The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Filipino3_K4_Mod11_Pagbibigay-ng-Paksa-FINAL-EDITED

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Jaybee Lucero, 2023-10-18 10:50:23

Filipino3_K4_Mod11_Pagbibigay-ng-Paksa-FINAL-EDITED

Filipino3_K4_Mod11_Pagbibigay-ng-Paksa-FINAL-EDITED

CO_Q3_Filipino3_Module8 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 11: Pagbibigay ng Paksa


Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 11:Pagbibigay ng Paksa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – RegionXI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jade Irish B. Dabalos, Maryam Dessa H. Buat, Irene G. Quizon,Niño F. Dabalos Editor: Maryam Dessa H. Buat Tagasuri: Alejandre Fernandez, Jr., Maricel M. Jamero, Eduardo Eroy Tagawasto: Ramon Gravino Jr., Myleen C. Robiños, Juvy A. Comaingking Tagaguhit at Tagalapat: Niño F. Dabalos, Jestoni A. Amores Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones


3 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 11: Pagbibigay ng Paksa


Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagpapahayag ng Ideya o Damdamin sa Napakinggang Teksto. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang magaaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.


hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino at Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapahayag ng Ideya o Damdamin sa Napakinggang Teksto. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.


1 CO_Q3_Filipino3_Module8 Alamin Kumusta ka? Maligayang pagdating sa modyul na ito. Alam mo ba na mayroong mahalagang kaisipang nais iparating ang bawat kuwento o sanaysay na nababasa o napakikinggan mo? Ito ang diwang nais iparating ng may-akda sa iyo. Paano ito matutukoy? Sa modyul na ito, matututuhan mong tukuyin ang paksa ng kuwento o sanaysay na iyong napakinggan. May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: • naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan (F3PN-IIIe-7).


2 CO_Q3_Filipino3_Module8 Sa iyong pagsisimula, tukuyin ang paksa ng bawat seleksyon.Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sa Araw ng Barangay Aplaya, may mga palamuti sa kalsada. May parada na pinangungunahan ng banda. Masasarap ang handang mga pagkain at napakaraming bisita. Napakasaya ng Araw ng Barangay Aplaya. A. Maingay ang parada ng banda. B. Makukulay ang palamuti sa kalsada. C. Napakasaya ng Araw ng Barangay Aplaya. D. Masasarap ang handang pagkain para sa mga bisita. 2. May magandang hardin sa harap ng bahaykubo ni Lola Lorena. Punung-puno ito ng mga bulaklak tulad ng rosas, gumamela, santan, at marami pang iba. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak. A. Maraming santan sa hardin. B. Kubo ang bahay ni Lola Lorena. C. Maganda ang hardin ni Lola Lorena. D. Pula ang rosas sa hardin ni Lola Lorena. Subukin


3 CO_Q3_Filipino3_Module8 3. Maraming tutubi ang makikita sa damuhan. May maliliit at may malalaki. Maliksing lumilipad ang mga tutubi. Ang iba naman ay nakadapo sa damo. A. Maliliit ang mga tutubi. B. Malalaki ang mga tutubi. C. Maraming tutubi sa damuhan. D. Hindi napapagod sa paglipad ang mga tutubi. 4. Maraming nagpapatahi ng damit kay Nanay Minda. Kilala siya bilang isang magaling na mananahi. Magaganda ang gawa niyang mga damit. A. Mabait na ina si Nanay Minda. B. Magaling na mananahi si Nanay Minda. C. May malaking patahian si Nanay Minda. D. Malaki ang kita ni Nanay Minda sa pananahi. 5. Naglilinis ng silid-aralan ang magkaibigang Rene at Victor nang may nakita silang pera sa sahig. Ibinigay nila ang pera sa kanilang guro. Pinuri ng guro ang kanilang katapatan. A. Masipag ang magkaibigan. B. Matapat ang magkaibigan. C. Matalas ang mata ng magkaibigan. D. May maraming pera ang magkaibigan.


4 CO_Q3_Filipino3_Module8 Aralin 1 Pagbibigay ng Paksa Balikan Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Maagang namitas ng mga hinog na kamatis si Dolores. Dinala niya ang mga ito sa palengke upang ibenta. Ibinili niya ng bigas ang perang kinita niya. 1. Bakit binenta ni Dolores ang kamatis? 2. Tungkol saan ang kuwento? Habang pauwi si Dolores, nakita niya ang kapitbahay na si Aling Divina na nahihirapan sa pagbubuhat ng kaniyang mga pinamili sa palengke. Malugod niyang tinulungan sa pagbubuhat si Aling Divina. 3. Paano tinulungan ni Dolores si Aling Divina? 4. Ano ang mensaheng nais ipaabot ng kuwento? Tuwang-tuwa si Aling Divina sa ipinakitang kabutihan ni Dolores. Nagpasalamat siya kay Dolores at pinuri ang kabaitan nito. 5. Anong kaisipan ang ipinapahayag ng kuwento?


5 CO_Q3_Filipino3_Module8 Tuklasin Ipabasa sa iyong nanay o nakakatandang kapatid ang kuwento. Pakinggan mo itong mabuti. Gulayan sa Bakuran (1)Malawak ang gulayan sa likod-bahay ng mag-anak na Ramos. Punong-puno ito ng iba’t ibang gulay. May kamatis, okra, talong, sitaw, upo, ampalaya, at marami pang iba. (2)Malulusog ang mga ito. Berdeng-berde ang mga dahon at malalaki ang mga bunga. (3)Dahil bakasyon, tulong-tulong ang mag-anak sa pagaalaga ng mga tanim nilang gulay. Nagdidilig ng mga pananim si Abel. Binubungkal ni Tatay Kaloy ang lupa. Namimitas naman ng mga gulay sina Nanay Perla at Helena.


6 CO_Q3_Filipino3_Module8 (4)Kaya naman, masustansya ang pagkain nila araw-araw. Masaya nilang pinagsasaluhan ang sariwang gulay mula sa kanilang gulayan. (5)Kumikita rin sila dahil sa kanilang gulayan. Maraming kapitbahay ang bumibili ng kanilang mga gulay. Sagutin mo ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang sagot. 1. Ano ang makikita sa likod-bahay ng mag-anak na Ramos? 2. Paano nila inaalagaan ang kanilang mga tanim na gulay? 3. Paano nakatulong sa mag-anak ang gulayan? 4. Ano ang katangian na ipinapakita ng mag-anak? 5. Anong kaisipan ang ipinapahayag ng kuwento?


7 CO_Q3_Filipino3_Module8 Suriin Ang mga kuwento o sanaysay na iyong naririnig ay may kaisipan o ideyang nais ibahagi ng may-akda sa iyo. Ito ay makatutulong upang lubos mong maunawaan ang teksto. Ang paksa ay ang kabuoang kaisipan ng isang kuwento o sanaysay. Ito ay matatagpuan sa unahan, gitna, o hulihang bahagi ng seleksyon. Basahin ang sumusunod na mga halimbawa: Mahalaga ang gulay sa ating kalusugan. Ito ay nagpapalakas ng ating katawan. Naiiwasan din ang iba’t ibang sakit dahil sa palagiang pagkain ng gulay. Paksa: Mahalaga ang pagkain ng gulay sa kalusugan. Abalang-abala ang lahatisang umaga. Nagluto ng maraming pagkain sina nanay at ate. Nagsabit naman ng mga lobo at mga banderitas sina tatay at kuya. Tulong-tulong ang mag-anak sa paghahanda para sa kaarawan ni Nilo. Paksa: Tulong-tulong ang mag-anak sa paghahanda para sa kaarawan ni Nilo.


8 CO_Q3_Filipino3_Module8 Ipabasang muli sa iyong nanay o nakakatandang kapatid ang bawat talata ng kuwentong Gulayan sa Bakuran.Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa kwaderno. 1. Alin sa mga paksa ang angkop sa unang talata? A. Ang likod-bahay ng mag-anak ay malawak. B. Matataba ang mga tanim na gulay ng mag-anak. C. Ang gulayan ng mag-anak ay punong-puno ng pananim. 2. Anong paksa ang angkop sa ikalawang talata? A. Ang mga gulay ay malulusog. B. Ang mga bungaay maliliit pa. C. Ang mga gulay ay kailangan nang anihin. 3. Alin ang paksa ng ikatlong talata? A. Masaya ang bakasyon ng mag-anak. B. Masipag sina Tatay Kaloy at Nanay Perla. C. Nagtutulungan ang mag-anak sa pag-aalaga ng mga tanim nilang gulay. 4. Ano ang paksa ng ikaapat na talata? A. Masarap ang pagkain ng mag-anak. B. Mamahalin ang pagkain ng mag-anak. C. Masustansya ang pagkain ng mag-anak. 5. Patunayan na ang angkop na paksa sa ikalimang talata ay “Kumikita ang mag-anak sa pagbebenta ng gulay”. A. Tumutulong sa pagtatanim ang mga kapitbahay. B. Maraming kapitbahay ang bumibili ng kanila ng gulay. C. Maraming kapitbahay ang humihingi sa kanila ng gulay.


9 CO_Q3_Filipino3_Module8 Pakinggan mo ang kuwento habang binabasa ito ng iyong nanay o nakakatandang kapatid. Ibigay mo ang paksa ng bawat talata. Awit ni Sara (1)Magaling umawit si Sara. Siya ay may mala-anghel na boses. Bawat pag-awit niya ay punong-puno ng damdamin. (2)Madalas siyang sumali sa mga paligsahan sa pag-awit. Kapag siya na ang umaawit ang lahat ay nagpapalkpakan.Lagi naman siyang nanalo sa mga paligsahang sinasalihan niya. (3)Malaking tulong sa pamilya ang bawat panalo ni Sara. Ang perang natatanggap niya bilang premyo ay ibinibigay niya sa kaniyang mga magulang. Ibinibili nila ito ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ng pamilya. Pagyamanin Talata 1 Paksa: Talata 2 Paksa: Talata 3 Paksa:


10 CO_Q3_Filipino3_Module8 (4)Bida si Sara sa kaniyang paaralan. Tuwing may programa, isa si Sara sa mga nagbibigay ng intermisyon. Hangang-hanga sa kaniya ang kaniyang mga guro at kamag-aral. (5)Inspirasyon si Sara ng mga kabataan. Ang kaniyang galing sa pag-awit ay ibinabagi niya sa lahat.Maraming kabataan ang nais siyang tularan. Talata 4 Paksa: Talata 5 Paksa:


11 CO_Q3_Filipino3_Module8 Isaisip Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang ideya. Ang _____________ay ang kabuuang _________ ng isang kuwento o sanaysay. Ito ay maaaring matagpuan sa _______, ________, o ________ bahagi ng seleksyon.


12 CO_Q3_Filipino3_Module8 Isagawa Pakinggan mo ang sanaysay habang binabasa ito ng iyong nanay o nakakatandang kapatid. Ibigay mo ang paksa ng bawat talata. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Ang Kalabaw (1)Para sa mga magsasaka, ang kalabaw ang pinakamahalagang hayop. Ito ang katuwang nila sa pag-aaro ng lupa at iba pang gawain sa bukid. (2)Malakas ang kalabaw. Ito ang naghahakot ng mga ani sa bukid gamit ang balsa. Sinaksakyan din ito ng mga tao. (3)Isang maamong hayop ang kalabaw. Tahimik lamang itong nagtratrabaho, kumakain, at nagpapahinga. (4)Madaling alagaan ang kalabaw. Kailangan lang itong pakainin ng damo, painumin ng tubig, at paliguan. (5)Napagkukunan din ng gatas ang kalabaw. Masarap at masustansiya ang gatas nito.Ginagawa rin itong keso.


13 CO_Q3_Filipino3_Module8 Talata Paksa 1 2 3 4 5


14 CO_Q3_Filipino3_Module8 Tayahin Pakinggan mo ang kuwento habang binabasa ito ng iyong nanay o nakakatandang kapatid. Ibigay mo ang paksa ng bawat talata. Isulat ang sagot sa papel. Saranggola Napakaganda ng panahon. Hindi mainit ang sikat ng araw at katamtaman ang ihip ng hangin. Magandang araw ito para sa pagpapalipad ng saranggola. Paksa: _____________________________________________ Tulong-tulong na gumawa ng saranggola ang magkakaibigang Monmon, Carlito, Nitoy, at Teresa. Si Teresa at Nitoy ang gumugupit ng makukulay na papel. Si Monmon ang nagdiddikit nito sa patpat at si Carlito ang naglalagay ng tali. Paksa: _____________________________________________ Magaganda ng mga saranggola nila. Gawa ito sa patpat ng kawayan at makukulay na papel. Nilagyan nila ito ng iba’t ibang desinyo. Paksa: _____________________________________________


15 CO_Q3_Filipino3_Module8 Masaya silang nagpalipad ng saranggola. Tuwang-tuwa sila habang pinagmamasdan ang kanilang mga saranggola. Matayog ang lipad ng mga ito. Paksa: _____________________________________________ Nakangiting umuwi ang magkakaibigan kinahapunan. Bitbit nila ang kanilang mga saranggola. Nakakaaliw magpalipad ng saranggola kasama angmga kaibigan. Paksa: _____________________________________________


16 CO_Q3_Filipino3_Module8 Pakinggan ang sanaysay habang binabasa ito ng iyong nanay o nakakatandang kapatid. Ibigay mo ang paksa nito. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Ang pagbabasa ay isang magandang gawain. Nakakatulong ito upang madagdagan ang ating kaalaman at mapapatalas nito ang ating isipan. Paksa: ____________________________________________________ Karagdagang Gawain


17 CO_Q3_Filipino3_Module8 Susi sa Pagwawasto


18 CO_Q3_Filipino3_Module8 Sanggunian Department of Education. 2016. Batang Pinoy Ako Patnubay Ng Guro. Department of Education. 2016. K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino (Baitang 1-10).


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version