LIWAYWAY LIWAYWAY BUKANg
Bukang Liwayway: Portfolio ng mga Sulatin Jenel A. Cruz 12 - Marlhes Gng . Glaiza Naniong 04/01/24
PROLOGO: Ang aking napiling pamagat para sa aking portfolio na ito ay “Bukang Liwayway ”. Ito ay dahil ang simpleng kahulugan lamang ng aking napiling salita ay “Madaling Araw” , kaya naman ay maaari itong maihalintulad sa aking mga gawa at mga natutunang kaalaman patungkol sa pagsulat. Madaling Araw” , ito ay simbolo na magsisimula na ang bagong araw, at gigising na ang mga tao. Gaya ng paggising ng mga tao, imumulat nila ang kanilang mga mata sa pagbasa ng aking mga sulatin.
PROLOGO: Ang manunulat ay lubos na nagpapasalamat kay Ginang Glaiza Naniong para sa pagkakataon na ibinigay niya upang mapanatili, palakasin pa, at pagyamanin ang kaalaman ng mga mag-aaral
TALAAN NG NILALAMAN: ABSTRAK Ang abstrak ay isang maikling pahayag na naglalaman ng pangunahing punto at layunin ng isang sulatin, nagbibigay ng buod ng kabuuang nilalaman nang maikli at kumpletong paraan. BUOD Ang buod ay isang maikling paglalarawan ng pangunahing mga kaganapan at mensahe ng isang sulatin. Ito ay nagbibigay ng pangkalahatang ideya nang hindi kinakailangang talakayin ang lahat ng detalye. BIONOTE Ang bionote ay isang maikling paglalarawan ng may-akda ng isang sulatin, nagbibigay impormasyon tungkol sa kanilang background at mga kontribusyon sa larangan ng pagsusulat.
ABSTRAK Ang pananaliksik ay nakatuon sa paksa ng mga estratehiya sa negosyo na ginagamit ng mga may-ari ng salon sa panahon ng pandemya. Ginamit ang isang kwalitatibong pamamaraan na may mga kalahok na lahat ng may-ari ng salon sa Lungsod ng Marikina. Nagpakita ang mga resulta na malubha ang epekto ng pandemya ng COVID-19 sa mga maliit na negosyo at ang mga may-ari ay kinailangang humanap ng ibang paraan upang kumita ng kita. Sa konklusyon, nagbibigay ang pag-aaral ng impormasyon tungkol sa kung paano hinarap ng mga may-ari ng negosyo ang agarang pagbabago sa kanilang negosyo.
BUOD Ang kuwento ng Alamat ng Ilang-Ilang ay naglalarawan ng pagmamahalan nina Cirila at Carlos. Isang araw, ang mapayapang eksistensya nila ay nabulabog nang dumating ang isang Tsino na umibig kay Cirila. Subalit, sa kabila ng pagmamahal na ito, tinanggihan ni Cirila ang Tsino. Sa kanyang pagkadismaya, pinilit ng Tsino si Cirila na sumama sa kanya, isinasantabi ang kanyang kalayaan at pagpapahalaga sa sarili. Sa di-makatarungang pagpapakasakal ng Tsino, ipinaglaban ni Cirila ang kanyang dangal at sariling kagustuhan. Sa gitna ng laban, mas pinili niya ang kamatayan kaysa ang mapahamak ang kanyang dignidad. Ang trahedyang ito ay nagdulot ng matinding kalungkutan kay Carlos, ang kasintahan ni Cirila. Sa pagtitiis ng sobrang sakit at pagdadalamhati, si Carlos ay wala nang nakitang dahilan upang mabuhay. Namatay siya na may malalim na lungkot sa kanyang puso dahil sa pagkawala ng minamahal.
BUOD Ngunit, sa kabila ng matinding lungkot at pagluha ng bayan, nagkaroon ng himala. Sa libingan nina Cirila at Carlos, ang puno ng kahoy na nagdulot ng kanilang mapait na wakas ay biglang nagbunga ng isang bulaklak na tinawag na "Ilang-Ilang." Ang bulaklang ito ay isang tanda ng wagas na pag-ibig nina Cirila at Carlos, isang alaala na mananatiling buhay kahit sa pamamagitan ng kamatayan. Ang kanilang pag-ibig at sakripisyo ay naging simbolo ng tapang, dangal, at kagandahang-loob sa kanilang bayan at sa hinaharap.
BIONOTE Sa luob ng mahabang panahon ng pamumuhay hanggang sa kasalukayan ni Erin Jocas Umandap mula noong Hunyo ng kayang pag silang, nakamit na niya ang maraming parangal. Kinikilala si Erin Jocas Umandap bilang isang bihasa at mahusay na manlalaro ng iba’t ibang paligsahan ng mga larong digital. Kabilang na dito ang sikat na sikat na “Mobile Legends” , kung saan nakamit niya ang rangkong “Legend” , at kabilang sa mga mangungunang manlalaro ng “Granger”. Bilang isang mahusay rin na mag-aaral ng nakaraan niyang paaralan na “Pateros Catholic School” mula highschool. Iginawad sa kanya ang kabuohang subject awardee mula Grade 7 hangggang sa kanyang pagtungtong ng Grade 11. Sumali rin si Erin sa iba’t ibang patimpalak nuon, tulad ng “Poster Making Contest” , at nanalo ng una at ikalawang puwesto.
BIONOTE Kilala siya bilang isang taong may likas na kabutihang luob at katalinuhan. Dahil sa kanyang pagmamahal sa pagluluto, madali rin sa kanya ang mag eksperimento sa mga bagong putahe at lutuin ito ng hindi pa lubos na susubukan. Bukod dito, siya rin ay nakapunta na sa Formula 1 sa bansang Singapore, noong taong 2023.