto: Suriin ang mga nota na nasa musical staff. Ibigay ang pangalan ng mga naturang nota at tukuyin kung ang kalakip na simbolo kung ito ba ay sharp o flat. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. 2. 3. 4. 5. 6.
4 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Aralin 3 Music: Mga Sharp, Flat at Natural Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp (#), flat (♭) at natural (♮) sa pagtukoy ng mga pagbabago sa tonong ginamit sa awit. Balikan Kilalanin ang mga sagisag pangmusika na ginagamit sa awiting Leron, Leron Sinta. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. LERON LERON SINTA Le - ron, Le-ron sin – ta. Bu - ko - ng pa- pa - ya, da- -la da-la’y bus -lo, si - sid - lan ng sin - ta. Pag – da-ting sa du - lo’y, na- -ba -li ang san-ga, ka - pos ka –pa – la -ran, hu - ma -nap ng I - ba.
5 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Tuklasin Pagmasdan at tuklasin kung ano ang mga ito! Ano-ano ang nakita mo maliban sa G-clef, F-clef, notes and rest? ____________________ Mahalaga ba ang mga ito? Bakit? ____________________________________________ Iyan ang aalamin natin sa pagpatuloy ng modyul na ito.
6 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Suriin Ang mga Accidentals ay mga simbolo na maaring gamitin upang maitaas o maibaba ang pitch ng isang nota. Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp (#), flat (♭) at natural (♮) sa pagtukoy ng mga pagbabago sa tonong ginamit sa awit. Ang sharp (#) ay isang simbolo na naghuhudyat na ang tono ng isang nota ay dapat tugtugin o awitin nang half step o semitone pataas. Ito ay inilalagay sa unahan ng nota. Ang flat (♭) ay isang simbolo ng musika na maaring ibaba ang tono ng half-step o semitone. Kapag ang nota ay may flat sa unahan nito nangangahulugang aawitin o tutugtugin ito ng kalahating hakbang pababa. Kung nais ng mga musikero na tanggalin ang epekto ng simbolo na sharp o flat sa isang nota, naglalagay sila ng simbolo na natural sa harap ng nota na ibabalik sa orihinal na tono. Pagyamanin Gawain 1. Ilarawan ang mga simbolong sharp (#), flat (♭), at natural (♮) sa pamamagitan ng pagguhit ng mga sumusunod sa musical staff sa ibaba. Gamitin sa pagguhit ang whole note ( ) para maipapakita ang tamang kinalalagyan nito. Ilagay ang sagot sa inyong kwaderno. 1. G sharp 2. F Sharp 3. D Sharp 4. B Flat 5. A Sharp
7 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Gawain 2. Awitin ang awiting bayan na “Bayan ko” na may tonong may sharp, flat at natural. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. Bayan Ko Transcribed by Jerome QuejanoJose Alejandrino Isulat ang buong salita at guhitan ang syllable na may sharp o kaya’y natural sign. May halimbawa na para sa iyo. Sharp: Bayan 1. ________ Natural: Bulaklak 1. _________ 2. _________
8 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Gawain 3 Sa iyong opinyon, bakit mahalaga sa musika ang sharp, flat, at natural signs _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ Isaisip Ano ang natutunan mo sa araling ito? Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Isagawa Panuto: Ilarawan sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay ang mga gamit ng simbolong sharp (#), flat (♭), at natural (♮) na siyang sanhi kung bakit nagiging mas makulay ang musika. Isulat ang sanaysay sa inyong kuwaderno. Sumangguni sa Rubriks para sa kaukulang puntos na makikita sa “Tayahin”
9 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Tayahin I. Kilalanin ang mga simbolong (#), (♭) at (♮). Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. _______1. Naitataas ang tono ng kalahating hakbang _______2. Naibaba ang tono ng kalahating hakbang _______3. Naibabalik ang orihinal na tono ng isang nota mula sa simbolong sharp at flat. _______4. Ito ay simbolo na inilalagay sa unahan ng nota na naghuhudyat na dapat tugtugin o awitin ng half-step pataas _______5. Ito ay simbolo na nasa unahan ng nota na ibig sabihin ay aawitin ng kalahating hakbang pababa. II. Iguhit ang mga sumusunod na mga simbolo sa inyong kwaderno (2 puntos bawat aytem) 6-7 # = _________________________________________________ 8-9 ♭ = _________________________________________________ 10-11 ♮ = _____________________________________________________ Rubrik para sa “Isagawa”: Sanaysay tungkol sa paglalarawan ng sharp, flat at natural. Pamantayan 5 4 3 Marka Kalinisan at Kahalagahan Ang kalinisan ay nakikita sa kabuuan ng sanaysay gayundin ang nilalaman ay makabuluhan Ang nilalaman ng sanaysay ay makabuluhan at malinis Walang kabuluhan at kalinisang nakikita sa sanaysay Istilo Ang ginamit na istilo ay malinaw, masining at nababasa Ang istilo sa pagsulat ay malinaw at nababasa Walang kalinawan at pagkamalikhain Tema Ang kabuuan ng sanaysay ay may kaisahan at kaugnayan tungkol sa accidentals Karamihan sa nilalaman ay kaugnay sa tema Walang kaisahan at kaugnayan sa tema ang nilalaman
10 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Karagdagang Gawain Awitin ang mga awit na may tonong pataas, tonong pababa at pantay na tono. Twinkle Twin - kle twin - kle lit - tle star how - I won - der what you are up a bove the world so high Like a dia - mond in the sky Twin - kle twin - kle lit - tle star how - I won - der what you are
11 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Susi sa Pagwawasto 7. Ang sharp ay isang simbolo na naghuhudyat na ang tono ng isang note - 6 ay dapat tugtugin o awitin ng half step pataas. 9. Ang flat ay simbolong nagpapahiwatig na ibaba ng kalahating hakbang - 8 ang tugtugin o half step pababa. awit. - 10. Ang natural ay isang simbolo na ibalik sa orihinal na tono ang pag GAWAIN 1 GAWAIN 2 Adhika 1. Kong 2. Kanyang 3. TAYAHIN 1. 2. 3. 4. 5.
12 CO_Q2_Music5_Modyul 3 SUBUKIN B Flat / Ti Flat 1. F Sharp / Fa Sharp 2. D Flat / Re Flat 3. C Sharp / Do Sharp 4. A Sharp / La Sharp 5. E Flat / Mi Flat 6. BALIKAN Clef, Notes - Time Signature, Rests, G Clef, F 1. TUKLASIN Accidentals 1. Mahalaga ang accidentals dahil ito ang nabibigay kulay sa musika 2.
13 CO_Q2_Music5_Modyul 3 Sanggunian K to 12 Curriculum Guide. MELCs describes the use of the symbols: sharp (# ), flat (♭), and natural (♮). MU5ME-IIb-3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEdBLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]