Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 7: Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago, Habang, at Pagkatapos Mapakinggan ang Teksto at Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari 3
Flipino– Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago, Habang, at Pagkatapos Mapakinggan ang Teksto at Pag-uugnayng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Hazel P. De Leon, Jay Ann B. Roldan Editor: Gemma M. Gutierrez, Maylen Sardido Tagasuri: Myrene Saragena, Maricel Jamero, Edgardo D. Pamugas III Tagawasto: Ramon S. Gravino, Jr., Mylene C. Robiños, Juvy A. Comaingkin, Irene G. Quizon Tagaguhit at Tagalapat: Greco Dasmariñas, Marlou G. Samontina, Geoffrey S. Andrade Tagapamahala: Allan G. Farnazo Cristy C. Epe Mary Jeanne B. Aldeguer Beverly S. Daugdaug Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones
3 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago, Habang, at Pagkatapos Mapakinggan ang Teksto at Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating magaaral kahit wala sila sa paaralan.
1 Alamin Kumusta ka? Binabati kita dahil sa matagumpay mong natapos ang naunang modyul! Ngayon ay sisimulan mo ang panibagong modyul na makadaragdag sa iyong kaalaman ukol sa pagbibigay ng sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos ang mapakinggang teksto at pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Mayroon akong inihandang mga gawain para sa iyo. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: nakapagbibigay ng sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto. (F1PN-IIIj-12) nakapag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang kuwento. (F3PB-IIIh-6.2)
2 Sa alas-2:00 ng madaling araw, sinabi ng PAG-ASA na makararanas ng mahina hanggang katamtamang pagulan, gayundin ng pagkidlat at pagkulog, ang Davao, General Santos, at iba pang bahagi ng Mindanao. Alas-3:00 ng umaga, naglabas ng yellow rainfall warning ang PAG-ASA sa Butuan at Cagayan de Oro. Ayon sa PAG-ASA, posibleng magdulot ng pagbaha sa lugar ang pag-ulan. Posibleng tumagal ng hanggang apat na oras ang malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar. Subukin mong maghinuha sa magiging lagay ng panahon bago, habang at pagkatapos ng pangyayari. Piliin at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ano kaya ang posibleng dala ng hanging habagat sa buong Davao? A. pag-ulan C. maalisangang panahon B. mainit na panahon Subukin Pakinggan ang babasahing ulat ng iyong kasama sa bahay na marunong bumasa. Ulat Panahon Asahang muli ang pag-ulan sa ibabang bahagi ng bansa ngayong Martes dahil sa hanging habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA).
3 2. Batay sa Ulat Panahon, ano ang inaasahang mangyayari sa ibabang bahagi ng bansa sa Martes? A. pag-ulan C. matinding hangin B. matinding init 3. Naglabas ng yellow rainfall warning ang PAG-ASA. Ano ang posibleng lagay ng lugar na apektado? A. bumabaha ang nasabing lugar B. natutuyo ang mga pananim C. nagiging maaliwalas ang panahon 4. Hulaan mo kung ano kaya ang lagay ng panahon bago magalas 3:00 ng umaga? A. Katamtaman at malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat. B. Mahina at katamtamang pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat. C. Malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat. 5. Sa palagay mo, ano kaya ang resulta ng malakas at matagal na pag-ulan sa isang lugar? A. maaliwalas ang lugar B. babaha ang mababang lugar C. madidiligan ang mga halaman Suriin mo ang mga larawan. Hanapin sa Hanay B ang maaaring bunga o kinalabasan ng mga pangyayari na ipinapakita ng mga larawan na nasa Hanay A na maituturing na sanhi o dahilan ng mga pangyayari. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot. Hanay A Hanay B
4 Kung masasagot mo nang tama lahat ng mga katanungan, maaari mo nang laktawan ang modyul na ito. Subalit kung may pagkakamali ka, kailangan mong ipagpatuloy ang modyul na ito.
5 Aralin 1 Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago, Habang, at Pagkatapos Mapakinggan ang Teksto at Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Balikan Basahin at unawain mo ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang gabay na mga tanong tungkol dito. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat mo ito sa iyong papel. 1. Bakit nagising si Mario? Nagising si Mario dahil sa malakas na a. buhos ng ulan c. busina ng trak ng bombero b. sigaw ng kapitbahay 2. Bakit kaya may dumating na trak ng bombero? a. may sunog c. may nakalimutang kandila b. naapula ang apoy 3. Ano ang dahilan ng sunog sa kalye Masigasig? a. may mga batang naglalaro ng posporo b. naiwang sinaing na nakasalang sa apoy Nagising si Mario dahil sa malakas na ingay ng sirena ng trak ng bombero. May sunog pala sa kalye Masigasig kaya agad niyang ginising ang mga magulang at kapatid. Ibinalita ng kanilang kapitbahay na ang sanhi ng sunog ay ang nakalimutang kandila sa ibabaw ng mesa. Hindi ito pinatay ng may-ari ng bahay bago natulog. Labis ang pasasalamat ng mga tao dahil naapula agad ang apoy.
6 c. nakalimutang kandila sa ibabaw ng mesa 4. Ano kaya ang kasalukuyang ginagawa ng mga tao habang nasusunog ang bahay? a. natutulala nang makita ang apoy b. nanonood lang sa papalaking apoy c. nagtutulungan sa pag-apula ng apoy 5. Ano ang naging resulta ng pagdating agad ng bombero at pagtutulungan ng mga tao sa kayle Masigasig? a. naubos ang tubig c. naapula agad ang sunog b. natupok lahat ng bahay Tuklasin Makinig sa tekstong babasahin ng kasama mo sa bahay na marunong bumasa. Si Pinpin na Malimutin Isinulat ni: Hazel P. De Leon Si Pinpin ay isang batang madaling makalimot sa kaniyang mga pang-araw-araw na gawain. Ilang beses din siyang pinaalalahanan ng kaniyang ina sa mga gawaing ito. “Pinpin, huwag mong kalimutang pakainin ang mga hayop,” utos ng kaniyang ina. “Opo, Inay.” Tugon ng anak. Ngunit dahil sa napasarap ang tulog ni Pinpin, nakalimutan niyang pakainin ang mga ito. “Putak! putak! aw! aw! meeh-meeh!”, sabay-sabay nagingay ang mga hayop kaya nagising si Pinpin. “Naku! hindi ko pala napakain ang mga hayop,” sambit niya sa sarili.
7 Sa sumunod na araw naman ay ibinilin ng kanyang ina na bantayan ang kanyang sinaing ngunit nakalimutan na naman ni Pinpin, kaya nasunog ang sinaing ng kaniyang ina. “Pinpin, huwag mong kalimutan isara ang tubig kapag puno na ang timba,” bilin ng kaniyang ina. “Hinding-hindi ko na po kakalimutan inay. Pagkatalikod ng kaniyang inay ay nanungkit muna si Pinpin ng bunga ng bayabas kaya nakalimutan na naman ang bilin ng ina. Pinpin………….! Suriin Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sino ang bata sa kuwento? 2. Saan naganap ang kuwento? 3. Ano ang resulta nang makalimutan ni Pinpin pakainin ang mga hayop? 4. Ano ang dahilan ng pagiging makakalimutin ni Pinpin? 5. Ano ang dapat gawin ni Pinpin para mabago ang kaniyang pag-uugali? Napansin mo ba na sadyang hindi tinapos ng may-akda ang kuwento? Ikaw na mag-aaral ay binigyang-laya para dugtungan ang kuwento. Subukin mong hulaan ang pangyayari batay sa impormasyong iyong nabasa. Ang pamamaraang ito ay tinatawag na paghihinuha. Ang paghihinuha ay pagpapalagay o paghuhula sa maaaring mangyari, nangyayari o nangyari sa isang kuwento. Ito ay ginagamitan ng mga hudyat na salita gaya ng siguro, yata, baka, sa palagay ko, tila, possible at iba pa. Maaaring ikaw ay magbigay ng hinuha sa tatlong paraan: 1. bago mangyari, 2. kasalukuyang nangyayari, at 3. pagkatapos nangyari.
8 Napuna mo rin ba na sadyang ipinapakita rin ng may-akda ang dahilan o sanhi ng pangyayari at ang kalalabasan o resulta ng mga pangyaysari nang makalimutan ni Pinpin ang mga tugon ng kanyang ina? Ang sanhi ay salitang ginagamit sa pagtukoy ng dahilan. Ginagamitan ang pagtukoy sa sanhi ng mga hudyat tulad ng dahil sa, kasi at sapgkat. Samantalang ang resulta o kinalalabasan ay tinatawag na bunga. Ginagamitan ito ng mga hudyat na salitang kaya, bunga nito at resulta nito. Pagyamanin Gawain A Pag-ugnayin mo ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. Sanhi Bunga ___1. Nag-insayo nang maigi a. kaya ni minsan ay hindi si Maya sa pagsasayaw siya nahuli sa pagpasok. ___2. Nagkasakit si Raul b. bunga nito siya ay nanalo sa paligsahan. ___3. Pinag-aralan ni Dina c. kaya hindi siya ang kanyang leksiyon nakapasok sa trabaho. ___4. Nahulog si Ben sa hagdan d. kaya mataas ang kaniyang mga marka . ___5. Palaging maaga e. resula nito ay kanyang gumising si Ana pagkapilay. Gawain B Muling makinig sa teksto na babasahin ng kasama sa bahay. Ibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
9 Araw ng Sabado, abala ang mga tao sa Brgy. Masipag. May nagsasabit ng banderitas, nag-aayos ng tanghalan para sa paligsahan, at kaniya-kaniyang handa ng pagkain sa bawat tahanan. Maraming mga bisita ang dumating galing sa iba’t ibang barangay. Maya-maya ay tumugtog na ang banda, nagtitipon ang mga tao para mapanood ang magaganap na paligsahan at kasiyahan. Pagsapit ng hapon, inanunsyo ang mga nanalo. Masayang umuwi ang ang mga kalahok dahil sa malaking halagang kanilang natanggap bilang gantimpala. Paghinuha bago ang pangyayari. 1. Bakit kaya abala ang mga tao? 2. Ano kaya ang gagawin ng mga tao sa barangay kapag may pagdiriwang na darating? Paghinuha habang nagaganap ang pangyayari 3. Sa palagay mo, ano ang kasalukuyang nararamdaman ng mga tao sa barangay? 4. Ano sa tingin mo ang pakiramdam ng mga tao habang pinapanood ang banda? Paghinuha pagkatapos ang pangyayari. 5. Ano kaya ang naramdaman ng mga taong nanalo sa paligsahan? Isaisip Punan ang patlang para mabuo ang idea. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Ang ________________ ay paghuhula sa maaaring mangyayari, nangyayari, o nangyari sa kuwento. Ang ___________ ay ang dahilan ng pangyayari habang ang ______________ ay ang resulta kinalabasan ng pangyayari.
10 Isagawa Makinig sa bawat tekstong babasahin ng nakatatandang kasama mo sa bahay. Gawain A Bigyang-hinuha ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kuwaderno. 1. Naiwan ni Dong ang inihaw na isda sa mesa na walang takip. Nakapasok ang pusa. Ano kaya ang susunod na mangyayari? A. Kakainin ng pusa ang ulam. B. Tititigan ng pusa ang ulam. C. Aamuyin ng pusa ang ulam. 2. Lumabas at pumila ang mga mag-aaral papuntang kantina. Ano ang hinuha mo bago sila lumabas? A. Tumunog ang bell para sa recess. B. Nagsimula na ang kanilang klase. C. Kumain ng meryenda ang mga bata. 3. Maraming bitbit na kendi si Gab. Makalipas ang isang oras sumigaw siya ng “Araaay!” habang hawak ang kanyang mukha. Napaano kaya si Gab? A. Nadapa si Gab. B. Nakatulog si Gab. C. Sumakit ang ngipin ni Gab. 4. Makulimlim ang kulay ng langit. Malamig ang dampi ng hangin sa aking mga balat. Ano kaya ang susunod na mangyayari? A. Parang iinit. B. Tila uulan mamaya. C. May bagyong paparating. 5. Dilaw na ang dahon ng halaman ni Jessa sa loob ng bahay. Ano ang possibleng hinuha mo bago ang pangyayari?
11 A. Nalanta ang halaman. B. Tumubo ang halaman. C. Nakalimutan diligan ang halaman. Gawain B Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Ibigay ang iyong hinuha bago, habang, o pagkatapos ng pangyayari. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Tinangay ng aso ang paboritong laruan ni Ana. Hinabol ito ng kaniyang Kuya Lito at nakuha ang laruan. Natuwa si Ana. Hinuha bago ang pangyayari. _____________________________________________________ 2. Maaliwalas ang panahon. Naghahanda ng papel, gunting, at pandikit sina Len-len at Pen-pen. Magpapalipad sila ng saranggola sa bukid. Hinuha pagkatapos ng pangyayari. ____________________________________________________ 3. Paboritong kainin ni Yani ang gulay at prutas. Araw-araw din siyang naliligo at nag-eehersisyo. Hihuha pagkatapos ng pangyayari. ____________________________________________________ 4. Inihanda ni Ida ang mga damit. Pinaghiwalay niya ang puting damit at de-kolor. Kinuskos ni Ida ang damit gamit ang sabon at tubig. Binanlawan ito at isinampay. Hinuha habang nagaganap ang pangyayari. ____________________________________________________ 5. Kumain ng saging si Juan at itinapon nito ang balat sa daraanan. Maraming dumaraan na mga bata sa pinagtapunan nito. May batang nakaapak nito at napasigaw. Hinuha pagkatapos ng pangyayari. ____________________________________________________
12 a. Nagluluto si Pedro. b. Nilalagnat ang sanggol. c. Mangingisda si Mang Diego. d. Nagsunog ng kilay si Luisa buong gabi. e. Dumating na ang tatay ni Beth galing Japan. Tayahin Magaling! Ipagpatuloy mo pa ang iyong nasimulan. Piliin sa kahon ang maaari mong hinuha sa sumusunod na pangyayari. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot. _______1. Maagang bumangon si Pedro. Tumungo sa kusina at maya-maya ay umuusok na ang kalan. _______2. Dala-dala ang lambat, sumakay si Mang Diego sa bangkang-de-motor at pumalaot sa dagat. _______3. Madaling nasagutan ni Luisa ang pagsusulit. Pinuri siya ng kanyang guro dahil siya ang nangunguna sa klase. _______4. Panay ang iyak ng sanggol na si Jed. Hindi siya mapatahan kahit binigyan ng gatas. Idinampi ng ina ang kaniyang palad sa noo ni Jed at nag-alala ito. _______5. Matagal nang nagtrabaho sa Japan ang tatay ni Beth. Pagdating sa bahay may nakita siyang mga pasalubong at malaking bagahe. Tinawag siya ng isang pamilyar na boses. Karagdagang Gawain Makinig ng balita tungkol sa ulat panahon sa radyo. Gamit ang impormasyon o datos, subuking maghinuha tungkol sa kalagayan ng panahon kinabukasan. Itala ang kasagutan sa kuwarderno.
13 Susi sa Pagwawasto subukin a 1. a 2. a 3. b 4. b 5. c 1. b 2. a 3. c 4. d 5. balikan c 1. a 2. c 3. c 4. c 5. Suriin Pinpin 1. sa bahay 2. ingay - magugutom at mag 3. ang mga hayop babaha sa bahay nila Pinpin 4. pagagalitan siya ng kanyang nanay maayos at ang 5. makinig n sundin kaagad ang utos 5. b 1. a 2. a 3. a 4. a pagyamanin b 1. c 2. d 3. e 4. a 5. Isagawa 1.a 2. a 3. c 4. b 5.c Gawain 2 Tinangay ng aso ang 1. laruan Magpapalipad sila ng 2. saranggola Lalaking malusog at 3. magandang bata skos ni ida ang nu Ki 4. damit nito 5. May batang nakaapak Tayahin 1 e 2 b 3 c 4 a 5 d
14 Sanggunian (Calatrava, 2017) References Calatrava, S. (2017). Bumasa at Sumulat 1 Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig: Republika ng Korea ng Pripia Co. pp 164-165 (Austria, 2014) References Austria, S. M. (2014). Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon. Quezon city: Vibal Group, Inc.pahina 94-95 Curriculum Guide in Filipino 3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]