ALBANO | ALLAUIGAN | CAMARINES | COLLERA | CRUZ, R. | LLANITA | MENDOZA | PINLAC | SADSAD | TABORDA
Bukod sa pagkilala sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang Pilipino, mahalaga rin na lumabas tayo at matalos ang mga panitikan na nagmula sa ibang bansa. Ito ay upang makita at makilala rin natin ang kanilang sariling kalinangan, yaman ng isip, kultura, tradisyon, at natatanging pagkakakilanlan na makatutulong upang mas mapaigting pa ang samahan, at pagkakaunawaan ng ating bansa sa iba pang karatig bansa. Ang pag alam at pagkatuto rin ng kanilang panitikan ay maaaring makatulong upang maihambing at maiugnay sa sarili nating panitikan na umiiral. Sa ganitong siste, maaaring yumabong ang kaalaman natin sa usaping panitikan na makatutulong upang mas mapaunlad pa ang pagsulat natin sa ating sariling panitikan. Kaya sa monograp na ito, tampok ang bansang Thailand at ang mga natatangi nilang panitikan na ipinagmamalaki na tumatalakay sa kanilang sariling pagkakakilanlan. Bukod sa pagtampok ng mga panitikan, hinimay din at sinuri ang mensaheng pinaparating nito gayundin ang pag-uugnay nito sa kanilang kultura at maging sa kanilang kasaysayan. Nawa, sa babasa nito ay tumatak sa inyo ang mga aral at mensahe na nais iparating ng bawat panitikan sa loob ng monograp na ito. Baunin at bitbitin ninyo ang mga kaalamang ito nang sagayon ay mapalawak pa ang pag-unawa at pagtingin ninyo sa mga panitikan hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa ibang bahagi pa ng mundo.
TAMPOK NA PANITIKAN NG
ustice Once and For All Ang tulang “Justice Once and For All” ni Naowarat Pongpaiboon ay pumapaksa sa karaniwang pamumuhay ng mga tao sa Thailand, tumutukoy ito sa kanilang paraan ng pakikisalamuha at tumatalakay din naman sa pagkakaroon ng pantay sa hustisya na dapat matamo ng bawat isa sa kanilang bansa. At higit sa lahat, ang pagpapakita sa paghahanap ng katotohanan na repleksiyon ng kanilang paniniwala. PAMUMUHAY Ang kontemporaryong tula na ito ay nakaangkla, naisasakonteksto at maisasakonteksto sa karaniwang hitsura ng trabaho ng mga karaniwang tao. Mapapansin sa tula na mayroong limang pangunahing tauhan na nabanggit na karaniwang makikita sa kalsada dahil sa uri ng kanilang pamumuhay at hanap-buhay. May pag-uusap ng tono na nagungumusta at nagtatanong. Walang pangmamaliit. Walang panlalait. Litaw ang pagtukoy sa kalidad, respeto at pakikisama. Dahil bansang Thailand, kultura na nila ang pagtitinda sa kalsada at ito rin ay maituturing na pangunahing sentro ng atraksiyon sa kanilang bansa. Dahil ang iba't ibang uri ng kanilang mga pamilihan ay isa ring dahilan kung bakit ang bansang Thailand ay patuloy na pinupuntahan ng mga tao. Ayon na rin kay Pattama Valailert, tunay na ang pagtitinda sa kalye ay lubusang nakaakit sa mga turista at pamumuhay ng mga lokal na siyang nais rin maranasan ng iba. Bagamat dahil sa modernisasiyon na nais ng bansa, ilang beses na sinubukan ng mga nakakataas sa Thailand ang kultura at pamumuhay nito. Sa kabilang banda, isang matibay na pahayag ang iniwan ng may akda ng tula na nagsasabing “Ang tunay na bayani ng isang bansa ay ang mga tao nito.” Sila ay walang takot na bumoboses para sa kanilang nakagisnan na pamumuhay, kultura ar pagkakakilanlan. KATOTOHANAN, ESTADO NG PAGKABALANSE, AT HUSTISYA (SUTRA AT KALAMASUTRA) Makikita sa tulang ito, gaya ng sa ibang akda mula sa Thailand, ang impluwensiya ng mga turo sa Budismo, lantad man o tago. Sa tinatawag na “Kalamasutra,” ang paghahanap tungo sa katotohanan ay hindi dapat na nakabatay sa kahit sinomang awtoridad bagkus ay sa maingat na pagkilala sa sariling karunungan at/o kaalaman. Litaw sa ganitong paniniwala ang kanilang pagpapahalaga sa sariling kalayaan sa paghahanap ng katotohanan. Kaya mapapansin sa akda na ilang beses naganap mang mga pagtatanong mula sa bata, sa mga karaniwang tao tungo sa mga may maayos na kalagayan sa buhay. Sa huling bahagi ng tula mapapansin ang pagsasaad na ang hustiya ay ang katotohanang batay sa sariling pagtingin. Hindi naiimpluwensiyahan at nadidiktahan ng kahit sino. Dahil ang katotohanang batay sa iyo ay katotohanan at hustisiya rin
para sa iyo. Sa ganitong sabi matatagpuan ng mga tao ang pagpapahalaga sa sariling kaganapan at kasiyahan. Ang ganitong pananaw ay maiuugnay sa konsepto ng "Kalama Sutra" na kung saan nagbigay ng paalala ang Budha tungkol sa maling pagsunod at paniniwala. Kinakailangan ang pag-aalinlangan at pagtatanong upang matamo ang katotohanan. Hindi dahil ito ay nakasulat, ito na ang totoo. Hindi dahil ito nag nakasanayan ito na ang totoo. Hindi dahil ito nag katuruan ito na ang totoo. Bagkud, masasabi mo lang na totoo ang kahit na ano kung ito ay iyong pinag-aralan, litaw sa kahit na anong sitwasiyon at napatutunayan mo na ito sa iba. (Boonkhachorn, 2023) Ang paghahanap sa hustisya ay isa sa mga karaniwang paksa ng mga akda mula sa iba’t ibang bansa pero ano nga ba ang pagpapakahulugan ng mga ito sa salitang hustisya at ano ang panukat nila rito? Sa Thailand, ang simbolismo ng salitang hustisya ay ang timbangan. Sa tuwing naaabot ang estado ng pagkabalanse ng mga bagay, doon nila masasabing ang hustisya ay nakamit na nga. Sa kabuoan ang bansang Thailand ay lubos ang pagpapahalaga sa sariling pagtuklas at paniniwala dahil sa tingin nila ito ang tama at pagsunod kay Buddha. Gayundin ang kanilang pagpapatuloy sa kanilang simpleng pamumuhay. MAY-AKDA Naowarat Pongpaiboon Ipinanganak noong Marso 26, 1940 sa Kanchanaburi isang probinsya sa Thailand. Maituturing na mayroong malaking impluwensiya ang kaniyang tatay kung bakit niya ginusto ang pagiging manunulat. Noong 1993 ay dineklara siya bilang Thailand National Artist of Poetry Literature. Karaniwan sa kaniyang mga tula ang mga paksa sa politika at lipunan. Siya ay hindi lamang basta manunulat kundi isang taong may prinsipyo na matulungan ang kaniyang bansa ay may matibay na paniniwala sa relihiyon na kaniyang kinabibilangan Kung hindi dahil sa dharma ay maaaring kinitil niya na ang kaniyang buhay. “Dharma taught me to live through suffering, and to love reading and writing poetry even more.” The real heroes are people.
Ang akdang “Niras Phukao Thong” ay isang dula o akdang pangdula na isinulat ni Sunthorn Phu. Ito ay isang pagsasadula ng mga pangyayari at mga karanasan na nauugnay sa Golden Mountain. Ang dula ay naglalaman ng mga diyalogo, mga tagpo, at mga pagkilos ng mga tauhan sa isang entablado. Ito ay naglalaman ng mga pangyayari at mga karanasan na nauugnay sa Golden Mountain o Phu Khao Thong. Ito ay isang epikong dula na naglalaman ng mga temang tulad ng kabayanihan, pag-ibig, katarunangan, at kapangyarihan. Ipinapakita nito ang mga pagsubok at mga kaganapan sa buhay ng mga tauhan na may kaugnay as Golden Mountain. Sa kabuuan, ang “NIras Phukao Thong” ay isinulat ni Sunthorn PHu sa isang magaan at malikhain estilo na kaugnay ng akdang pangdula. Ang mga diyalogo, mga tagpo, at mga pagkilos ng mga tauhan at nilalaman ng dula upang higit na maipahayag ang mga pangyayari at mga damdamin ng mga tauhan sa entablado. Ang estilo ng pagsulat na ito ay nagbibigay-buhay sa mga karakter at nagpapahayag ng mga kaganapan sa isang malikhaing paraan. niras Phukao Thong Sa pamamagitan ng “Niras Phukao Thong”, isinalarawan ni Suthorn Phu ang kagandahan at misteryo ng Golden Mountain, na naghatid ng mga pagsusuri sa pagkamabansa, kabayanihan, at mga kahagahan ng buhay na nilalaman ng kunwento. TUNGKOL SAAN? KULTURANG SINASALAMIN Makikita sa tema ng panitikang itinatampok ang paggalang ng mga Thai sa kanilang itinuturing na mga bayani. Pagpapahalaga sa konsepto ng pag-ibig, at katarungan. Mababakas sa uri ng pamahalaan na kanilang bansa ang pagpapahalaga sa kapangyarihan. Dahil dito kabilang sa 12 Core Values ng mga Thai ang sumusunod: 1. Pagtataguyod sa tatlong pangunahing haligi ng bansa: ang bansa, relihiyon, at monarkiya; (Upholding the three main pillars of the country: the nation, the religion, and the monarchy;) 2. Pagpapakita ng katapatan, sakripisyo, at pasensya na may positibong saloobin para sa interes ng publiko; (Showing honesty, sacrifice, and patience with a positive attitude for the interest of the public;) 3. Pagpapakita ng paggalang ng mga anak sa magulang, tagapag-alaga at guro; (Practicing filial piety towards parents, guardians and teachers;) 4. Pagsasanay sa moralidad, integridad, pagkamakonsiderasyon, pagkabukas-palad, at pagbabahagi; (Practicing morality, integrity, considerateness, generosity, and sharing;)
5. Pag-unawa at pag-aaral ng mga tunay na demokratikong mithiin kasama ng Kamahalan ang Hari bilang Pinuno ng Estado; (Understanding and learning true democratic ideals with His Majesty the King as Head of State;) 6. Pagpapanatili ng disiplina at paggalang sa mga batas at matatanda; (Maintaining discipline and respectfulness for laws and the elderly;) 7. Ang pagiging mulat at maalalahanin sa mga kilos ng isang tao alinsunod sa maharlikang pahayag ng Hari; (Being conscious and mindful of one’s actions in line with His Majesty’s the King’s royal statements;) Ang Niras ay isinulat ni Sunthorn Phu, na maaaring ang unang nagpasikat sa subgenre na ito ng panitikang Thai. Ang kanyang isunalat ang nagtaguyod sa uri ng literatura nito sa Thailand. Ginamit ng mga makata na sumunod sa kanya bilang modelo hanggang sa kasalukuyan ang kanyang mga tula na Niras. Ang pinakatanyag na Niras na kanyang sinulat ay Niras Phukhao Thong o Golden Pagoda Niras. Si Sunthorn Phu at ang kanyang anak ay naglakbay sa Golden Pagoda sa Ayutthaya, ang dating kabisera ng Thailand, upang magbigay ng respeto dito, ayon sa Niras Phukhao Thong. Binubuo niya ito habang siya ay nasa pinakamababang punto; noong ipinatapon siya mula sa palasyo upang maging monghe. Maaaring ito ang dahilan ng maraming nakakasakit na damdaming na mga obserbasyon ng tula sa kalikasan, na inihahatid ng Sunthorn Phu sa pamamagitan ng magagandang paglalarawan ng lokal at lokal na populasyon. Pinangalanan ng Thai Royal Society of Literature si Niras Phukhao Thong bilang pinakamahusay na Nira. ASPEKTONG HISTORIKAL amakien EPIKO NG BANSANG THAILAND Ang epiko ng “Ramakien” sa kultural na tradisyon ng Thailand ay naglalarawan ng kanilang paniniwala sa pamamagitan ng masining na ekspresyon tulad na lamang ng karilyo (shadow-play), dance-drama, paglililok, pagpinta, at literatura. Ang pinakaunang panitikan ng mga taga-Thailand ay sinulat ng mga Tsino hanggang naimpluwensyahan ito ng mga kulturang India mula ito sa ika-13 siglo. Ang pambansang epiko ng Thailand ay bersyon ng Ramayana na tinatawag na Ramakien. Ang bilang ng bersyon na ito ay nawala nang nagiba ang Ayutthaya noong 1767. May tatlong bersyon ang mayroon pa: Una ay ang paghanda ng superbisyon na ginawa o sinulat ni King Rama I. Ang kanyang anak, Rama II ay iniba ang ibang parte para sa Khondrama. Ang pinakamalaking pagkakaiba nito sa orihinal ay ang mga tauhan kabilang na ang “Monkey God Hanuman” at ang masayang katapusan nito.
MAY-AKDA Ilang bersiyon ng epikong Ramakien ang nawala sa pagkawasak ng Ayutthaya noong taong 1767. Nang maitatag ang panibagong dinastiyang Chakri sa Bangkok, isa sa mga unang gawaing ginampanan ng dalawang unang hari ng dinastiya ay ang muling pagsulat ng akda na ngayon ay nasa anyong klasiko. Ang kahalagahan ng epiko ay mas binigyang-diin sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga hari sa pamagat ng epikong alinsunod din sa pangalan ng nilang dalawa, bilang Haring Rama I at Haring Rama II. Gayunpaman, ang pinanggalingan ng bersyong Thai at pinagmulan nito ay hindi pa rin natutukoy. Mula sa kautusan ni Haring Rama I (1782-1809), ang epikong Ramakien ay tinipon upang makabuo ng alam natin sa ngayon na pinakamahabang komposisyong berso ng Thai. Ang tatlo sa mga bersyong ito ay nananatili pa ring buhay. Ang unang bersyon ay naihanda sa ilalim ng pamumuno (at ang ilang bahagi ay isinulat) ni Haring Rama I. Taong 1815 naman, batay sa kautusan ni King Rama II (1809-1824), ang Ramakien ay isinulat sa anyong angkop sa mga pagtatanghal ng khon at lakhon. Nang maglaon, sa ilalim ng pamumuno ni Haring Rama IV, (1851-1868), karamihan sa mga eksena ng epikong Ramakien ay muling isinulat. Bagama’t walang duda na ang bersyon ng panitikan ng Thailand ay pangunahing nagmula sa pagsasaling-dila, may mga dahilan ding pinaniniwalaan na ang ilang bersyon mula sa sub-continent ng mga Indiano ay ginamit bilang mapagkukunan sa pagsulat ng literaturang Thai Ramakien sa pangunguna ni Haring Rama I, at kasama sa mga bersyong ito ay ang Sanskrit na epiko ni Valmiki, maging ang Tamil, Bengali, at bersyong Hindi ng kuwentong Rama. Sa kasalukuyan, ilan sa mga kilalang kontemporaryong manunulat na naglathala ng bersyon ng epiko ay sina Mechai Thongtep mula sa kaniyang aklat na Ramakien: The Thai Ramayana at si John M. Cadet na may-akda ng The Ramakien: The Thai Epic. Ang Ramakien ay isa sa may pinakamahalagang akda sa Thailand na nagtatalakay ng mahabang kuwento sa anyong patula ng diyos na si Rama at ang kaniyang pakikidigma sa pagligtas ng kaniyang pinakamamahal na asawang si Sita laban sa masamang haring si Ravana. Ang balangkas ng Ramakien ay sumasalamin sa buhay ni Prinsipe Rama, na pinalayas kasama ang kaniyang asawa na si Sita at kaniyang kapatid na si Lakshamana. Ang tatlo ay gumagala sa kagubatan nang si Sita ay biglang dinukot ni Ravana, na sabik na gawin siya bilang kaniyang asawa. Nagpasiya sina Rama at Lakshmana na iligtas si Sita, at nakipagtulungan sila kay Hanuman, ang Hari ng mga Unggoy, upang labanan ang hukbo ng mga demonyo. Pagkatapos ng KUWENTO AT MENSAHE
pagsubok at paghihirap, si Rama ay nagwagi at iniligtas ang kaniyang asawa, na nagpapatunay sa kaniyang kadalisayan at katapatan sa pamamagitan ng paglakad sa apoy nang hindi nasasaktan. Ang kuwento ay nagtapos sa pagkokorona bilang hari si Rama at bumalik kasama si Sita sa kaniyang kaharian, kung saan sila naghari sa loob ng maraming taon at namuhay nang maligaya magpakailanman. Iitinuturo sa bawat kuwento na ang kabutihan ay laging nananalo laban sa kasamaan. Bagama’t ang diwa ay nananatiling pareho, ang iba’t ibang bersyon naman nito ay mayroon pa ring kaibahan sa nilalaman ng kuwento, personalidad, at ugnayang ibinabahagi ng bawat tauhan. Ang bersyong Sanskrit na isinulat ni Valmiki ay ang kinikilalang pinakaluma. Gayunpaman, mayroong bersyong Thai ay epikong Ramayana at ito ay ang ‘Ramakien’ na tinaguriang pinaka sa pinaka sa lahat ng pambansang epiko mayroon ang Thailand. Ang literal nitong kahulugan ay “kaluwalhatian ni Rama”. KULTURANG SINASALAMIN Litaw sa epikong Ramakien ang kultura ng pamumuno sa Thailand kung saan ipinakita ang sistemang monarkiya na mayroong haring namumuno sa nasasakupan at ito ang nararapat na sundin ng bawat mamamayan.Matatagpuan sa epiko ang paniniwalang Hinduismo kung saan ang konsepto ng dharma at ravana ay kinikilala bilang bahagi kanilang paniniwalang espirituwal. Ipinakikita nito ang imahe ng isang huwarang hari sa katauhan ni Rama na pangunahing tauhan sa epiko bilang simbolo ng dharma o kabutihan at si Thotsakan naman bilang simbolo ng kasamaan o Ravana. Sumasalamin ang mga tauhan ng Ramakien sa iba’t ibang mukha ng buhay at kinikilala ito ng Thailand bilang halimbawa ng pamumuhay sa lipunan kung saan ipinakita ang pagsubok at pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan kaya naman patuloy na namamayani at buhay ang epiko sa kultura ng naturang bansa. Ang kalakasan at kahinaan na katangian nila Phra Ram at Thosakan ay larawan ng pamumuhay ng isang tao sa lipunan higit lalo ng pagiging isang pinuno na may hangarin para sa nasasakupan at pag-ibig na handang ipaglaban buhay man ang maging kapalit. Matatagpuan din sa epiko ang paniniwalang Hinduismo ng mga mamamayan ng Thailand sa katauhan ni Hanuman kung saan inilarawan siya bilang matapang na mandirigmang tagasunod ni Phra Ram na mayroong dedikasyon sa tungkulin at pagpapahalaga sa hustisya, kawangis ng pinaniniwalaan nilang diyos na anyong unggoy. Siya ay itinuturing na isa sa mga makapangyarihang diyos na mahabagin, banal, may pagmamahal at katalinuhan na sinasamba ng mga mamamayan ng Thailand tuwing sasapit ang araw ng Martes.
Karamihan sa mga hari noong panahon ng paglaganap ng bersyon ng epikong Ramayana sa Thailand ay inihalintulad at ginamit ang Rima bilang maharlikang titulo. Nariyan ang namuno sa Kaharian ng Sukhothai na si Rima Khamkaeng o ‘Rima the Strong’ sa wikang Ingles at ang namuno sa unang monarkiya sa Kahariang Ayuthayi na si Rimadhibodi (Ramiiidhipati) maging ang ilan pang sumunod na hari ay ginamit na ang Rima (Rama) bilang monarkiyang titulo na nagmula sa ngalan ng pangunahing tauhan sa epikong Ramayana. Ito ay mula sa paniniwalang si Phra Ram ay nagtataglay ng mga katangiang maituturing na modelo sa mga hari. Naiiba sa orihinal na epiko ang bersyog ito ng Thailand kung saan pinalitaw na ang namumunong hari na makapangyarihan sa kwento ay hindi perpekto ngunit kapuri-puri ang katapangan at kakayahang mapagtagumpayan ang suliranin bilang pangunahing tauhan, kaya naman kinikilalang modelo si Rama o Phra Ram ng mga naging hari noon pa man sa Thailand. ASPEKTONG HISTORIKAL i Phaen Din FOUR RE IGNS Hindi natin maikakaila na sa patriarkal na lipunan, tila mayroong sinusunod na pamantayan ang mga babae upang masabing dalisay. Ito ang isa sa pinatunayan ng nobelang Four Reigns (Si Phaendin) ng bansang Thailand. Umiikot ang mga bahagi nito sa buhay ng isang babae mula sa kaniyang pagkabata, pagkadalaga, buhay may asawa, pagkananay, at hanggang sa kaniyang kamatayan sa loob at sa labas ng palasyo. Maliban pa rito, marami rin itong isinasalaysay tungkol sa kasaysayan ng Thailand nakita rin sa kuwento ang iba’t ibang pagbabagong kinaharap at mga naging suliranin sa bansang Thailand simula sa pamumuno ni King Rama V hanggang kay King Rama VIII. Ayon sa pagsusuri ni Piayura, ang ang manunulat ay mayroong ma patriyarkal na pananaw kaya makikita sa nobela ang pagkakaroon ng pamantayan sa kung paano dapat mabuhay ang isang babae. Dagdag pa niya, ang mga babae na hindi sumusunod sa pamantayan na itinakda ng lipunan ay tila haharap sa dagok ng buhay. Maaari na isa sa nakaaapekto ay ang panahon, mababatid na ang mga kaganapan sa nobela ay sa pagitan ng ika-19 na siglo hanggang ika-20 siglo. TUNGKOL SAAN? Ipinanganak ang bidang si Phloi sa isang mayamang pamilya. Noong siya ay nasa 10 taong gulang, nagdesisyon ang kaniyang tatay na patirahin sila sa iisang bahay kasama ang unang pamilya nito. Pangalawang asawa ang nanay ni Phloi kaya ang desisyon ito ay ikinagalit ng babaeng anak ng unang asawa. Hindi naging maganda ang ugnayan ng dalawang panig. Dahil dito, naghiwalay ang mga magulang ni Phloi.
Dahil dito, lumaki si Phloi kasama ang dating amo na malayong kamag-anak din ng kaniyang nanay. Dito siya nagkaroon ng bagong matalik na kaibigan, si Choi, Kalaunan, nahulog ang loob ni Phloi sa kapatid na lalaki ng kaniyang kaibigan. Kaniya itong ikinimkim . Hindi rin naging mapalad ang pag-ibig dahil kinakailangang magtrabaho ng lalaki sa malayong probisya at dito na rin siya nakatagpo ng babae na kaniyang pakakasalan. Namighati si Phloi. Sa pagdaan ng panahon, nakilala niya ang si Khun Prem. Mayroong isang anak sa kaniyang tagapagsilbi si Khun Prem. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makuha niya ang tiwala ng kamag-anak ni Phloi. Hindi rin galit si Phloi sa bata at tinuring niya pa itong tunay na anak. Nagkaroon din ng sariling anak si Phloi. Maraming pinagdaanan si Phloi na mga pagsubok at hinarap niya ito nang may matatag at may katuwiran. Nang mamatay ang kaniyang asawa, kinaikailangan niyang itaguyod ang kaniyang mga anak sa kabila ng mga paghihirap sa panahon ng mga pagbabago sa kanilang politika. Dahil nga sa kaniyang pagsusumikap, naging matagumpay din ang kaniyang mga anak. Ang anak na kaniyang inampon ay naging sundalo. Ang kaniyang panganay naman ay nakapag-aral sa ibang bansa at nakapangasawa ng Caucasian. Ang kanyang bunsong anak naman ay ikinasal sa kaibigan ng panganay. Nang buamlik ang panganay, laging nagtatalo ang ideolohiya niya pati ng ampon niyang kapatid. Nagkaroon ng rebolusyong politikal sa Thailand at naging demokratiko. Nakulong ang ampon na anak bilang bilanggong politikal. Nang ito ay makalaya, kaniyang nalaman na namatay na ang kaniyang kapatid dahil sa Malaria. Namatay na rin si Phloi dahil wala na siyang lakas at inspirasyon nang mamatay ang Haring Rama VIII. MAY-AKDA M.R. Kukrit Pramoj Nagmula si M.R. (Mom Rajawongse, His/Her excellency) Kukrit Pramoj sa mayamang pamilya at nag-aral sa bansang England. Pagbalik ng Thailand, nagsimula siya magtrabaho bilang banker, ngunit hindi tumagal ay binuhos niya ang kaniyang atensyon sa iba't ibang anyo ng sining, politiko at pamamahayag, na itinuring niya ring isang bokasyon. Bago pa man naging ika-13 na punong ministro ng Thailand si Kukrit noong 1976, siya ay naging aktor sa Anna and the King of Siam na naging upang maisulat nila ng kaniyang kapatid na si Seni Premoj ang The King of Siam speaks noong 1948.
Kalaunan ibinigay rin ng magkapatid ang manuskrito sa Southeast Asian Division, Library Congress. Buhat ng kanilang isinulat, ginanahan si Kukrit na magsimula ng isang pahayagan, at pinangalanan niya itong Siam Rath. Ang Siam Rath ay itinatag noong Hunyo 25, 1950. Isa ito sa mga pinaka maimpluwensiyang pahayagan noong ika-20 na siglo, subalit nang mamatay noong 1995 si Kukrit, pinalitan ang pangalan nito ng “Chatchawal Kong-udom”. Dito niya unang inilunsad ang sikat niyang nobela na “Si Phaen Din” o Four Reigns, na naging daan upang maipakita o mailarawan kung paano sumabay at nagbago ang buhay ng mga naninirahan sa Thailand sa modernong lipunan. Sinulat niya ito nang mayroong kabalintunaan at halong kakaibang katalusan. Ayon sa The Fukuoka Asian Culture Prizes, hinalaw ni Kukrit ang “Si Phaen Din” sa kaniyang buhay dahil ito ay nasa punto de vista ng isang taong lumaki sa karangyaan. Sinasabi rin na siya ay may kritikal at detalyadong obserbasyon sa kaniyang kapaligiran, higit lalo sa galaw ng lipunan at ng kanilang monarkiya. Nagtutugma ang kaniyang isinulat tungkol sa apat na dinastiya mula kay Haring Rama V sa naitalang kasaysayan nito. Hindi natapos ang silakbo ng damdamin ni Kukrit sa pagsulat kung kaya’t patuloy siyang nagsulat ng mga epiko at maikling kuwento na sumasalamin sa buhay ng mga Thai at dokumentasyong historikal hanggang sa huli niyang paghinga. Dahil sa malaking ambag niya sa literatura ng Thailand, siya ay binansagang “National Artist of Thailand for Literature” noong 1985 at nakatanggap ng Special Commemorative Prize ng The Fukuoka Asian Culture Prizes noong 1990. ANG BUDISMO SA SI PHAEN DIN Kailanman hindi nawala ang papel ng Budismo sa mga likha ni Kukrit. Makikita sa “Si Phaen Din” na nagsilbi itong moral compass sa mga tauhan na siyang naggabay sa kanilang etikal na desisyon at maging sa pagbibigay ng spiritual solace. Kapansin-pansin din dito ang papel ng hari bilang Patron of the Religion, kung saan sila ang pinaka nangunguna sa pagpapalawak at pagpapaigting ng pananampalataya ng mga Thai. Kung babasahin nang mabuti, ito ay maaaring maihambing sa Ibong Adarna ng Pilipinas sapagkat parehas nitong pinapakita ang malakas at matibay na pananampalataya ng isang indibidwal sa kanilang kinikilalang diyos, maging ang impluwensiya nito sa pananaw ng tauhan. he Smile of the Goddess of Rice Chiranan Pitpreecha Ang peminismo ay produkto ng kalakaran tungo sa kritisismong panlipunan. ng mga kritikong manunulat na interesado sa panlipunang kritisismoay binibigyang pansin din ang mga isyu tungkol sa peminismo. Lumitaw lamang ang kilusang kababaihan nitong huling dalawang dekada sa panahon ng pag-aalsa ng
mga estudyante. Sa tula na ''The Smile of the Goddess of Rice," ni Chiranan Pitpreecha, ay hinamon ang mga tradisyonal na paniniwala sa lipunang nagbibigay prayoridad sa kagandahan at pisikal na anyo. Ang tulang ito ay tungkol sa kagandahan ng kababaihan na nagmula sa kanyang lakas paggawa at kaniyang pagiging bukas palad. Sa tradisyunal na panitikan, hindi kailanman pinuri ang kagandahan ng kababaihang manggagawa. Kadalasan, ang mga bidang babae ay pawang mula sa matataas na uri o may-kaya na pamilya lamang . Ngunit sa tulang ito, binigyang diin ng manunulat mula sa persona ng tula na hindi lamang ang mga mayayaman na kababaihan ang imahe ng kababaihan kundi ang mga kababaihan na nasa lakas-paggawa o may kakayahan na makapagtrabaho. Sa tulang ito, mababakas ang tatlong mahahalagang konsepto na nais ipunto ng awtor. Una, ang pagbabago sa panlipunang paniniwala mula sa panghuhusga sa babae base sa kanyang pisikal na kaanyuan tungo sa panghuhusga sa kanya sa pamamagitan ng kanyang kabutihan at ang kanyang tungkulin sa pagtulong sa kapuwa. Ikalawa, ang persona o pinatutungkulan ng tulang ito ay taliwas sa tradisyonal na tula. Sapagkat kung dati, ang mga mayayamang kababaihan ang tampok sa panitikang may katulad nito, sa tulang ito ay ang mga kaaya-aya at magandang imahe ng mga manggagawang kababaihan ang patulang ipinahahayag nang may sigla at kakaibang ritmo. Ikatlo, winasak din ng awtor ang tradisyonal na paniniwala na ang kasaganahan ng ani ng palay ay nakabatay sa isang Diyosa o makapangyarihang puwersa, imbes ipinunto na ang kasaganahan ay nanggagaling sa tiyaga at pagsasakripisyo ng babaeng manggagawa. TUNGKOL SAAN? Tightening her calf muscles, She steps on the pestle ... Tup ... Tup Lifting and releasing, repeatedly The husk is pounded, By firm legs that move To the rhythm of the pestle, TukTak Tup .. . TukTakTup .. . Her skillful legs, Neither white or tender Tip up the edge of her lower garment, Her movement is strong and skillful. She lifts her foot to press down the pole, Press and release, Press and release, The sound of pole striking the husk. .. Tuk Tuk Tup! Tuk Tuk Tup! Faster and faster she pounds Again and again she wipes away the glittering sweat, But her smile remains The smile that chokes my heart Many young women stand shoulder to shoulder Stepping and releasing again and again The sound of the pestle mixed with laughter And teasing. When the husk is cracked Two small hands scoop
The shining white rice from the mortar Carefully pour it into the winnowing tray Taralaek! Taralaek! The grain spins and bounces To and fro Nearly missing the tray. Left and right it sways, With a rice-dance, hypnotic motion. Beauty and strength mingle In that winnowing tray With sweat that pours freely. When no one forces.it It pours energy That spreads a stream of the spirit Of selflessness. There are no traces of tears in the sweat With this rice ... the people repay their warriors The goddess of rice, carrying her baskets, approaches With the hint of a smile Wipes the sweat from her brow MAY-AKDA Chiranan Pitpreecha Si Chiranan Pitpreecha ay isa mga tanyag na manunulat at peminista sa bansang Thailand. Nang siya ay nag-aaral pa lamang, kilala rin siya bilang isa sa mga aktibong nakikisangkot sa pakikibaka sa mga tiwali na umiiral sa kanilang bansa lalo na noong Thai popular uprising noong taong 1973 upang patalsikin ang malupit na rehimen na nagpatupad ng batas militar sa kanilang bansa at Thammasat University massacre noong taong 1976 para naman sa paghingi ng hustisya sa mga namatay sa demonstrasyon sa pakikibaka sa pagpipigil na bumalik sa posisyon ang dating umupong diktador sa kanilang bansa. Bukod sa pagiging aktibong estudyanteng aktibista, naging kasapi rin siya ng Communist Party of Thailand. Kilala rin si Pitpreecha`s sa kaniyang kahusayan pagdating sa pagsulat, tulad ng pagbuo ng tula, , travel articles, social commentary, history at marami pang iba. Sa katunayan, ang ilan sa mga nalikha niya ay ginawaran ng parangal tulad ng kaniyang tula na “Cracked Pebble” na nakatanggap ng parangal bilang Best Poem of 1981, maging ang kalipunan din ng mga tula na pinamagatang The Missing Leaf ay nakatanggap rin ng S.E.A Write Award noong taong 1989 at ang kaniyang tula na “First Rain” na nakatanggap muli ng Best Poem of the Year noong taong 1992 na iginawad ng PEN International Thailand. Dahil sa mga pagkilalang ito, tinagurian siya bilang isa sa 65 Most Influential Women in Thailand.
Bukod sa pagtalunton ng may akda sa peminismo, mababakas at masasalamin din ang kultura ng pagpapahalaga sa agrikultura partikular na sa proseso ng paggawa ng bigas na siyang itinampok sa tula upang makita ang lakas-paggawa ng kababaihan sa bansang Thailand. Agrikultura partikular na sa sektor ng pagprodyus ng bigas ang isa sa pinahahalagahan ng mga Thai dahil dito nanggagaling ang kanilang pinagkukunan ng pangkabuhayan. Ang bansang Thailand kase ang tinagurian bilang isa sa pinakamalaking prodyuser ng bigas sa buong mundo. Dahil dito, ang bigas ang isa sa mga integral at malaking bahagi na ng kanilang kultura. Sa katunayan, ang mga bigas daw sa kanila ay pinaniniwalaang mayroong sariling kaluluwa, at ito ay nasa loob ng katauhan ni Mae Posop na tinagurian nilang Rice Goddess. Dagdag pa rito, taon-taon ay mayroon silang pagdiriwang na tinatawag na Rice Ploughing ceremony na ginaganap tuwing ika-5 ng Mayo. Ito raw ay seremonya na ginagawa para sa mga magsasaka sa simula ng panahon ng pagtatanim ng palay. Dahil sa mga tradisyong ito, kinaugalian at naging parte na ng kultura ng mga Thai na maghain ng kanin sa kanilang hapag. Sa katunayan, hindi nga nila hinahayaan na mahulog ang bawat piraso ng bigas, kung mangyari man, pinupulot nila ito isaisa tanda ng kanilang respeto. Sa kabuuan, maaaring mahinuha na dahil malaki ang pagpapahalaga ng Thailand sa bigas, ginamit itong konsepto ng awtor sa tula upang sumalamin sa malaking pagpapahalaga sa pagtingin sa mga kababaihan na manggagawa at matampok na rin ang kanilang malaking pagpapahalaga sa kultura ng kanilang pagtingin sa bigas. Sa madaling sabi, ang pagtingin nila sa bigas ay repleksiyon ng pagtingin nila sa mga kababaihang manggagawa. AGRIKULTURA BILANG LUNDUYAN NG KULTURA NG BANSANG THAILAND PAGTINGIN SA KABABAIHAN SA BANSANG THAILAND Bukod sa pagsalamin sa kultura ng tulang inilikha ni Chiranan, mababakas din na ang likhang tulang ito ay repleksiyon at ginawang inspirasyon ng pagtingin ng mga Thai sa mga kababaihan sa kanilang Kasaysayan. Sa pag-aaral ni Thelma Kintanar na may pamagat na “Women Warriors Empowered Women in Southeast Asian Literature” mababatid na ang mga nilikha tula ni Chiranan gaya ng “The Smile of the Goodess of Rice” at “The Defiance of Flower” ay nag-ugat sa pagtingin partikular na ng Punong Ministro noong taong 1940s na si Phinbun noong sinulat niya ang mga akdang ito sa babae bilang mga mga bulaklak, na nangangahulugan na ang mga kababaihan daw ay malalambot at pandekorasyon lamang. Kaya bilang peminista at tagapagsulong ng kababaihan, nasulat ng may akda ang mga nabanggit na tula upang bumalikwas sa mababang pagtingin ng kanilang lipunan
sa mga kababaihan. Na kung saan, sa pamamagitan ng mga titik sa bawat tulang ito, ang mga tulang ito ay nagsilbing niyang sandata at instrumento upang maipakita sa kanilang bansa ang kahalagahan ng mga kababaihan, hindi lamang sa panlabas na kaanyuan bagkus ay sa kanilang husay at kayang gawin pantay sa kaya ng mga kalalakihan. A flower has sharp thorns Not to open and await admirers But to bloom and preserve The earth's abundance. he Story of Khun Chang Khung Phaen EPIKONG TULA MULA SA BANSANG THAILAND epikong akda na naglalaman ng mga pagsubok, pakikipagsapalaran, at makabuluhang paglalarawan ng mga pangyayari na humuhugis sa kasaysayan ng Siam, na nag-iwan ng malalim na impluwensiya sa panitikan at kulturang Thai. Ang “The Story of Khun Chang Khun Phaen” ay isang kamangha-manghang Bukod sa pagsalamin sa kultura ng tulang inilikha ni Chiranan, mababakas din na ang likhang tulang ito ay repleksiyon at ginawang inspirasyon ng pagtingin ng mga Thai sa mga kababaihan sa kanilang Kasaysayan. Sa pag-aaral ni Thelma Kintanar na may pamagat na “Women Warriors Empowered Women in Southeast Asian Literature” mababatid na ang mga nilikha tula ni Chiranan gaya ng “The Smile of the Goodess of Rice” at “The Defiance of Flower” ay nag-ugat sa pagtingin partikular na ng Punong Ministro noong taong 1940s na si Phinbun noong sinulat niya ang mga akdang ito sa babae bilang mga mga bulaklak, na nangangahulugan na ang mga kababaihan daw ay malalambot at pandekorasyon lamang. Kaya bilang peminista at tagapagsulong ng kababaihan, nasulat ng may akda ang mga nabanggit na tula upang bumalikwas sa mababang pagtingin ng kanilang lipunan MAY-AKDA Ang "The Story of Khun Chang Khun Phaen" ay isang tanyag na epikong tulang Thai na may malawak na impluwensiya sa panitikan at kultura ng Thailand. Gayunpaman, hindi tiyak kung sino ang tunay na may-akda ng epikong ito, at nagdulot ito ng malaking diskusyon at mga pag-aaral sa mga akademiko at eksperto. Ang epikong ito ay naitala sa mga manuskrito na kinabibilangan ng "Lilit Phra Lo" at "Lilit Phra Boromma" noong ika-19 na siglo. Ipinapalagay na ang orihinal na may-akda ng epikong ito ay isang hindi kilalang manunulat ng panahon ng Ayutthaya, at ang kanyang pangalan ay sinasabing Phi Khon Nam. Gayunpaman,
hindi pa rin ito matiyak nang lubusan. Sa kabuuan, habang hindi tiyak ang tunay na awtor ng "The Story of Khun Chang Khun Phaen," ang epikong ito ay nagpapahayag ng mahahalagang kaisipan at karanasan ng sinaunang lipunan ng Thailand. Ito ay patuloy na pinag-aaralan at pinahahalagahan bilang isang makapangyarihang akda na nagpapakita ng kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng mga Thai. TUNGKOL SAAN? Ang "The Story of Khun Chang Khun Phaen" ay isa sa mga pinakatanyag na akda sa panitikang Thai. Hindi tiyak kung sino ang tunay na awtor ng epikong ito. Ang aklat na ito ay naglalaman ng isang malawak na pagsasalaysay ng kuwento ni Khun Chang at Khun Phaen, na mga tauhang tanyag sa panitikang Thai. Naglalahad ito ng mga pangyayari at pakikipagsapalaran ng dalawang pangunahing tauhan, pati na rin ang mga karakter na naglilinang sa kuwento. Ito ay isang malalim at detalyadong paglalarawan ng kanilang mga karanasan sa pag-ibig, pagkakaibigan, at mga hamon na kanilang kinakaharap. Ang "The Story of Khun Chang Khun Phaen" ay isang mahabang akda na naglalaman ng mga kabanata na naglalarawan ng mga pangyayari at mga tagpo na naganap sa buhay ng mga tauhan. Ito ay nagpapakita ng kanilang katapangan, katapatan, at determinasyon sa harap ng mga pagsubok at mga kalaban. Ang kuwento ay may mga temang tulad ng pag-ibig, kagandahang-asal, katarungan, at moralidad. Bilang isang tanyag na akda, ang "The Story of Khun Chang Khun Phaen" ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa panitikang Thai at nagluklok sa mga pangunahing tauhan nito bilang mga pambansang bayani. Ito ay maraming beses nang isinalin at isinapelikula, at nananatili bilang isang mahalagang bahagi ng kultura at panitikan ng Thailand. KULTURANG SINASALAMIN Likas sa mga bansang nasa Asya ang pagtataglay ng kaloobang bayan, gaya ng dangal, buhay at ginhawa. Kung papansin ang tema ng tampok na panitikan binigyan diin ang pagpapahalaga sa kagandahang-asal, katarungan, at moralidad. Halimbawa nito ang pagpapahalaga at pagsunod ng mga Thai sa dalawang pang Core Values: 1. Pagpapanatiling malakas sa pisikal at mental, hindi sumusuko sa masasamang kapangyarihan o pagnanasa at pagkakaroon ng kahihiyan sa pagkakasala at mga kasalanan alinsunod sa mga prinsipyo ng relihiyon; 2. Inuna ang pampubliko at pambansang interes bago ang sariling interes.
Kasama sa itinampok na akda ang pag-ibig ng mga tauhan masasalamin rito ang pagtingin ng mga Thai tungkol sa pagkakaroon at kasintahan at pagpapakasal. Ang mga kagawian sa pag-aasawa at pakikipag-date ay naiiba sa pagitan ng mga lungsod at mga rural na lugar, kung saan ang mga kaugalian at kasanayan sa pakikipag-date sa Kanluran ay sikat sa kosmopolitan na kabisera ng Bangkok. Ang mga rural na lugar ay maaaring maging mas konserbatibo. Halimbawa, ang isang lalaki ay maaaring inaasahan na maging pamilyar sa buong pamilya ng babae bago makuha ang kanilang pag-apruba na makipag-date at pagkatapos ay pakasalan siya. Maaaring subukan ng mga magulang na sundin parin ang mga tradisyonal na paniniwala tungkol sa pag-aasawa at pakikipag-date, ngunit ang mga indibidwal sa huli ay nagsasarili sa kanilang paggawa ng desisyon. Ang mga indibidwal ay may malaking antas ng kalayaan sa mga tuntunin sa pagpili ng mga mapapangasawa, bagaman ang pagpili ng mapapangasawa ay maaaring maimpluwensyahan ng mga kagustuhan ng pamilya. Ang perpektong sitwasyon ay para sa mga bagong kasal na magtatag ng kanilang sariling sambahayan sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, karaniwan din ang pagtira sa mga magulang ng asawang lalaki o asawa. Gayunpaman, ang mga nakababatang henerasyon ay medyo liberal sa kanilang mga gawi at maaaring tumira kasama ang kanilang kapareha bago ang pormal na kasal. Nag-aalok ang tula ng isang makabuluhang pagtingin sa sosyal at kultural na aspeto ng kulturang Thai sa panahon ng Ayutthaya (ika-14–18 siglo). Ang kahalagahan nito bilang isang historikal at kultural na reliko ay nagmumula sa mga malinaw na pagkaunawa na ibinibigay nito sa herarkiya, tradisyon, at mga halaga ng panahon. Nagsimula ito bilang isang oral na tradisyon na ipinasa pasalita sa mga henerasyon. Ipinakikita nito ang halaga ng pasalitang literatura at ang kapangyarihan ng pagkukuwento sa lipunang Thai, na nagpapatibay sa pakiramdam ng komunidad at nakabahaging kultural na kasaysayan. ASPEKTONG HISTORIKAL
Asian and African studies blog. (n.d.). The Ramayana in Southeast Asia. Mula sa https://blogs.bl.uk/asian-and-african/2014/04/the-ramayana-in-southeast-asia-2- thailand-and-laos.html Chiranan Pitpreecha. (n.d.). Wikiwand. Mula sa https://wikiwand.com/en/Chiranan_Pitpreecha Goss, F. (2012). Living Literature: Ramakien, the Thai Rendition of the Rama Epic. SangSaeng. Mula sa https://www.academia.edu/8044749/Living_Literature_Ramakien_the_Thai_Renditi on_of_the_Rama_Epic Hays, J. (n.d.). CLASSIC THAI LITERATURE: THE RAMAKIEN, POETRY AND FOLK TALES. Mula sa https://factsanddetails.com/southeastasia/Thailand/sub5_8e/entry-3252.html Kukrit PRAMOJ. (1990). Fukuoka Prize. Mula sa https://fukuokaprize.org/en/topics/detail/24036b38-8b85-450c-8c06-1ff885c6f6b5 Kintanar, T. (1998). Women Warriors Empowered Women in Southeast Asian Literature. Mula sa https://cids.up.edu.ph/wp-content/uploads/2022/03/WomenWarriors-vol.2-no.4-Oct-Dec-1998-7.pdf Lim, E. (n.d.). M R Kukrit Pramoj an illustrious son of Thailand. Mula sa https://www.tour-bangkok-legacies.com/kukrit-pramoj.html M R Kukrit Pramoj – an illustrious son of Thailand. (n.d.). Tour Bangkok Legacies. Mula sa https://www.tour-bangkok-legacies.com/kukrit-pramoj.html Piayura, O. (n.d.). Si Phaen Din and the Construction of the Female Gender Role. Mula sa file:///Users/rayne/Downloads/budoml,+Journal+manager,+03- Orathai%20(3).pdf Poolthupya, S. (2006). The Influence of the Ramayana on Thai Culture: Kingship, Literature, Fine Arts and Performing Arts. Mula sa http://legacy.orst.go.th/wpcontent/uploads/royin-ebook/273/FileUpload/703_9285.pdf Royal Office Thailand. (2022). The Gallery and Ramakien Story. Mula sa https://www.royaloffice.th/en/2022/11/04/the-gallery-and-ramakien-story-1-59/ SDG For All. (n.d.). Kabuhayan sa thailand. Mula sa https://www.sdgsforall.net/index.php/languages/tagalog/627-mga-sustinablengkabuhayan-sa-likod-ng-pagtitinda-sa-kalye-sa-thailand SANGGUNIAN
Singaravelu, S. (n.d.). The Rama Story in the Thai Cultural Tradition. Mula sa https://thesiamsociety.org/wpcontent/uploads/1982/03/JSS_070_0g_Singaravelu_RamaStoryInThaiCulturalTradi tion.pdf Sunthorn Phu – Thailand’s Beloved Poet. (n.d.). Mula sa https://www.thailandfoundation.or.th/culture_heritage/sunthorn-phu-thailandsbeloved-poet/ Thailand. (1998, August 23). Encyclopedia Britannica. https://www.britannica.com/place/Thailand Trafford, P. (2018). A Review of Four Reigns by M.R. Kukrit Pramoj. Mula sa https://paultrafford.blogspot.com/2018/02/a-review-of-four-reigns-by-mrkukrit.html Website. (n.d.). Naorawarat Pongpaiboon National Legislative Assembly. https://bk.asia-city.com/city-living/news/naowarat-pongpaiboon-nationallegislative-assembly SANGGUNIAN