The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by ferliza.reyes003, 2021-05-31 06:04:44

1-FIL3-Q3-W7

1-FIL3-Q3-W7

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 3

QUARTER 3 – WEEK 7

Page 1 of 28

PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL

Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

PAANO 1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
GAMITIN
ANG MODYUL? Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
Page 2 of 28
2 iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.

3 Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.

Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

4 at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
tagapagdaloy ng aralin.

5 Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

6 Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka

7 o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020

PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL

Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.

Page 3 of 28 PAANO PO KAYO 1 Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
MAKATUTULONG gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
SA PAGGABAY handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
SA MAG-AARAL
SA PAGGAMIT Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
NG MODYUL?
2 pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

3 Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong

4 naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
pagsasanay.

5 Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
noong nakaraang lingo.

Image: freepik.com Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-

6 aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

7 Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

LFT/pasaycid2020

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:___________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3

Ikatlong Markahan / Ikapitong Linggo / Unang Araw

A. Layunin: Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto ayon sa
kronolohikal na pagkakasunod -sunod.

B.1 Panimula:
A. Ang ating aralin

• Ang pagsasalaysay muli ng teksto ay ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

• Nisasalaysay muli ang teksto kung naunawaan ang
binabasa.

ATING TUKLASIN: Basahin ang teksto sa ibaba.
Una pumunta kami noong Sabado sa Lucban ,Quezon

upang dumalo ng pista.Pangalawa ay malugod kaming
tinanggap ng aming kamag-anak. Sumunod naman ang
mga tao ay nagsigawan sapagkat nagsimula na ang
parada. Pagkatapos natuwa ako nang yayain ako ng isang
dayuhan na lumipat sa kanyang puwesto.At sa wakas
natapos din ang buong maghapon at babalikan ko talaga
ang pistang aking dinaluhan.

Tanong;
1. Ano ang unang nangyari sa teksto?
2. Ano ang Pangalawang at sumunod na nangyari sa tekso?
3. Ano ang huling nangyari sa teksto?
4. Paano mo naisalaysay muli ang teksto?
• Ang pagsasalaysay muli ng teksto ay ayon sa
kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
• Ginagamitan ito ng salitang una, pangalawa at
pagkatapos.

Page 4 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.
A. MGA GAWAIN

Gawain 1 Teksto Isalaysay muli

Panuto: Ipabasa ang teksto sa kasama sa bahay at isalaysay muli ang
teksto ayon sa pagkaksunod-sunod ng mga pangyayari

Una, abalang-abala ang mga tao kina Norma.
Pangalawa, maraming nanay at tatay ang tulong-tulong na
gumagawa ang tawag dito ay bayanihan. Sumunod,
itinanong ni Rommel kung magkano ang ibinabayad sa mga
gumagawa. Ipinaliwanag ni Tita Merly ang ibig sabihin ng
bayanihan. Pagkatapos, tuwang-tuwa si Rommel sa nakita
niyang lumalakad na bahay.

Unang nangyari:__________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Ikalawang nangyari:_____________________________________
___________________________________________
____________________________________________

Huling nangyari:___________________________________________
___________________________________________
____________________________________________

Gawain 2:

Panuto: Ipabasa muli ang teksto sa kasama sa bahay at isalaysay sa
pamamagitan ng pagsulat ng 1, 2, 3, 4, at 5 ayon sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari.

Isang umaga,sabi ni Aing Inahin sa kanyang mga inakay,”
Mga anak huwag na huwag kayong pupunta sa palayan. Dito
lang kayo maglaro sa paligid ng bahay.

Pagkaalis ni Aling Inahin,lumapit si bunsong Inakay sa
kanyang kuya at sinabi” Kuya punta tayo sa palayan, wala
naman si nanay”. Hindi maaari magagalit si nanay”. Tumakbo si
bunsong Inakay at pumunta sa palayan. Pagdating niya roon
natuwa siya at maraming nakitang pagkain.

Biglang dinaklot siya ng isang Lawin .Sumigaw ng saklolo
narinig ng kanyang nanay.Wala nang nagawa si Aling Inahin.
Umuwi siya ng luhaan.

Page 5 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________________
__________Pagkaalis ni Aling Inahin,lumapit si bunsong Inakay sa

kanyang kuya.
__________ Tumakbo si bunsong Inakay at pumunta sa palayan.
__________ Isang umaga,sabi ni Aing Inahin sa kanyang mga inakay,

“Mga anak huwag na huwag kayong pupunta sa palayan.
__________Wala nang nagawa si Aling Inahin.Umuwi siya ng luhaan.
__________Biglang dinaklot siya ng isang Lawin.

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga Gawain, duktungan muna ang
mga pahayag na ito:
Natutuhan ko matapos ang mga aralin na ang Pagsasalaysay na muli
ng teksto, una ay __________________________________________.
Pangalawa , gumagamit ng mga panandang
_________________________________________________________________.
Panghuli, dapat na _______________________________________________.

DAPAT NATING TANDAAN
• Ang pagsasalaysay muli ng teksto ay ayon sa pagakakasunud-
sunod ng mga pangyayari.
• Nisasalaysay muli ang teksto kung naunawaan ang binabasa.
Ang pagsasalaysay muli ng teksto ay ayon sa kronolohikal na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
• Ginagamitan ito ng salitang una, pangalawa at pagkatapos.

TARA ITULOY NATIN…

Page 6 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:___________

Pangalan ng Guro:______________________________________
Pagtataya

Panuto: Ipabasa ang teksto sa kasama sa bahay, pakinggan at isalaysay
muli ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

Tuwing umaga ay pumupunta ang dalawang bibe sa lawa
para uminom at maligo. Palibhasa taga roon si Mang Paaka kaya
lagi silang dinadaldal nito. Habang sila ay naliligo, walang
ginawa si Mang Palaka kundi ang mag-ainis ang dalawang
magkaibigan kaya umisip ng paraan kung paano mapatigil si
Mang Palaka.

Kinabukasan pagbalik ng ng dalawa sa lawa, kinausap nila
si Mang Palaka. Inimbitahan nila sa kabilang bundok dahil Pista
sa kanila. Ngunit may isang kundisyon na wag niyang ibubukas
ang kanyang bibig habang naglalakbay sila. Pumyag naman sa
kondisyon nila at sumama si Mang Palaka. Lumipad ang
dalawang bibe kasama si Mang Palaka at nakakagat sa sanga.
Dumungaw sa ibaba si Mang Palaka at tuwang tuwa sa nakita
niya. Hindi nakapigil nagsalita siya at nahulog sa ibaba.

Pangyayari 1.________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pangyayri 2. ________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pangyayari 3.________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Panyayari 4.__________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Page 7 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:___________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Hunling Pangyayari.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

References for Further Enhancement:
Bagong Filipino3 Ako: Sanayang aklat sa Filipino 3

Inihanda ni:
MELANIE F. BELARMINO
Padre Zamora Elementary School

Page 8 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D2

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:___________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3

Ikatlong Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin: Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na
nananatili ang kahulugan

B.1 Panimula:

A. Ang ating aralin

• Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang
magkaibang salita.

• Sa pag-uugnay ng dalawang magkaibang salita, ang
mga ito ay nagiging isang salita at lumikha ng bagong
kahulugan.

• May pakakataong ang tambalang salita ay sinusulat
nang buo o nilalagyan ng gitling sa pagitan ng
dalawang salita

ATING TUKLASIN: Basahin ng ang mga tambalang salita at
kahulugan nito.

Tambalang salita kahulugan

matanglawin matalas ang mata
silid-aralan espasyo para sa pag-aaral
bahay-kubo bahay na gawa sa kawayan
hanapbuhay trabaho
kapitbhay katabi o kalapit na bahay
takdang -aralin gwain sa bahay
patay-gutom gutom na gutom
dalagang-bukid dalaga na naninirahan sa

bukid

tikip-silim maggagabi na

Ang mga salitang ito ay tinatawag nating tambalang
salita. Ang tamabalang salita ay dalawang salita na pinagsama
ngunit iisa ang kahulugan nito.

Page 9 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D2

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.

A. MGA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Piliin ang kaugnay na salita sa Hanay B upang mabuo ang
tambalang salita. Isulat ng letra ng tamang sagot sa guhit.

Hanay A Hanay B
_________1. silid- A. bahay
_________2. hanap B. gutom
_________3. bahay C. araw
_________4. bungang- D. buhay
_________5. patay- E. tulugan
_________6. Kapit F. Silim
_________7. dalagang G. kubo
_________8. Takip H. bukid

Gawain 2:

Panuto: Isulat ang nawawalang salita upang mabauo ang tambalang
salita.
Halimbawa: akyat+ bahay = akyat-bahay

1. bahay + ________________ =_____________________

2. kapit +_________________ =_____________________

3. kambal + ________________= _____________________

4. __________-+ silim = ___________-__________

5. __________+ buhay = _____________________

6. __________+hari = _____________________

7. __________ + araw = _____________________

8. Silid+_____________ = _____________________

Page 10 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D2

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________________
PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na Gawain ay dugtungan muna ang mga
pahayag na ito nang mabuo ang diwa:
Natutuhan ko matapos ang mga gawain na ang tambalang- salita
ay ______________________________________________________________.
Sa pagsasama ng dalawang salita _______________________________
_________________________________________________________________.
May pagkakataong ito ay sinusulat nang _________________________
o nilalagyan ng __________________________________________________.
DAPAT NATING TANDAAN

• Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salita.
• Sa pagsasama ng dalawang magkaibang salita, ang
• mga ito ay nagiging isang salita at lumikha ng bagong kahulugan.
• May pakakataong ang tambalang salita ay sinusulat

nang buo o nilalagyan ng gitling sa pagitan ng dalawang salita
TARA ITULOY NATIN…

Page 11 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D2

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:___________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 3
Panuto: Tukuyin ang tambalang salita na ginamit sa bawat pangungusap
at bilugan ang tamang sagot.

1. Takipsilim nang si-ya ay dumating.
2. Masarap magtampisaw sa dagat .
3. Punong-puno ng palamuti ang silid-aralan.
4. Masama ang takaw-tingin.
5. Agaw-buhay siya nang dinala sa ospital.
6. May bahaghari na lumalabas pagkatapos ng ulan.
7. Madaling -araw na dumating si tatay mula sa trabaho
8. Pumasok na ang magkapatid sa silid -tulugan.

Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga tambalang salita na nasa
kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang at gamitin sa
pangungusap

A. pulot na mula sa pukyutan E. silid ng mag-aaral

B. silid na maraming aklat F. bumalik sa baya

C. pinuno ng paaralan G. mag uumaga na

D. kalapit na bahay H. bahay na nag aalaga ng mga bata

________1. punong-guro
________2. silid-aklatan
________3. balikbayan
________4. pulut-pukyutan
_________5. silid-aralan

Page 12 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D2

Pangalan:_____________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________________

_________6. Madaling araw
_________7. Kapitbahay
_________8. Bahay ampunan

1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________
4.____________________________________________________________________
5.____________________________________________________________________
6. ___________________________________________________________________
7.____________________________________________________________________
8. ___________________________________________________________________

References for Further Enhancement:
Bagong Filipino3 Ako: Sanayang aklat sa Filipino 3

Inihanda ni:
MELANIE F. BELARMINO
Padre Zamora Elementary School

Page 13 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D3

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3

Ikatlong Markahan / Ikapitong Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin : Nagsasama ang mga katinig, patinig, upang makabuo ng
salitang klaster. (Hal. blusa, gripo, plato) F3KP-lllh-j11

B. 1. Panimula

ANG ARALIN MO NGAYON

Magandang Araw! Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa
salitang may klaster o kambal -katinig. Ano nga ba ito? Paano
ba malalaman kung ang salita ay may klaster? Ang mga
salitang klaster ay magkakabit na dalawang magkaibang
katinig sa tabi ng isang patinig na makikita sa isang pantig ng
salita . (Hal. blusa, gripo, plato) Ang kambal-katinig o klaster ay
maari ring makita sa unahan, gitna o hulihan.

B. ATING TUKLASIN: BASAHIN AT PAG-ARALAN
Ano-anong magagandang lugar sa Pilipinas ang iyong napasyalan

na? Halika at sumama sa ating paglalakbay.
Tayo nang sumakay sa makulay na dyip na rito lang sa Pilipinas

matatagpuan! Puntahan natin ang ilang magagandang lugar sa bansa
na tiyak nating kagigiliwan. Una, nating bisitahin ang Puerto Prinsesa
Underground River sa Palawan.Itinanghal itong isa sa pinakabagong
magagandang tanawin sa buong mundo kaya hindi ito nawawalan ng
turistang lokal at dayuhan. Kilalanin din natin ang Benguet na
tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas. Sa probinsyang ito makikita ang
pinakamaraming taniman ng strawberries sa bansa kaya tinawag din
itong Strawberry Country. Bukod sa strawberries may iba’t ibang uri ng
prutas at gulay na nakatanim din dito.

Ano-anong salitang may klaster o kambal katinig ang nabasa ninyo
sa talata.

Ito ang mga salitang may klaster hango sa talata:
dyip, prinsesa, underground, strawberries, prutas

Page 14 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D3

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN:
C. MGA GAWAIN

Gawain 1: SUBUKIN MO

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa hanay A. Isulat ang
mga salitang may klaster sa hanay B.

Hanay A Hanay B
Pangungusap Mga klaster
1. Nagreklamo ang mga
drayber dahil sa tigil pasada

2. May mga troso na inanod sa
ilog

3. Malala na ang krisis sa bansa
dahil sa pandemya

4. Naiwan sila sa plasa dahil
wala nang nagbabyaheng
pampublikong sasakyan.

5. Nawawala ang tsinelas ni
Nathan sa kalsada.

6. Umupo ang reyna sa
kanyang trono

7. Natunaw ang bloke ng yelo

8. Malakas ang agos ng tubig
sa gripo

Page 15 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D3
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________
Gawain 2: BASAHIN AT HANAPIN
Panuto: Hanapin at isulat ang mga salitang may klaster/kambal katinig
na makikita sa loob ng sumusunod na kahon.

PLORERAKTOR
L A K T AW B O L A I
AB R I D O R L U I S
TAPRI T OI UBE
O A L A MB R D R A M
ESKWEL A T IRA
PL A N E T A K E Y K

1. ____________________
2. ____________________
3. ____________________
4. ____________________
5. ____________________
6. ____________________
7. ____________________
8. ____________________

Page 16 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D3

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
PAGLALAHAT
DAPAT NATING TANDAAN
TARA ITULOY NATIN…

Ang mga salitang klaster ay magkakabit na dalawang
magkaibang katinig sa tabi ng isang patinig na makikita sa isang
pantig ng salita . Ang kambal katinig o klaster ay maari rin
makita sa unahan, gitna o hulihan.

Gawawin 3 BASAHIN AT PILIIN
Panuto: Piliin at bilugan ang salita na may kambal katinig /klaster sa

bawat bilang.

1. B. Nobyembre
A. Mayo D. Hulyo
C. Enero
B. dragon
2. D. apoy
A. halimaw
C. pakpak B. damit
D. dyaket
3.
B. kalsada
A. sapatos D. grasa
C. pantalon
4. B. Baguio
C. Palawan
A. mekaniko
C. sasakyan B. brokoli
5. D. kangkong

A. Klima B. nars
C. Tagaytay D. aparato
6.
B. mesa
A. gulay D. refrigerator
C. kalabasa
7.

A. doctor
C. pasyente
8.

A. bahay
C. upuan

Page 17 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D3
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

Pagtataya: Buuin ang mga salitang klaster at piliin ang tamang sagot
sa ibaba.

1. so - __ __ __ 6. blu - __ __

2. ra - __ __ __ 7. __ __ __ - bo

3. __ __ __ - yola 8. __ __ __ - brero
4. __ __ __s – tik
5. tsoko- __ __ __ __ bre glo pla
late dyo

sa sum kra

References for Further Enhancement:
Batang Pinoy Ako 3
Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino 3 K-12
Lrmds.deped.gov.ph

Inihanda ni:
MARIBEL D. ABALOS
Apelo Cruz Elementary School

Page 18 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3

Ikatlong Markahan / Ikapitong Linggo / Ikaapat na Araw

Layunin : Naikokompara ang mga kuwento sa pamamagitan ng
pagtatala ng pagkakatulad at pagkakaiba. F3AL-lllcj-14.4

A. Panimula

ANG ARALIN MO NGAYON:

▪ Pagkokompara ng mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala
ng pagkakatulad at pagkakaiba nito.

ALAMIN NATIN!

Ang bawat Kuwento ay may kaniya-kaniyang katangian, maaring sa
ating pandinig ay magkatulad pero walang kuwento ang maaring
magkapareho. Bawat kuwento ay may pagkakaiba kahit pa ito ay
may pagkakahawig o pagkakapareho. Ang kuwento ay masasabing
magkakatulad kung pareho ang aral na ipinahahayag ng mga ito.
Magkatulad ang katangian ng mga tauhan. May hawig ang
pangyayari sa kuwento

Halimbawa:

Ang Kuwento ng “Ang Leon at ang Daga” at “Ang Matsing at ang
Buwaya”.

Kung nabasa mo na ang kuwentong nabanggit ay maari mo na silang
ikompara. Maari nating ipakita ang kanilang pagkakaiba at
pagkakatulad sa pamamagitan ng isang talaan.

Pagkakatulad Pagkakaiba
1. Parehong kuwento tungkol sa 1. Ang Leon at ang daga ay

mga hayop o pabula kwentong nagsimula sa
2. Parehong tungkol sa pagiging magkaaway na

pagkakaibigan. naging magkaibigan.
3. Nagpapakita ng pagiging 2. Ang Matsing at ang Buwaya

Mapamaraan ay dating magkaibigan na
4. Nagpapakita ng pagiging naging magkaaway.

matalino.

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN:

Page 19 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

B. MGA GAWAIN

Gawain 1: SUBUKIN MO

Panuto: Basahin at pag-aralan ng mga kuwentong nakalahad sa
ibaba. Ikompara ang katangian ng bawat kuwento. Ilagay ang letra ng
iyong sagot sa tamang kahon.

Alamat ng Saging Ang Alamat ng Makahiya

Noong unang panahon, isang Noong unang panahon sa

magandang babae ang isang malayong nayon ay may

nakakilalang isang kakaibang naninirahang isang

lalaki. Ito ay isang engkanto, napakagandang dalaga na ang

Masarap mangusap ang lalaki pangalan ay Maria. Bagamat

at maraming kuwento. Nabiyag siya ay maganda , natatakot

ang babae sa engkanto. siyang makita ng iba. Ubod siya

Ipinagtapat naman ng engkanto ng pagkamahiyain na ayaw

na buhat siya sa lupain ng mga niyang lumabas ng kanilang

pangarap, at hindi sila maaring bahay. Sa sobrang inis ng

magkasama. Gayunman, kanyang ina ay isinumpa siya

umiibig ang babae sa lalaki. na sana ay maglaho na siya

dahil wala naman siyang silbi.

Isang araw, nagpaalam ang

binata. Sinabi niyang iyon na Isang araw may dumating na

ang huling pagkikita nila. Nang mga kalalakihan sa kanilang

magpaalam ang engkanto, hindi kubo,pakay na kunin si Maria

nakatiis ang babae. Ayaw upang gawing alipin. Sa takot ay

niyang paalisin ang lalaki. nagtago siya. At simula noon ay

Mahigpit niyang hinawakan ang hindi na siya Nakita. Lumipas ang

kamay ng lalaki, para huwag isang lingo at may napansin ang

itong makaalis. Pero nawala ang kaniyang ina na kakaibang

lalaki , at sa matinding tumubong halaman. Maganda

pagkabigla ng babae, naiwan ito at may kakaibang bulaklak

sa kanya ang kamay nito. ngunit ng ito ay kanyang

Nahintakutan ang babae. Dali- hawakan biglang tumiklop ang

dali niyang binaun ang kamay mga dahoon nito. Meron din

sa isang bahagi ng bakuran. itong mga maliliit na tinik tanda

ng pananggalang at

Kinaumagahan, dinalaw niya pantanggol sa sarili nito. Dahil

ang pook na pinagbaunan ng dito ay tinawag itong Maria ng

kamay. Napansin niyang isang makahiya bilang pag-alala kay

halaman ang tumubo. Maria.

Makaraan ang ilang buwan,

tumaas ang puno na may

malalapad na dahon.

Page 20 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

Nagkabunga rin ito na may
bulaklak na itsurang daliri ng
kamay. Ito ang tinatawag na
saging ngayon.

A. Kuwentong alamat
B. Tungkol sa magandang babae

C. Tungkol sa anak na mahiyain
D. Tungkol sa lalaki

E. Takot sa mga tao
F. Isinumpa ng sariling ina
G. Naglaho at naging halaman

H. Tinawag itong saging dahil nagkabunga na bulaklak na itsurang
daliri ng kamay.

I. Tinawag itong makahiya dahil sa tumitiklop nitong dahoon kung
hahawakan

Pagkakatulad Pagkakaiba

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

Gawain 2

Panuto: Pagkomparahin ang kuwenton ng “Ang Alamat ng
Makahiya”at Alamat ng Papaya” Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Pagkakatulad Pagkakaiba

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

Gawain 3:
Panuto: Pag-aralan ang dalawang kuwento at pagkomparahin ito batay sa
kanilang pagkaktulad at pagkakaiba. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Page 21 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

Bakit Maalat ang Dagat Ang Palalong Kabayo

Noong unang panahon May isang manganga-
ay matamlay ang mga tao lakal na naglalakbay upang
dahil walang lasa ang kanilang ibenta ang kanyang mga
mga pagkain. Isang araw ay paninda sakay ng isang
nabalitaan nil ana mayroong kabayo. Ngunit ang kanyang
asin sa kabilang isla ngunit hindi kabayo ay ubod ng
nila alam kung paano kapilyuhan. Ayaw nitong
makakapunta doon. magbuhat ng mabibigat.
Minsan maraming dalang asin
Naisip ng mag-asawa na ang kanyang amo ngunit
humingi ng tulong sa kaibigan pagdaan nila sa ilog ay
nilang higante. Ginawa nilang sadyang dumapa ang kabayo
tilang ang kanyang binri upang kung kayat nabasa lahat ang
sila ay makatawid sa dagat. kanyang mga asin at natunaw
Naging maligaya ang mga tao. ito. Lihim na natuwa ang
Bagamat marami na silang asin kabayo dahil gumaan ang
ay hindi sila tumigil sa pagkuha kanyang daladala. Sumunod
nito na dala ng mangangalakal ay
mga kutson at unan bagamat
Isang araw habang medyo magaan ay naiinis pa
tumatawid ang mga tao rin ang kabayo kayat pagdaan
pabalik dala ang kanilang sa ilog sadyang dumapa ulit ito
pinamiling asin ay biglang hanggang sa mabasa ang
ginalaw ng higante ang lahat ng daladala nila. Lihim na
kanyang paa dahil sa kagat ng natuwa ang mangangalakal
langgam. Nakalimutan niya dahil batid niyang bumigat
ang mga tao at nahulog silang ang mga ito. Siguro naman ay
lahat sa dagat kasama ang magtatanda na ang pilyong
kanilang asin. Simula noon kabayo.
naging maalat na ang tubig

a. Ito ay isang alamat f. Masama ang gumawa ng masama

sa kapwa

b. Ito ay isang kuwentong bayan g. Masama ang maghangad ng higit

TANDAAN: sa kailangan

ktcdeau...uwTTThuueunannMnggngtkkaoo,oka.lpol iirttlaioonitngsosgaaisykliaasaoasyamnmagnpargpiabioltyrauaokbitnaiaggngnaskaagahnbdmiagaapgygaoaaantntkeuahi.wt.NNaeaanntuggtotinoagbnraamgltaleanlkuyasniysgmaoknoaktapaanunngpiglakuhanloibggtaamsynaotge a

Pagtataya: Panuto: Basahin at unawain ang bawat kuwento.
Pagkoparahin ang kuwento Pagkatapos basahin isulat ang iyong

Page 22 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

sagot sa kahon.

Alamat ng Pinya Alamat ng Unang Unggoy

Si Pinang ay nakatira sa isang Araw-araw ay nauubos ang
kubo kasama ang kanyang nanay. bunga ng tanim na mais ni Mang
Ubod ng tamad ang batang si Gaspar. Kaya’t isang araw ay
Pinang. Wala siyang ginagawa. matiyaga siyang nagbantay upang
malaman kung sino ang kumukuha
Isang araw ay dinapuaan ng sa mga bunga nito. Maya maya pa
matinding karamdaman ang ay dumating na ang salarin ngunit
kaniyang ina, kayat napilitan siyang hindi niya ito makilala dahil
gumawa ng mga gawaing bahay. nakabalot ang buo nitong katawan.
Minsan ng magluluto siya lahat ng
bagay ay hinahanap sa kanyang Maliksi kung kumilos ang
ina. Sa sobrang galit ay nasambit ng magnanakaw bago pa man
kanyang ina na sana ay dumami makakilos si Mang Gaspar ay
ang kanyang mata upang mabilis nakalayo na ito at marami na siyang
niyang makita ang kaniyang nakuhang bunga.
hinahanap.
Kinabukasan ay naghanda
Simula noon ay di na nakita si siya ng isang mahabang kahoy
Pinang bagkus may nakita silang bilang pangpana sa di kilalang
tumubong halaman na may magnanakaw. At nang dumating ito
bungang hugis ulo na animoy may ay buong lakas na ihinagis niya ang
maraming mata. kahoy na tumama sa bandang
likuran ng magnanakaw nagging
Pinangalanan nila itong buntot niya ito. Ito ang pinagmulan
pinang na ng lumaon ay naging ng unang unggoy.
pinya. Ito ang alamat ng pinya.

Pagkakaiba Pagkakaiba

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

Inihanda ni:
MARIBEL D. ABALOS

Apelo Cruz Elementary School

Page 23 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3

Ikatlong Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin : Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa
F3PB-111j16

B. 1. Panimula

ANG ARALIN MO NGAYON

Ang buod ng kuwento ay ang pagpapaikli ng nabasang teksto.
Dito ay nailalahad sa sariling pangungusap ang nabasa. Mas
maikli ito kaysa orihinal subalit hindi naman nababawasan ang
diwa o kahulugan ng binasa. Mas madaling maunawaan ang
kaisipang nais bigyang-diin.

B. ATING TUKLASIN: BASAHIN AT PAG-ARALAN
Ang Pilipinas ay hindi lang sagana sa likas na yaman kundi maging

sa kaniyang kultura. Alamin kung ano-ano ito.

Kayamanan sa Pagsulat

May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino. Patunay
nito ang napakaraming tulang nalikha noong unang panahon para sa
iba’t ibang pangyayari sa buhay.

Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang maghatid ng
aradl.itGoinamit din nila ang tula ipasa ang mga sinaunang kaalaman.

Hindi lang bastang isinulat ang mga tulang ito. Madalas ay
binibigkas o kaya inaawit ito sa pagtitipon. Maaaring tuwing
kapistahan, kasalan, o kaya sa pag-alaala sa namatay binibigkas ang
mga tula.

Sa malakas ng pagbigkas o pag-awit ng mga tula rin naipapasa
ng mga matatanda ang kanilang paniniwala at kultura sa mga
nakakabata.

Ang mga tula at awitin na binibigkas natin hanggang sa kasa-
lukuyan ay patunay na kung ano ang ating pinagmulan, at mga
paniniwala.

Page 24 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D5
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________

Ito ay buhay na paalala ng ating sariling kultura na dapat nating
pagyamanin at ikarangal.

• Ano ang pinag-uusapan sa teksto?
• Saan-saan ginagamit ang tula
• Paano nasasalin sa mga bata ang kultura sa pamamagitan ng

tula?
• Paano mo ikinararangal ang pagiging mayaman ng Pilipinas?
• Ano ang pangunahing ideya ng teksto?
• Ano-ano ang mahalagang impormasyon na nakuha sa teksto?
NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN:
C. MGA GAWAIN
Gawain 1: SUBUKIN MO
Panuto: Balikan ang kuwentong Kayamanan sa Pagsulat at gawan ng

buod o lagom ang tekstong binasa.

1. Ang __________ ay tungkol sa __________.
2. Ayon sa teksto ang , _________
3. Bukod sa isinusulat ___________
4. Tuwing __________, __________ binibigkas ang mga tula
5. Naipapasa ng mga matatanda ang kanilang __________,

__________ sa mga kabataan.
6. Ang tula at awitin patuloy na binibigkas hanggang sa

kasalukuyan upang malala ang ating __________, __________.
7. Buhay na nagpaalala ng ating __________
8. At dapat nating __________, __________.

Page 25 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________
Gawain 2: Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang
natutulog na Leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating
sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma
ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang
isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka
sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko
lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin “ang sabi ng
daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na
pagmamakaawa. “Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag
mong gambalain ang pagtulog ko” sabi ng leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan
mo” sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga
sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa
puno. Lumipat siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon
na nahuli sa loob ng lambatna ginawang bitag ng nangangasosa
kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na
nakatali sa lambat. Agad naming naputo ang lubid at bumagsak ang
lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at
tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

Utang ko sa iyo ang aking buhay. “laking pasasalamat na sabi ng
leon sa kaibigang daga.

1. Ano ang ginawa ng daga habang natutulog ang leon?
2. Bakit natakot at nagmamakaawa ang daga sa leon?
3. Ano ang sinabi ng daga para hindi siya nito kainin?
4. Bakit nagpasalamat ang daga sa leon?
5. Saan namasyal ang daga at ano ang kanyang nakita?
6. Ano ang ginawa ng daga para matulungan ang kangyang

kaibigan?
7. Ano ang mahalagang sinabi ng leon sa kaibigang daga?
8. Ano ang aral na napulot mo sa kuwento?

Page 26 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D5
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________
PAGLALAHAT
DAPAT NATING TANDAAN

Ang buod ng isang teksto ay pinaikling nilalaman ng isang
kuwento o babasahin. Ito ay maaating tatlo o higit pang
pangungusap.

Gawawin 3 Basahin at unawain
Panuto: Isulat sa puwang ang mga salitang bubuo sa pangungusap.

Ang Paborito Kong Lugar
Ang Lugar ng Baguio ang paborito kong lugar. Malamig
ang panahon kaya halos lahat ng mga taong naglalakad ay
nakasuot ng makakapal na damit. May kani-kanilang
pinupuntahan ang mga tao tulad ng mga parke at palaruan.
Mawiwili ang sinuman dahil magaganda at makukulay na mga
bulaklak. Iba-iba ang mga halamang nakatanim. Pababa at
pataas ang mga daan. Pulos berdeng-berde ang mga damo.
Para sa akin, kakaiba ang Lungsod ng Baguio.

1. Ang Baguio ay ______________ kong lugar puntahan.

2. _________ ang panahon dito kaya lahat ng tao at nakasuot
ng 3. __________ na damit.

4. May mga parte ng lugar na paboritong __________ ng mga tao.

5. Nawiwili ang karamihan dahil sa __________ tanawin.

6. Sari’t saring _________ ang nakatanim.

7. Matirik ang mga __________ at kulay berde ang mga damo.

8. Para sa akin kakaiba ang lugar ng Baguio.

Page 27 of 28

Module Code: Pasay-F3-Q3-W7-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:___________
Pangalan ng Guro:______________________________
Pagtataya:

Panuto: Pagsunod-sunurin ang Kuwento ni Pagong at Kuneho. Lagyan ng
bilang 1-7 sa tapat ng numero, para sa ikawalong puntos isulat ang aral na
napulot sa kuwentong binasa.

References for Further Enhancement:

Batang Pinoy Ako 3 / Patnubay ng guro
Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino 3 K-12
Kuwentong Pambata

Inihanda ni:
MARIBEL D. ABALOS
Apelo Cruz Elementary School

Page 28 of 28


Click to View FlipBook Version