Ang
Alaga
Mula sa Silangang Africa
Ni Barbara Kimenye
---- PANGKAT APAT ----
Si Kibuka ay
matanda na ngunit
ayaw niya pa ring
magretiro sa
kanyang trabaho sa
gobyerno. Kung hindi
pa siya umabot sa
edad ng pagreretiro
ay hindi siya
mapipilitang tumigil
sa pagtatrabaho.
Lubos na ikinalungkot
ni Kibuka ang
kawalan niya ng
gawain. Dahil dito,
napagdesisyunan ng
kanyang apo na
bigyan sya ng isang
itim na biik upang
mayroon syang
pagkaabalahan at
gawing libangan ang
pag-aalaga rito.
Ang biik ay
itinuring ni
Kibuka bilang
isang malapit na
alaga na maging
sa pagtulog ay
katabi niya ito sa
kama.
Mabilis na lumaki ang biik
hanggang sa hindi na
nakayanan ni Kibuka na
bilhan ito ng pagkain.
Nang nalaman ito ng
kanyang mga kapitbahay,
inalok nilang bigyan ang
baboy ng makakain.
Tuwang-tuwa sila
sapagkat itinuring na rin
nilang alaga ang baboy at
palagi nila itong
binibisita.
Isang araw,
naaksidente si
Kibuka kasama ang
kanyang alaga.
Nasagasaan sila ng
isang motorsiklo.
Sa kasawiang-palad
ay naipit ang leeg
ng baboy sa kung
saan, at ito ay
nasawi.
Inisip ng lahat
kung iluluto na ni
Kibuka ang
namatay na
baboy. Ganoon
nga kaya ang
ginawa ni
Kibuka?
Sa huli
napagdesisyunan ni
Kibuka na ihain na
lamang ito at ibahagi
sa mga kapitbahay na
tumulong sa
pagpapalaki sa alaga.
Dahil sa kwentuhan,
hindi nya namalayan
na pati sya ay kumain
na rin sa handaan
kasama ang kaibigan.
Ang
Alaga
Mula sa Silangang Africa
Ni Barbara Kimenye
---- PANGKAT APAT ----