The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Gabay ng Komentarista - Tagalog rev2019

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by nathan.hinagpis, 2021-08-25 00:46:31

Gabay ng Komentarista

Gabay ng Komentarista - Tagalog rev2019

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

GABAY NG KOMENTARISTA SA BANAL NA MISA

KOMENTARISTA: Magandang Umaga/Hapon/Gabi mga kapatid kay Kristo.
Masaya namin kayong tinatanggap sa banal na misang ito.
Kaisa ng ating parokya, inaanyayahan namin kayo na makiisa sa
pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap mula sa Panginoon.
Sila ay sina _______ (banggitin ang mga pamisa pasasalamat).

Gayundin, hinihiling namin na ipagdasal natin ang mga tanging kahilingan ng
ating mga kapatid na sina _______ (banggitin ang mga pamisa para sa
kahilingan)

Panghuli, ating ipanalangin ang kapayapaan ng mga kaluluwa ng mga
minamahal nating kapatid na sina ________ (banggitin ang mga pamisa para
sa kaluluwa)

Basahin kung wala pa ang Pari sa prusisyon ng banal na misa:

KOMENTARISTA: Sa ilang saglit lamang ay magsisimula na ang banal na misa, ang pinakamataas
na antas ng ating pananalangin at pagsamba.
Buong puso tayong makiisa sa pagdiriwang at ilagay ang ating mga sarili sa
presensya ng ating mapagmahal at mahabaging Diyos Ama.

PASIMULA

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT PARA SA PAGSISIMULA NG BANAL NA MISA.

PARI: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo (+).

KOMENTARISTA: AMEN.

PARI: Ang pag-ibig ng Diyos Ama, ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, at
ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.

KOMENTARISTA: AT SUMAIYO RIN.

PARI: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging
marapat gumanap sa banal na pagdiriwang (titigil sandali). Lahat, sabay-sabay:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos,

KOMENTARISTA: at sa inyo mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa, at
sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa mahal na birheng Maria, sa lahat
ng mga Anghel at mga banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.

PARI: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga
kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

KOMENTARISTA: AMEN.

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019 1

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

PARI: Panginoon, kaawaan Mo kami.

KOMENTARISTA: PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI.

PARI: Kristo, kaawaan Mo kami.

KOMENTARISTA: KRISTO, KAAWAAN MO KAMI.

PARI: Panginoon, kaawaan Mo kami.

KOMENTARISTA: PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI.

PARI: Papuri sa Diyos sa kaitaasan

KOMENTARISTA: at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng
Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na
nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.
Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O
Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng
Diyos Ama. Amen.

PARI: Ama naming makapangyarihan, kaming mga tinubos ay tunghayan mo ngayon
sa iyong kagandahang-loob upang sa pagsampalataya sa Anak mong si
Hesukristo ay makamtan ang kalayaan at pamana sa piling mo, sa
pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

KOMENTARISTA: AMEN.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

KOMENTARISTA: MAGSIUPO ANG LAHAT AT MAKINIG SA SALITA NG DIYOS.

LEKTOR: (Unang Pagbasa)
Pagbasa mula sa aklat ni…………….. Ang salita ng Diyos.

KOMENTARISTA: SALAMAT SA DIYOS. (minsa’y inaawit)

SALMISTA: (Salmong Tugunan)
Ito ang tugon sa salmo….. ulitin po natin… (minsa’y inaawit)

LEKTOR: (Ikalawang Pagbasa)
Pagbasa mula sa sulat ni…………….. Ang salita ng Diyos.

KOMENTARISTA: SALAMAT SA DIYOS.

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019 2

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT BILANG PAGGALANG SA MABUTING BALITA.

KOMENTARISTA: Alleluia, alleluia, alleluia! (minsa’y inaawit)
(Bersikulo kung mahal na Araw)

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

KOMENTARISTA: AT SUMAIYO RIN.

PARI: Ang mabuting balita ng Panginoon ayon kay………

KOMENTARISTA: PAPURI SA IYO, PANGINOON.

(Mabuting Balita)

PARI: Ito, mga kapatid, ang mabuting balita ng ating Kaligtasan.

KOMENTARISTA: PINUPURI KA NAMIN PAGINOONG HESUKRISTO.

(Homiliya)

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT.

PARI: Sabay-sabay nating ipahayag ang ating pananampalataya. Lahat sabay-sabay,
Sumasamplataya ako…

KOMENTARISTA: sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang anak ng Diyos, Panginoon nating
lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay,
nilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa
nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang
Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.
Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

PARI: Manalangin tayo…… sa bawat panalangin, ang ating itutugon…

KOMENTARISTA: (Uulitin ang tugon)

LEKTOR: (Basahin ang panalangin ng bayan)

PARI: Manalangin tayo….. Alang-alang kay Hesukristong ating Panginoon.

KOMENTARISTA: AMEN.

KOMENTARISTA: MAGSIUPO ANG LAHAT. 3

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

PARI: Purihin ka, O Panginoong Diyos ng lahat ng kinapal…… upang maging tinapay
na nagdudulot sa amin ng buhay na walang hanggan.

KOMENTARISTA: KAPURI-PURI ANG POONG MAYKAPAL NGAYON AT KAILANMAN.

PARI: Sa pamamagitan ng misteryong ito ng tubig at alak….. Purihin ka, O Panginoong
Diyos ng lahat ng kinapal…… na galing sa puno ng ubas at pinagpaguran ng
tao upang maging inumin ng aming kaluluwa.

KOMENTARISTA: KAPURI-PURI ANG POONG MAYKAPAL NGAYON AT KAILANMAN.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT.

PARI: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng
Diyos Amang makapangyarihan.

KOMENTARISTA: TANGGAPIN NAWA NG PANGINOON ITONG PAGHAHAIN SA IYONG MGA
KAMAY SA KAPURIHAN NIYA AT KARANGALAN, SA ATING
KAPAKINABANGAN AT SA BUONG SAMBAYANAN NIYANG BANAL.

PARI: Ama naming Lumikha, paakyatin mo sa iyong piling sa kalangitan ang aming
mga panalanging kalakip ng haing mga alay upang ang mga pinagindapat mong
gawing dalisay ay maging marapat na makasalo sa piging ng iyong pagmamahal
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

KOMENTARISTA: AMEN.

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

KOMENTARISTA: AT SUMAIYO RIN.

PARI: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

KOMENTARISTA: ITINAAS NA NAMIN SA PANGINOON.

PARI: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

KOMENTARISTA: MARAPAT NA SIYA AY PASALAMATAN.

PARI: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming
pasalamatan ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas, ang maamong
tupa na tumubos sa aming lahat. Ang katawan ng Anak mong sa krus
nabayubay ay handog ng pag-ibig na walang kapantay. Ito ang paghahaing
ganap mong kinalulugdan. Ito ang nilunggati ng Anak mong si Hesus ay inihain
sa iyo upang kami’y matubos.

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019 4

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

…walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO, SANTO, SANTO

KOMENTARISTA: Santo, santo, santo, Panginoong Diyos ng mga hukbo. Napupuno ang langit at
lupa ng kadakilaan mo, Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan
ng Panginoon, Osana sa kaitaasan.

KOMENTARISTA: MAGSILUHOD ANG LAHAT.

(Itataas ng pari ang tinapay at alak)

PARI: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

KOMENTARISTA: (A) Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng
panahon!; o

(B) Aming ipinahahayag na namatay ang iyong Anak, nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas para mahayag sa lahat; o

(K) Sa Krus mo at pagkabuhay, kami’y natubos mong tunay, Poong Hesus
naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman; o

(D) Si Kristo ay gunitain, sarili ay inihain bilang pagkai’t inuming pinagsasaluhan
natin hanggang sa siya’y dumating.

PARI: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kaniya ang lahat ng parangal at
papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

KOMENTARISTA: AMEN. (minsa’y inaawit)

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT.

AMA NAMIN

PARI: Sa tagubilin ng nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at
Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:

KOMENTARISTA: Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang
kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan mo
kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming
mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin, at huwag
mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya mo kami sa lahat ng masama. (minsa’y
inaawit)

PARI: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama…… samantalang aming
pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng tagapagligtas naming si
Hesukristo.

KOMENTARISTA: Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan 5
magpakailanman. Amen. (minsa’y inaawit)

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

PARI: O, Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga alagad…… mabubuhay ka’t
maghahari magpasawalang hanggan.

KOMENTARISTA: AMEN.

PARI: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

KOMENTARISTA: AT SUMAIYO RIN.

PARI: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

KORDERO NG DIYOS

PARI: Kordero ng Diyos,

KOMENTARISTA: na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa
amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan. (minsa’y inaawit)

KOMENTARISTA: MAGSILUHOD ANG LAHAT.

PARI: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kaniyang piging.

KOMENTARISTA: PANGINOON, HINDI AKO KARAPAT-DAPAT NA MAGPATULÓY SA IYO,
NGUNIT SA ISANG SALITA MO LAMANG AY GAGALING NA AKO.

KOMUNYON

KOMENTARISTA: MAGSILUHOD ANG LAHAT.

KOMENTARISTA: (Dadasalin ang panalangin bago ang panghuling pagbabasbas)

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT.

PARI: Ama naming mapagmahal, manatili kang kapiling ng iyong sambayanan na
ngayo’y pinapakinabang mo sa iyong sariling buhay at gawin mong kami’y
pasulong na makahakbang mula sa dati naming pagkamakasalanan patungo a
pagbabagong nagdudulot ng iyong kabutihan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

KOMENTARISTA: AMEN.

KOMENTARISTA: MAGSIUPO ANG LAHAT.

(Babanggitin ang mga PAALA-ALA o ANNOUNCEMENT)

KOMENTARISTA: MAGSITAYO ANG LAHAT.

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019 6

LECTORS AND COMMENTATORS MINISTRY
DIOCESAN SHRINE OF SAN VICENTE FERRER

Mamatid, City of Cabuyao, Laguna

HULING PAGBABASBAS

PARI: Sumainyo ang Panginoon.

KOMENTARISTA: AT SUMAIYO RIN.

PARI: At pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu
Santo (+).

KOMENTARISTA: AMEN.

PARI: Humayo kayong mapayapa at taglayin ninyo sa inyong pag-alis ang kapayapaan
ni Kristo.

KOMENTARISTA: SALAMAT SA DIYOS!

PROPERTY OF LECTORS & COMMENTATORS MINISTRY 2019 7


Click to View FlipBook Version