Wika’t LikhaPascual, Gabriel 12 - Marlhes Gng. Glaiza Naniong Marso 13, 2024
Prologo Ang makikita sa portfolio na ito ay ang mga sulating ginawa ni Gabriel Pascual ukol sa mga paksang isinulat niya sa larangan ng Akademikong Pagsusulat. Pinili niya ang titulong “Wika’t Likha” dahil ito ang nagpapakita ng mas magandang paguugnay ng dalawang ito. Ang wika ay ang ginagamit upang makabuo ng likha, at ang likha ay naiintindihan gamit ang wika. Ginamit ito bilang isang paraan ng korelasyon at pagtutugma sa dalawang salitang ito.
Talaan ng Nilalaman Buod...................................... Abstrak................................. Bionote................................. Pg 4 Pg 5 Pg 6
Ikinuwento ni Hesus ang istorya ng dalawang anak. Sa istorya, ang bunsong kapatid ay humingi na ng kanyang ari-arian at hati sa kayamanan ng kanyang tatay. Pagkatapos nito, kinuha niya ang kanyang mga gamit bago siya lumabas ng bahay at umalis patunggo sa mga malalayong lupain. Hindi ito tumagal, at nang magastos at mauubos na niya ang kanyang mga kayamanan, kumuha na lamang siya ng trabaho sa pagpapakain ng mga baboy. Hindi na niya ito hiniling, at mas tinangka na lamang na bumalik sa kaniyang ama at magtrabaho bilang isang katulong. Ngunit, sa kanyang pagkabalik, ang kanyang tatay ay agad na trinato siya na isang anak, kahit sa nangyari noong nakaraan. Pinaghanda ito ng piyesta at ipinagdiriwang. Nang malaman ito ng panganay, nairita siya dahil siya lamang ang hindi sumuway sa kaniyang ama, pero ang bunso ay ipinagdiriwang. Pero, ang kanyang ama ay sinabi sa kanya: “Ipinagdiriwang natin ang iyong kapatid sapagkat siya’y nawala, pero nahanap narin.” Buod
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong unawain ang epekto ng agam pang-datos (data science) sa trabaho ng mga data scientists sa institusyong pinansyal. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nagtatrabaho lahat sa parehong korporasyong pinansyal at sila ay pawang mga siyentipiko ng datos at sila ay ini-interview gamit abf isang semi-istrukturang format. Ang mga resulta ay nagpapakita na ang agam pang-datos na ginagamit sa maraming aspeto ng institusyong pinansyal. Upanhg tapusin, ang pag-aral ay nagbibigay ng pananaw kung gaano ang epekto ang agam pang-datos sa trabaho ng mga siyentipiko ng datos sa institusyong pinansyal. Abstrak
Si Alexi Roth Luis Cañamo ay isang consistent honor student sa kabuoan ng kanyang high school. Bukod dito, siya ay isang security researcher, web developer at gamer na may portfolio ng puro proyekto. Nakasanayan na niya ang mga coding languages tulad ng HTML, CSS, Javascript, React, Firebase at Nextjs. Ang mga halimbawa ng kanyang mga trabaho ay ang paggawa ng Discord clone at resume builder. Nabigyan rin siya ng 25000 php bilang compensation sa kanyang gawa sa paghahanap ng bug sa isang program. Siya ay isang maambisyoso at nagpapakita ng talento na magaaral na tuloy tuloy paring nagbabago bilang isang tao. Bionote