FILIPINO
YUNIT I: SALAMIN NG KAHAPON, BAKASIN
NATIN
NGAYON
NOVEMBER 2020
30
IPINASA NI: SIDNEY BAGALAY VIII-
ST.BRIDGET
IPINASA KAY: MS. MENCHIE V. ESPINOSA
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1
Panitikan: Kulam, Isang Alamat nga lang Kaya? (Tula)
(Karunungang-bayan:
Bulong, Salawikain, Idyoma, Bugtong)
Wika: Hambingan
Karunungang-Bayan Ang bugtong,
Ang karunungang-bayan ay kadluan palaisipan,
ng mga panitikan salawikain, at
ng ating mga ninuno at nagsislbing kasabihan ay
itinuturing na
libangan nila noong sinaunang
karunungang-bayan
panahon. Mahalagang
pag-aralan ito upang makilala ang dahil nagpapatalas ito
ng isipan upang mag-
ating pinagmulan, kultura,
isip at mabigyang-
kasaysayan ng mga kahulugan ang
katutubong tradisyon at paniniwala mahahalagang
na maaaring maisalin ng pasulat o kaisipang nakapaloob
pasalitang-dila na mapahalagahan dito o ang mga
ang ating panitikan sa katutubong salitang inilalarawan
panahon.
nito.
1. Bulong
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa
orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas. Isang panalangin ang bulong na
binuhay dahil sa pagnanais na makamtan ang
isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na
mga pangyayari sa kapalaran. Ang halimbawa
ng uri ng bulong ay ang bulong na nagtataboy
ng masamang ispiritu, diwa, o maligno.
Mga Halimbawa ng Bulong
1. Tabi, tabi po, ingkong.
2. Makikiraan po.
3. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko.
4. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo.
5. Huwag kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit.
6. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman.
7. Lumakas sana ang ulan, upang mabasa ang lupang tigang.
8. Huwag mananakit nang di ka rin mamilipit.
Bulong ng mga Bagobo ng Mindanao
"Nagnakaw ka ng bigas ko,
Umulwa sana mata mo,
mamaga ang katawan mo,
patayin ka ng mga anito"
Bulong sa Ilocos
"Huwag magalit, kaibigan,
aming pinuputol lamang
ang sa ami’y napagutusan"
Bulong sa Bicol
"Dagang malaki, dagang maliit,
ayto ang ngipin kong sira na't pangit.
sana ay bigyan mo ng kapalit"
2. Mga Salawikain (proverbs)
Ito ay isang patalinhagang pahayag na
ginagamit upang mangaral at akayin ang
kabataan sa mabuting asal. Ito ay patulang
binibigkas na may sukat at tugma na
nagsisilbing batas ng magandang kaugalian at
pagkilos noong panahon ng mga ninuno.
1. Ang tunay na kaibigan, Nakikilala sa kagipitan.
Ang ibig sabihin nito ay ang tunay na kaibigan ay kilala ka
pa rin at hindi ka iiwan kahit ikaw ay na sa matinding
pangangailangan. Handa pa rin siyang magbigay ng tulong
at magmalasakit sa iyo.
2. Kung may tiyaga, may nilaga.
Ang ibig sabihin nito ay kapag ang isang tao ay may
paninindigan at pagsasakripisyo para sa sarili at at pamilya
ay makakatanggap ng maraming biyaya at magandang
kinabukasan.
3. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa
ang malansang isda.
Ang ibig sabihin nito ay ang hindi marunong magpahalaga
sa wikang ginagamit ay isang ugaling hindi kaaya-aya at
parang itinatakwil na rin ang sariling pagkakakilanlan kung
kaya't maihahalintulad ito sa isdang may masangsang na
amoy.
4. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
Sinasabi ng salawikain na ito na ang isang taong
masyadong magastos at magwaldas ng pera sa mga
bagay na hindi naman niya kailangan ay kakamot na lang
ng ulo kinabukasan. Minsan, mas maganda pang sabihan
ka na kuripot kaysa naman wala kang naiipon na pera
kahit singkong duling.
5. Pag di ukol ay hindi bubukol.
Ayon dito kapag hindi nakalaan sayo ang isang bagay o
nakatakda ay hindi ito mangyayari o magaganap. Ibig
sabihin nito na may bagay na mas mabuti na inilaan ng
Panginoon sa bawat isa sa atin.
3. Sawikain/ Idyoma
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag
na ang kahulugan ay hindi komposisyunal —
sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na
kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na
nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at
kaugalian ng isang lugar.
Halimbawa:
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin.
2. Agaw-buhay
Kahulugan: Naghihingalo; malapit nang mamatay; muntik
nang maputulan ng hininga
3. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi.
4. Ahas
Kahulugan: Taksil, traydor
5. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at
pakain ngunit walang suweldo.
6. Alog na ang baba
Kahulugan: Matanda
7. Alsa balutan
Kahulugan: Naglayas
8. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
9. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
10. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
4. Bugtong
Ang bugtong isang pangungusap o tanong na
kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng
mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga
metapora sa pagsasalarawan isang partikular na
bagay o mga bagay na hulaan. Madalas itong
nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng
pagninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o
tanong.
Halimbawa:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
3. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
4. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
5. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
6. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
7. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
8. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
9. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
10. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
5. Palaisipan
Ang palaisipan ay karaniwang nasa anyong
tuluyan bagama’t may ilan ding nasa anyong
patula. Ito’y larong humahamon sa isipan ng
isang tao upang mag-isip ng kasagutan o
solusyon sa suliraning inilahad.
Halimbawa:
1. Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat? Sagot:
Letrang “G”
2. Anong meron sa jeep, tricycle, at bus, pero
wala sa eroplano?
Sagot: Side Mirror
3. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking
buksan ito ay naging pabilog, At nang aking
kainin ito ay naging tatsulok. Ano ito? Sagot:
Pizza
4. Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang
tao. Sagot: Pangalan
5. Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung
ang panganay ay si Uno, sino ang bunso sa
kanila? Sagot: Si Singko
6. Panudyo
Ito ay isang uri ng karunungang-bayan na
ang kayarian ay may sukat at tugma.
Ito ay patulang binibigkas sa panunukso o
pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang
tao.
Halimbawa: Bata batuta Tiririt ng maya
Sumuot sa lungga Tiririt ng ibon,
Ibig mag-asawa
Kinain ng daga Walang ipalamon
Hambingan
1. Lantay
Naglalarawan ito ng isa o payak na pangngalan o
panghalip na walang pinaghahambingan.
Mga Halimbawa
• Ang lapis ay maliit.
• Maganda ang lugar na pinuntahan namin.
• Mataba ang batang si Baste.
• Si Faith ay maputi.
• Ang damit na suot mo ay kupas na.
2. Pahambing
Ginagamit ito sa pagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
A. Pahambing na Magkatulad
Ipinakikilala nito ang magkapantay na katangian
ng dalawang bagay na pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, ga-,
sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
Mga Halimbawa ng Pahambing sa Pangungusap
(Magkatulad)
• Magsinglaki kayo ni Joan.
• Kasinggwapo mo si Enrique Gil.
• Magkasingbait kayo ni Remy.
• Singlakas ni Jeric si Samson.
• Magsinghaba ang lapis ko at lapis mo.
B. Pahambing na Di-Magkatulad
Ipinakikilala nito ang di-magkapantay o di-patas na
paghahambing. Maaari itong nagbibigay ng diwa ng
pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat.
• Pahambing na Palamang – Ito ay may katangiang
nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamitan ito
ng mga salitang higit, mas, di-hamak, at lalo.
Tinutulungan din ito ng mga salitang kaysa o kaysa
kay.
• Pahambing na Pasahol – Ito ay may katangiang
kulang o kapos sa pinaghahambingan. Tinutulungan
ito ng mga salitang di-gaano, di-tulad ni o di-tulad
ng, di-gasino, di-masyado, at marami pang iba.
Mga Halimbawa ng Pahambing na Pang-uri sa
Pangungusap (Di-Magkatulad)
• Si Laura ay di-hamak na mas maganda kaysa kay
Leonora.
• Ang buhok ni Charity ay mas mahaba kaysa kay
Angel.
• Ang baon mo ay higit na masarap kaysa akin.
• Di-gaanong mataas ang gusali sa Laguna kaysa
Makati.
• Ang bahay namin ay di-masyadong makulay
kumpara sa bahay ni Sandy.
3. Pasukdol
May katangian itong namumukod o
nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
Maaari itong negatibo o positibo. Masidhi ang
paglalarawan dito kaya maaaring gumagamit ng
mga salitang sobra, ubod, pinaka, tunay, talaga,
saksakan, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Mga Halimbawa ng Pasukdol sa Pangungusap
• Sobrang talino ng batang ito.
• Ang laki-laki ng pakwan na binili ko.
• Si Terry ang pinakamalakas kumain sa amin.
• Ubod ng ganda ang dalagang si Ara.
• Pinakamabait sa magkakapatid si Baste.
KULAM, ISANG ALAMAT NGA LANG KAYA?
(Tula)
Ni Szhayne Ansay-Villaverde
Gising pa rin ang alamat Sugat na di maghilom
Di maalis sa aking Dalumat Sakit na walang dahilan, tila
Nananalaytay sa bawat ugat alimuom
Kaalinsabay ng umaapoy na Dumadalirot sa kaloob-looban
lagnat. Di kayang gamutin ng insenso’t
kamangyan.
Nakamamanghang isipin
Kahit di mo siya kapiling Manalig ka lang sa kaniya
Bulong na dala ng hangin Upang bulong ay mawala
Ihahatid na kagampin. At mabaliktad ang sumpa
Isang bulong… sakit mawawala.
Bawat titig, tusok, at buga
Mahika negrang talaga Di ka man sumampalataya
Animo’y kurot sa nasa Kulam, bulong, barang, at
Balis na dumadalirot sa katawang namamatanda
aba. Kasama sa matandang
paniniwala
Buhok o damit ng biktima Isang alamat nga lang kaya?
Ikakabit sa voodong manika
Tutusukin at oorasyunan
Daglit sa aking maranasan.
ARALIN 2
Panitikan:
Ang Alamat ng Ilog Talolong
Alamat,
Banghay, Elemento ng Banghay
Wika: Pang-abay
Alamat
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdaig.
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa
pinagmulan ng isang bagay, tao o pook. Ang alamat ay legend
sa wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na ang
ibig sabihin ay "upang mabasa".
Banghay
Ang banghay o plot ay isa sa mahahalagang elemento ng
alamat o anumang akda. Tumutukoy ito sa pagkakabalangkas
ng mga pangyayari. Marapat itong maging maayos at
magkakaugnay upang maging makahulugan, kapani-paniwala,
at kawili-wili sa mga mambabasa.
Element ng Banghay
a. Ang Simula
Nilalaman ng bahaging ito ang pagpapakilala sa mga tauhan
at paglalarawan sa
tagpuan.
Layunin ng simula na pukawin ang interes ng mga
mambabasa na ipagpatuloy
ang pagbabasa ng akda.
b. Pataas na Kasiglahan
Ipinakikita sa bahaging ito ng akda ang unti-unting pagtaas
ng emosyon ng
mga tauhan dahil sa mga suliranin at tunggaliang
namamagitan sa mga tauhan.
c. Tunggalian
Naglalarawan ito sa mga salungatan ng pangunahing
tauhan sa iba pang tauhan
sa akda.
Apat na Uri ng Tunggalian
1. Laban sa Sarili
2. Laban sa Kapwa
3. Laban sa Kalikasan
4. Laban sa Lipunan
d. Kasukdaulan
Inilalarawan at ipinakikita ang pinakamakulay at
pinakamaemosyong eksena sa
buhay ng pangunahing tauhan.
e. Kakalasan
Ipinakikita sa bahaging ito ang pababang aksyon o
pangyayari sa isang akda na
nagpapahiwatig ng nalalapit na katapusan.
f. Wakas
Naglalahad ito ng kahinatnan ng pangunahing tauhan
sa isang akda at maging
ang kalutasan sa mga suliraning kinaharap ng mga
tauhan.
Nag-iiwan ito ng mahalagang kaisipan o aral sa mga
mambabasa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Alamat
Ang mga kuwento gaya ng alamat, pabula, parabula
at iba pa ay salamin ng buhay maging totoo man ito o
kathang-isip lamang. Ang mga aral na taglay nito ay
nagsisilbing inspirasyon at nagpapakita ng larawan
ng tunay na takbo ng lipunan, naghahatid ng
pagbabago sa isipan ng mga mambabasa, at
pumupukaw sa kanilang mga imahinasyon.
May mga pamamaran na dapat isagawa sa pagsulat
ng alamat. Narito ang ilang mga hakbang na dapat
isaalang-alang.
A. Bago Sumulat
1. Mag-isip ng magiging paksa ng alamat na iyong
isusulat. Mahalaga ring
pagtuunan ng pansin ang babasa ng akda—ito ba ay
para sa kabataan,
matatanda, o di kaya ay pareho.
2. Lumikha ng mga tauhang gaganap o kikilos sa
kuwento.
3. Mag-isip ng magiging suliranin at ang kalutasan
nito.
4. Magmasid sa kapaligiran upang maayos na
maiugnay ang mga katangian ng
mga tauhan sa tunay na buhay.
5. Likumin ang mga datos na makatutulong sa
paglikha ng akda, kasama na rito
ang pananaliksik upang maayos na mailahad ang
kabuuan ng kuwento.
6. Mag-isip ng estilo kung sa paanong paraan ito
maisusulat at paano sisimulan
nang maging kawili-wili sa mga mambabasa.
7. Isipin ang mga elemento ng kuwento mula sa
tauhan, tagpuan, banghay, tema, damdamin,
pananaw ng tauhan, at simbolo.
B. Sa Pagsusulat
1. Kapag nalikom na ang lahat ng datos ay magsimula
nang isulat ang alamat.
2. Kailangang magkaroon ng mapanghikayat na
simula.
3. Simulan ang alamat sa pagpapakilala ng mga
tauhan, tagpuan, at saglit na
kasiglahan.
4. Sa gitna ng alamat ay makikita ang kasukdulan,
ang pagtutunggali ng tauhan
sa kaniyang suliranin, at kakalasan.
5. Ang wakas ng alamat ay kakikitaan ng paglutas
ng mga pangunahing tauhan
sa kaniyang suliranin. Sa bahaging ito dapat na
malinaw na makita kung nagtagumpay ba ang
pangunahing tauhan o bigo sa kaniyang layunin sa
buhay.
C. Pagkatapos Sumulat
1. Basahing muli ang kuwentong nabuo.
2. Irebisa ang mga bahaging kailangan ng
pagbabago.
3. Muling isulat ang alamat pagkatapos na makita
ang mga kailangang baguhin.
4. Pagkatapos, basahing muli ang alamat hanggang
sa makita na wasto na ito.
F. Ugnay-Wika
Pang-abay
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing
sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay kapwa
mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan sa
kapwa pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay
ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi
gayundin sa mga pang-uri at sa kapwa nito pang-abay.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Ito ay
nahahati sa tatlong uri. May tatlong uri ang pang-abay: ang
may pananda, ang walang pananda, at ang nagsasaad ng
dalas.
A. Pamanahong may Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung,
kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, o hanggang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na may Pananda
1. Iba ang panahon noon.
2. Umpisa bukas ay gigising ako ng maaga.
3. Naaalala ko ang aking kamusmusan tuwing umuuwi ako sa
probinsya.
4. Kapag Mayo ay dinadalaw ko ang aking Lola.
5. Kung araw ng Linggo lang ako ay pumupunta sa simbahan.
B. Pamanahong Walang Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina,
ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na walang
Pananda
1. Pupunta kami bukas sa palengke.
2. Kunin mo mamaya ang telang ipinatago ko sa’yo.
3. Sandali na lang at magsisimula na ang palabas.
4. Si Alden ay kanina pa naghihintay kay Maine.
5. Kahapon ka sana umuwi dito.
C. Pamanahong Nagsasaad ng Dalas
Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas.
Halimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw, taon-taon,
tuwing, oras-oras, linggo-linggo, atbp.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamanahon na Nagsasaad ng
Dalas
1. Magsipilyo ka araw-araw.
2. Pumupunta kami sa Japan taun-taon.
3. Oras-oras ay inaabangan mo ang pagbabalik niya.
4. Linggo-linggo kaming naliligo sa talon.
5. Tuwing Byernes ay maaga akong gumigising.
2. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook o lugar na
pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos sa
pandiwa.
Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa,
kina, o kay.
Mga Dapat Tandaan:
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang
pangngalang pambalana o isang panghalip.
Kay o Kina – ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan sa
Pangungusap
1. May nakita akong masarap na ulam sa karinderya.
2. Ang aking bahay ay malapit sa simbahan.
3. Pupunta ako kina Mang Tomas bukas.
4. Pakikuha mo kay Cherry ang aking kaldero.
5. Maraming nais maging iskolar sa UP.
3. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung
paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinapahayag ng pandiwa. Ginagamitan ito ng mga
panandang nang, na, o -ng.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamaraan sa
Pangungusap
1. Sumigaw ako nang malakas.
2. Bakit siya umalis na masaya?
3. Kumain kami nang mabilis.
4. Niyakap ni Nanay ang aming bunso nang mahigpit.
5. Umalis tayo nang maaga.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagbabadya ng di-
katiyakan o pag-aalinlangan sa pagganap sa kilos ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, o parang.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam sa
Pangungusap
1. Marami na marahil ang nakaaalam ng sikreto niya.
2. Siguro ay bukas na tayo umalis.
3. Ang sabi ni Jose ay baka di tayo matuloy dahil
umuulan.
4. Ang batang ito ay parang walang magulang.
5. Umuulan kaya marahil walang namimili sa
palengke.
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito
ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,
syempre.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panang-ayon sa
Pangungusap
1. Oo, sasama ako sa inyo bukas.
2. Tunay ngang tama ang iyong hinala sa kanya.
3. Talaga palang galing sa nakaw ang perang dala
niya.
4. Oo, ibibili kita ng pasalubong pag-uwi ko.
5. Sadya namang walang galang ang batang si Ramon.
6. Pang-abay na Pananggi
Nagsasaad ito ng pagtanggi o pagtutol. Ito ay
ginagamitan ng mga pariralang hindi, di at ayaw.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi sa
Pangungusap
1. Hindi na ako kakain.
2. Ayaw kong sumama sa inyo.
3. Di na ako pupunta sa palaruan bukas.
4. Hindi kita mahal.
5. Ayaw ko na sa ’yo.
7. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
Nagsasaad ang pang-abay na panggaano ng timbang,
bigat, o sukat. Ito ay sumasagot sa tanong na gaano o
magkano.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano sa
Pangungusap
1. Nadagdagan ang timbang ko ng tatlong kilo.
2. Uminom ka ng dalawang basong tubig kada umaga.
3. Bumili ka ng sampung kilong baboy sa palengke.
4. Inabot ako ng kalahating araw sa paghihintay sa iyo.
5. Bibigyan kita ng apat na kilong mangga.
8. Pang-abay na Pamitagan
Ito ay nagsasaad ng paggalang. Ginagamitan ito ng mga
salitang po, opo, o oho.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Pamitagan sa
Pangungusap
1. Saan po kayo pupunta?
2. Opo, maliligo na po ako.
3. Bakit ho kayo bumalik?
4. Ang kinakain ko po ay prutas at gulay.
5. Mahilig po akong sumayaw.
9. Ingklitik o Paningit
Ito ay mga kataga na karaniwang nakikita pagkatapos
ng unang salita sa pangungusap. Ang mga ito ay ang:
ba daw/raw pala man
kasi muna
kaya din/rin tuloy
na pa
naman nga sana
yata lamang/lang
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Ingklitik o Kataga sa
Pangungusap
1. Alam pala ni Brando ang lihim ni Brenda.
2. Bakit daw ngayon ka lang?
3. Saan pa kayo pupunta?
4. Siya naman ang pag-igibin mo ng tubig.
5. Paano kaya kung wala na si Inday?
10. Pang-abay na Kondisyonal
Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na
isinasaad ng pandiwa. Ito ay may pariralang kung,
kapag/pag, o pagka.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kondisyonal sa
Pangungusap
1. Bibilis kang magbasa kung magsasanay ka palagi.
2. Bibilihan kita ng laruan kapag marunong ka ng magsulat
ng pangalan mo.
3. Lalaki kang marunong kung nakikinig ka sa mga sinasabi
ko.
4. Hindi ka magkakasakit kung marunong kang mag-ingat
sa katawan mo.
5. Aalis lang tayo kapag naubos mo na ang kinakain mo.
11. Pang-abay na Kawsatibo
Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng parirala na pinangungunahan
ng dahil sa.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na Kusatibo o Kawsatibo sa
Pangungusap
1. Dahil sa iyo ay pinalabas din ako ng ating guro.
2. Dahil sa hindi ko pagsama sa field trip ay may
proyektong pinagawa sa akin si Ginang Robles.
3. Dahil sa kapalpakan ng pinuno ay nagdusa ang mga
mamamayan.
4. Dahil sa hindi pakikinig ng leksiyon kaya ako bumagsak
sa pagsusulit.
5. Dahil sa kaingayan kaya nagalit si Ginoong Santos sa
akin.
12. Pang-abay na Benepaktibo
Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa
isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng
pandiwa o layunin ng pandiwa. Ginagamitan
ito ng panandang para sa.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na
Benepaktibo sa Pangungusap
1. Magbenta ka ng balot at penoy para sa
matrikula mo.
2. Kumain ng gulay para sa ikalalakas ng
katawan.
3. Si Tatay ay naghahanap-buhay para sa
aming pangkain.
4. Ang mga bayani ay nag-alay ng buhay
para sa bayan.
5. Si Mila ay nanahi ng damit para sa
kanyang anak na si Sam.
13. Pang-abay na Pangkaukulan
Ito ay ginagamitan ng mga salitang tungkol,
hinggil, o ukol.
Mga Halimbawa ng Pang-abay na
Pangkaukulan sa Pangungusap
1. Ang plano ko tungkol sa bayan ay madali
lamang.
2. Hinggil saan ang pagpupulong ngayon?
3. Ang palabas ay tungkol sa buhay ni
Charo.
Ang Alamat ng Ilog Talolong
ni Sharo Ansay-Villaverde
Sa dulong bahagi ng Quezon ay may isang ilog na humahati sa
bahaging silangan at kanluran. Ito ay ang Ilog Talolong.
Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao.
Ito ang higante na may isang mata. Tinatapakan nito at kinakain ang
mga taong kaniyang nakikita sa lugar na iyon. Wala itong patawad.
Waring walang makagagapi sa higanteng ito na nakatira sa bundok.
Marami na siyang napapatay lalo na kapag nagugutom at kapag
nagagalit.
Kumuha si Haring Pisipis sa mga pantas. May mga manggagamot na
nagmungkahing mag-alay sila sa higante ng isang magandang dalaga
upang matigil ito sa pamiminsala. Sa takot ng mga kababaihan na sila
ang ialay ay pinahiran nila ng putik ang kanilang mga mukha at hindi
sila nagsipagligo. Pumangit ang hitsura nila dahil sa mga putik
gayundin nagkaroon ng amoy.
Makalipas ang isang taon, bigong bumalik ang pari. “Wala na pong
natitirang magandang dalaga. Kinain na po sila ng higante.”
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Pansol ay nagpatunay sa
ibinalita ng pari. Tanging si Prinsesa Talolong na lamang ang
natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang dayuhan na nagngangalang Lopez ang nakabalita sa
pananalanta ng higante. Inalok ng binata ang kaniyang tulong. Sabi
niya “Ako ang pupuksa sa higante.”
“Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot
na higante ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking
yaman. Ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong
anak na si Prinsesa Talolong,” may paghangang wika
ng hari.
Bago umalis, ninais ni Lopez na magkausap muna
silang dalawa ng prinsesa. Nabighani si Prinsesa
Talolong sa tapang at tikas ni Lopez. Kaagad na
umibig sila sa isa’t-isa. Namaalam si Lopez sa dalaga
at nangakong babalik upang hilingin ang kaniyang
kamay.
Naglakbay si Lopez. Sa paglalakbay niya patungo sa
bundok ay nakasalubong niya ang hari ng mga pusa.
Hiniling niya rito na tulungan siyang puksain ang
higanteng namiminsala sa kanilang lugar. Hindi
nagdalawang-isip ang pusa at ibinigay ang kaniyang
tulong upang mapuksa ang mapaminsalang higante.
Samantala, sa kaharian ay labis na nalungkot si
Prinsesa Talolong sapagkat alam niyang maaaring
hindi na bumalik ang kaniyang iniibig na si Lopez.
Humingi siya ng tulong sa kaniyang tiyuhin na si Datu
Magsaysay. Nagpasya si Datu Magsaysay na sundan si
Lopez upang pigilan ito sa iba pang binabalak.
Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prisesa
Talolong ang iaalay sa higante kapag nabigo si Lopez
sa labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Magsaysay at ang
kaniyang mga kawal. Kitang-kita nila nang dinumog
ng mga pusa ang mata ng halimaw pagkatapos ay
pinana ni Lopez ang puso ng higante. Upang
mapatunayan na napatay ni Lopez ang higante,
pinutol niya ang ulo nito at ipinadala niya sa
kaniyang mga kawal pabalik sa kaharian. Tuwang-
tuwa rin si Datu Magsaysay sa ipinamalas na
katapangan at kagitingan ni Lopez para sa kaniyang
mga kababayan.
“Nais ko pong ialay ang aking tagumpay sa mahal na Prinsesa
Talolong. Gayundin ay iniaalay ko ito sa aking kaibigang si
Haring Pusa. Hinihiling ko pong magkaroon sana ng
magandang ugnayan ang dalawang kaharian para sa
katahimikan ng ating bayan.” Malugod namang sumang-ayon si
Haring Pisipis.
Agad namang tinupad ng hari ang kaniyang pangako.
Ipinakasal niya ang kaniyang anak na prinsesa kay Lopez. Mula
noon ay masayang nagsama ang mag-asawa. Nang mamatay si
Haring Pisipis, si Lopez ang pumalit sa kaniyang trono. Naging
maunlad ang kanilang lugar. Biniyayaan sila ng limang supling.
Masaya at mapayapa ang kanilang lugar. Ngunit dinapuan ng
isang pambihirang karamdaman si Prinsesa Talolong at ito ang
kaniyang ikinamatay.
Labis na dinamdam ni Haring Lopez ang pagkamatay ng
kaniyang asawa. Araw-araw na tumatangis si Lopez sa puntod
ng kaniyang asawa. Dahil sa labis na kalungkutan, namatay rin
si Haring Lopez. Pumalit sa kaniya bilang hari ang kanilang
panganay na anak.
Inilibing si Haring Lopez sa tabi ng puntod ng kaniyang asawa.
Isang umaga, nagulat na lamang ang mga tao sapagkat
nagkaroon ng bukal ng tubig na nagmumula sa puntod ng mag-
asawa. Inisip at pinaniwalaan nilang ang tubig na iyon ay ang
luhang dumadaloy mula kay Haring Lopez na lubos na
nalungkot sa pagpanaw ng kaniyang kabiyak.
Ang bukal ay hindi tumigil sa pag-agos kung kaya’t
kinailangan nang lagyan ng tulay upang marating ng mga tao
ang lugar na iyon. Naging masaya ang lugar na iyon na
pinagmulan na ng pinagkukunan ng malinis na tubig at
pagkain.
Hanggang kamatayan ay hindi pinabayaan ng mag-asawa ang
kanilang nasasakupan.
Mula noon ay tinawag na Ilog Talolong ang bukal na hinango sa
pangalan ni Prinsesa Talolong.
At bilang pagkilala sa kabayanihang inialay ni Lopez, sa kaniya
ipinangalan ang bayan na iyon.
ARALIN 3
Panitikan:
Si Tuwaang (Epiko ng Bagobo)
(Epiko)
Wika: Hulwarang Sanhi at Bunga
Si Tuwaang
(Epikong Bagobo)
Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang
Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai.
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay
ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe
ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang
bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi
siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng
isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang.
Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyaring masama kay
Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-
agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas.
Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat
upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng
Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa
kaniyang paglalakbay.
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa
tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog.
Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit.
Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na
Langit. Tumakas siya at nagtatago mula
sa Binata ng Pangumanon, isang higante
na may palamuti sa ulo na abot ang mga
ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata
ngunit tinanggihan niya ang alok.
Nagalit ang binata at sinunog ang
bayan ng dalaga. Sinundan niya ang
dalaga saan man siya mapadpad at
sinunog niya ang mga bayan na
pinagtataguan ng dalaga, kaya
naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa
mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga
kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata
ng Pangumanon, balot ng apoy, at
pinagpapatay niya ang mga tao sa
kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng
Pangumanon gamit ang kanilang mga
sandata. Ngunit magkasinlakas silang
dalawa, at nasira ang kanilang mga
sandata. Tinawag ng Binata ng
Pangumanon ang kaniyang patung,
isang mahabang bakal.
Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay
Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni
Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at
namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang
kaniyang patung at ibinato sa binata.
Lumiyab ito at namatay ang binata.
Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang
mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang
laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang
bayan sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa
kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa
Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang
Gungutan na sumama sa paglalakbay niya;
tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy
na sila sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa
kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan,
na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang
Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng
Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal
na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod.
Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin
ang mga kalat sa kasal (o mga hindi
imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot
naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon
(mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal.
Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan
(mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga
nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-
anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal,
hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran.
Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya
kayang bayaran ang dalawang bagay, pero
tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng
isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang
bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong
plawta) sa pangalawang bagay.
Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang
ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng
bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng
panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni
Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon
ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Si
Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga
kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang
natira. Nakipaglaban ang dalawa sa anim na
kalaban hanggang ang natira na lamang ay si
Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata
at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa
mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik
agad sa mundo ang binata at itinapon naman si
Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin
ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang
kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon,
kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay
ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay
kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni
Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting
namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa
Kuaman kung saan siya ay naghari
habambuhay.
Epiko
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay
ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at
pakikidigma.
Ang salitang epiko ay nagmula sa salitang Griyego
na “epos” na nangangahulugang “awit” ngunit
ngayon ay tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Paghihinuha Tanda ng Malawakang Pag-unawa
Ang bawat epiko o iba pang akdang pampanitikan
ay nagtataglay ng pahiwatig na kailangang matukoy
ng mga mag-aaral upang higit na maunawaan ang
binabasa. Mula sa pahiwatig na ito, bubuo ang mga
mag-aaral g hinuha upang higit na mapalawak ang
kanilang nalalaman.
Ang paghihinuha ay isang proseso ng pagtatamo ng
isang lohikal na kongklusyon mula sa
pinagbabatayan o pinaniniwalaang katotohanan. Sa
paghihinuha, pinagsasanib ng mga mambabasa ang
kanilang mga nalalaman at ang mga palatandaang
inilalahad ng manunulat sa kanilang akda.
Ang paghihinuha ay isa ring kakayahan na
maiugnay ang sarili sa tekstong binasa upang
makabuo ng isang mapanuri at matalinong hula.
Mga Hakbang sa Paghihinuha
1. Gamitin ang iyong nalalaman at gumawa
ng hinuha o akala mula rito.
2. Bigyan ng personal na pagpapakahulugan
ang iyong nakikita at nababasa.
3. Gumamit ng palatandaan sa pagbuo ng
yong pansariling kongklusyon.
Hulwarang Sanhi at Bunga
1. Sanhi
Ito ang tawag sa dahilan kung bakit
naganap ang isang pangyayari. Ilan
sa mga hudyat na nagpapahayag ng
sanhi ay ang mga sumusunod:
sapagkat, dahil, dahil sa,
palibhasa, ngunit, at kasi.
Halimbawa:
a. Ang katahimikan ng lugar ay
hindi nagtagal dahil sa
dambuhalang ibon na namamahay
sa kanilang lugar.
b. Hindi magamot-gamot ang sakit
sapagkat ito ay kagagawan ng isang
engkanto.
2. Bunga
Ito ang tawag sa resulta o epekto ng
isang pangyayari. Ilan sa mga hudyat
na nagpapahayag ng bunga ay ang
mga sumusunod: kaya, kaya naman,
kung, kung kaya, epekto, bunga nito,
at tuloy.
Halimbawa:
a. Napakarumi niya at nasa katawan
pa ang amoy ng kasamaan kung kaya
ang ilog ay nalason at nangamatay
ang mga lamang-tubig.
b. Si Baltog ay matanda na upang
makipaglaban pa kaya tinulungan siya
ng kaniyang kaibigang si Handiong.
KALIGIRANG KASAYSAYAN
NG EPIKO
EPIKO
Ito ay nagmula sa sinaunang salitang
Griyego (Greek) na ἐπικός (epikos),
at ἔπος (epos) na nangangahulugang
"salita", "kuwento", o "tula". Ito ay
mga
tulang pasalaysay na naglalarawan sa
buhay at
kabayanihan ng isang tao (partikular
sa isang
lalaki).
URI NG EPIKO
1. Oral Poetry -> mga sinaunang
epiko na nabuo lamang sa
pamamagitan ng pagkukuwento
sa iba't ibang tao.
2. Oral Epic o World Folk Epic
Oral Epic o World Folk Epic
Ito ay mahahabang tula na iniuuri-
uri
(classifying) batay sa haba ng
palabas,
konsepto, interes, at kahalagahan.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
pagsasaulo at pagtanghal nito sa
entablado o
sa harap ng maraming manonood.
2. Epyllion -> mas maiikling epiko
kumpara sa Oral Poetry na nakilala
noong Hellenistic Period dahil
sa taglay nitong tema. Bukod sa
kabayanihan ay ipinapakiita rin dito
ang pag-ibig at romansa
MGA KATANGIAN NG EPIKO
1. Nagsisimula muna sa isang
imbokasyon para kay Muse.
Imbokasyon o panalangin na iniaalay
kay Muse bilang paggalang, si Muse
ay isa sa siyam (9) na anak ni Zeus,
ang pinaka-Diyos ng mga Griyego
2. Sinusundan ng medias res.
Ang Medias Res ay paraan o estilo
ng pagsusulat kung saan ay nauuna
munang isinasalaysay ang gitnang
bahagi ng kuwento bago ang
nakaraan
(flashback).
3. Ang tagpuan ay
napakalawak,
sumasakop sa maraming
bansa, buong mundo man o
kalawakan.
4. Naglalaman din ng mahabang
listahan na tinatawag na epic
catalogue. Ito ay listahan ng mga
bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na
nagpapakilala sa lugar kung saan
ito nagmula o isinulat.
5. Nagsisimula rin
sa paglalahad ng
tema ng epiko.
6. Ang mga pangalan ay sinasamahan
ng paggamit ng mga epithet. Ang
epithet ay mga pang-uri o salitang
naglalarawan na ikinakabit sa
pangalan ng tauhan o sa isang bagay.
Halimbawa: "rosy-fingered dawn“,
"wine-dark sea" at mighty Achilles mula
sa akda ni Homer.
7. Naglalaman din ng
mahahaba at pormal na
mga talumpati o kawikaan
mula sa mga tauhan.
8. Nagpapakita ng
pangingibabaw ng
kapangyarihan ng mga Diyos
o Diyosa sa mga tao.
9. Nagpapakilala ng mga
bayaning tunay na
nagpapahalaga o modelo sa
sibilisasyon.
10. Kadalasan ding
nagpapakita ng pagbaba
ng pagkatao ng isang
bayani mula sa matayog
na katayuan nito.
A.Ano-ano ang sinasalamin
ng mga epikong ito sa bawat
pangkat o rehiyon kung saan
ito nagmula o naisulat?
B. Paano ba makatutulong
sa iyo at sa iyong mga
karehiyon ang pag-aaral
ng epiko?
Pagpapahalaga sa Panitikan
Ang epiko ay isang mahabang tulang
pasalaysay na naglalaman ng
mahahalagang pangyayari sa
pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhang lubos na malakas at
makapangyarihan at kinikilalang
bayani ng lugar. Karaniwang pormal,
makaluma, nagtataglay ng tayutay at
matatalinghagang pananalita ang
ginagamit na salita sa isang epiko.
Masasalamin dito ang mga tradisyon,
kultura, at iba’t ibang pagapapahalaga
ng isang lahi o bansang pinagmulan
nito.
Narito ang ilan sa mga bantog na epiko sa
ating bansa at sa iba’t ibang panig ng
mundo:
Illiad ni Homer – ito ang tinuturing kauna-
unahan at pinakatanyag na panitikang
Griyego. Isinalaysay nito ang kasaysayan ng
pagsakop ng Griyego sa lungsod ng Troy at
tampok ang pangunahing tauhang si Achilles.
Odyssey ni Homer – ang epikong ito ang
itinuturing na karugtong ng Illiad dahil
maraming tauhan sa naunang epiko ang
nabanggit dito. Ito ay tumatalakay sa
mahabang panahon ng pagkawala at muling
pagbalik sa Ithaca ng pangunahing tauhang si
Odysseus matapos magapi ang kaharian ng
Troy.
Metamorphoses ni Ovid – ito ay isang
epikong Griyego na pumapaksa sa paglikha
ng kasaysayan ng mundo.
Beowulf – tinatalakay rito ang buhay at
pakikipagsapalaran ng Beowulf na tumalo sa
tatlong malalaking kalaban: kay Gendel ,
Haring Hrothgar, at sa ina ni Gendel.
Biag ni Lam-ang ni Pedro Bukaneg – isang
epikong Ilokano na isinulat ni Pedro
Bukaneg. Pumapaksa ito sa kagila-gilalas na
buhay at pakikipagsapalaran ni Lam-ang.
Mga Epiko sa Ibang Bansa:
Iliad at Odyssey (Gresya),
Siegried (Alemanya),
Kalevala (Finland),
Ramayana (India),
Kasaysayan ni Rolando (Pransiya),
El Cid (Espanya),
Sundiata (Mali),
Epiko ni Haring Gesar (Tibet)
Epiko Ng
Pilipinas
BIDASARI
Ang Bidasari ay isang epiko-romansang Malay na
nasasalig sa matandang paniniwalang
napatatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay
pinaiingatan sa isang isda, hayop, bato, o
punongkahoy.
Ang Bidasari, bagamat laganap sa Kamorohan ay
hindi katha ng mga Moro. Ito hiram sa Malay. Ang
orihinal na Bidasari ay nasusulat sa wikang Malay.
Itoý isinalin ni Chauncey C. Starkweather mula
Malay patungong Ingles
EPIKO
NG MGA BISAYA
MARAGTAS
Ang Maragtas ay hinggil sa sampung datung Malay
na tumakas sa Kalupitan ng Sultang Makatunaw ng
Borneo at sama-samang nakarating sa Panay. Ang
pulong itoý binili nila sa haring Agta na si Marikudo.
HARAYA
Ang Haraya ay katipunan ng mga tuntunin ng
kabutihang-asal at ng mga salaysay na
panghalimbawa sa mga nasabing tuntunin.
LAGDA
Ang Lagda ay katipunan ng mga salaysay at
pangyayaring nagpapakilala ng mabuting
panunungkulan sa pamahalaan. Kasama sa Lagda ang
balitang Kodigo ni Kalantiyaw.
HARI SA BUKID
Ang Hari sa Bukid ay salaysay na nahihinggil sa
kapangyarihan ng isang haring hindi nakikita
ngunit alam na nakatira sa taluktok ng bundok ng
Kanlaon sa Negros. Ang haring itoý parang
bathala sa pagbibigay-biyaya at pagpaparusa.
HINILAWOD
Ang Hinilawod ay tungkol sa Panay na pinagmula ng
Capiz, Iloilo at Antique.
Ito ay binubuo ng mga pakikipagsapalaran ng tatlong
anak na lalaki ng bathalang babaing si Alunsina at ng
mortal na si Paubari.
Inaawit ito ng isang HINUKOT sa mga kasalan,
anihan, pista, lamayan at iba pang mahahalagang
okasyon.
EPIKO
NG MGA TAGALOG
KUMINTANG
Ang epikong Kumintang ng mga Tagalog,
hanggang ngayon ay hindi pa nabubuong
mapagtahi-tahi ng mga mananaliksik, ngunit
malinaw na nakikita sa mga watakwatak na
awiting pandigmang natatandaan pa ng
matatanda sa Batangas, Laguna,Quezon,
Rizal at Kabite.
Ang Kumintang ay kasaysayan ng mga
pandirigma ng mga kawal nina Datu
Dumangsil ng Taal at Datu Balkusa ng
Tayabas at ng Bai at Talim.
EPIKO
NG BIKOL
IBALON
Ang Ibalon ay isang epikong
nagbibigay ng kamula-mulaan ng
mga unang nanirahan sa mga lupaing
Aslon at Ibalon.
Ang epiko ay inawit daw ng isang
matandang Bikol na isang makatang
manlalakbay (wandering ministrel)
na ang pangalan ay Kadugnung.
EPIKO
NG MGA ILOKO
BIAG NI LAM-ANG
Ang epiko ay tungkol sa natatangi at
kakaibang buhay ni Lam-ang.
EPIKO
NG MGA BAGOBO
TUWAANG
Ang epiko ay tungkol sa mala-diyos na
bayaning si Tuwaang at ang mensaheng
inihatid tungkol sa Dalaga ng Buhong na
Langit .
EPIKO
NG IFUGAO
HUDHUD
Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang
mahabang salaysay na patula na
karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani,
o kapag inaayos ang mga payyo o
dinadamuhan ang mga palayan.
Inaawit din ito kapag may lamay sa patay
at ang yumao ay isang táong tinitingala
dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo.
Kinakanta ang Hudhud sa mga naturang
okasyon bilang paglilibang o pampalipas-
oras lamang. Hindi nakaugnay sa anumang
ritwal ang pagkanta ng Hudhud.
EPIKO
NG BICOL
IBALON
Ang epikong Ibalon ay isang salaysay ng
pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog,
Handiong, at Bantong.
Pinaniniwalaang isang sinauna’t mitolohikong
salaysay ito ng mga Bikolano. Gayunman,
pinagdududahang epikong-bayan ito dahil sa
kasalukuyang napakaikling anyo nitó (240
taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol.
Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose
Castaño, isang paring nadestino sa Bikol.
May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit
walang nakatutuklas hanggang ngayon ng kahit
isang orihinal na saknong nitó sa wika ng mga
Bikolano. May tumatawag ding Ibalon sa
Kabikulan.
EPIKO
NG PALAWAN
KUDAMAN
Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul
o epikong-bayan ng pangkating Palawan
na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald
pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang
1970. Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay
patunay sa napakayamang panitikang-
bayan ng Pilipinas.
Ang bayaning si Kudaman ay datu ng
Kapatagan, may putong na kalapati at
may tahanang naliligid ng liwanag. May
sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang
ibon, si Linggisan, na isang kulay lilang
bakaw, na nagdadalá sa kaniya sa iba’t
ibang lupain at pakikipagsapalaran.
Tuwing aalis siyá, iniiwan niya sa mga
asawa ang isang bulaklak ng balanoy na
kapag nalanta ay sagisag ng kaniyang
kasawian.
MANINIMBIN
Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord
ng etnolohistang Pranses na si Nicole Revel sa
kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang
epikong-bayan kay Masinu. Nalathala ito sa Paris
noong 2000 na may kalakip na mga salin sa Pranses
at Ingles. Isa pang epikong-bayang Palawanon, ang
Kudaman, ang inilathala sa Paris noong 1983 at
muling inilathala noong 1991 nang may salin sa
Filipino ni Edgardo Maranan.
EPIKO
NG KALINGA
ULLALIM
Ang Ullalim ang epikong-bayan ng mga
Kalinga sa Cordillera. Isang bantog na
bayani sa naturang epikong-bayan si
Banna ng Dulawon. Noong 1974,
inilathala nina Francisco Billiet at
Francis H. Lambrecht ang ilan sa
kaniyang mga pakikipagsapalaran.
At marami pang ibang lugar o parte ng
Pilipinas na may epiko gaya ng:
EPIKO Hinilawod
NG PANAY Humadapnon
EPIKO Sandayo
NG
ZAMBOANGA
EPIKO NG Darangan
MARANAO
EPIKO Olaging
NG BUKIDNON
EPIKO Bantugan
NG MINDANAO
Indarapatra at
Sulayman
Agyu
Tudbulul
MITOLOHIYANG PILIPINO
Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan
ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga
nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa
mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang
Kristyanismo. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa
mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang
Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala
ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig.
Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong
grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.
Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga
mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga
panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan.