The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by arviekaterudarbe, 2017-01-01 07:28:02

DAGLI SA FILIPINO

DAGLI SA FILIPINO WEWS

PANGKAT GROUPSHEET

DUGO’T
PAWIS AT

LUHA

TALAAN NG NILALAMAN

Aral issues – 3
Aral Issue #1 4
Aral Issue #2 5
Aral Issue #3 6
Aral Issue #4 7
Aral Issue #5 8
Aral Issue #6 9

MGA DAGLI NI KAYE GABRIELLE CALDA – 10

Ano Ikaw? 11

Taguan ng Feelings 12

GuKo 13

Honors 14

MGA DAGLI NI ARIENNE FRANCES GARCIA – 15

Choreo 16

Bes 17

Exchange Gift 18

Riyalidad 19

MGA DAGLI NI ARVIE KATE UDARBE - 20
1

Maikling Maikling Kwento at Focus 21
20 22
Kimchi 23
MGA dagli NI SERGIO MANALASTAS – 24
Suspended 25
Buhay Tamad 26
Nakalimutang Magbawas 27
Gitarista 28
MGA DAGLI NI JAY ROME RANA – 29
Iniwan 30
Contests 31
Kulang sa Time 32
Snob 33
MGA DAGLI NI JERICO UNGOS – 34
Langhap Sarap 35
Show my Love 36
Private Concert 36
Anim na Kulay, ng aming buhay 37

2

ARAL
Issues

3

Aral issue #1

Pagsusunog ng kilay

Ni: arvie kate udarbe

5:10 na.

Agad akong nag-ayos ng gamit. Lumabas ng
classroom. Nakauwi ng 5:15. Natulog muna bago
kumain. Binuksan ko ang aking bag at nakita ang
listahan ng mga dapat kong aralin. “Alin ang unang
aaralin ko?”, sabi sa sarili. “Ah, Math muna”. Solve
dito. Solve doon. Inabot ako ng alas dose. Dumating
ang araw ng pagsusulit. SOLVE THE SYSTEM OF
LINEAR EQUATIONS USING SUBSTITUTION. “Ano
ito?”, bulong ko. Wala ang mga inaral ko sa sagutang
papel. Hindi ko ito alam. Wala akong naintindihan.

Wala ni isa. “Exchange papers”, sabi ng guro.
Chineckan ang papel ng katabi. 19/20. Hindi ako
nakapagsalita nang nakita ang aking iskor. Itlog.

Walang tama.

Walang wala.

4

ARAL ISSUE #2
‘DI AKO NAG-ARAL

Ni: kaye gabrielle calda

“Bro, nag-aral ka?” tanong ni Bryan sa kaniyang
matalik na kaibigan na si Sam.
“Hindi e…” sagot ni Sam kay Bryan habang latang-
lata ang mukha. “Aral nga tayo, pre” pautos na sinabi
ni Bryan. “Nah.” sagot ni Sam.
Pagkalipas ng pagsusulit.

“Traydor! Nakaperfect ka!” pagalit na sigaw ni
Bryan kay Sam na tila may atraso si Sam sa kaniya.
“Hindi ako nag-aral!” mabilis na sagot ni Sam kay
Bryan.

“Uy! Baliktad papel mo, men!.” Ay.

5

ARAL ISSUE #3
OVERTIME

Ni: arienne frances garcia

Pumasok na aming guro. "The discussion for today
is...." Nagsimula na. Palihim ng kumuha ang kaklase

ko ng kaniyang cellphone at nagwattpad. May iba
naman ay nagdodrowing, nagsusulat, nagbabasa at di

mawawala ang gumagawa ng mga assignment sa
ibang asignatura. Pasimple namang nagi-earphones,
nagchichismisan at naglalaro yung iba pero siyempre

mayroon din ang mga desididong tagapakinig.

4:20 na. Isang oras na ang nakalipas ganoon pa rin ang
ginagawa ng aking mga kaklase at patuloy pa rin sa
paglelecture ang aming guro o sabihin na lang natin
na nakapagsimba ako ng mas maaga ngayon.

6

ARAL ISSUE #4
LABANAN SA ORAS

Ni: jerico ungos

"Pakibilisan po ng kaunti, mahuhuli na po kami" wika
ng isang estudyanteng siguradong mahuhuli.
Pagkarating nila'y sinara na ang gate. Hindi na sila
nadismaya dahil hindi rin naman 'to bago sa kanila.
Pakiramdam nila'y parang nasa presinto sila na
naghihintay sa labas at mabuksan ang rehas.
Pakiramdam nila may nagawa silang masama kaya
ninanais na nilang magbago sa susunod na araw.
"Pakibilisan po ng kaunti, mahuhuli na po kami" ang
wika ng estudyanteng nangakong magbabago sa
susunod na araw. Ngunit, hindi man sila nagbago,
nagbago naman sila ng dakong paroronan. Simula ng
araw na 'yan, natuto na silang magbago ng dadaanan
at iyon ang likod ng paaralan.

7

ARAL ISSUE #5
WALANG PAPEL

NI: JAY ROME RANA

“Penge ¼”, sabi ko sa katabi ko. Wala daw siyang ¼.
Humingi na rin ako sa harap at likod pero wala rin.
Nakita ko ang isa kong kaklase na may ¼. Hindi niya
ako naririnig. Hindi ko malakasan ang boses ko dahil
baka magalit ang guro. Pinasabi ko nalang sa nasa
likod ko. Sa wakas, nabigyan na ako ng ¼. Ngunit

sabi ng guro, “Secretaries, please pass your ¼’s.”
Hindi pa ako nakakapagsulat.

Wala kaming grade sa ikaapat na pagsusulit sa
Science.

ARAL ISSUE #6

8

MAGANDANG SULAT

Ni: Sergio manalastas

Pagdating sa mga reporting, ayaw na ayaw ng mga
bata na sila ang tumayo sa harapan at tanungin ng
mga nakalilitong mga tanong ng mga guro. Tama ba?
Ngunit mayroon kaming alas. Ito ay ang magandang
sulat. Kapag maganda ang sulat, ikaw na agad ang
pasusulatin ng iyong mga visuals. Ayaw pa? Syempre
kapag ikaw na ang nagsulat, hindi ka na kakabahan
ng bonggang bongga. Ito ay mga paraan ng mga
hokage na tulad ko. Kailangan maganda ang sulat mo
para excempted ka na. Pak na pak diba. Kaso lang

wala sa ating magagandang sulat ang huling
halakhak, kung hindi sa ating mga guro. Hindi na
tayo agad makakaporma kung bunutan ang kanilang
napagplanuhan.Wala na tayong ligtas kung sila ang
pipili ng mga reporter. Maswerte ka nalang kung
dalawa kayong nakatayo sa harap pero bihira nalang
iyon. Ganyan talaga ang buhay. Minsan narin akong

pinaasa ng mga iyan. S4D L4YP.

9

MGA
dagli
NI KAYE
GABRIELLE
CALDA

10

Ano Ikaw?

Madalas lang nakaupo sa pinakadulong
upuan sa isang silid-aralan. Walang kausap at tilang
may sariling mundo. Baka dahil nahihiya siya dahil sa
kaniyang sinusuot na lumang uniporme. O ‘di kaya,
ang dating niya na mahirap kung ikukumpara sa
kaniyang mga kaklase.

“You see Nene? She is so kadiri, right?” wika ni
Clarissa habang sinusuklay niya ang kaniyang
magandang buhok. “I know right? She is such a loner.
Nakakalungkot!” sagot ni Janella kay Clarissa.

Nakakainis sila, ‘di ba?
Linapitan ni Clarissa at Janella si Nene nang
pataray. “You are so pobre!” wika ni Clarissa kay Nene
na parang may ginawang masama si Nene sa kaniya.
“Ano ikaw?” sagot ni Nene.
“Estudyante, tao tayo; walang langit o lupa,
kaibigan.” At katahimikan ay sumunod.

11

Taguan ng Feelings

Pabebe.
Lalaki may gusto kay babae. Laapit. Babae, nahiya,
lumayo. Lalaki, napatigil sa yapak. Malungkot.

Torpe.
Kinabukasan, babae lumapit kay lalaki. Lalaki
nagulat, kinabahan. Tumakbo, yinakap na lang si Bes.
Bes, nagulat, nagtaka. Babae, nahiya, umatras, umalis.
Natawa na lang nang palihim.
“Taguan ng feelings, a…” napaisip si Bes.

12

GuKo

“Probation na naman!...” wika ni Robin na tila maiiyak siya
nang grabe habang minamasahe niya ang kayang ulo.
“Okey lang ‘yan, bes!” Wika ni Karen habang nakangiti,
“Bawi ka na lang next time , ha!” dugtong pa ni Karen.

Kinabukasan.

“Mr. Palido, please report to the principle’s office
immediately.”

At sumunod agad si Robin.

“Miss Castilla, hindi na po ako magbubukalbul! Mag-
aaral na po ako nang mabuti mula ngayon! ‘Huwg niyo
lang pong-“. Sagot agad ni Robin. “Mr. Palido, kumalma po
kayo, tinawag kita dito hindi para pagalitan o parusahan.
May pinapabigay lang ang adviser mo, si Ms. Santos si iyo”
pakalmang sagot ni principle Castilla kay Robin sabay
bigay ng liham at … Report card?!

“Ano po ‘to?”

“Buksan mo Mr. Palido.”

“Pasado ang lahat ng mga marka ko?!...” napaisip si
Robin habang binabasa ang report card. Binuksan naman ni
Robin ang liham.

“Ano? Bakit?...”

Sabay binatawan ni Robin ang liham.

“Guro ko…”

13

Honors

“Gutom na ako…” reklamo ni Michael. “Kunting tiis
na lang, pre…” sagot ni Ali. Kaninang 8:00 AM pa sila
nakaupo habang ginagawaran ng awards ang mga
henyong estudyante, gifted, ika nga.

“’Nu ba ‘yan, ten thirty na...” napaisip si Michael
habang tumitingin sa kanyang relo. Binuksan niya
ang kaniyang pitaka. “Naku…” pabulong na wika ni
Michael.

“Palibre, Al!”

Ang the student with the average of 95 is…

14

MGA
DAGLI NI
ARIENNE
FRANCES
GARCIA

15

Choreo

"1,2,3,4.1,2,3,4." mabilis kong sambit.
"Ang hirap naman iyan!" reklamo ng isa kong kaklase.

Sumang-ayon ang lahat. "Oh sige, babagalan ko."
Sagot ko at ginawa ko nga iyon. "Uhm, hindi ba
masyadong plain tingnan kung mabagal?" wika ng
aking kaklase na sinang-ayunan agad ng nakararami.
"Yung sakto lang bes." dagdag pa niya. Tumango na
lang ako at nagsimulang sumayaw. Nagtataka ako na
wala na silang naging reaksyon. Siguro ay gets na nila
kaya't nung ako'y natapos. "Sabayan niyo na a-."
"Guys mas feel ko yung mabagal. Hindi siguro siya
magmumukhang plain, basta may emosyon na lang."
pagputol sa'kin na agad na namang sinangayunan ng

lahat.

16

BES

"Hi." una mong sambit sa akin. "Hello." nakayuko
kong tugon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko,

kinakabahan ako at tila natatakot rin. "Anong
pangalan mo?" ang ikalawa mong sabi sa'kin.
Lumipas ang mga araw na tayo ay naguusap na, hindi
ko alam pero naging masaya ako at lahat ng aking
problema ay nawawala. Hanggang sa lumapit ka
sa'kin. "Ikaw ang una kong naging kaibigan."

pagtatapat mo sa'kin. "Talaga, Bes?" hindi
makapaniwalang tanong ko dahil ika'y mukhang
palakaibigan, masayahin,walang problema. "Huwag
ka ngang makiuso, sige ka ikaw rin." nagtataka akong

tumango.

Hindi ko akalain na iyon na ang huli.

Unang salita, huling salita... Nakarinig ako ng balita.

Unang kaibigan, huling kaibigan... Bakit mo ako
iniwan?

17

Exchange gift

Lunes na! Yes ! Ito na ang pinakahihintay ng lahat.
Isa-isang kaming pinapila ni Miss by class number.
G7,G8,G9..G9, ako na. Kinakabahan na ko. "Pakibilis."
wika ng aming guro. "Sorry po." Sana matino makuha
ko. Kinakabahang bumunot ng isang maliit na papel.

Dumaan ang isang linggo. Niyaya akong bumili ng
panregalo ng mga kaibigan ko. Pagdating sa mall ay

hanap doon ,hanap dito hanggang sa may nakita
akong cute na medyas. Bago ko pa iyon mahawakan.
"Ay, Gusto niya raw ng damit." "Okey" tanging wika
ko. Hanap dito,hanap doon. "Hala,alas-siete na.Buti
na lang nakabili na ako!" masaya niyang sambit. "Eh
Ikaw?" Napayuko na lang ako tila pagod na pagod na.

"Yung medyas na nga lang, bagay rin naman sakin
yun eh."

Riyalidad

18

Sabay tayong kumakanta, sumasayaw, umiiyak at
tumatawa. Hindi mo alam kung gaano mo ako

napasaya. Hindi mo alam kung gaano ako kasabik na
makita ka araw-araw. Mga mata mo pa lang ay alam

kong ikaw na, ikaw ang kukumpleto sa buhay ko.
"Tapos ka na?". "Ha?". "Lalim ng iniisip natin ah kung
ako sa'yo tatapusin ko na assignment ko." Hindi ko na
lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagiisip sa'yo.

Dumating ako sa bahay na pagod na pagod galing sa
eskwelahan ngunit ng masilayan kita napawi ang
lahat ng iyon, hinawakan kita. Napasigaw ako.
"HALA!HINDI ITO MAAARI!!! BAKIT MAY
PUNIT?!!!"

19

MGA
DAGLI NI

ARVIE
KATE
UDARBE

20

MAIKLING MAIKLING KWENTO

Walang siyentipikong kahulugan. Walang tiyak
na pinanggalingan. Dagli ang kanyang ngalan.
Nagsimula daw noong panahon ng Amerikano
ngunit nagsimula daw talaga ito noong panahon

ng Espanyol. Hindi ko alam ang aking
paniniwalaan. Hindi ko alam ang aking
susundan. Wala akong maintindihan dahil
magulo ang kanyang kawarian. Ginugulo niya

ang aking isipan.

FOCUS

Oh tukso, lumayo ka. Nag-aaral ako para bukas.

21

20

Recess na.
Inaya ako ng bestfriend ko na bumili ng pagkain
sa kantina. “Hintayin mo ako. Kunin ko lang ang
wallet ko”, tumango naman siya. Naglakad kami
hanggang makarating sa paroroonan. Bumili na
siya ng pagkain niya. Binuksan ko ang wallet ko.
Bente pesos ang laman. “Bibili o hindi?”, tanong
ko sa aking sarili, Napagdesisyunan kong bumili
ng malamig na C2. Pagkabalik namin sa aming
klase ay agad kong binuksan ang aking baunan.
Tumambad sakin ang isang nagyeyelong C2 sa
loob. Sayang. Pinangdagdag ko nalang sana iyon

sa ipon ko para sa concert ng idol ko.

22

KIMCHI

Nag-aayos ang lahat dahil ngayon na ang aming class
picture. May mga nagpupulbo sa harap ng salamin.
May iba naman na nagsusuklay. May mga boys na
naglalagay ng gel sa kanilang buhok. Hinihintay kong
matapos ang kaibigan ko. “Hindi ka mag-aayos?”, ani
niya. “Hindi na. Okay na ako”, tugon ko. Pinababa na
kami kasama ang aming adviser. Inayos kami ng by
height. At iyon na nga ang pinakahihintay ng lahat.
Nagsalita ang photographer. “Para maiba naman.

SAY KIM---“

Nagulat ako ng naramdaman ko na may
yumuyugyog sa aking balikat. “Andyan na si Sir!”,
sabi ng katabi ko. Naalimpungatan ako. Panaginip
lang pala iyon. Hanggang ngayon pala’y hindi pa

kami nagkakaroon ng class picture.

23

MGA DAGLI
NI

SERGIO
MANALASTAS

24

Suspended

Umagang umaga, pumapatak ng malakas ang tubig
na nagmumula sa madilim at maulap na langit.

Nagmamadaling bumangon hindi para kunin ang
twalya at maligo sa banyo kundi agad-agad mong
bubuksan ang telebisyon at titingnan ang mga lunsod
na kabilang sa mga lugar na nasuspinde ang klase.
Matapos ang mga ilang minuto, nagtatatalon ka na sa
iyong kinalalagyan sa sobrang tuwa ng malaman mo
na wala kayong pasok. Pagkatapos nito, babalik ka
kung saan ka nagmula, sa kama. Itutuloy mo ang
iyong naantalang panaginip. Katabi mo ang iyong
malambot na unan at ang kumot na yumayakap sayo

sa malamig na panahon. Ngunit mayroon itong
kasama, ang mawalan ka ng baon. Pero ayos lang

dahil bawi ka naman sa tulog. Nakakamit ka
nanaman ng isang malaking tagumpay. Isang
malaking ngiti habang nakahilata ang iyong katawan
sa malambot na kutson ng inyong kama. Mahimbing
na mahimbing nanaman ang pagkatulog mo sa iyong

trono.

25

Buhay tamad

Ito yung mga taong may mga matanglawin, mga
palanging nagstrestretching, late pumasok at iba pa.
Unang tatalakayin ay matanglawin. Ito yung kahit
anong pwesto ng mga papel ng iyong mga katabi, ay
natatanaw mo ang pag-asa. Ang pag-asa na ikaw ay
makakapasa sa anumang pagsusulit kahit hindi ka
nag-aral. Ikalawa naman ay ang stretching. Ito yung
taong nakakakuha ng inpormsyong sa paraan ng pag-
unat na katawan. Ito yung mga taong kahit anggulo
mo ay makikita’t makikikita parin niya ang pag-asa.
Mahirap rin dumiskarte sa panahon ngayon. Ikatlo ay
ang late pumasok. Gigising ng mga 6:00 ng umaga,
makakadating mga 6:45 sa paaralan. Meron rin yung

kabaliktaran, sila naman yung papasok ng umaga
pero may kasamang oplan assignment. Sila yung mga
taong natutulog ng maaga para makapasok ng maaga
pero hindi dahil matutulog nalang sila sa inyong silid
kung hindi kokopya pa sila ng assignment sa kanilang

mga kamag-aaral. Relate ba?

26

Nakalimutang magbawas

Paunawa: Ang sumusunod na babasahin ay maaring
nakakasuka.

Umagang umaga ng bigla ka magsimulang
magpawis. Bumilis- bilis na ang pagpatak ng tubig
mula sa kung saan saang bahagi ng iyong katawan.
Nasa kalagitnaan na kayo ng klase ninyo pero unti-

unting may gumagalaw sa iyong loob.
Mararamdaman mo na ang parating na masamang

balita. May nararamdaman ka ng bumibilis na
pagtibok ng damdamin. Medyo namamanhid ang
iyong katawan na parang may gusto ba itong sabihin.

Malapit na matapos ang klase niyo. Medyo
nakangingiti ka na. Sa mga puntong ito iniingatan mo
na ang bawat galaw mo dahil maaring sa isang mali,

masira ang iyong pangalan. Hindi mo ito masabi sa
mga kamag-aral mo dahil may parating na tukso
agad. Ito ang sitwasyong madalas nating harapin.

“Natatae ako “. Sa ngayon, nakalabas na ang guro sa
inyong kwarto at ikaw naman ay nagmamadali,

tumatakbo ng napakabilis dahil nakausli na ang iyong
pagmamahal. Blug! Tunog ng pagbagsak ng bowl sa

CR.

27

“Gitarista”

Gitarista.

Ito yung mga taong malalakas sa mga babae. Ito ay
isa sa mga pangdagdag ng “pogi points” sa kanila.
Noong unang panahon, ito pa yung ginagamit ng
matatanda sa panghaharana sa mga babae pero hindi
na yun uso ngayon. Sa simpleng pagtetext-text lang

may instant girlfriend ka na. Meron din itong
dalawang uri. Magaling sa paggitara ngunit pangit
boses at magaling mag-gitara at maganda pa ang
boses. Pero huwag ka, malaki din ang ginagampanan

naming mga gitarista. Pagdating sa mga chant,
presentation, at iba pa, kami na ang mga bida. Wala
naman rin kasing buhay ang isang presentasyon kung

wala namang kasabay na musika. Isa rin itong
malaking palusot kung ayaw mong kumanta,
sumayaw at iba pang pinapagawa sa atin tuwing may
mga ganitong klaseng presentasyon. Automatic na
kapag may ganitong gawain , ikaw agad ang unang
ituturo. “Oh, ikaw na mag-gigitara”. Basta kapag

gitarista, mga malulupet. Ayaw pa?

28

MGA
DAGLI NI
JAY ROME

RANA

29

INIWAN

Wala na. Wala nang pag-asa pa. Pero hindi ko pa rin
talaga matanggap, na wala na. Wala na ang

nagbibigay kulay sa aking buhay. Wala na. Wala na
ang nag-aalis ng aking pagod at problema sa oras ng
aking kalungkutan. Hinding-hindi ko kayang ibigay

ka sa iba. Wala akong tiwala sa kanila. Itinuring
kitang buhay ko. Alam kong mayroon pa namang iba

diyan, pero, ikaw pa rin talaga. Ingat na ingat kita.
Pero ngayon, wala na. Wala ka na. Ubos na. Wala

nang tinta ang colored makers ko.

30

CONTESTS

Practice dito. Practice doon. Kahit Sabado’t Linggo,
practice. Hindi na kaya ng katawan ko. Pagod sa pag-
aaral, dadagdagan pa ng pagpapractice. Wala naman

kaming napapala sa practice na ito, puro pagtatalo
lamang. Mas mahaba pa ang pahinga kesa sa

pagpapractice. Bago pa magsimula, magtatawagan
pa, magsisigawan. Magpapractice hanggang gabi,

hindi kami kumpleto, umuwi na yung iba.
Nagpapapasok sila ng maaga para magpractice,
kumpleto na, ‘di rin naman nagpractice. Nasasayang
lang naman lahat, ‘di rin naman mananalo sa huli.

31

KULANG SA TIME

“Mag-aaral na ako”, sabi ni Jomba. Binuklat niya ang
libro. “Pop ding”, tumunog ang cp niya. “Hala! Si
crush ‘to!” sabi niya sa sarili. Iniwan ni Jomba ang
libro at nahiga sa kama habang kausap si crush.
Matapos ang ilang sandali natapos na sila magusap.
Bumalik sa pag-aaral at biglang narinig sa tv ang

paboritong palabas. Nanood muna si Jomba. Paglipas
ng ilang minuto, “Jomba!” tinawag si Jomba ng

kaniyang mga kaibigan para magbasketball. Sumama
naman si Jomba. Medyo natagalan sila. Pagod na
pagod si Jomba pag-uwi. “Hay. Magpapahinga na

muna ako.” Oras ng hapunan, naparasap ng kain si
Jomba. Kumain siya ng kumain. “Jomba, ikaw ang
maghugas ng pinggan", sabi ng kaniyang ina. 10:00
PM na, ‘di pa rin nag-aaral si Jomba. Naggitara na

muna si Jomba ng 30 minutes. Sabay umidlip na
muna saglit. Paggising, nag-aral hanggang 1:00 AM.
Pagpasok, hindi nakapagtest si Jomba dahil tulog sa

klase.

32

SNOB

Isang araw, nakita kita. Lagi mong kasama ang mga
kaklase mo kaya ‘di kita malapitan. Sobrang puti mo.

Hindi ka ata lumalabas ng bahay niyo. Nung isang
linggo, nakasulubong kita. Pasimple akong kumaway

dahil nahihiya ako sa mga kaklase mo. Pero dare-
daretso ka lang ng lakad. At nagpaulit-ulit ito. Hindi
ka namamansin. Minsan nga kitang nakukwento sa
mga kaklase ko. Kahapon lamang, tinanong ng mga
kaklase ko sino daw ang aking tinititigan. Nahiya ako
sa kanila kaya sa susunod nalang. Nakita kitang mag-

isa. Tinuro kita at sinabi ko na sa mga kaklase ko.
Sinabi kong crush kita. Nagtataka ang mga kaklase
ko. Wala naman daw silang makita. So, ‘di ko nalang
tinuloy. Linapitan kita. Nakakapagtaka. Pagtayo ko
nang mahulog ang panyo ko, wala ka na. Isang araw,
narinig ko nalamang ang balitang may namatay raw
nung isang taon sa paaralan natin. Nanghingi ako ng
picture at kamukhang-kamukha mo siya, ikaw ‘yon.

33

MGA
DAGLI NI
JERICO

UNGOS

34

LANGHAP SARAP

Hindi makapaghintay si Juan na matapos ang klase.
Kumakalam na ang kanyang sikmura. Sa wakas,

nagpaalam na rin ang kanilang guro. “Dong, samahan
mo naman ako bumili sa canteen” ang sabi ni Juan sa

kaniyang kaklaseng abala sa pagkain ng kaniyang
baon. “Sige, basta i-lilibre mo ako” ang wika ni Dong.
Nang makarating na sila sa canteen, tuwang-tuwa si

Juan sa hinanda ng canteen. “Juan, samahan mo
naman ako sa CR” ang sabi ni Dong na tila naka-
jackpot sa nilibre ni Juan. Hindi napigilan ni Juan na

kumain agad pero hindi niya rin bibiguin ang
kaniyang kaibigan. Kaya kumain siya habang
papunta sa CR. Ngunit, pagkalabas ni Dong sa CR
agad-agad inabot ni Juan ang kaniyang pagkain sa
kaniyang kaibigan. “Bakit? Ang dami pa nito ah” ang
tanong ni Dong na ang mukha’y tila nanalo sa lotto.
“Huwag mo nang alamin” sagot ni Juan, sabay takbo

palayo ng CR.

35

“SHOW MY LOVE”

Araw ay kay ganda sa tuwing ika'y nakikita.
Nawawala ang pagod sa tuwing ika'y nasisilayan.
Ligaya ang natatamo sa iyong pagdating. Kaya handa
akong ibigay ang lahat. Simula nang ika'y dumating
sa buhay ko, naubos ang aking pera. Inaagaw ka pa sa
akin ng iba. Sa kabila nito, hindi nauubos ang aking
pasensya. Patuloy pa rin kitang hahanapin, Mr.Waku.

PRIVATE CONCERT

Sa aming klasrum, 'di maiiwasan ang pagjajamming
tuwing libre ang aming oras. Nagiging kapana-
panabik ang paghihintay dahil sa mga kantang

kinakanta naming sabay-sabay. Tila parang kami'y
nasa isang concert. Nararamdaman namin ang
pagmamahal sa isa't isa dahil sa mga kantang

pinapasaya kaming lahat. Ito ang isa sa mga di ko
malilimutang alaala sa paaralang ito.

36

ANIM NA KULAY, NG AMING BUHAY

Anim na kulay na siyang nagrerepresenta ng anim na
bahagi ng buhay. Ang kulay na asul na sumisimbolo
sa aming pagkabata at pagiging inosente. Ang kulay

na dilaw na sumisimbolo sa masasayang araw na
dumadating. Ang kulay na berde na sumisimbolo sa

aming tuloy-tuloy na paglaki. Ang kulay na
kahel(orange) na sumisimbolo sa mga araw na kami
ay progresibo at nagwawagi. Ang kulay na pula na
sumisimbolo sa pagmamahal na bumubuo sa aming

pagkatao. Ang kulay puti na sumisimbolo sa mga
bagay na aming nagawang mabuti. Ito ang mga kulay

na nasa loob ng rubiks cube na aming masusing
pinagaaralan sa ngayon. Pinaghihirapan at

pinagaaralan kung paano ito mabubuo ng mas
mabilis sa papamagitan ng talino at tiyaga tulad ng

ating buhay.

37

Notes:

38

Notes:

39

Notes:

40

Mga
awtor:

Calda, kaye gabrielle
Garcia, arienne frances

Udarbe, arvie kate
Manalastas, Sergio

Rana, jay rome
Ungos, jerico

41


Click to View FlipBook Version