TOMO 1 BILANG 1 ngPaeze BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ñ0 AGOSTO-HULYO 2023 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ | DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR PAGMAMAHAL SA NABASA : Ibinida ng mga magaaral mula sa Kinder hanggang Ikaanim na Baitang ang tunay na yaman ng panitikan sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang paboritong kasuotan hango sa kwentong kanilang nabasa. Kuha ni Jerzey Nicolle F. Baga | BRYCE M. BONUS B inigyang halaga ng mga guro sa Ingles at Filipino ng Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa. Idinaos ng Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez ang Buwan ng Pagbasa sa pamumuno ng kanilang punong-guro, Bb. Jeanne C. Rejuso. Ito ay ginanap noong nakaraang Nobyembre 14, 2022 sa TPES covered court na may temang “DepEd Pasay Nurturing Reading for Progress”. Inumpisahan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng parada kung saan ibinida ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Ikaanim na Baitang ang kanilang makukulay na kasuotan hango sa iba’t ibang tauhan sa panitikan. Mula sa opisyal na memo na ibinaba mula sa Schools Division of Pasay City sa patnubay ng Superbisor ng Inges, Dr. Imelda V. Boquiren at Superbisor ng Filipino, Gng. Rowela Cadayona, binalangkas ng mga koordineytor sa Ingles at Filipino na sina Bb. Lea Cartin, Gng. Lilia H. Serna, Gng. Gracilda R. Talandato at Gng. Mylene Ferrer ang mga gawain at patimpalak na nagsilbing matrix ng mga aktibidad sa loob ng Nobyembre. SUNDAN SA PAHINA 2 | HANNAH ROSE M. HIRAGA SUNDAN SA PAHINA 3 P inatunayan ng Paaralang Timoteo Paez Elementary School ang kahandaan nito sa pagresponde sa panahon ng kalamidad matapos mapili ng Schools Division of Pasay City na siyang lalahok sa Regional Gawad Kalasag Search 2023. Ang Gawad (Kalasag) kalamidad at Sakuna Labanan Sariling Galing ay flagship program ng Office of Civil Defence na naglalayong kumilala at magbigay ng parangal sa iba’t-ibang organisasyon at pribadong mamamayan na nagpakita ng kahusayan sa Disaster Risk Reduction and Management. ng mga estudyante ang payag sa pagbalik ng school calendar sa Hunyo-Marso Dito ang ayaw palitan ang school calendar na AgostoHulyo SUNDAN SA PAHINA 7 LATHALAIN | MA. ISABELA ANGELA F. RAMISCAL KAHANDAAN LABAN SA SAKUNA : Sa Pamumuno ni Mr. Elijio Banog, SDRRM Chairman, patuloy na sinusulong ang kahandaan laban sa mga sakuna at kalamidad . Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista ISPORTS | ISHMAEL V. MIJARES Deen R. Gungub, nanalo ng 1st place sa Individual Around – Cluster 1 SUNDAN SA PAHINA 15
Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 A ng Special Education Class ay nagsagawa ng Cooking Workshop noong Lunes, Marso 27, 2023 sa ganap na ika-8 hanggang ika-10 ng umaga sa covered court ng paaralan bilang pagdiriwang ng 2023 National Women’s Month Women with Disabilities Day, sa Paaralang Elmentarya ng Timoteo Paez. Ang naturang aktibidad ay pormal na binuksan ng punong-guro ng paaralan na si Bb. Jeanne C. Rejuso. Ang Training Rationale ay tinalakay ni Gng. Marivic M. Aquino, School Coordinator of Gender and Development (GAD). Binigyang diin ni Gng. Aquino ang pagsasama at pagbibigay-kapangyarihan ng mga taong may kapansanan sa pantay at walang diskriminasyong lipunan. Ang mga SPED learners ay naghandog ng isang awit gamit ang sign language sa pamamagitan ng gabay ng kanilang trainer na isang SPED Teacher na si G. Vincent Edward D. Guinto. Ipinakilala sa ikalawang bahagi ng programa ang resource speaker na si Bb. Ma. Luisa G. Ricasio at nagsimula ang cooking workshop. Si Bb. Vilma A. Fronda, ang Home Economics Coordinator ng paaralan ay naimbitahan na magbigay ng kaalaman sa mga SPED learners tungkol sa paghahanda ng simpleng ulam tulad ng Chicken Adobo. Ilan sa mga tinalakay ni Bb. Fronda ay ang kahalagahan ng pag-aaral ng pagluluto sa kabila ng mga kapansanan, pag-iingat sa kaligtasan sa pagluluto, at pagsusuot ng maayos na damit sa pagluluto. Isinama niya rin sa kanyang workshop lesson ang nutrition facts na makikita sa bawat sangkap na gagamitin. Pinangunahan ng mga SPED Teachers ang pinakahuling bahagi ng programa, ang sesyon ng pagluluto. Bawat grupo ay nagbigay ng sample ng kanilang awtput para sa libreng pagtikim na sinundan ng pagtatanghal at paggawad ng mga sertipiko. Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pangwakas na pahayag na ibinigay ng Master Teacher In-charge ng SPED na si Gng. Sailey R. Magallano. “Ang pagtuturo ng mga kasanayan sa buhay ay dapat maging bahagi ng kanilang kurikulum. Ang layunin ay upang masangkapan sila para sa malayang pamumuhay.” saad ni Bb. Rejuso sa kanyang pambungad na pananalita. A minado ang isang grupo ng mga pribadong ospital na tumaas ang admisyon sa kanilang mga COVID19 wards sa nakalipas na tatlong araw. “For the past two or three days na medyo tumataas talaga ang number of cases medyo tumaas din ng kaunti ang admissions ditto sa ating mga private hospitals.” Saad ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPI) President Dr. Jose Rene De Grano. Batay sa Case Bulletin ng DOH nitong nakaraang Mayo 15, nakapagtalo ito ng 18.88 bed utilization sa mga non-ICU beds sa pribado at pampublikong pagamutan. Sinabi ni De Grano na sa nakalipas na tatlong araw, umabot na sa 20% - 50% ang admisyon nila sa COVID wards depende sa dami ng higaan sa inilaan ng isang ospital at karamihan umano sa mga ito ay ‘mild cases’ lamang. Ngunit sinabi ni De Grano na ‘manageable’ pa naman ang sitwasyon. Ilan sa mga kaso umano sa nakaratay sa COVID wards ay dinala sa ospital dahil sa ibang sakit ngunit nang idaan sa test ay nagpositibo sa COVID-19. Kabilang sa mga lugar sa may pagtaas sa COVID-19 admissions ay ang National Capital Region, CALABARZON, Western Visayas, at Davao Region. (mula sa pahina 1) Sa bawat baitang, isinagawa sa magkakaibang araw ang mga patimpalak katulad ng Reading Proficiency, Reading Cup, Poster Making Contest at Poem Recital. Nagkaroon din ng aktibidad na Drop Everything And Read at Nanay Ko, Tatay Ko, Guro Ko. Bawat mag-aaral na lumahok ay binigyan ng sertipiko ng partisipasyon. Ang mga nagwagi ay sinabitan ng medalya at binigyan ng sertipiko ng pagkilala noong ika-6 ng Disyembre 2022. Bawat mag-aaral ay nagpakita ng pagpupursige at nagsilbi itong motibasyon upang pagbutihin pa ang pag-aaral sa Ingles at Filipino. Nabigyan sila ng pagkakataong malinang ang kakayahan sa iba pang aspeto ng pagkatuto at mahubog pa ang kanilang sarili sa larangan ng pakikipagtalastasan at pagtatanghal sa harap ng maraming tao. Layunin ng program na patatagin ang makabuluhang gawain hindi lang sa loob ng isang buwang pagdiriwang ng National Reading Month kundi maging sa buong taon. | JULIUS CEDRIX BAIT | MARITONI KAELA B. NADRES SPED: Masusustansiyang pagkain ang ilinuto ng mga mag-aaral katuwang ang kanilang mga magulang sa “Cooking Workshop” na ginanap sa TPES Gym noong Marso 23. Kuha ni Lexine Megan Cajandab
Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 Ayon kay Director Romulo Cabantac, OCD-NCR Regional Director, “The Gawad KALASAG has been our most important platform to showcase innovative practices, best practices, and successful models in DRRM and Climate Change Adaptation at all levels.” Sinuri ng validating team ng SDO-Pasay ang kahandaan ng paraalan sa pagtugon sa kalamidad, kumpletong kagamitan, at iba’tibang programa at proyekto. Sa inisyal na pagsusuri ng grupo ,nagpakita ng kahandaan ang paaralan sa aspeto ng disaster prevention at mitigation, pagresponde at pagtulong sa mga naapektuhan ng kalamidad, sa rehabilitasyon at sa pagsasagawa ng ibat-ibang proyekto at programa upang maiwasan ang epekto ng kalamidad. Binigyang puna din ang mga kailangan pang idagdag at isaayos. Ipinakita din ng paaralan ang pagtugon nito sa mga programa ng National government na may kaugnayan sa Disaster Prepararedness at Climate Change Mitigation sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Local Government, Barangay , mga organisasyon sa paaralan SPTA, SPG,YES-O, GAD, GSP,BSP ,Red Cross , NDEP at iba’t -ibang organisasyon private companies at NGO . Ang validating team ay binubuo ng SDO DRRM Team, Health Unit , at representative galing sa Bureau of Fire. (mula sa pahina 1) | CHRISTIAN DAVE TABADA I sa ang Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez sa sumailalim sa malawakang pagpapausok sa pakikipagtulungan ng LGU Pasay at ng City Health Office Sanitation Division nitong ika2 ng Mayo, Martes, sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng hapon. Sa inilabas na datos ng TPES, simula pa ng taong panuruan 2022-2023 ay naitala na ang bahagyang pagtaas ng kaso ng dengue sa mga mag-aaral. Upang maiwasan ang nakamamatay na lamok, inuitos ni Mayora Imelda “Emi” CalixtoRubiano ang pagsasagawa ng “fogging at misting” sa 25 pampublikong paaralan ng Lungsod ng Pasay upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral laban sa naturang sakit. Ang mga guro ay nautusang ipalaganap ang impormasyon upang magkaroon ng kamalayan laban sa mapaminsalang dengue. | PRECIOUS JOY V. PARAGSA H umakot ng iba;t ibang parangal ang Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez sa Lungsod ng Pasay sa idinaos na 41st Pasay City Schools Press Conference and Contest (PCSPCC) sa Paaralang Elementarya ng Epifanio de los Santos na katatapos lang noong biyernes, Mayo 6. Ang taunang face-to-face press conference ng mga paaralan ay gumawa ng engrandeng pagbabalik pagkatapos ng dalawang taong pahinga dahil sa pandemya. Ito ay nakatuon sa temang “Building Resilient Communities: The Role of Journalism in Post Pandemic Recovery. Matapos ang isang mahaba at mahirap na proseso ng pagsasanay para sa mga batang mamamahayag, ang mga delegado ay umani ng mga bunga ng kanilang paggawa. Nasungkit ng Collaborative Desktop Publishing sa Ingles at Filipino ang unang pwesto. Ito ay binubuo nina Maury Steffi Garen, Precious Joy V. Paragsa, Kriziah Alyssa Domingo, Phoebe Madeline Habab, Jessie Miel Caranza, Prince Noegi Quidol at Jerzey Nicolle Baga sa Filipino, samantalang sila Julius Cedrix Bait, Althea T. Ventura, Bryce M. Bonus,, Ma. Kimberly Kate Brusolo, Ivan ray Timothy Bautista at Mackzyn Andie M. De Guzman sa Ingles. Lubos naman itong ikinatuwa ng kanilang tagapagsanay na si Bb. Rosel D. Ladaran. Samantala, bumandera naman sina Yannate Marqueses at Ma. Isabela Angela Ramiscal sa pagsulat ng lathalain na nakasungkit ng ikalawa at ikaanim na gantimpala. Sila Gracilda R. Talandato sa Filipino at Cheryline Y. Pulvera sa Ingles naman ang tagapagsanay sa nasabing patimpalak. Kapwa naman nakuha nina Ishmael V. Mijares sa Sports Writing at Jacob Shark B. Soriano naman sa Pagsulat ng Isports ang ikalawang pwesto at ang kanilang tagapagsanay ay sina G. Leonardo E. Bruno Jr at Gng. Christine S. Esteban. Nagwagi rin ang Ikalawang pwesto sa News writing si Maritoni Kaela B. Nadres at tagapagsanay si Bb. Lea N. Cartin, Ikawalong pwesto sa Science News writing si Calista Candice L. Go at tagapagsanay si Gng. Jeffannee T. Delos Trico. Nakamit din nila Lara Venice S. De Leon sa Editorial Writing at tagapagsanay Bb. Maria Tarcila Nicole Benemerito, at Hannah Rose Hiraga sa Pagsulat ng Balita at tagapagsanay si Tracy Q. Bruno ang Ikasiyam na pwesto. Nakakuha ng special award naman ang mga sumabak sa Radio Broadcasting (Filipino team) ang ikatlong pwesto sa gantimpala na Best in Scriptwriting . Ito ay binubuo nina Dylan Dulva, Jhelsea Rhise Salvatierra, Volter Wenan Encio, Benison Belen, Lexi Mel Sumadlayon, Shantrice Guina at Denise Dela Cruz. Sa kabuuan, tanging ang Collaborative Desktop Publishing Filipino at English team ang sasabak sa 2023 Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Rizal High School Pasig City. | CHRISTIAN DAVE TABADA I sinagawa ng TPES ang “Red Cross Youth Volunteer Orientation Module-Division Simultaneous Training for Red Cross” nitong nakaraang ika-19 ng Nobyembre, 2022 ng paaralan. Pinangunahan ng nasabing palatuntunan ni G. Jamir Semillla, isang boluntaryo mula sa Red Cross, na nagsilbi ring tagapagsalita. Sinabi niya na layunin ng oryentasyon na maturuan ang mga mag-aaral sa mga hangarin at prinsipyo ng Red Cross, pangunahing lunas at ng kasaysayan ng nasabing organisasyon. Dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang baitang kasama na rin ang mga ALS ang naturang oryentasyon. Isa rin sa mga naganap ay ang paglalaro na may kasamang kooperasyon. Layunin ng naman ng mga larong ito ay linangin ang pagtutulungan at pakikiisa ng mga mag-aaral. RED CROSS: Pinangunahan ni Bb. Jeanne C. Rejuso,(ikalima mula sa kaliwa) punongguro ng TPES ang pagsasanay ng mga piling magaaral mula sa ALS at iba’t ibang baiting para sa oryentasyon ng paggawa ng modyul at iba pa. Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista TPES FUMIGATION: Lamok, tipok! Tila ito ang ipinahihiwatig ng usok mula sa isinagawang misting at fogging sa T. Paez upang maiwasan ang posibleng makuhang sakit mula sa lamok. Kuha ni Jerzey Nicollle F. Baga
Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 | HANNAH ROSE M. HIRAGA N agsagawa ng seminar ang Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez sa mga estudyante ng ika-anim na baitang at ilang guro tungkol sa sakit na Acquired Immuno Deficiency Syndrome, o AIDS, sa TPES LRC noong nakaraang Biyernes, May 10. Ito ay pinangunahan ni GAD koordineytor Gng. Marivic Aquino at sinundan ng resource speaker na sina Alex B. Acsay at Angelo Kristoffer P. Garcia, kasulukuyan at dating nurse ng paaralan. Nagbahagi si Nurse Garcia ng mga kaalaman tungkol sa sintomas, sakit at epekto ng sakit ng AIDS sa tao at kung paano mahahawa ito sa iba. “Kadalasang mapapansin sa mga taong mayroong ganitong sakit ay ang pagiging masakitin, mabilisang pagbaba ng timbang, ubo, lagnat, diarrhea at marami pang iba. Kaya hindi biro ang magkaroon ng ganitong sakit,” ayon kay Nurse Alex. | LORRAINE VICKIE C. CARLOS G inanap ang Cluster 3 Read-A-Thon contest sa Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez noong ika-21 ng Mayo 2023 sa ganap na 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Naging tema ng nasabing patimpalak ang “Reinforcing the 21st Century Industries Through Talents and Skills Exhibitions”. Tinatayang dinaluhan ng 12 kalahok ang paligsahan mula sa Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez, Paaralang Elementarya ng Apelo, at Paaralang Elementarya ng Marcela Marcelo. 3 kalahok ang nagtagisan sa muling pagkukwento at tatlo naman sa intepretatibong pagbasa. Sa Ingles naman 3 kalahok din ang nagpakita ng galing sa Retelling at 3 din sa Oral Reading Interpretation. Nagtapos ang patimpalak sa pagaanunsiyo ng mga nagwagi. Ang nanalo sa muling pagkukwento ay si Asher Kingsley Cabaluna ng TPES at sa interpretaibong pagbasa ay si Dylan V. Dulva ng TPES. Sa kabilang banda, nagwagi si John Raelee C. Halog ng ACES sa Retelling at si Shermae Jedd S. Lantican ng TPES sa Oral Reading Interpretation. Ginunita din ng mga guro at mag-aaral mula sa ikaanim na baitang nitong nakaraang Lunes, Mayo 22 ang 2023 International AIDS Candelight Memorial na may temang “Spread Love and Solidarity to Build Stronger Communities”. Tinagurian itong silent killer noon dahil sa maling akala patungkol sa paglaganap nito. Ang Republic Act 8504 o AIDS law ay kumikilala sa tindi ng banta ng HIV at AIDS at hinihingi ito ng malakas na aksyon mula sa pamahalaan. CLUSTER 3 READ : Masiglang ipinakita ng mga mag-aaral ang sertipiko matapos magwagi ng tatlong unang puwesto at isang ikalawang puwesto sa katatapos na paligsahan ng “Cluster 3 Read-A-Thon Contest” na ginanap noong Mayo 22 sa TPES. Kuha ni Lexine Megan Cajandab
Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 EDITORYAL | ALTHEA T. VENTURA A ng pagaaral ay matagal nang ginagawa, at kung ipagpapatuloy ito, kailangan ng pagbabago. May iminugkahi si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na baguhin ang ating kurikulum dahil ang K-12 ay hindi sapat sa maraming tao. Kapag naipatupad ang bagong kurikulum na ito, sa tingin mo ba ay madaling makapagaadjust ang nakararami? Maraming estudyanteng naghahanap ng ibang paaran sa pag-aaral, kaya ipinakilala nila ang K + 10 + 2 kurikulum na naglalayong mas maging maayos ang pag-aaral ng mga estudyante dahil ang huling dalawang taon ng high school ay magiging boluntaryo. Ang mga mag-aaral ay makapipili kung ano ang gusto nilang gawin pagtapos nila sa ikasampung baitang. “The failure of the K-12 program to provide its graduates with promised advantages exacerbates the additional burden on parents and students imposed by two additional years of basic education. In a country like the Philippines where the poverty incidence is 18 percent, there should be an option for the young to graduate from basic education soonest, after four years of high school, so that they can help their parents in their farms or micro-businesses,” sabi ni Arroyo. Kapag ito ay naisabatas na, ang ika-11 at ika12 na baitang ay magiging boluntaryo na lamang. Kailangang mapagtanto ng DepEd na ang bagong panukalang batas na ito ay isang magandang uri ng pagbabago, dahil ito ay makakaapekto sa ating buhay sa mabuting paraan. Ang mga mag-aaral ang at ang kanilang mga magulang ang magpapasiya kung tutuloy pa sila sa Grade11 at 12. Ito ay dapat munang suriing mabuti ng lehislatibo upang ng sa ganun ay hindi na maulit ang pagkakamali ng nakaraan. Ang pagdedesisyon ay mahirap, lalo na kapag ang iyong pagpipiliian ay ang magpapabago sa takbo ng iyong buhay. Ang dalawang opsyonal na taon, mga baitang 11 at 12 ay maaaring makatulong o magpahirap sa paghanap ng trabaho at sa huli ay maging isang malaking pagsisisi lamang. Dear Editor, Magandang araw! Nais ko lamang pong ipabatid ang saloobin ko at ng aking kapwa mag-aaral hinggil sa kakulangan ng mga electric fan at water dispenser sa mga silid-aralan. Kailan po kaya ito masusolusyunan? Mainam na sana itong solusyon mula sa sobrang int ng panahon, lalo na ngayong tag -init. Malapit na ang araw ng pagtatapos ngunit ang init ay hindi pa rin natatapos. Sana po ay umabot itong liham sa ating mga kinauukulan. Maraming salamat po! -Hanai050110 Dear Hanai050110, Magandang araw! Natanggap namin ang iyong liham at naipabasa na ito sa kinauukulan. Nais naming ipatid sainyo na ang principal ay magbibigay ng mga water dispenser at electric fan sa mga may kulang . Hinihintay na lang ng principal na makalikom ng sapat na pera para dito, ngayo’y ‘di pa tiyak kung kalian. Sana’y natugunan namin ang iyong katanungan! -Patnugot | LARA VENICE S. DE LEON N gayon, ligtas na ulit ang kapaligiran at sa wakas ay maari na rin tayong lumabas. Bagamat nagbago ang mga bagay nang ipahayag ang pagbabalik ng COVID-19 bilang subraviant ng omicron na tinatawag na Arcturus variant. Ang takot na ating hinaharap sa nakalipas na tatlong taon ay bumalik at posible na tayo ay magdusa dahil dito. Paano tayo nakatitiyak na ang pagbabalik na ito ang magiging huling pagbabalik ng pandemya? Marami tayong pinagdaanan at sa loob ng maraming taon nilabanan natin ang COVID-19 na mapanganib sa buhay ng maraming tao. Kung ang pagbabalik na ito ay hindi pangwakas, posible na tayo ay mananatili sa loob ng ating mga bahay ng matagal. Naranasan na natin ang ganitong sitwasyon noon, dapat hindi natin to mapagdaan muli. Ayon sa miyembro ng OCTA sa si Guido David, sinabi nya na ang pitong araw na COVID positivity rate o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa virus sa Metro Manila ay bahagyang tumaas mula 6.5% noong abril 8 hanggang 7.2% noong abril 15.Sinabi ni David sa Metro Manila naitala ang pinakamaraming bilang ng mga bagon impeksyon sa positivity rate ng virus na nasa 7.4%. Noong Mayo 11, batay sa online COVID19 tracker ng DOH, ang kabuuan ng bansa ay nasa 4,108,194 na may 13,964 aktibong kaso, 4,028,497 recoveries at 66,453 na namatay. Ang mga bagong pasyente ay sanhi ng pagsisimula ng Holy Week dahil maraming tao ang nagpunta sa iba’t ibang lugar para sa kanilang pamilya o kaibigan. Bukod dito, ang COVID-19 ay isang banta sa lahat at kung hindi natin ito aaksyunan ngayon, mahaharap tayo sa marami na namang panganib. Tayong mga Pilipino ay palaging nananatiling matatag at inilalagay ang ating buhay sa linya para sa ating kaligtasan. Higit pa rito, kung gusto nating protektahan ang ating sarili mula sa pagkahawa sa virus, dapat natin isagawa ang lahat ng mga solusyon na paulit-ulit na sa ating pinapaalala ng gobyerno. Mula sa pag-iwas sa pisikal na pakikipag-ugnayan , pagdistansya sa mga tao, pagbantay sa ating distansya kapag tayo ay nasa labas, pag-iwas sa mga lugar na mababa ang bentilasyon, paggawa ng regular sa paglilinis at pagdidisimpekta sa mga bagay na madalas hawakan at pagkuha ng isa pang booster shot. Kung napagdaanan natin ito noon, malalaman natin kung paano tapusin ito ngayon at para sa lahat. “ Isang malusog na pangangatawan, mahinahon na pagiisip, tahanan na puno ng pag-ibig—hindi nabibili ang mga bagay na ito---bagkus, ang mga ito ay pinaghihirapan.” TOMO 1 BILANG 1 ngBALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO Paezeñ0 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR AGOSTO-HULYO 2023 Punong Patnugot: Althea T. Ventura, Pangalawang Patnugot: Lara Venice S. De Leon Litratista: Jerzey Nicollle F. Baga, at Ivan Ray Timothy J. Bautista, Lexine Megan Cajandab Kartunista: James Christopher G. Lusuegro, Prince Noegie G. Quidol, Ma. Kimberly Kate Brusola Tagaley-awt: Keyla R. Carian at Maury Steffi I. Garen Mga Manunulat: Ma. Isabela Angela F. Ramiscal, Maritoni Kaela B. Nadres, Calista Candice L. Go, Ishmael V. Mijares, Christian Dave Tabada, Andie M. Impelido, Yannate M. Marqueses, Hannah Rose M. Hiraga, Ma. Sabrina Bernadette V. Resoles, Jacob Sharik B. Soriano, Rayma C. Tayco, Dylan V. Dulva, Aella Gywneth Manuelle Dulva, Lexi Mel Sumodlayon Mackzyn Andie M. De Guzman, Julius Cedrix P. Bait, Bryce M. Bonus, Jessie Miel B. Caranza, Precious Joy V. Paragsa, Kriziah Alyssa F. Domingo, Phoebe Madeline C. Quidol Tagapatnubay ng Ley-awt: Rosel D. Ladaran Pangulo, GPTA: Rannie Robles Mga Tagapayo: Teresita F. Bucao (SPA-Filipino), Maria Tarcila Nicole Benemerito (SPA-English) Punong-guro III: Jeanne C. Rejuso
Kuha ni Ivan Ray Timothy J. Bautista TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 | ANDIE IMPELIDO M araming mga mag-aaral at magulang ang nagnanais na ibalik ang dating academic school calendar dahil sa init ng panahon. Nangangamba sila dahil maaaring makaapekto ang klase sa panahon ng tag-init hindi lang sa pag-aaral kundi maging sa kalusugan ng mga bata. Panahon na nga bang ibalik ang dating akademikong kalendaryo? Dumarami ang mga magulang na nagaalala sa kaligtasan ng kanilang mga anak, sapagkat naiiba ang init na nararanasan ngayon. Maraming mga silid-aralan ang walang aircon at electric fan kaya isa ito sa mga dahilan upang hindi makapokus sa pag-aaral ang mga estudyante. Hindi sila nakakapagconcentrate sa kanilang ginagawa. Sa isang ginanap na surbey, lumabas na hindi bababa sa 67 porsyento ng mga guro ang nagrereklamo na ang mga mag-aaral ay madaling mayamot sapagkat hindi sila komportable sa loob ng silid-aralan . Ayon kay Gng. Mylene Ferrer, isang guro, hindi ito makakatulong sa paglinang ng kaalaman bagkus ito ay makaaabala pa. Mahirap ding magcommute patungong paaralan maging sa pag-uwi sa gitna ng tindi ng sikat na araw. Buwan ng tag-ulan. Mahihirapan lamang lalo ang mga mag-aaral. Subalit kailangan na ibalik ang academic school calendar sapagkat hindi ito makabubuti sa pag-aaral ng mga estudyante at gayundin sa kalagayan nila at ng mga guro. Nawa’y masusing pag-aralan ng DepEd ang sitwasyon na kasalukuyang nararanasan. Sana ay maibalik na ang dating school calendar dahil sa tindi ng nararanasan nating mala-pugon na panahon. Kung hindi, maaring magdulot ito ng hindi magandang bunga sa kalusugan ngmga guro lalong lalo na ng estudyante. Sana ay ibalik na ng ang academic school calendar. Mungkahing ibalik ang pasukan ng klase sa buwan ng Hunyo: 76% mag-aaral sumang-ayon | LEXIE MEL M. SUMODLAYON Mainit! Madalas na reklamo ng ilang kabataan sa pagpasok sa eskwela. Simula nitong buwan ng Marso nakararanas na ng mataas na temperatura di lamang sa Kalakhang Maynila kundi maging sa ibang bahagi ng bansa. Sa isinagawang sarbey ng mga batang mamamahayag ng Paaralang Elementaryang Timoteo Paez sa mga mag-aaral mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang kung sang-ayon o hindi sila sang-ayong muling ibalik ang pasukan sa buwan ng Hunyo, 76% ang sumang -ayon at 24% naman ang tumutol. Samantala, sa panayam sa pangulo ng School Pupil Government , sinabi nitong sangayon siyang ibalik sa Hunyo ang pasukan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro, tulad ng heat stroke at iba pa. Samantala magugunitang sumangayon din si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian na ibalik sa dati ang school calendar o mula sa kasalukuyang Agosto na pasukan ay ibalik ito sa Hunyo. Ipinunto ni Gatchalian na binago ang pagbubukas ng school year dahil sa Covid19 pandemic at ngayong bumabalik na sa normal ang sitwayon ay mainam na rin aniyang ibalik sa dati ang school calendar. | ALTHEA VENTURA A ng Artificial Intelligence ay patuloy na umuunlad hanggang sa ngayon. Nakamamangha kung paano sila kumikilos na parang tao, dahil ang mga ito ay mga makina lamang na na-program ng mga computer. Sa dami ng mga teorya na "sasakupin nila ang mundo", sa palagay mo ba ay totoo ang mga piksyon na iyon na pinaniniwalaan ng maraming tao? Bilang isang bata at isang mag-aaral, natutunan ko na ang teknolohiya ay umunlad nang mabilis, hanggang sa punto kung saan nakakaimbento na ng mga robots na kayang kumilos bilang tao sa paraan ng ating pagsasalita, pag-iisip, at pagiging malikhain. Natututo ang mga AI system mula sa data ng pagsasanay, kung saan natututo silang gumawa ng mga desisyon. Ang mga datos na ito ay maaaring maglaman ng mga pinapanigang desisyon ng tao o kumakatawan sa mga hindi pagkakapantay-pantay sa kasaysayan o panlipunan. “AI is more dangerous than, say, mismanaged aircraft design or production maintenance or bad car production, in the sense that it is, it has the potential — however small one may regard that probability, but it is non-trivial — it has the potential of civilization destruction,” ayon sa bilyonaryong si Elon Musk. Makikita mo na naniniwala siya na ang AI ay maaaring maging dahilan ng ating pagkalipol. Ang kapaligirang mayroon tayo ay sapat para sa ating lahat. Hindi natin kailangang mag-evolve ng artipisyal na teknolohiya dahil ang AI na mayroon tayo ngayon ay sapat na, at lahat ng sobra ay masama. Hindi natin kailangan na tumanggap o gumawa ng higit pang mga mekanika na tatapos sa atin. Magaling ang AI, pero mas magaling tayo. Tayong mga tao ang dahilan kung bakit sila nandito hanggang ngayon. Bilang isang mambabasa, napagtanto mo ba ang potensyal na epekto ng artificial intelligence sa buhay natin? Carlo Besa- Ang June to March mas maganda kung ito ang schedule dahil mas mahaba ang bakasyon at makakapahinga rin ang mga bata at di mapressure. Claire Dwayne Mañosca- June to March ang schedule na sa tingin kong nakakabuti para sa mga estudyante dahil sa panahon. Mababawasan din ang mga estudyante nagkakasakit kung itong buwan ang mapipili, para sa pag-aaral. Mackzyn Andie De Guzman- Gusto ko July ang araw ng pagtatapos ng elementarya kasi kapag June ang pasukan laging class suspended. Mary Denef V. Dela Cruz- Ang brainly ay minsan nakakatulong at minsan hindi dahil di lahat ang makikita mong sagot ay tama. Irvi Maximus I. Atalia- Ang brainyl ay ginagamit para sa mga tanong na nakakalito sa mga gawain. Ang google naman dito ay pwede ka magtanong at pwede ka rin mag translate ng lengwahe. Dahil sa mga AI na ito ay sobrang dali nalang ng mga gawain. Kobe Bryant P. Lao- Chat GPT ay isang online tool na kayang sumagot sa mga mahihirap na tanong tulad ng coding. 76% Hindi Oo
TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO I sang guro sa Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez at ina ng apat na anak ay na-diagnose ng Papillary Carcinoma Thyroid Cancer, ito ang kaniyang kuwento, mga nararamdaman at mga mensahe na may dalang inspirasyon sa mga tao na humaharap sa parehong sitwasyon. Siya si Jessica Madronio, isang Master Teacher at magaling na guro sa Ingles. Bilang isa sa kanyang mag-aaral, naniniwala ako na isa siya sa mga taong mabait at mapagmahal na nakilala ko. Noong 2022, nadiognose siya na mayroon siyang Papillary Carcinoma Thyroid Cancer at kumuha siya ng tatlong buwan na leave. Ako at ang aking mga kaklase ay di mapigilan na magalala. Tinanong ko siya “Ano po ang mga paghihirap na iyong dinanas?”, “Fear of living out, sakit, at nong post operation matapos ang surgery, nakaramdam ako ng depresyon.” Inamin niya na nakaramdam siya ng sakit at depresyon. Natakot siyang mawala sa piling ng kaniyang apat na anak. “Maari mo rin po ba akong kwentuhan sa journey mo?”,“Frustrating, nakakatakot, nakakapagbigay depresyon dahil nawala boses ko ng halos 2 buwan. Kahit na bumalik na ang boses ko, hindi pa rin siya pareho sa dati” ani niya “Okay lang matakot, okay lang makaramdam ng depresyon, pero sa huli, dapat tumayo ka sa sarili mo. Take control, kasi pag hindi, dalawa lang nama mapupuntahan mo, sementery o mental hospital”. But you can’t help it, mararamdaman mo na wala kang kasama. Kahit sabihin pa nila na andito lang kami para sayo, eh hindi naman nila alam yung sakit.” “Muntikan ka na bang sumuko?” “Muntikan lang hanggang dumating sa ikinulong ko ang sarili ko sa kwarto at umiyak”. “Ano ang mensahe mo sa mga taong humaharap rin ng ganiyang hirap?”, “Hindi ko masabi sa kanila na kaya mo yan kasi, napagdaanan ko na rin yan eh, pero ang masasabi ko ay get yourself together”. Sinabi niya rin sa akin ang mga natutunan niya, “Pakinggan mo kung ano ang sinasabi ng katawan mo. Pag may masakit, pakinggan mo, take a rest ”. Masasabi ko na si Ma’am Madronio ay isang napakatapang at matatag na tao. Nang kinapanayam ko siya, parang inilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya ang hirap pala ng pinagdaanan niya at nalampasan niya ito. Ang kaniyang kuwento sa buhay ay nagbigay inspirasyon sa akin at sa kapwa ko magaaral upang maging malakas, matibay ang loob na magpatuloy sa laban ng buhay lalo na sa mga sarili kong suliranin physically mentally at emotionally. “Laban lang!” pagtatapos ni mam Jess. | ISABELA RAMISCAL | PHOEBE MADELINE C. HABAB ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 H indi ko lubusang maisip na hindi ko na muling makikita ang aking mga kaibigan, guro, at mga kaklase. Pero kahit na tayo ay lumisan, hindi-hindi pa rin mawawala ang mga memorya na aming pinagsamahan ng aking mga kaklase. Ilang buwan na lang ay magkakahiwahiwalay na tayong lahat. Pero kahit ganoon ay dapat maging masaya pa rin tayo dahil tayo ay lilisan sa paaralan na may baong magagandang aral mula sa ating mga guro. Masayang maging isang mag-aaral lalo’t kapag ang ating pagod at paghihirap ay may magagandang bunga. Hinding-hindi ko malilimutan ang aking pakiramdam kapag ako ay nasa paaralan. Sobrang saya ko dahil marami akong kaibigan at marami kaming pinagsamahan. Minsan ay nahihirapan din kami lahat ng pagsubok ay aming napagtagumpayan ng sama-sama. Pero iba ang naging pakiramdam ko ng malaman ko na aalis na kami, naghalo-halo ang emosyon ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Talagang nagugulumihanan ako sa nararamdaman ko. Lilisan na kasi ako dahil magfirst year high school na ako at magkakaroon na naman ako ng mga bagong guro at kamag-aral. Kaya TPES, maraming salamat! Sa inyong paghihirap upang kami ay makapagtapos.
kabataan ang maglabas at magwaldas ng pera makasabay lang sa uso ngayon. Laging tanong ng mga tao, “ Hindi naman natin naiintindihan yan, ngunit sa kabilang banda, pinaglalaban pa rin ito ng mga fans. Ayon sa isang psychiatrist na si Dr. Joan Rifareal, ang sobrang paghanga raw ay minsan nakasasama gaya ng nangyayari ngayon na paggastos ng mga fans para sa iniidolo nila. Ang kasiyahang ating nadarama’y minsa’y sumosobra na, kaya mga kabataan, laging isipin na tayo’y mga Pilipino pa rin kaya’t mas mas maganda kung aating tatangkilikin ang sariling atin at wag masyadong magpadala sa mga makabagong uso ngayon. P aano nga ba maging isang ina? Ito ang kadalasang tanong ng nakararami pagdating sa pagiging ina. Hindi madali ang pagiging ilaw ng tahanan, dahil sila ay laging handang magtiis at magpagaan ng ating mga problema. Hindi rin kaya ng isang ina na makita ang kaniyang anak na nahihirapan dahil masakit iyon sa kanilang damdamin. Sila din ang nagpapakahirap upang may makain lang tayo arawaraw, dahil ayaw nila tayong magutom. Nararapat rin nating intindihin ang ating mga ina dahil nahihirapan din sila. Ang pagiging ina ay hindi madali, sa umaga pa lang gigising sila ng maaga upang maghain ng ating almusal, pag-alis natin sa bahay ay sisimulan na nila ang kanilang trabaho para pagdating ng kaniyang mga anak ay malinis ang bahay pero hindi man lang iyon magawa ng kanilang anak, uuwi ang iyong ina na makalat ang bahay at masakit ang kaniyang buong katawan ngunit maglilinis pa rin siya. Nagmamahal ang isang ina ng walang hinihinging kapalit, dahil isang “I Love You Mama” ay sapat na para sila ay maging masaya. Kahit may ginawang masama ang iyong ina ay huwag pa rin natin siyang kakalimutan na magulang pa rin natin siya. Siya ang nagdala sa atin ng 9 na buwan, siya ang nagluwal sa atin. Kung hindi mo makayang tanggapin ang iyong ina ay mas lalong hindi niya kakayaning tanggapin ang kaniyang sarili. Hindi biro ang pagiging ina, ang pagiging ilaw ng tahanan na kahit hindi na niya kaya ang ginagawa parin niya ng lahat para sa kaniyang anak. TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 | PHOEBE MADELINE C. HABAB | PHOEBE MADELINE C. HABAB | YANNATE M. MARQUESES akaaliw, nakakasindak, magandang mga tugtugin.Ito ang kasiyahang hatid ng mga banyaga mula sa bansang Korea. Ngunit paano na lang kaya kung ang kasiyahang ating nadarama ay nagdudulot na ng napakalaking problema sa ating lipunan? Karamihan sa mga kabataang gaya ko ngayon ay puro K-pop nalang ang inaatupag. Ngunit ang suliraning ito ay mas lumala ng ating mabalitaan na umuusbong na naman ang K-pop Fever. Tinatayang mahigit isang milyon na ang nawawaldas na pera ng ibang fans mabili lang ang mga memorabilia ng kanilang mga idolo. Gaya na lang ni Ghela Magsajo na nasa isang milyon na rin ang nagastos mabili lang ang mga merchandise ng Super Junior. Sa panahon ngayon kayang-kaya na talaga ng mga Papa, dad, daddy, itay. Ikaw anong tawag mo sa iyong tatay? Ako daddy ang tawag ko sa aking ama. Malapit ka ba sa iyong ama? Nabati mo na ba ng iyong ama ng Happy Fathers Day? Alam mo minsan ang ibang tao ay wala ng ama, walang maayos na ama dahil puro alak at sugal ang hawak sa halip pera para may makain ang kaniyang pamilya. Sa tingin mo kung ganoon ang iyong ama hindi mo na ba siya ama, pero kahit ganoon ang ama ninyo dapat ay maisip mo na magulang mo pa rin naman siya. Kahit ako noong bata pa lamang ako ay inis na inis ako sa aking tatay dahil noong ipinanganak ako wala siya doon, peron noong nalaman ko kung bakit siya wala doon ay dahil kaliangan na niyang pumanhik ng barko. Lagi ako noong naninibago at takot na takot sa kaniya kasi kapag siya ay namamalo ay talagang sobrang sakit at hindi man lang siya ngumingiti. Lagi akong nagtataka kung bakit siya ganoon, dahil lagi niyang ginagawa iyon ay nasanay na rin ako at isang araw ay may napag-alaman ako. Hindi niya pala naranasan ang pagmamahal ng isang magulang dahil ang kaniyang lolo at lola ang nag-alaga sa kaniya. Siya rin ang nagpalaki sa kaniyang mga kapatid. Hindi ko naisip noon kung gaano ako kaswerte ngayon dahil may pamilya ako na nag-aalaga sa aming dalawang magkapatid. Nabibili ko ang mga gusto ko ngayon. Kung hindi dahil sa trabaho ng aking ama ay hindi rin marahil ito makakaya ng aking ina. Kung andito lang si daddy ang gusto ko lang sabihin sa kaniya ay salamat po at mahal ka namin. Pasensya na sa mga ginawa ko sa iyo at HAPPY FATHER’S DAY po.
T odo na ang init ng panahon ngayon na kahit na anong paypay mo o gamit ng portable fan ay hindi kinakaya ang init sa labas. Oo nga at “tropical country” na maituturing ang Pilipinas pero ang init ng araw na nararanasan natin ngayon ay sobra sobra na dahil na rin sa “climate change.” Makakayananan pa kaya natin ito lalo na’t magtatagal pa daw ang ganitong sitwasyon dahil na rin sa El Nino? Dahil sa tindi ng temperatura sa buong bansa, maraming mga tao ang nahihilo, nahihimatay, nagnonosebleed o balinguyngoy at nagkakaroon ng iba’t-ibang sakit. Dumarami rin ang tumataas ang presyon at ang mas malala ay ang mga tinatamaan ng heat stroke. Hindi biro ang epekto ng sobrang init na panahon kaya kung hindi ka talaga magiingat ay ospital ang diretso mo niyan o maaaring mas malala pa dahil maaaring ikamatay ang atake sa puso dulot ng matinding init. | PHOEBE MADELINE C. HABAB | YANNATE M. MARQUESES TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO H anggang ngayon, masasabi kong paglalaro pa rin ang kasiyahan ng mga kabataan dahil hindi pa rin nawawala ang aking napagdaanan na pag lalaro ng aral aralan kasama ang ibang bata. Gaya nalang ng isang bata noon na ngayon ay hinahangaan ko. Kay dami ko ng gustong gawin sa aking pagtanda kaya habang bata pa lamang ako inuumpisahan ko ng mangarap upang matuto ako at maabot ko ang aking mga nais sa aking buhay. Ang batang nakapanuod kay Ginoong Efren Peñaflorida na siyang founder ng Kariton Klasrum ang siyang nag tulak sa akin upang ipagpatuloy at pagbutihin ang aking pag aaral. Kay sayang isipin na dahil sa batang iyon ay natupad rin ang isang oraganisasyon na kanyang minsa'y pinangarap. Ang Kariton Klasrum! Dati, iilan lang ang kanyang naturuan nito ngunit ngayon kay dami na at ako'y tiyak na mas marami nang bata ang matuturuan. Sa kasalukuyan, nakarating na rin itong programang Kariton Klasrum sa paaralang Elementarya ng Timoteo Paez. Kaya naman nadagdagan ang mga kabataang kanilang natulungan. Hindi bat kay saying isipin na may ganito na sa paaralan? Ako’y nakakatitiyak na sila’y makakatulong sa mga mag-aaral na hirap sa pagbasa. Kabataan, hindi pa huli ang lahat! Patuloy tayong umasa para sa magandang kinabukasan at huwag mawalan ng pag-asa! Tulak karunungan Kariton Klasrum ang kailangan! Lagi't laging matututo para sa bayan! Ano nga ba ang mga dapat nating gawin upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng sobrang init ng panahon? Una sa lahat ay iwasan natin lumabas sa pagitan ng alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres ng hapon. Kung ito ay sadyang di maiiwasan ay huwag tayong magbilad ng matagal sa ilalim ng sikat ng araw, magdala ng payong, magsuot ng sombrero, maglagay ng sunscreen at magdala ng pamaypay. Magdala rin ng bimpo o damit na pamalit para di tayo matuyuan ng pawis. Ugaliin din nating maligo araw-araw at iwasang magsuot ng makakapal at matitingkad na kulay ng damit upang tayo ay mapreskuhan. At siyempre ang pinakaimportante ay uminom tayong palagi ng maraming tubig. Dapat palagi tayong may baon o bitbit na tubig saan man tayo magpunta. Dapat matuto tayong pangalagaan ang ating kalusugan. Ito ay simpleng paalala na malaki ang maitutulong upang maiwasan ang pagkakasakit ngayong tag-init.
TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 Paalam, TPES ni: Dylan V. Dulva Sa aking nalalapit na paglisan Sa aking sinisintang paaralan Hapdi’ at kirot ay nararamdaman Sa nalalapit na paghihiwalay. Sa aking mga matitiyagang guro,- Salamat sa inyong pagtuturo, Nakaukit lahat ng natotohan, Dadalhin para sa kinabukasan. Iisa lang ang hiling, sa aking pagtanda Kaming magkakaklase’sa TPES, muling magkita Nawa’y ang nabuong magandang samahan Kailanman ay huwag kalilimutan. Kalikasan ni: Isabela Ramiscal, Kalikasan ang siyang dahilan Kung bakit masagana ang pamumuhay Malamig na hanging nilalanghap natin Sariwang prutas, gulay at pagkain Magagandang baybayin ng karagata’t tanawin Ilog na malinaw at masarap pagtampisawan Matatayog at madadawag na kabundukan Kanlungan ng iba’t ibang hayup-gubat at halaman. Kaya’t ating pakaingatan, yaring kalikasan Magtanim at pagputol ng puno’y iwasan Linisin ang yamang-tubig, basura’ ay wag tapunan. Sa halip ay alagaan, para sa ating kinabukasan! Pangalawang Magulang ni: Jhon Simon C. Dadacay Ang mga guro ay bayani ng ating bayan Nagtuturo ng kaalaman sa kabataan Nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa'tin Upang makamit ang nais na abutin Apat na letra man kung ito'y basahin, Subalit ito'y makabuluhan din Sila'y puro kung magmahal sa atin Kanilang gabay at aral, ginto sa atin Sa mga araw-araw na pagtuturo nila Maraming buhay, nababago at nag-iiba Ang mga aral at payo na ibinibigay Laking tulong na mabago ang buhay Isang kayamanan kung kayo'y magmahal Tunay na biyaya sa bayang dangal Kapuri-puring hangarin kahit pagal Totoong bayani na handang mangaral HAIKU Punong mabunga Dulot nito’y ginhawa Yaman ng bansa. Oras na para Kumilos ni: Aella Gwyneth Manuelle M. Dulva Kalikasa’y naghihinagpis Ang mga hayop ay tumatangis Halamang di na makatiis Nalatanta sa init na labis Mundo’y nagdudusa sa sobrang init Mata ng mga tao’y sumisingkit Gripo sa tubig di na sumisirit Dahil ang init ay sobrang malupit Pagputol ng puno ay ating iwasan Upang mapanatili ang kalikasan Magtanim ng halaman sa kagubatan Sariwang hangin ay iyong karapatan Kalikasa’y ating mahalin Problema ng kapaligiran Tara na’t ating unahin! Tayo’y kumilos at magtulungan.
TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 1. Meron kang napulot na pera na nag kakahalaga ng isang daan bumili ka ng apat na biskwit na nag kakahalaga ng 25 ang isa, pagkatapos ay bumili ka ng malamig na tubig na ang halaga ay sampung piso, habang pauwi naaalala mo ang iniutos sayo ng iyong ina na bumili ka ng mantika na nagkakagala ng 25 pesos. Magkano lahat ang nabawas sa perang nakuha mo? ____________________ 2. Ikaw ay nakahiga at tinawag ka ng iyong lola upang maghugas ng plato, pagkatapos ay umupo ka sa inyong sala. Maya maya tinawag ka ng iyong kuya, sinabihan ka niyang bumili ng tinapay para sa inyong meryenda. Matapos bumili ng tinapay ay dumiretso ka sa iyong kwarto upang humiga ulit. Kaso tinawag ka ng iyong nanay, mag saing ka na daw! Kaya tumayo ka nanaman ulit upang sundin ang iniutos. Ilang beses ka tumayo upang gawin ang mga iniutos sayo? ____________________________ 3. Mag aabogado ka, kaya nangako ka sa sarili mo na magbabasa ka ngayon ng sandamakmak na libro at mas uunahin mo ito. Ngunit tumawag bigla ang iyong kaibigan, napasarap ang chikahan nyo. Anong mas inuna mo? Edi chismis! 4. Si Rey ay anak ni Mang Dylan. May limang anak si Mang Dylan si Rara, Rere, Riri, Roro. Sino ang pang limang anak ni Mang Dylan? _______________________ PALAISIPAN (Alamin ang sagot sa pahina 15) MGA TANONG: 1.Manlalaro ng volleyball na kasalukuyang naglalaro para sa Creamline Cool Smashers. 2.Tinaguriang "PacMan", siya ay itinuturing na isa sa mga pinakadakilang propesyonal na boksingero sa lahat ng panahon. 3. Filipino bowler at coach na anim na beses na nanalo sa World bowling. 4.Isang Pilipinang atleta na tinaguriang pinakamabilis na babae sa Asya noong 1980s. 5.Siya ay itinuturing na pinakamalakas na manlalaro ng chess. 6. Isang Colombian propesiyonal footballer 7.Isang Filipino amateur boxer 8.Isang Pilipinong dating propesyonal na basketball player, head coach at politiko na nagsilbi bilang Senador ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2004.
TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 N akakaalarma ang pagbabago ng klima sa ating bansa. Maaraw man, maaaring biglang umulan, o umulan at umaraw. Ang pagbabagong ito ay mahirap hulaan, ito ay sanhi ng global warming. Nakakaalarma ang pagnipis at pagkasira ng ozone layer na pumoprotekta sa atin mula sa direktang sikat ng araw. Hindi maipaliwanag ng mga eksperto ang totoong mga pangyayari at dahilan ng insidenteng ito. Ang tanging paliwanag nila ay ang mga aktibidad ng mga tao na talaga namang may malaking epekto sa mundo. Maraming nakalalasong gas ang dahan-dahang sumisira sa ating planeta. Naging malaking hamon ang pagbabago ng klima sa pangaraw-araw nating pamumuhay dahil sa pagkatuyo ng mga palayan, pagbaba ng lebel ng tubig dagat, problema sa ekonomiya at iba't ibang sakit na nagdudulot ng pagkamatay. Ano ang mga dapat gawin upang malabanan ang mga epekto ng climate change? Nararapat na tayo ay magtanim ng mga puno at halaman, itapon ang mga basura sa tamang tapunan, magtipid sa paggamit ng enerhiya, magrecycle at marami pang iba. | PRECIOUS JOY V. PARAGSA A ng kalungkutan ay isang damdamin na nararanasan ng isang tao, mula bata hanggang matanda, babae o lalaki. Lahat ng tao ay nakakaramdam ng lungkot, nararamdaman niya ito lalo sa kanyang pag-iisa. Ang damdamin na ito ay nangyayari kung ang isang tao ay may sakit, pagkamatay ng tao na mahal sa buhay, panahon ng pagkakasakit ng mahal sa buhay at marami pang iba. Ang rason ng lungkot ay magkakaiba sa lahat ng tao. Ito ang nararamdaman ng naabuso, mga nasasaktan sa panghuhusga ng iba, pagmamaltrato at pisikal na pananakit. Madaming tao na minsan kahit masaya ang okasyon, malungkot sila, kagaya sa Kaaawaran, Pas- | CALISTA CANDICE L. GO S inimulan ng Pasay City LGU ang paglalagay ng mga mosquito nets sa lahat ng mga silid-aralan ng Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez noong ika-5 ng Mayo, 2023. Ito ay bilang panangga sa pagpasok ng mga lamok at maiwasan ang dengue. Ayon sa datos ng DOH ngayong taon, umabot na sa 2,345 ang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo, habang noong nakaraang taon, 568 ang kaso. Sinabi ni Dr. David Mendoza, pinuno ng DOH Epidemiology Department sa Northern Mindanao, na ang olyset roll, isang insecticide-treated na puting kulambo, ay ibibigay sa mga paaralan upang gawing kurtina sa loob ng mga silid-aralan. Ang isang roll ay kayang sakupin ang apat na silid-aralan at makakatulong sa pagkontrol sa pagpasok ng mga lamok. "Ito ay bahagi ng ating adbokasiya na tumulong sa pagpuksa ng dengue” sabi ni Mendoza. "Ang ganitong uri ng kurtina ay maliwanag at madaling gamitin kaya hindi ito magbibigay ng madilim na epekto sa mga silidaralan.” Ito ay talagang inilagay sa mga paaralan dahil dumarating ang mga lamok sa mga oras na 6am hanggang 9am; 3pm hanggang 6pm. Ito rin ang mga oras na may mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Ang laban kontra dengue ay para sa DOH pero mapabibilis ang laban kapag tumulong ang mga ahensiya gaya ng DepEd, DILG, at walang iba kundi tayong mga mamamayan. Kapag tayo ay sama-sama, mas maganda ang magiging resulta! | MA. SABRINA RESOLES ko, Araw ng mga Puso, at Anibersaryo. Maraming tao ang nagbibigay ng pekeng impormasyon sa iba’t-ibang site. Halos lahat sa mga ito ay nagkakalat kung paano maiiwasan ang kalungkutan, pero hindi naman talaga maiiwasan ang kalungkutan. Kahit malaki ang epekto nito sa ating kalusugan, wala tayong magagawa para maiwasan ito. Hindi natin talaga maiiwasan ang mga damdamin natin kahit gusto man natin o hindi. Ang mga eksperto ay nagsasabi na walang gamot para maibsan ang kalungkutan, pero mayroong mga istratehiyang makakabawas sa masasamang epekto nito. Naranasan niyo na bang makaramdam ng depresyon o labis na kalungkutan? Paano niyo ito nalagpasan? A. Panonood ng pelikula o palabas sa telebisyon. B. Pagbabasa ng libro C. Kumakain sa labas kasama ang mga kaibigan D. Nakikipag kwentuhan sa pamilya LGU MOSQUITO NET: Proteksyon. Ikinabit ang mosquito net sa bawat silid-aralan sa ikaanim na gusali ng paaralan bilang pananggalang sa lamok. Kuha ni Jerzey Nicollle F. Baga DEPRESYON: Maraming kabataan ang nakaranas ng pangamba at kalungkutan sa kabila ng pandemya.
TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 | MA. SABRINA RESOLES M araming klase ang bottled water gaya ng: mineral spring, sparkling, distilled, at purified. Madami ring mga tao na hindi alam ang pagkakaiba ng mga ito, kaya ang binibili lang nila ay ang pinakamura. Ito’y madaling mahanap, sapagkat ito ay mahahanap kahit saan man pumunta tulad ng sari-sari store, supermarket, botika, bus terminal, mga bangketa, atpb. Ito ay regular na inumin sa isang araw. Marami ring kabahayan ay mayroon nito. Palagi itong nakikitang dinadala sa maa opisina. ospital, ahensiva, paaralan, at sa marami pang lugar. Itinuturing isa sa pinakasikat na inumin sa buong mundo ang de- boteng tubig. Kahit ganoon ang sitwasyon.maroong mga lugar sa bansa at sa iba ding bansa. ay hindi nasuplayan o mavroong malinis na tubig sa kanilang gripo. Ayon " sa United Nations University Institute for water, Environment and Health (UNU – INWEH) na lumabas sa Popular Science na naglalahat ng pangkonsumo sa bottled water ay maaaring makaapekto nang masama at nakakapagpabagal ng mga proseso ng pagsisikap ng pamahalaan na suplayan ng malinis at ligtas na tubog gripo. Ayon din sa report ng UNU- INWEH, na dapat hamunin ang ideya na mas ligtas ang de-boteng tubig kaysa sa tubig na galing sa gripo. Maaari din makompro- | CALISTA CANDICE L. GO S a panahon ng tag-init, kasama dito ang heat stress, pero ano ba ito? Ang heat stress ay isang karamdaman kapag ikaw ay nasa labas ng sobrang tagal. Kapag ang ating katawan ay hindi nakakapagpalamig sa atin ng sapat sa pamamagitan ng pagpapawis nang mag-isa at hindi kayang gawing normal ang ating temperature, nagtatapos ito sa heat stress. Ang tag-init ay nararanasan sa buwan ng Hunyo hanggang sa buwan ng setyembre. Hindi pa naman tayo umaabot ng Hunyo pero pauntiunti nating nararamdaman ang heat stress. Ang Philippies e Atmospheric Services Administration (PAGSA) ay nagsabi na naging maalalahanin ngayong panahon dahil tumataas na ang init. Madaming halimbawa kung ano ang pwedeng mangyari kung ikaw ay nakaranas ng sintomas ng heat stress. Isa sa mga halimbawa ay pagkahilo, nasusuka, napupulikat at mahinang pulso. Ang Department of Health o DOH ay nagsabidin na maging malalahanin tayo sa ating kalusugan dahil sa heat stress. Dahil naging uso na ito,ang DOH ay nagpayo na iwasang uminom ng sobrang daming alak, iwasang magpagod, at uminom rin ng tubig. Kahit parang hindi naman ito nakamamatay, maari pa rin itong magdulot ng heat stroke kung hindi tayo magdahan-dahan. Mag-ingat tayong lahat ngayon sa panahon ng tag-init. misa ang kalidad ng boteng tubig dahil sa proseso o pinaggalingan nito. Kahit ligtas ang tubig gripo, nagawa pa nilang magpanggap. Sabagay, sa gripo din naman galing ang tubig sa mga water dispenser. Ang popularidad ng boteng tubig ay ginawa din paniniwalang delikado inumin ang tubig sa gripo. | HANNAH ROSE M. HIRAGA Y ES-O, ito ay itinatag hango sa Department Order No. 72, s. 2003 na nilagdaan ni DepEd Secretary Edilberto C. De Jesus. Ito ay isang organisasyong nakabase sa paaralan na nagsilbing isang makabuluhang lugar para sa mga aksyon ng mga mag-aaral tungo sa pangangalaga, pagtataguyod, at pangangalaga sa kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. Dahil dito, itinatag ng Kagawaran ng Edukasyon, sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Youth for Environment in Schools Organization (Yes-O) bilang tanging kinikilalang co-curricular environmental club o organisasyon. Ang mga opisyal ay mararapat lamang na magkaroon ng kaalaman at magpalaganap ng kamalayan sa iba tungkol sa kalagayan ng kapaligiran at ekolohiya ng Pilipinas, kabilang ang mga umiiral na isyu at alalahanin na may kaugnayan dito. Dahil sa matitinding pandaigdigang alalahanin at isyu sa kapaligiran, hinihimok ng DepEd ang lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan na pangunahan ang pagpapalaganap sa kamalayan sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpapahusay ng edukasyon sa kapaligiran at sa pagtataguyod ng mga epektibong aktibidad ng paaralan na naglalayong pangalagaan at protektahan ang kapaligiran. Kaya naman, ang TPES YESO Club ay nagsagawa ng pagsasanay/seminar na naglalayong palawakin ang kamalayan ng magaaral sa kalagayan ng kapaligiran at pamamahala sa kalamidad na nakatuon sa pag-iwas sa sunog at paghahanda sa lindol. TUBIG-GRIPO: Sarap uminom! Waring sabik sa pamatid-uhaw na ininom ng mag-aaral ang tubig mula sa gripo at isang tubig-mineral. Kuha ni Lexine Megan Cajandab
M adaming kababayan natin ang nagkamit ng tagumpay ngayon sa 32nd Sea Games, isa na dito si Carlos Edriel Poquiz Yulo na isang Filipino Artistic Gymnast. Nanalo na siya ng maraming medalya sa World Artistic Gymnastics Championships. Siya ang kaunaunahang Filipino at ang unang lalaking Southeast Asian gymnast na nakakuha ng medalya sa World Artistic Gymnastics Championships sa kanyang floor exercise bronze medal finish noong 2018, at ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas noong 2019 sa parehong apparatus. Ang pagtatanghal na ito ay naging kwalipikado rin siya sa 2020 Summer Olympics sa Tokyo. Nakakuha siya ng dalawang ginto, pilak at tanso sa World Championships. Nagkamit din siya ng tatlong ginto at isang pilak sa Asian Championships. Nakakuha siya ng siyam na ginto at siyam na pilak sa Southeast Asian Games. Sakit ng katawan ang palagi niyang nararamdaman dahil sa araw-araw niyang pageensayo para mahubog ang kanyang talento, sa likod ng mga sakit na kaniyang nararamdamn isa lang ang makikita mo sa kaniyang mapupungay na mga mata at matatamis na mga ngiti, ito ang kaniyang pagpupursigi at pagtitiyaga para makuha ang panalong inaasam ng lahat at nagbibigay dahilan bilang maging isang magandang modelo sa karamihan lalong-lalo na sa mga kabataan. Kung ating iisipin siya ay napakagaling, dahil sa murang edad pa lamang ay nakapagkamit na siya ng madaming medalya. M adaming magagaling at talentado sa Pilipinas lalo na sa larangan ng isports. Isa na dito si Rafael “Paeng” Nepomuceno. Siya ay naglalaro ng bowling para irepresinta ang ating bansa. Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year. Siya ay isang Pilipinong bowler na nanalo ng anim na beses na Kampeonato sa World Bowling. Nanalo uli siya sa World Cup of Bowling ng apat na beses | JESSIE MIEL CARANZA (1976, 1980, 1992 at 1996). Si Nepomuceno ay nagwagi din sa 1984 World's Invitational Tournament at nasungkit ang kamponeato sa World Tenpin Masters 1999. Napapansin ko sa mga batang Pilipino na hindi na sila masyadong interesado o pamilyar sa paglalaro ng bowling. Maganda ang ideya ng mga arcade na maglagay ng larong bowling sa kanilang mga branches. Ito ay isang nakamamanghang laro. Dahil dito marami na ang nakakakilala at natuto ng larong ito. Lahat tayo ay may iba’t ibang paboritong laro sa isports pero napapansin ko ngayon sa mga kabataan ay hindi na mahilig maglaro ng isports. Ikaw, nakikita mo pa ba ang kahalagahan ng Isports sa mga kabataan ngayon? ISPORTS LATHALAIN | JESSIE MIEL CARANZA SAGOT SA PAHINA 11 | MACKZYN M. DE GUZMAN H umataw ang mga kalahok ng Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez nitong ika -4 ng Marso 2023 sa ginanap na dance sport competition. Ginanap ang limited face-to-face competition sa Paaralang Elementarya ng Timoteo Paez na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba't ibang paaralan ng Lungsod ng Pasay. Nagpakitang gilas ang mga atleta ng Modern Standard category sa mga sayaw na , Tango, Quicksrep, at Slow waltz. Pasodoble, Rumba, Samba at Chachacha naman ang sinayaw ng mga nasa Latin category. Nasungkit nina Maury Steffi I. Garen at Dylan V. Dulva ang ikaapat na pwesto sa Standard Category. Sa Latin category naman ay nakuha ni Mars David T. Guno at Mhickiela D. Palermo ang ikalawang pwesto samantalang ikalimang pwesto naman sina Ayah Yvonne L. Dignos at Ang nasabing paligsahan ay bahagi ng Pandibisyong Palaro 2023 na dalawang taong naudlot dahil na rin sa pandemya. TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023
N asungkit ng TPES Badminton Team ang isang ginto at dalawang tanso sa Boys Single Division Meet noong Pebrero hanggang Marso na ginanap sa Kalayaan National High School (KNHS). Dahil sa pagpupursiging manalo ng mga manlalarong sina Dylan Dulva (6-SSC), Jhuzz Jeicob B. Veron Cruz (6-Virgo), Khaleb Waron (6-Taurus) at Xyster Pollante(6-Taurus) sa palarong ito. Nagsimula ang palarong ito sa ganap na ika-8 ng umaga at natapos ng ika-5 ng hapon dahil sa “Rule of Succession” na pinatutupad. Naging mahirap din sa mga atleta ang mga naging problema, “Dati provided yung shuttlecock ngunit ngayon per school na ang magdadala. Budget din para | JACOB SHARIK B. SORIANO D een R. Gungob, nanalo ng 1 st place sa Individual Around – Cluster 1 na may puntos na 35.85, tamang tama lang para matalo ang Pasig City na may puntos na 34.60. Si Deen ng Pasay City ang nanalo ng Floor Exercise – Cluster I, na may puntos na 9:00. Natamo ni Gungub ang iskor na 9.35 sa Pommel Horse – Cluster I, sapat upang maugusan si Giovann Romulo T. Libaton ng Manila na may iskor na 7.85. Nagpakitang-gilas si Gungub at nanalo ng 2nd place sa Horse Vault-Cluster I na may iskor na 9.10. “Consistent sila mag practice tapos kasama ng support ng mga Philippine coaches” –Sabi ni Coach Renato Polo na nagpanalo sa Pasay. sa pagkain, dati provided lahat, ngayon hindi na,” sabi ni Coach Dennis. “Pinanghinaan din si Dylan Dulva ng SSC dahil sa magagaling na manlalaro mula sa ibang paaralan subalit hindi ito naging dahilan para siya ay sumuko” dagdag nito. Si Coach Dennis ay isang mahusay na taga-turo ng Badminton at isang magaling na guro sa TPES, “Nanalo kami dahil masipag ang mga manlalarong mag - training at may dedikasyon sil sa kanilang ginagawa.” ayon kay coach Dennis. Bukas ang Badminton Club sa ating paaralan upang tumaggap pa ng ibang batang gustong lumahok, ngunit kailangan nilang magpa-schedule para makasabay sa training at mga drills na ginagawa nila sa bawat training ayon kay Coach Dennis. T uloy pa rin ang paghakot ng medalya ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games matapos pagharian ni Eric Shaun Cray, Filipino-American sprinting and hurdling athlete, ang 400m hurdles noong Huwebes. Sapat na ang nairecord na 50.03 seconds ni Cray upang matalo ang Thailand at Singapore. | HANNAH ROSE M . HIRAGA Ito ang ikatlong gintong medalya ng bansa sa athletics matapos masungkit nina pole EJ Obiena at Janry Ubas (mens long jump). Sa kabuuan, nakapagpanalo na ng 58 gold, 85 silver at 117 bronze medals ang Pilipinas na nasa ikalimang puwesto. Nangunguna sa gold medal tally ang Vietnam, Cambodia, Thailand, Indonesia, at Singapore. Imahe mula sa Google | ISHMAEL V. MIJARES TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 TPES BADMINTON: Wagi. Masiglang ipinakita ng mga manlalaro ang kanilang medalya kasama si G. Dennis Orense, gurong tagapagsanay matapos magwagi sa Boys Single Division Meet. WALASTIK ANG GALING: Tropeo ng pagkilala ang ipinakita ni Deen Gungob nang masungkit ang unang puwesto. Kasama naman niya sa larawan ang mga gurong sumusuporta sa kanya sa pangunguna ni G. Renato Polo. Kuha ni Ivan Ray Timothy J, Bautista
| JESSIE MIEL CARANZA N ag pakitang gilas ang Aero Gymnastic ng Paaralan Elementarya ng Timoteo Paez sa NCR Palaro Aerobic Gymnastics noong Ika-27 ng Abril sa Intramuros Manila. Ang ating paaralan ay nakakuha ng pilak sa Aerobic Dance at nakasungkit ng ikalawang pwesto naman sa overall rank. Ang mga matitinding kalaban ay mula sa lungsod ng Makati, Pasig at Manila. Ang mga atleta na nagreprisinta ng ating paaralan ay sina Althea Rose D. Patangan, Tores Elaine P. Lei, Celebrado E. Pernan at Sacarias M. Marquez. Sila ang mga matatapang na humarap para ikatawan ang ating paaralan. Sa kasalukuyan sila ay patuloy pa rin sila sa pag ensayo upang maging handa sa biglaan mang laban. Ang susunod na laban ay sa susunod pa ng taong panuruan. “Siguro kinulang lang sila sa pokus habang sila ay nag-eensayo.” Saad ni Gng. Emelyn R. Arienza “Galingan na lang nila sa susunod na laban at mas lalo nilang ipakita ang kanilang damdamin sa pagsasayaw.” dadag pa nito. TOMO 1 BILANG 1 ngPaezeñ0 BALITANG MAY INTEGRIDAD AT PRINSIPYO ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG TIMOTEO PAEZ DIBISYON NG LUNGSOD NG PASAY | REHIYON NCR | AGOSTO-HULYO 2023 | JACOB SHARIK B. SORIANO N asungkit ng TPES Chess Player na si Angela Verso (6-Ophiucus) ang pilak matapos niyang makandado ang ikalawang pwesto sa Chess Division Screening (Girls) na ginanap sa Santa Clara Parochial School noong Pebrero 8-9 2023. Sa pitong laro na naganap apat na laro ang kaniyang naipanalo at tatlo ang hindi. “Dinaluhan ito ng maraming manlalaro sa Pasay kasama ang mga private schools” ayon kay Coach Mitra. “Wala nang naging problema kasi nakita naman natin ang pagiging fair sa laro” dagdag nito. Si Coach Mitra ay isang mahusay na manlalaro at coach ng chess at isang magaling na guro sa TPES. Siya rin ang Assistant Selection Manager ng chess. “Wala naman tayong nakitang mga mali sa paglalaro ni Angela” ayon kay coach. “Dahil sa gamit niyang istratehiya, ay napagtagumpayan niya ang palaro at nasungkit ang pilak. Ibinigay niya din ang lahat ng kaniyang kakayanan,” saad nito. Ang Piko ay isang popular na larong pambata sa bansa. Karaniwan itong nilalaro ng mga batang babae at minsan naman mga batang lalaki. PAANO NGA BA ITO NILALARO? Kailangan ng mga manlalaro na pumili ng pamato ito ay isang bagay na ginagamit bilang pananda kung nasaan ang manlalaro. Maarii itong maging isang piraso ng bato o isang piraso ng basag na pinggan. Sa hugis ay dapat mayroong mga guhit na naghihiwalay sa iba. Ito ay maaring mga hugis kahon o parisukat. Ang mga parisukat na ito ay lalagyan ng mga numero para malaman kung alin sa mga ito ang pagkasunod-sunod na siyang tatalunan ng mga manlalaro . Kailangan gumuhit ang mga manlalaro ng isang hugis gamit ang chalk, uling, o puting bato. Mamimili ang mga manlalaro ng mauuna. Iba’t-iba ang paraan ng pamimili. Puwede ang maiba-taya o jack en poy. Ang manlalaro ay kailangang maghagis ng kanilang mga pamato sa loob ng hugis. Dapat ay hindi ito nasa guhit o sa labas ng guhit. Ang manlalaro ay di dapat nakakaapak sa mga guhit. Hindi siya maaring tumigil habang siya ay tumatalon. Hindi siya maaring mag-iba ng paang ginamit habang tumatalon. Ang unang manlalaro ay ihahagis ang kanyang pamato sa numero uno. Kailangan niyang tumalon sa numero 2 papuntang sa pinakamataas na numero at pabalik. Pagkatapos sa kanyang pagbalik ay kukunin niya ang kanyang pamato. Ihahagis niya naman ngayon ang pamato sa bilang 2 at tatalon sa numero1 lalaktaw sa numero 2 at pataas at pabalik na naman at kukunin ang pamato. Paulit-ulit lang hanggang sa makarating siya sa pinakamataas na numero. Patalikod n’yang ihahagis ang kanyang pamato at kung saang hugis ito pumatak ay “bahay” nya na ito at hindi na maaring tumapak dito ang mga kalaban. Sa huli, kung sino ang may pinakamaraming bahay, s’ya ang panalo!!! | MACKZYN M. DE GUZMAN