The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Kristine Mascariñas, 2024-05-13 11:28:59

ANTAS NG PERFECTIONISM SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAGAARAL SA IKALABING-ISANG BAITANG NG OUR LADY OF PERPETUAL SUCCOR COLLEGE

DESKRIPTIBONG PANANALIKSIK NG GROUP ST, GERARD

Keywords: perfectionism

Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Afternoon Shift sa Ikalabing-Isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaran ng Mataas na Paaralan ng Our Lady of Perpetual Succor College Bilang Pangunahing Kahingian ng Kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Mga Mananaliksik: Alcoy, Myka Mae P. Bon, Gian Lloyd P. Gonzales, Adam Gabriel M, Haboc, Ruth A. Lucas, Luis Miguel G. Mayorga, Maureen Joyce L. Montemayor, Romel Carl B. Nuyda, Elijon E. Tamonan, Ken Paulo T. Tañega, Elmarie Mae J. Tesoro, Monica Kristine M. Mayo, 2023


DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa kahingian ng kursong Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (PB), ang pananaliksik na ito na pinamagatang: ANTAS NG PERFECTIONISM SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAGAARAL SA IKALABING-ISANG BAITANG NG AFTERNOON SHIFT SA OUR LADY OF PERPETUAL SUCCOR COLLEGE 2023-2024 na inihanda ng mga mananaliksik: Alcoy, Myka Mae P. Bon, Gian Lloyd P. Gonzales, Adam Gabriel M, Haboc, Ruth A. Lucas, Luis Miguel G. Mayorga, Maureen Joyce L. Montemayor, Romel Carl B. Nuyda, Elijon E. Tamonan, Ken Paulo T. Tañega, Elmarie Mae J. Tesoro, Monica Kristine M. ay nasuri at napatunayang sumunod sa pamatayan ng paggawa ng pananaliksik at itinagubilin para sa PINAL NA DEPENSA. GIDEON CANLAS Tagapayo Pinagtibay ng tagasuri sa pinal na depensa noong Oktubre 8, 2022 na may markang: _____ NAÑO Tagasuri


DAHON NG PASASALAMAT Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoong Jesus sapagkat kami ay binigyan niya ng kaalaman, pagpapala at gabay upang maging matagumpay at maisakatuparan namin ang aming papel pananaliksik. Kung hindi dahil sa Kanya, hindi namin masisimulan at matatapos ang aming ginawang pag-aaral Kay Ginoong Gideon Canlas na nagbigay sa amin ng kaalaman at gabay sa matagumpay na ginawang aral ng aming grupo, maraming salamat sa tulong sa aming pananaliksik. Kay Binibining Jerika Lopez ang validator ng aming tool, salamat sa pagbibigay ideya upang maging matagumpay ang aming isinagawang survey. Kay Binibining Rov Salting isa sa aming panelista na naglaan ng oras upang magbigay ng kaalaman upang mawasto ang kulang o pagkakamali sa aming pananaliksik. Sa aming guro sa Statistics and Probability, Ginoong Llagas na nagbigay payo upang maiwasto ang datos na nakuha namin para sa aming pananaliksik.


Ang ikahuli, sa aming pamilya at mga kaibigan na walang sawang sumuporta, umintindi sa amin dahil sa pagiging abala namin sa paggawa nito at nagbigay ng pinansyal na tulong upang maisagawa ang pag-aaral. -Mga mananaliksik


DAHON NG PAGHAHANDOG Inihahandog ang pag-aaral na ito na may pamagat “ANTAS NG PERFECTIONISM SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAGAARAL SA IKALABING-ISANG BAITANG NG OUR LADY OF PERPETUAL SUCCOR COLLEGE”. Sa Paaralang OLOPSC na nagsilbing kanlungan ng mga mananaliksik sa mahabang panahon ng pag-aaral. Sa mga guro, mag-aaral at pamunuan ng Institusyong ito na nagsilbing ikalawang tahanan ng mga mananaliksik at naging sandalan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Inihahandog din ang pag-aaral na ito sa lahat ng paaralang nakakaranas ng isyung ito lalo na sa paaralang kulang ang sapat na kaalaman sa isyung ito. Inaalay din ito sa mga guro, sa mga mag-aaral, sa mga magulang na walang sawang sumuporta sa isinagawang pag-aaral, sa mga kaibigan, kapwa mag-aaral, lalong lalo na sa mga kapwa mananaliksik na magpapatuloy ng pag-aaral na ito at sa Our Lady Of Perpetual Succor College at lalong lalo na sa ating bansang Pilipinas.


Ang pananaliksik na ito ay inihahandog sa kabataan na nag-aasam ng malawak na kaalaman, at makatulong sa sinumang dumaranas ng naturang isyu. Layunin nito na magbigay ng kaalaman sa bayang marikit, ipagpatuloy ang daloy ng pagkatuto ng buong puso at ibahagi ang gintong-aral sa ating inang bayan.


TALAAN NG NILALAMAN Pamagatning Pahina…………………………………….……………..….i Dahon ng Pagpapatibay……………………………………………..…...ii Pasasalamat…………………………………………………………..…..iii Paghahandog…………………………………………………………..…iv Talaan ng Nilalaman…………………………………….……………..…v Talaan ng Talahanayan………………………………………………..…vi Talaan ng Pigura………………………………………………………….....vii Abstrak……………………………………………………………….….viii KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula…………………………………………………………………..1 Sanligan ng Pag-aaral………………………………………………….…2 Paglalahad ng Suliranin……………………………………………….…..3 Balangkas Konseptuwal…………………………………………...….......5 Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………...6 Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………...7 Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya………………………………..8


KABANATA II : MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Panimula…………………………………………………………………..9 Mga Kaugnay na Literatura……………………………………………...10 Literaturang Global………………………………………………………11 Literaturang Lokal……………………………………………………….12 Sintesis para sa 4 na literature……………………………………………13 Mga Kaugnay na Pag-aaral………………………………………………14 Pag-aaral na Global………………………………………………………15 Pag-aaral na Lokal……………………………………………………….16 Sintesis para sa 4 na pag-aaral……………………………………...……17 KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………18 Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik…………………………………19 Paraan ng Pangangalap ng Datos………………………………………...20 Respondente ng Pag-aaral at Paraan ng Pagpili ng mga Respondente…..21 Tritment ng mga Datos…………………………………………………..22


KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Paglalahad…………………………………………………………….….23 Interpretasyon……………………………………………………………24 KABANATA IV: LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON Lagom……………………………………………………………………25 Kongklusyon……………………………………………………………..26 Rekomendasyon………………………………………………………….27 MGA SANGGUNIAN……………………..………………………………...…28 APENDIKS……………………………..………………………………...……..29 Mga Liham………………………………………………………...……..30 Sipi/Kopya ng Talatanungan………………………………………..……31 Kurikulum Bita ng mga Mananaliksik…………………………...…….…32


TALAAN NG TALAHANAYAN Talahanayan 1 Demograpikong Propayl…………………………………………….………………..14 Talahanayan 2.1 Antas ng Perfectionism ng mga kababaihan…………………………………………..15 Talahanayan 2.2 Antas ng Perfectionism ng mga kalalakihan…………………………………………..18 Talahanayan 2.3 Antas ng Perfectionism ng mga magaaral sa ikalabing-isang baitang ng OLOPSC afternoon shift……………………………………..……………………………….……19


TALAAN NG PIGURA Pigura 1 Paradigma ng Pananaliksik............................................................................................13


ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa perfectionism ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng Our Lady Of Perpetual Succor College hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng perfectionism sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral saklaw ng pag-aaral na ito ang bawat strand sa ikalabing isang baitang ng afternoon shift nalimutan pag-aaral sa panahon kung hanggang sa alam may epektibo ang pagkalap ng datos mula sa magiging respondente. Sa pagtanto ng antas ng perfectionism ang instrumentong ginamit ay ang survey questionnaire o talatanungan na ipinamahagi sa mga mag-aaral ng Our Lady Of Perpetual Succor College sa ikalabing isang baitang ng afternoon shift, ginamitan ito ng slovin's formula. base sa nakalap na datos, ang mga lalaking mag-aaral ay nakuha sa kabuuang 2.85 na nangangahulugang mataas na perfectionism samantalang sa babae naman ay nakukuha ng 2.97 na nangangahulugan rin ng mataas na proteksyonismo ay mas mataas kumpara sa mga lalaki. ang antas ng perfectionism ay may kabuuan na 2.91 na nangangahulugang mataas ang perfectionism sa mga mag-aaral. dahil sa interpretasyon na ito ay nangangahulugan na may nagaganap na perfectionism sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.


KABANATA I Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-Aaral Panimula Ayon kay Thomas Hurka (1996), ang perfectionism ay sinuportahan nila Plato, Aristotle, Aquinas, Leibniz, Hegel, Marx, Nietzsche at Green. Tinukoy nila na ang perfectionism ay nagbibigay kahulugan na kung ano ang tama sa kanilang paningin ay mas nagbibigay ng pagbabago sa kaugalian ng mga tao at dahil dito ay patuloy ang pag hubog sa kaugalian ng mga tao. Tinukoy ni Ashraf et. al. (2023), na ang pagiging isang perfectionist ay nagiging bunga ng dahilan sa paghahabol ng isang mag-aaral sa gawaing pang paaralan. Sa pag-aaral na ito, nais tukuyin ng mga mananaliksik kung gaano kataas o kababa ang antas ng perfectionism sa akademikong pagganap ng mga mag aaral. Ayon kay Olton-Weber et. al. (2020), ang pagiging perfectionist ng isang mag-aaral ay may idinudulot na epekto sa kanilang emotional well-being. Kabilang sa pag uugali na tinataglay ng isang perfectionist ay ang pag-lalaan nito ng mataas na ekspektasyon sa sarili na minsan ay hindi na tumutugma sa reyalidad (Dinsmore et al., 2022). Sa pag-uugaling ito ng isang perfectionist, dito maaaring mangyari ang pag-iral ng mga psychological problems, ang mga halimbawa nito ay ang anxiety, stress, depresyon, suicidal preoccupation, substance abuse. (Lee & Anderman, 2020) kung tataglayin ng mga mag-aaral mula sa Our Lady of Perpetual Succor college na nasa baitang labing-isa


ang mga katangian, pag-uugali at paraan ng pag-iisip ng isang perfectionist, mayroong malaking posibilidad na magkaroon ito ng negatibong epekto sa kanilang pag-aaral. Mula kina Di Vicenzo et. al., (2022) ang pagiging perfectionist at ang taglay ng pag-uugali at pag-iisip nito ay nag pakita ng mataas. Sandigan ng Pag-aaral Ayon kay fernández-Garcia et. al., (2022). Ang pagiging perfectionist ay isang multidimensional na konstruksyon na nauugnay sa matataas na mga personal na pamantayan, kritikal na pagsusuri sa sarili, at mga istilong nagbibigay-malay na maaaring humantong sa mga sikolohikal na isyu. Ipinakikita ng pananaliksik na ang pagiging perfectionist sa mga kabataan ay patuloy na tumataas sa paglipas ng mga taon. Ito ay naka-konekta sa akademikong pagganap, na may mas mataas na antas na kadalasang positibong nauugnay sa akademikong tagumpay. Gayunpaman, kapag ang pagiging perfectionist ng isang tao ay umabot sa matinding antas, maaari nitong ikompromiso ang pagganap at humantong sa pagkabalisa, depresyon, at poot sa mga mag-aaral. Ang pagiging perfectionist sa akademya ay maaaring magkaroon ng parehong positibo at negatibong epekto. Sa isang banda, maaari itong mag-udyok sa mga mag-aaral na makamit ang mataas na antas ng pagganap at tagumpay. Gayunpaman, sa kabilang banda, maaari itong humantong sa pagtaas ng stress, pagkabalisa, at depresyon, habang ang mga estudyante ay nagsusumikap para sa hindi makatotohanang mga pamantayan. Ang


pressure na maging perpekto ay maaari ring negatibong makaapekto sa sikolohikal na kagalingan ng mga mag-aaral at pangkalahatang kalidad ng buhay. Ang pagiging perfectionist ay naisip bilang isang kumbinasyon ng pagtatakda ng napakataas na pamantayan at walang humpay na pagpuna sa sarili sa pagtugis ng mga pamantayang iyon. Ayon kila Lee, A., & Anderman, E. M. (2020). Hindi maipagkakailang ang perfectionism ay may magandang naidudulot sa isang indibidwal tulad ng lalong pag asam na hasain ang pang sariling kakayahan at kaisipan ngunit sa kabilang banda kung sakaling ito ay masobrahan maaaring makaranas ang isang indibidwal ng burn-out. Isinaad sa pag aaral na ano man ang maging antas o lebel ng pagiging perfectionist ng isang tao, importante pa rin ang pag intindi sa sarili at sa kung ano man ang kaya nitong gawin upang masigurado pa rin na nagkakaroon ng “self growth and well being” ang isang indibidwal (Umandap & Teh, 2020) . Sa kadahilanang ang isasagawang pag-aaral ay magpapatungkol sa pag alam ng antas perfectionism ng mga mag aaral. Kalakip ng mga pag aaral na nalikom, ipinakita na may iba’t-ibang lebel at epekto ang pagiging isang perfectionist. Dahil dito ay naisipan ng mga mananaliksik na pag-aralan ang mga maaaring maging antas ng perfectionism. ito ay lubos na makakatulong sa mga mananaliksik upang mapalawak pa lalo ang kaalaman at pag unawa sa pagiging isang perfectionist ng isang tao.


Paglalahad ng Suliranin Ang sumunod na katanungan ay ang nais sagutin ng mga mananaliksik upang malaman ang Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College. 1. Demograpikong Propayl a. Kasarian lalaki babae b.buklod (strand) 2. Ano ang antas ng Perfectionism sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa afternoon shift sa ikalabing-isang baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College?


Balangkas Konseptuwal Ang pananaliksik na ito ay may pamagat-pampananaliksik na Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap mga Mag-aaral sa Afternoon shift sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College.


Pigura 1 Paradigma ng Pag-aaral Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap mga Mag-aaral sa Afternoon shift sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College. Makikita sa pigura 1 ang paghahanda, pamamaraan, at kinalabasan ng pag-aaral na isinagawa. Ang aktwal na mga tugon na ipinamahagi ng talatanungan sa isang set ng respondente ang nagsisilbing batayan ng pag-aaral. Ipinakita sa paradigma ng pag-aaral ang kasangkapang balangkas konseptwal sa pag-aaral na ito. Ang batayan ng isinagawang pag-aaral ay nakatuon sa pagtukoy sa antas ng perfectionism sa akademikong pag-ganap ng mga magaaral. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na salik ito ay makakatulong upang malaman ang Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap mga Mag-aaral sa Afternoon shift sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College. Sa unang pigura ipinapakita ang basehan, proseso, at resulta ng isinagawang pagsusuri. Ang aktuwal na mga sagot sa ibinigay na tanong ang magiging batayan ng pag-aaral. Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral ay ipinapakita sa paradigma nito. Ang pokus ng pagsusuri ay nakatuon sa pagkuha ng demograpik propayl ng mga respondente at ang pagtukoy sa antas ng perfectionism. Sa tulong ng impormasyong ito,


nakuha ang pangunahing batayan para sa pag-aaral ng Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap mga Mag-aaral sa Afternoon shift sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College Sa pag-uusisa ng mga mananaliksik, tinitingnan ang mga detalye na maaaring maipon mula sa gagawing aktibidad sa mga sumusunod: a.) Pag-aaral ng mga pagsusuri at kaugnay na literatura at pananaliksik sa mga kaugnay na pag-aaral b.) Paglikha ng mga tanong upang maunawaan c.) Pagsasagawa ng isang survey upang masukat ang antas o kalidad . Sa pamamagitan ng pagtatanong, tiningnan ang kabuluhan ng Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap mga Mag-aaral sa Afternoon shift sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College batay sa baryabol na nabanggit. Inaasahan na ang awtput ay magpapakita ng Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap. Makikilala ang mga antas ng taas at baba ng lebel ng perfectionism sa akademiks. Ang pagaaral ay nagbibigay diin sa mga perfectionist na mag-aaral.


Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay kapakipakinabang dahil ang resulta nito ay magbibigay impormasyon ukol sa antas ng perfectionism ng mga mag-aaral na maaring batayan upang mapabuti ang karanasan at kanilang panghalatang kalusugan. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag aaral na ito ay magiging kapaki pakinabang sa mga sumusunod na mananaliksik. Mag-aaral Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang antas ng perfectionism sa kanilang akademikong pagganap at upang makabuo sila ng estratehiya tungo sa mas mabuting pag-aaral. Guro Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maunawaan at makatulong ang mga guro sa pangangailangan ng mga mag-aaral na perfectionist. Magulang Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mabatid kung mababa o mataas antas ng perfectionism na kanilang mga anak. Makakatulong din ito upang magbigay kaalaman kung paano nila masusuportahan ang kanilang anak sa pag-unlad.


Mananaliksik Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maunawaan ng mga mananaliksik ang antas ng perfectionism ng mga mag-aaral at lumawak ang pagkaunawa sa konsepto ng perfectionism. Makakatulong din ito sa susunod na mananaliksik sa pag-unawa sa perfectionism na makakatulong sa hinaharap. Saklaw at Delimitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos kung ano ang antas ng pagiging perfectionist sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay susukatin ang antas ng perfectionism sa baitang labing - isa ng afternoon shift na nakakaranas nito. Ang pananaliksik na ito ay sasakop sa STEM, ABM, HUMSS, TVL at GAS. Ang mga mag aaral ang bibigyang pansin ng mga mananaliksik upang malaman ang kanilang antas ng perfectionism sa OLOPSC Senior High School Afternoon Shift. Ito ay malilimita lamang base sa panahon kung hanggang saan lamang epektibo ang pagkalap ng datos mula sa magiging respondente.


Terminolohiya Dysfunctional Academic Perfectionism (DAP) - Hindi pagtanggap ng mataas na pamantayan sa mga gawain sa paaralan. Maladaptive - Ito ay pagpapakita ng hindi epektibong pag-aasal na hindi angkop sa isang partikular na sitwasyon. Psychological Problems - Isyu o kondisyon sa mental health na nakakaapekto sa isip ng isang tao Suicidal Preoccupation - Ito ay pagiisip ng isang tao sa pagkitil ng kanyang sariling buhay. Emotional Well Being - ang kakayahang matagumpay na mahawakan ang mga stress sa buhay at umangkop sa pagbabago at mahihirap na panahon Phenomenon - isang katotohanan o sitwasyon na naobserbahang umiral o nangyayari, lalo na ang isa na ang dahilan o paliwanag ay pinag-uusapan.


Cognitive Manipulation - isang pandiwang at di-berbal na impluwensya sa pag-iisip ng tumatanggap, na nag-aambag sa pagsasakatuparan ng ilang mga kahulugan at kaalaman ng huli at nakakaapekto sa kanyang paraan ng pag-iisip at pag-uugali.


KABANATA II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Panimula Ang kabanatang ito ay maglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura patungkol sa napiling paksa ng mga mananaliksik na pinamagatang “Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Afternoon shift sa Ikalabing-isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College”. Ang mga nakalap na kaugnay na literatura at kaalaman ay magiging pundasyon ng mga mananaliksik upang mapagtibay ang isinagawang pag-aaral. Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga impormasyon at kaalaman ukol sa importansya ng pag-aaral ng literatura ‘di lamang ng bansang Pilipinas kundi pati na rin ng buong mundo, at kung bakit ito kinakailanganing aralin ng mga kasalukuyang mag-aaral sa labing-isang baitang sa OLOPS College. Mga Kaugnay na Literaturang Global Ayon kay Fang, T., & Liu, F. (2022), tinukoy ang pagiging perfectionist bilang pagtakda ng labis na mataas na pamantayan ng pagsasabuhay ng sarili, na kasama ang labis na mapanlikhang pagsusuri sa sarili. Ang perfectionism ay pangunahing sanhi ng hindi wastong cognitive manipulation ng ideal self. Ang perfectionism ay isang katangian ng personalidad na nagtatangka para sa mataas na pamantayan ng pagganap at


isinasamahan ng isang pagkiling na mapanlikhang suriin ang sarili, na malapit na nauugnay sa mental na kalusugan ng indibidwal at may malalim na epekto sa trabaho, pag-aaral, at buhay ng mga indibidwal. Gayunpaman, mayroong kontrobersya sa literatura ng pananaliksik tungkol sa kung ang pagiging perpekto ay umaangkop at kung ang pagiging perfectionist ay nakakatulong o nakakasakit sa mahabang panahon. Bukod dito, habang ang pagiging perfectionist ay maaaring makaapekto sa mga indibidwal sa lahat ng mga yugto ng buhay, at sa maraming mga domain, maliit na pananaliksik ang napagmasdan ang katangiang ito sa pagbibinata at ang kaugnayan nito sa akademikong tagumpay. Ang pagbibinata ay kumakatawan sa isang mahalagang panahon sa buhay, para sa parehong hitsura at pag-unlad ng pagiging perfectionist, at ang kahalagahan ng tagumpay sa akademya, na ginagawa itong isang mainam na panahon upang suriin ang pagiging perfectionist (Endleman et al., 2021). Sintesis Ang pagsusuri sa mga literaturang inihayag nina Fang, T., & Liu, F. (2022) at Endleman et al., (2021) ay nagbigay diin kung paano nauugnay ang perfectionism sa kalusugan ng indibidwal. Ito ay makakatulong sa mananaliksik upang maunawaan pa ang mga salik ng perfectionism na maaring makapagpatunay na ang isang magaaral ay nagtataglay nito. Ayon kina Fang, T., at Liu, F. (2022), ang perfectionism ang pangunahing sanhi ng hindi wastong cognitive manipulation ng ideal self na may malalim na epekto sa mental


na kalusugan, trabaho, pag-aaral, at buhay ng mga indibidwal. Gayunpaman, ayon kay Endleman et al,. (2021), mayroong kontrobersya sa literatura ng pananaliksik kung ang pagiging perfectionist ay nakakatulong o nakakasakit sa mahabang panahon. Bagaman, sinabi rin sa pananaliksik na habang ang pagiging perfectionist ay nakakaepekto sa mental na kalusugan, may kaugnayan pa rin ito sa akademikong tagumpay. Ang pagsusuri sa mga literaturang nabanggit ay nagpapakita ng malalim na ugnayan ng perfectionism sa kalusugan ng indibidwal, pati na rin sa kanilang performance sa iba't ibang aspeto ng buhay tulad ng trabaho at pag-aaral. Ito ay makakatulong sa mga mananaliksik na mas maunawaan ang mga salik na maaaring magpatunay na ang isang mag-aaral ay mayroong perfectionism. Mga Kaugnay na Pag-aaral na Global Ayon kay Osenk (2021) "Differenting the role of perfectionism and high standards in young adolescents”. Ang napakataas na pamantayan ng pagganap ay nagmumula sa pagpapahalaga sa sarili ng isang indibidwal na ganap na umaasa sa kanilang mga nagawa, at sa gayon ang hindi matamo na mga pamantayan ng pagiging perfectionist ay hinahabol anuman ang masamang kahihinatnan. Ang mga matibay na paniniwala ay binuo sa pagtatangkang makamit ang mga pamantayang ito (hal., "Dapat akong maging perpekto sa lahat ng aking gagawin kung hindi, ito ay isang kabiguan'), na nagpapalakas ng matinding takot sa pagkabigo at nakakaimpluwensya sa mga pag-uugali na nagpapanatili


ng pagiging perpekto, kabilang ang pagpapaliban, labis na pagiging maselan at paulit-ulit na pagsusuri sa trabaho. Ayon kina Liu at Berzenski (2022), Sa kanilang pag-aaral na “College Academic Perfectionism Scale: Development and Validation”. Ang pagsukat sa academic perfectionism ng mga mag-aaral ay maaaring makatulong upang malaman ang lagay ng kanilang mental health. Sa karagdagan, ang pagharap sa mga mag-aaral na may mental health issues ay maaaring magamit upang maobserba kung ang kanilang problema ay makakaapekto sa lebel ng academic perfectionism. Ang subscales ay makakatulong upang magbigay ng pananaw kung ano ang problema sa proseso sa isyu na ito. Mga Kaugnay na Pag-aaral na Lokal Ayon sa pag aaral ni Tan, J. S. (2022) na “Hiding behind the "perfect" mask: a phenomenological study of Filipino university students' lived experiences of perfectionism”. Kabilang ang kabataang Pilipino. Sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman (UPD), Ang mga mag-aaral na perfectionist ay nagpakita ng matataas na pamantayan at pag-uugali at kaalaman na nauugnay sa katigasan at pagkahumaling sa maraming konteksto sa kanilang buhay. Ang mga konteksto ng pamilya, pre-kolehiyo (elementarya at mataas na paaralan), at kolehiyo ay makabuluhan sa kanilang pag-unlad bilang mga perfectionist. Nahirapan din ang mga mag-aaral sa patuloy na negosasyon at trade-off nito dahil sa pagiging double-edged nito at ang pagtulak at paghila ng kanilang personal at iba pang pamantayan. Ang mga salaysay ay nagpapahiwatig din ng kaugnayan sa


pagitan ng kanilang mga motibasyon bilang mga perfectionist, ang kanilang mga diskarte sa pamamahala nito. Sa pag-aaral ni Montano (2023) na pinamagatang Believing that failure is essential: failure-is-enhancing mindset mediates the relationship of perfectionism and academic engagement, binigyan katibayan na ang paniniwalang kabiguan ay mahalaga sa halip na hindi nakakatulong ay isang mahalagang salik sa paghula ng akademikong pakikipag-ugnayan sa mga perfectionist. Sintesis Ang mga pag-aaral nina Osenk (2021), Liu at Bersenski (2022), Tan, J. S (2022), at Montano (2023) ay nagpapakita ng masamang kahihinatnan ng pagkakaroon ng mataas na pamantayan at kung paano makakatulong ang pagsukat ng perfectionism sa pamamahala ng mga mag-aaral sa kanilang sarili. Ayon kay Osenk (2022), ang pagiging perfectionist ay nakakaimpluwensya upang ang indibidwal ay maging maselan. Ayon naman sa pag-aaral nina Liu at Besenki (2022), at Tan, J. S (2022), ang pag alam sa antas o lebel ng perfetionism ng indibidwal ay makakatulong upang laman ang lagay ng kanilang mental health at kung ano ang maaaring diskarte sa pamamahala nito. Sa pagaaral ni Montano (2023) , partikular na napag-alaman na ang pagkakaroon ng mataas na perfectionism ay nagtataguyod ng paniniwala na ang mga pagkabigo ay mahalaga sa


pag-aaral. Sinusuportahan ng pag-aaral na ito ang pananaw na ang perfectionism ay may adaptive at maladaptive side. Sa pagsusuri sa mga literatura, sa pamamagitan ng pag-aaral sa perfectionism, maaaring mabatid ang mga potensyal na panganib at mabuting suporta na maaaring ibigay sa mga mag-aaral upang malaman at pamahalaan ang kanilang sariling antas ng perfectionism. Ito ay magbibigay-daan sa pagbuo ng mga epektibong estratehiya at suporta para sa mga mag-aaral.


KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Panimula Mababasa sa kabanata na ito kung anong disenyo ng pag-aaral ang ginamit ng mga mananaliksik. Malalaman din sa bahaging ito ng pananaliksik ang mga paraan na ginawa upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral na ito. Ang nilalaman ng kabanatang ito ang mga sumusunod: Disenyo ng Pananaliksik, Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik, Paraan ng Pangangalap ng Impormasyon at Datos, Respondente ng Pag-aaral at Paraan ng Pagpili ng mga Respondente, at Tritment ng mga Datos. Disenyo ng Pananaliksik Pamamaraang deskriptibo ang ginamit sa pananaliksik na ito upang malaman ang Kaantasan ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral. Ang deskriptibong disenyo ng pananaliksik ay tumutukoy sa pagkolekta ng datos tungkol sa isang tiyak na paksa ng hindi sinusubukang magpaliwanag ng mga ugnayang sanhi at epekto. Layunin nito na magbigay ng komprehensibo at tamang paglalarawan ng populasyon o phenomenon na pinag-aaralan at ilarawan ang mga ugnayan at


tendensiyang umiiral sa loob ng datos. Sa pamamagitan nito, natutulungan ng deskriptibong pananaliksik ang mga mananaliksik na mas mapalalim ang pag-unawa sa isang partikular na isyu at magbigay ng mahalagang mga pananaw para sa mga susunod na pag-aaral (Sirisilla, 2023). Angkop ang pamamaraang deskriptibo sa pananaliksik na isinagawa sapagkat layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang kasalukuyang antas ng perfectionism sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Respondente, Populasyon at Teknik sa Pagpili ng mga Respondente Ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng datos ay Simple Random sampling technique mula sa mga strand ng OLOPSC Senior High School Afternoon Shift upang maging kalahok ng aming isinasagawang survey. Gamit nang SLOVINS formula mayroong 88 sample size. Para sa bawat strand ay may equal allocation na 18 na kailangang respondente. Para sa STEM 18, ABM 18, HUMSS 18, GAS 18 at TVL 18.


Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik Sa pag-aaral na ito, ang pangunahing instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos upang makuha ang antas ng perfectionism ay survey questionnaire o talatanungan. Ipamamahagi ito sa mga piling mag-aaral ng Our Lady of Perpetual Succor College mula sa ika-11 baitang ng Afternoon Shift. Ang mga katanungan na ito ay kinuha namin sa internet na ang pamagat ay College Academic Perfectionist Scale: Development and Validation(Liu & Berzenski, 2022). Direksyon: Sa pagtugon ng aming survey questionnaire o talatanungan, basahin nang maayos ang bawat katanungan upang maunawaan ang nilalaman. Lagyan ng tsek ang talahanayan kung saan naangkop ang iyong kasagutan na binibigyan ng katumbas na bilang na 4 ang pinakamataas at 1 and pinakamababa.


Ang mga katanungan sa respondente ay sinasagot ng sumusunod : 4-Lubos na sumasang-ayon 3.26 - 4.00 : Lubhang Mataas 3-Sumasang-ayon 2.51 - 3.25 : Mataas 2-Hindi sumasang-ayon 1.76 - 2.50 : Mababa 1-Lubos na hindi sumasang-ayon 1.0 - 1.75 : Lubhang Mababa Sumusukat sa Antas ng Perfectionism ng Mag-aaral 4 3 2 1 1.Gusto kong makakuha ng perpektong grado sa paaralan 2.Ang tagumpay sa akademiko ang nagpapakilala kung sino ako 3.Ang paggawa ng maliit na pagkakamali sa isang gawain sa paaralan ay labis kong ikinalulungkot 4.Madalas akong nag-aalala kung tama ba ang paggawa ko sa aking takdang aralin 5.Kapag hindi perpekto ang aking mga marka, hindi ko sinisisi ang sarili ko 6..Nagagalit ako sa sarili ko kapag hindi perpekto ang aking pagganap sa isang gawaing pang-paaralan 7.Kapag nakagawa ako ng isang pagkakamali sa pagsusulit na hindi naman dapat mangyari, nakadarama ako ng galit 8..Nagbibigay ako ng prayoridad sa mga bagay na makakatulong sa akin na makamit ang perpektong mga marka sa pagsusulit 9.Nahihirapan akong patawarin ang aking sarili kapag ang aking pagganap sa pagsusulit ay hindi perpekto 10.Hindi ko nirerespeto ang sarili ko kung hindi ko ibinigay ang aking makakaya upang makamit ang pagiging perpekto sa akademikong pagganap


Reference: Liu, C., & Berzenski, S. R. (2022b). College Academic Perfectionism Scale: development and validation. Journal of psychoeducational assessment, 40(4), 465–481. https://doi.org/10.1177/07342829211069799 Mga Hakbang sa Paglikom ng mga Impormasyon at Datos Ang mga hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik upang makalap ang mga impormasyon na kinailangan para sa pag-aaral ay sa pamamagitan ng masinsinang pananaliksik at pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura upang mapatunayan na ang suliranin na ito ay patuloy na umiiral sa kasalukuyan. Sumailalim din ang mga mananaliksik sa iilang preparasyon sa pamamagitan ng mga impormal na panayam kasama ang iilang guro bago tuluyang sumalang sa mga pormal na pagdedepensa upang tuluyang malinis ang isasagawang pag-aaral. Ang pangunahing paraan ng pangangalap ng datos ay ang paggamit ng talatanungan upang mabisang makuha ang datos mula sa mga piling respondente. Ito ay isasagawa online at gamit ang google form para sa karagdagang patunay at pag-intindi ng problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa OLOPSC na nasa Grade 11 Afternoon Shift.


Tritment ng mga Datos Bibigyang kasagutan ng mga makakalap na datos ang sumunod na problema: Ang antas ng perfectionism sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Gagamitin ng Mean percentage ang kabuuang datos ng bawat piling mag-aaral upang makuha ang antas ng kanilang perfectionism. Ang mean ay tinatawag din na average(Hurley & Tenny, 2023). Ang pagkuha ng average o mean ay naglalaman ng lahat ng halaga sa datos (Frost, 2024).


KABANATA IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPERTASYON NG MGA DATOS Sa kabanatang ito nakapaloob ang paglalahad, pagsusuri, at interpretason ng mga nakalap na datos na susuporta at magpapatibay sa pag-aaral na isinagawa. Suliranin 1. Pagkuha ng Demograpikong Propayl Talahanayan 1 Demograpikong Propayl 1.1 Kasarian ƒ % Babae 45 50 Lalaki 45 50 Kabuoan 90 100 1.2 Strand ƒ % STEM 18 20 HUMSS 18 20 ABM 18 20 TVL 18 20 GAS 18 20 Kabuoan 90 100


Ipinapakita sa Talahanayan Blg. 1.2 ang bilang ng nakalap demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng labing-isang baitang. Ayon sa datos mayroon 45 na babae at 45 na lalaki ang nakilahok sa survey. Sa Talahanayan Blg. 1.2 ay may 18 respondents sa bawat strands ang nakilahok sa survey. Talahanayan 2.1


Talahanayan 2.2


Talahanayan 2.3


Ipinapakita sa Talahanayan Blg. 2.1 ang antas ng perfectionism ng mga kababaihan ng baitang labing-isa batay sa likert scale. Ang nakakuha ng pinakamababang mean ay ang aytem 10 na may mean na 2.22 na may berbal na interpretasyon na Mababa, samantalang ang ang nakakuha naman ng pinakamataas na mean ay ang aytem 1 na may mean na 3.73 na may berbal na interpretasyon na Lubhang Mataas. Ipinapakita sa Talahanayan Blg. 2.2 ang antas ng perfectionism ng mga kalalakihan ng baitang labing-isa batay sa likert scale. Ang nakakuha ng pinakamababang mean ay ang aytem 10 na may mean na 2.07 na may berbal na interpretasyon na Mababa, samantalang ang ang nakakuha naman ng pinakamataas na mean ay ang aytem 1 na may mean na 3.42 na may berbal na interpretasyon na Lubhang Mataas. Ipinapakita sa Talahanayan Blg. 2.3 ang antas ng perfectionism ng mga mag-aaral ng baitang labing-isa batay sa likert scale. Ang nakakuha ng pinakamababang mean ay ang aytem 10 na may mean na 2.14 na may berbal na interpretasyon na Mababa, samantalang ang ang nakakuha naman ng pinakamataas na mean ay ang aytem 1 na may mean na 3.58 na may berbal na interpretasyon na Lubhang Mataas.


Ang antas ng perfectionism ng mga mag-aaral ng baitang labing isa ay may kabuoang mean na 2.91 na may berbal na interpretasyong Mataas. Ayon rin sa nakalap na datos ipinapakita na ang mga mag aaral ay lubhang naapektuhan ng perfectionism at nauugnay sa pag aaral at pananaliksik nila (Lui & Berzenski, 2022) “mga kadahilanan, self-oriented academic perfectionism at self-critical academic perfectionism, at self-critical academic perfectionism ay binubuo ng tatlong sub-factor, academic self-criticism, pagdududa tungkol sa mga aksyon, at socially prescribed academic perfectionism”


KABANATA V LAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Ipinapakita ng kabanatang ito ang mga lagom ng natuklasan ang konklusyon at mga rekomendasyon sa isinagawang pag-aaral. Lagom Ang pag-aaral na ito ay may pinamagatang “Antas ng Perfectionism sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Afternoon Shift sa Ikalabing-Isang Baitang ng Our Lady of Perpetual Succor College” na may layuning matuklasan ang perfectionism ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang. Itinatag ng kabanatang ito ang pundasyon para sa pag-unawa sa kumplikasyon ng perfectionism at ang epekto nito sa akademikong pagganap sa kalagayan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri ng kaugnay na literatura sa lokal at global ay lubos na nakatulong at nagpatibay sa isinagawang pananaliksik. Ang pagsusuri na isinagawa ay isang anyo ng pag-aaral na deskriptibong pamamaraan upang tuklasin ang mga antas ng perfectionism sa mga mag-aaral sa hapon ng ika-labing-isang baitang sa Our Lady of Perpetual Succor College. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga surbey at simple random na pamamaraan ng pagkuha ng sample. Ito ay may kabuuang 90 na mga respondenteng mula sa Senior High School. Layunin ng pag-aaral na makuha ang komprehensibong datos upang mas maunawaan ang phenomenon ng perfectionism sa akademiko.


Natuklasan Ayon sa mga nakalap na datos, natuklasan ng pag-aaral na: 1. Ang mga respondente na nakihalok na babae ay may50% at sa lalaki naman ay may 50% na may kabuoang 100% sa sarbey. 2. Ang bawat strands ay may 20% na respondente nakilahok na may kabuoang 100% sa sarbey. 3. Ang antas ng perfectionism ng mga respondente ng labing isang baitang ay may kabuoang 2.91 na mayroong inteprestasyon na mataas na nangangahulugan ang mga respondente ay may nagaganap perfectionism sa kanilang pag aaral. Konklusyon Batay sa resulta ng pag-aaral ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon na nagsasabi na: 1. Base sa kabuuang respondente ng mga mag aaral, bawat estudyante ay nagpapakita ng mataas na antas ng perfectionism pag dating sa akademikong larangan. Masasabi na ang perfectionism ay may malaking papel sakanilang akademikong pagganap.


2. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga guro, mag-aaral at magulang. Ang resulta ay nagpapakita na mahalagang pagtuunan ng pansin ang isyung ito. Rekomendasyon Mula sa mga natuklasan sa isinagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sumusunod na rekomendasyon. Sa mga Guro: Magkaroon ng seminar ang mga guro para maunawaan ang mga hamon at pangangailangan ng mga mag-aaral na may mataas na antas ng perfectionism upang magabayan nila ito ng wasto. Sanayin o ituro sa mga mag-aaral ang pagtanggap sa pagkakamali na maaaring makatulong sa pagbaba ng stress at anxiety ng mga mag-aaral. Magkaroon ng sapat na oras sa mga mag-aaral na may mataas na antas ng perfectionism upang masuri ang kanilang stress at anxiety sa pamamagitan ng one-on-one na sesyon. Sa mga Susunod na Mananaliksik: Maglaan ng sapat na panahon upang mapalawak pa ang pag-aaral nito upang masusing malaman ang kinapapalooban ng isyung ito. Imbis na limitahan ang saklaw sa isang specific na baitang o paaralan, subukang isagawa ang pag-aaral sa iba't ibang sektor


ng lipunan upang makakuha ng mas malawak at representatibong datos patungkol sa antas ng perfectionism sa akademikong pagganap. Sa mga Magaaral: Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na pagtuunan ng pansin ang mga salik ng pagiging perfectionist upang makapaghanap ng nararapat na estratahiya at paraan para sa kanilang akademikong pag ganap. Sa mga Magulang: Ang inirerekomenda ng mga mananaliksik para sa mga magulang na bigyan nang sapat na suporta ang kanilang mga anak.


MGA SANGGUNIAN Ashraf, M. A., Sahar, N., Kamran, M., & 537Alam, J. (2023). Impact of Self-Efficacy and Perfectionism on Academic Procrastination among University Students in Pakistan. Behavioral Sciences, 13(7), 537. https://doi.org/10.3390/bs13070 Dennis-Tiwary, T. (2023, July 17). Perfectionists: Lowering your standards can improve your mental health. Washington Post. Washington Post. https://www.washingtonpost.com/wellness/2022/10/19/perfectionism-anxiety-excellence Fang, T., & Liu, F. (2022). A review on perfectionism. Open Journal of Social Sciences, 10(01), 355–364. https://doi.org/10.4236/jss.2022.101027 Fernández, O., et al., (2022). Academic Perfectionism, Psychological Well-Being, and Suicidal Ideation in College Students. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC9819691/ Ivana, O. (n.d.). (2021). Differentiating the role of perfectionism and high standards in young adolescents. Flinders University - RHD Theses. https://theses.flinders.edu.au/view/63e4278b-bc49-49e4-857e-f93db5819a60/1


Click to View FlipBook Version