The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

ap3_q3_mod2_Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Princess Alfonso, 2023-10-18 06:20:06

ap3_q3_mod2_Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar

ap3_q3_mod2_Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 2: Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar 3


Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Lorevie N. Argallon Editor: Adelma D. Cudera, Kimberly E. Dueñas, Pamela L. Edisane Tagasuri: Rheex G. Castor, Arcel W. Gacasan, Alemer O. Veloso Tagaguhit: Jules Bernard G. Guinita Tagalapat: Patrick John P. Peresores, Alpha Amor G. Manglicmot Tagapamahala: Allan G. Farnazo Nelson C. Lopez Mary Jeanne B. Aldeguer Cheerylyn A. Cometa Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe Danilo R. Dohinog Leonora Liza D. Dacillo Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Ayuste


3 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 2: Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar


ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 Alamin Masayang pagdating sa Modyul 2 ng Ikatlong Markahan sa Araling Panlipunan! Sa araling ito, tatalakayin ang kaugnayan ng pisikal na kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao rito. Saan matatagpuan ang iyong lalawigan? Ano-ano ang produkto rito? Kung natatandaan mo ang pisikal na katangian ng iyong lalawigan, maiisip mong may kaugnayan ito sa iyong kaugalian. Sa araling ito, inaasahang: 1. naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon (AP3PKR- IIIa-2); 2. natutukoy ang mga halimbawa ng epekto ng lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng kinabibilangang lalawigan at rehiyon; at 3. naisusulat kung paano umangat ang rehiyon dahil sa lokasyon at klima sa sariling lalawigan at rehiyon.


2 Subukin Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel. 1. Anong lalawigan ang mainam taniman ng niyog at ang mga baybaying-dagat ay sagana sa isda? A. Davao del Sur C. Davao Occidental B. Davao del Norte D. Davao Oriental 2. Alin sa mga produkto ang sagana sa Davao Oriental na iniluluwas sa ibang rehiyon at karatig-bansa ng Pilipinas? A. abaka C. isda B. hayop D. niyog 3. Saan kadalasang nagtatrabaho ang mga taong nakatira sa mga lungsod? A. sakahan C. opisina o pabrika B. minahan D. palaisdaan 4. Alin dito ang di-metal na yamang mineral na namimina sa Davao de Oro at ginagamit sa paggawa ng bahay at gusali? A. ginto C. hikaw at pulseras B. marmol at ginto D. marmol, semento, at apog 5. Anong probinsiya ng Davao Region ang nangunguna sa plantasyon ng saging at pinatatakbo ng malalaking kompanya? A. Davao del Sur C. Davao del Norte B. Davao Oriental D. Davao Occidental


3 Aralin 2 Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar Saan matatagpuan ang inyong lalawigan? Ano ang mga produktong tanyag sa inyong lalawigan? Paano nakaiimpluwensiya ang lokasyon at klima sa uri ng pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon? Balikan Sa nakaraang aralin ay napag-aralan natin na ang kultura ay kabuoan ng lahat ng paraan o sistema ng pamumuhay. Ito ay may dalawang aspekto: ang materyal at di-materyal na kultura. Kilalanin kung saang aspekto ng kultura sila nabibilang. Isulat sa iyong papel kung ito ay materyal o di-materyal na kultura. 1. kaugalian 2. paniniwala at pananampalataya 3. pamahalaan 4. kasuotan 5. pagkain


4 Tuklasin Basahin at pag-aralan mo. Anong uri ng panahon mayroon sa iyong lalawigan? Davao Region Legend: K-Kanluran/West S-Silangan/East T-Timog/South H-Hilaga/Timog Mga Tala para sa Guro Ang modyul na ito ay may sumusunod na gawain na iyong masusubukan upang malalaman kung ano ang higit pang pangangailangan, at mapagyaman ang kakayahan ng mag-aaral. Isa rin itong inspirasyon upang maisakatuparan ang hangarin na mabigyan nang sapat at wastong kaalaman ang mga mag-aaral. HS TS HK TK


5 Makikita sa mapa ang lokasyon ng Rehiyong XI o Davao Region. Tulad ng ibang rehiyon, ito ay binubuo ng malalawak na kapatagan, mga burol, at kabundukan. Sagana rin ito sa mga yamang tubig, mga ilog, talon, at mga baybaying dagat. Nasa silangan ng rehiyon ang karagatang Pasipiko. Sa kanluran, naroroon ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ang mga lalawigan ng Davao Region ay may bahaging mabundok, kapatagan, lambak at bulkan. May mahabang baybaying dagat at dumadaloy din dito ang Ilog Agusan. Ang katangiang heyograpikal na ito ay nakakaimpluwensiya sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan. May pagkakaiba ang mga trabaho sa mga lugar na urban gaya ng Davao City at iba pang mga lungsod sa rehiyon. Maraming naglalakihang negosyo na nakapagbibigay ng trabaho tulad ng pagiging sales person, call center agent, utility worker, o office staff sa mga opisina, kumpanya, at pabrika. Dahil sa biyaya ng kalikasan at yaman ng lupain sa rehiyon, maganda ang paglago ng negosyo sa Davao Region na nakapagbibigay ng maraming kabuhayan para sa mga tao kaya bansag ang bansag dito ay “Land of Promise”. Nakaiimpluwensiya ang klima sa mga produktong ginagawa sa lugar, uri ng pananim, pagkaing iniluluto, pananamit, estruktura ng bahay, at pagpili ng trabaho.


6 Ang trabaho ng karamihan sa kanayunan ay may kinalaman sa agrikultura at pangingisda. Makikita rin sa rehiyon ang mga punong-tanggapang pampamahalaan at pribado pati na ang mga pamantasan. Maraming mga pabrika ang gumagawa ng mga produktong pagkain gamit ang sariling agrikultural na produkto katulad ng mga niyog, durian, saging at iba pa. Davao del Sur Ang Davao del Sur ay matatagpuan sa Davao Region. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Digos City. Ang lalawigan ay hangganan ng Davao City sa hilaga, Davao Occidental sa timog at Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani sa kanluran. Sa silangan ay matatagpuan ang Golpo ng Davao. Ang lugar ay nagsimulang umunlad sa paglago ng ekonomiya hatid ng mga negosyo sa agrikultura sa rehiyon. Ang mga lalawigan nito ay binubuo ng mga baybayin at mga isla, kapatagan at lambak, mga burol at bundok, kabilang ang pinakamataas na bundok ng Pilipinas Photo Credits: Lorevie N. Argallon ang Bundok Apo.


7 Ang panahon ay karaniwang mainit-init. Ang pag-ulan ay pantay na ipinamamahagi sa buong taon. Ang niyog ay ang pangunahing komersiyal na ani sa lalawigan ng Davao del Sur. Ang bigas at mais nito ay higit pa sa sapat para sa populasyon nito. Ang iba pang mga pananim na pinagkikitaan ay ang mga saging, cacao, ramie, kape, prutas, abaka, tubo, mga sari-saring gulay, at palay dahil mahaba ang panahon ng tag-araw rito. Ang Davao City ay isa sa mga pangunahing lungsod ng lalawigan na sentro ng komersiyal ng Timog Mindanao. Ang pangingisda ang karamihang hanapbuhay ng mga taong nakatira malapit sa dagat. May mga fishcages ng isdang bangus na pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga tao. Gumagamit ang mga mangingisda ng bangkang de-motor upang mabilis na makarating sa laot kung saan maraming isdang nahuhuli. Makikita sa lalawigan ang malaking bahagi ng kapatagan na tinaniman ng mga saging, tubo at mangga bukod pa sa mga sariwang gulay na galing sa bulubunduking bahagi ng Digos City. Ang mga magagandang tanawin ng kapatagan sa Digos City ay madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa kanyang malamig na klima at masaganang ani ng mga gulay. Photo Credits: Lorevie N. Argallon


8 Davao del Norte Suriin natin ang lokasyon at klima ng probinsiyang Davao del Norte. Tagum City ang kabisera nito. Ang mga pangungahing produktong agrikultural ay saging, niyog, abaka, ramie, kape at palay. Pangingisda ang isa sa mga ikinabubuhay ng mga nakatira rito. Kapag tag-ulan humihina ang pangingisda. Ngunit, napaghahandaan ng mga mangingisda ang ganitong panahon. Kung hindi sila mangingisda, sila’y nagtatanim o naghahanap ng iba pang mapagkakakitaan. Tanyag sa mga magagandang tanawin ang Island Garden City of Samal kaya dinarayo ito ng mga turista. Maraming mga resort, malilinis na tubig dagat at mapuputing buhangin na nakaaakit sa mga dayuhan na nagbibigay hanapbuhay sa mga tao rito. Davao Oriental Sagana sa isda ang mga baybaying-dagat ng Davao Oriental. Ang labis namang isda ay iniluluwas, hindi lamang sa ibang rehiyon kundi maging sa mga karatig-bansa ng Pilipinas. Photo Credits: Lorevie N. Argallon Photo Credits: Lorevie N. Argallon


9 Kung panahon ng tag-ulan at bagyo ay humihina ang kita ng mga mangingisda sa Davao Oriental. Mapanganib ang dagat dahil sa malalaking alon at malakas na hangin. Ang lalawigang ito ay binansagan na Coconut Capital of the Philippines. Naaangkop naman ang lupain ng Davao Oriental sa pagtatanim ng niyog. Ang kabisera ng Davao Oriental ay ang Mati City. Dinarayo rin ito ng mga turista at mga wind surfer dahil sa malalaking alon at malalakas na hangin. Ang talon ng Aliwagwag Eco Park at Mt. Haguimitan ay ang santuaryo ng mga hayop. Davao de Oro Ang munisipyo ng Nabunturan ang kabisera ng Davao de Oro. Nanggaling dito ang karamihan sa mga produktong namimina na ginagamit ang ginto sa paggawa ng alahas tulad ng hikaw, singsing, pulseras at kuwentas. May mga deposito ring mineral na di-metal tulad ng marmol, semento, at apog na ginagamit ang mga ito sa paggawa ng bahay, gusali, at iba pang gawaing komersiyal at industriyal. Marami ring pumupunta sa Maragusan, Davao de Oro dahil sa tanyag ang lugar na ito bilang isang Summer Capital sa Davao Region. Dito makikita ang kamangha-manghang mga tanawin at mga pasyalan tulad ng talon ng Tagbibinta at iba pang mga cold and hot springs. Davao Occidental Ang pangunahing industriya sa Davao Occidental ay ang aquaculture at agrikultura. Kabilang sa mga gawaing pangPhoto Credits: Lorevie N. Argallon


10 ekonomiya sa lalawigan ang mga pangingisda, pagtatanim ng saging at mga niyog na kung saan ay nakapagluluwas sila sa ilang mga pangunahing lungsod sa loob ng Timog Mindanao, kabilang ang Davao City. Ang kabisera nito ay ang munisipalidad ng Malita. Dito makikita ang isang malaking kompanya ng enerhiya gamit ang mineral na coal. Dinadala ang mininang coal sa Coal-Fired Power Plants na gumagamit ng karbon bilang panggatong. Isang uri ng power plant na gumagamit ng pagkasunog ng karbon upang makabuo ng kuryente. Ang paggamit ng karbon ay nagbibigay kuryente sa mga dating wala nito, na tumutulong upang madagdagan ang kalidad ng buhay at mabawasan ang kahirapan sa mga rehiyon. Ang Davao Occidental ay maburol, halos buong lalawigan ay binubuo ng mga bundok. Ang silangang baybayin ay binubuo ng mga bangin na may mga burol sa bandang likuran. Ang isla ng Sarangani Balut Island sa katimugang bahagi ng Davao Occidental ay dinarayo rin ng mga turista dahil sa magandang tanawin nito. Malaki ang naitulong ng turismo sa pamumuhay ng mga tao rito.


11 Suriin Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ang karaniwang pananim na pinagkakikitaan sa Davao del Sur. 2. Ang mga tao rito ay nagsusuot ng makapal na damit dahil malamig at tanyag ang lugar na ito bilang isang Summer Capital sa Davao Region. 3. Ang lugar na ito ay dinarayo din ng mga turista at mga wind surfer dahil sa malalaking alon at malalakas na hangin. 4. Maganda ang paglago ng negosyo sa lalawigang ito kaya tinatawag itong “Land of Promise.” 5. Dito malimit nagtatrabaho ang mga tao ng urban na lugar gaya ng Davao City. niyog Maragusan Davao de Oro Beach ng Davao Oriental Davao Region opisina at kumpanya


12 Pagyamanin Gawain A Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang kung tama at kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ______1. Isa sa mga halimbawa ng impluwensiya ng klima sa mga tao ay ang mga produktong nagmumula sa iba’t ibang lalawigan. ______2. Ang karaniwang pinagkakikitaan sa Davao del Sur ay ang pagmimina ng ginto. ______3. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. ______4. Ang tirahan, kasuotan, at gawain ng tao ay nakaiimpluwensiya sa pamumuhay. ______5. Ang karamihang trabaho sa mga rural na lugar ay may kinalaman sa agrikultura at palaisdaan.


13 Gawain B Pag-ugnayin ang dalawang kaisipan sa aspektong kultural at pisikal. Isulat ang sagot sa papel. Kultura Klima ng Komunidad 1. Ang mga tao sa Davao de Oro ay kadalasan nagsusuot ng mga makakapal na damit. A. mainit ang lugar na kinaroroonan nito 2. Iilan sa mga bahay sa Davao Oriental at Davao de Oro ay mabababa. B. mas mahaba ang tag- init kaysa sa tag-ulan 3. Maninipis at maluluwag na mga kasuotan ang gamit ng mga taga-Davao del Sur. C. higit na mainam ang klima nito para sa pagtatanim 4. Niyog at palayan ang mga pangunahing pananim sa Davao del Sur. D. malamig ang lugar at nasa itaas ng bundok ito 5. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng ilang mga taga- Davao de Oro. E. dinadaraanan ang lugar ng iba’t ibang bagyo.


14 Isaisip Ang Davao Region ay binubuo ng mga lalawigan katulad ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental at Davao Oriental sa Pilipinas. Sa Davao del Sur makikita ang magagandang tanawin ng kapatagan sa Digos City ay madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa kanyang malamig na klima at masaganang ani ng mga gulay at makikita ang pinakamataas na bundok ng Pilipinas ang Bundok Apo. Ang lokasyon at klima ng probinsiyang Davao del Norte nagiging pangungahing produktong agricultural. Tagum City ang kabisera nito. Tanyag sa mga magagandang tanawin ang Island Garden City of Samal kaya dinarayo ito ng mga turista. Sagana sa isda ang mga baybaying-dagat ng Davao Oriental. Dinarayo rin ito ng mga turista at mga wind surfer dahil sa malalaking alon at malalakas na hangin. Ang munisipyo ng Nabunturan ang kabisera ng Davao de Oro. Nanggaling dito ang karamihan sa mga produktong namimina na ginagamit ang ginto. Marami ring pumupunta sa Maragusan, Davao de Oro dahil sa tanyag ang lugar na ito bilang isang Summer Capital sa Davao Region. Ang pangunahing industriya sa Davao Occidental ay ang aquaculture at agrikultura. Ang kabisera nito ay ang munisipalidad ng Malita. Dito makikita ang isang malaking kompanya ng enerhiya gamit ang mineral na coal.


15 Isagawa Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. A B 1. Ito ay isang kumpanya na makikita sa munisipalidad ng Malita upang makabuo ng kuryente para sa rehiyon. A. agrikultura 2. Ito ay kabisera ng Davao Occidental. B. Island Garden City of Samal 3. Ang pangunahing industriya sa Davao Occidental ay ang aquaculture at ________. C. Maragusan, Davao de Oro 4. Ito ay isang isla na tanyag sa Davao del Norte dahil sa maraming mga resort, malilinis na tubig dagat at mapuputing buhangin. D. Coal Power Plant 5. Maraming pumupunta rito dahil sa tanyag ang lugar na ito bilang isang Summer Capital sa Davao Region. E. Malita


16 Tayahin Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel. 1. Sa pamayanang urban, alin dito ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao? A. pabrika B. pagsasaka C. pangingisda D. paglililok ng kahoy 2. Alin dito ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao sa tabing-dagat? A. pagsasaka B. pagmimina C. pagbibenta D. pangingisda 3. Alin dito ang nakaiimpluwensiya sa paghubog ng uri ng pamumuhay sa isang lugar? A. lokasyon at klima B. piyesta ng lalawigan C. mga tao sa lalawigan D. pamumuhay sa lugar 4. Bakit kailangan iangkop ang klase ng pananamit sa klima? A. upang makasunod sa uso B. upang makapagbigay ng kagandahan sa tindig C. upang maging social at sikat sila sa komunidad D. upang mabigyang proteksyon ang sarili laban sa di-mabuting panahon 5. Alin dito ang hindi trabaho ng mga taong nakatira sa lungsod? A. pabrika B. opisina C. opisina, kumpanya D. pagsasaka, pagpapastol


17 Karagdagang Gawain Sumulat ng tatlong lalawigan ng Davao Region na nais mong puntahan na umangat dahil sa lokasyon at klima sa sariling lalawigan at rehiyon.


18 Susi sa Pagwawasto Subukin 1.B 2.A 3.D 4.D 5.C Suriin 1. niyog 2.Maragusan Davao de Oro 3. Baybayin ng avao Oriental D 4. Davao Region 5. opisina at kumpanya Pagyamanin Gawain A 1. 2. 3. 4. 5. Gawain B 1. D 2. E 3. A 4. B 5. C Isagawa 1. D 2. E 3. A 4. B 5. C Tayahin 1.A 2.D 3.A 4.D 5.D


19 Sanggunian Amboni, M. R., Año, A. E., Castor, R. G., Gerodias, M. A., Realino, R. T., Gudmalin, M. E., . . . Dacillo, L. D. (2009) Araling Panlipunan 3 – Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XI. Studio Graphics Corp. Pinagmulan ng mga Imahe: Argallon, Lorevie N.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version