The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

FILipinong Kaakibat sa Remedyasyon at Interbasyong Tinalakay

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by carol.cepillo, 2023-06-11 21:33:58

FIL- KRIT

FILipinong Kaakibat sa Remedyasyon at Interbasyong Tinalakay

Keywords: Remedyasyon

Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY Anika Viennalyn S. Basas Precious Angela Tadeo Rheymart Herrera (Mga Guro sa Filipino 8)


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY Ang materyales na ito ay inihanda upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral para sa Unang Markahan. Nawa’y magamit ang mga layunin nang naaayon sa kahingian ng mag-aaral. Salamat at Galingan mga mag-aaral! Anika Viennalyn S. Basas Awtor


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY Talaan ng Nilalaman Layunin……………………….……………..……….. 1 Aralin……………………………………...………..... 2-3 Paghusayan Natin………….………………….………4-6 Isabuhay Natin……………………………….………. 7 Mga Sagot ……….…………………………………… 8


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY Aralin 1: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Ninuno (Karunungang-Bayan) Halina’t Mag-aral Tayo Kumusta? Ako si Nina ang inyong estudyanteng tour guide, Tara na’t mamasyal. Tandaan, Ang oras ay ginto at daig ng maagap ang masipag. Sa araling ito,magagawa mong: • mahulaan ang mahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungangbayang napakinggan. • mabigyang kahulugan ang mga talinghagang ginamit. • maiugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY Mayaman ang kultura ng ating bansa, kabilang na rito ang ating panitikan. Sa Panahon ng ating mga Ninuno sinasabing unang umusbong ang Karunungang-Bayan. Bilang walang ibang mapaglibangan at hindi rin direktang mabigyang-payo noon ng mga ninuno natin ang mga mamamayan, ang kanilang ginamit bilang libangan at pangangaral ay ang panitikan na ito. Karunungang-Bayan Mahalaga ang karunungang-bayan para sa tradisyunal na paraan ng katutubong Filipino, na magiging gabay sa pagkatutong bumasa at sumulat . Makakatulong ito na pahalagahan ang mga kultura at sibilisasyon ng bansa, at maitanim sa mga bata ang paggalang sa nakaraan at pag-asa sa hinaharap. Ang karunungang-bayan ay isang koleksyon ng mga salawikain,sawikan at kasabihan na hango sa payo na natutunan ng mga tao sa paglipas ng panahon. Salawikain maikling pangungusap na ito ay karunungan mula sa karanasan na naglalayong magbigay ng gabay sa pang-araw-araw na buhay. Maaari silang maging kapakipakinabang na mga aral para sa pamumuhay, at magbigay ng magagandang halimbawa kung paano maging isang mabuting tao. Halimbawa: Ang oras ay ginto ibig sabihin nito ay huwag magsayang ng oras pagkat di na ito mababalik muli. daig ng maagap ang masipag ang taong mas mabilis na gumagawa ng aksyon ang laging nagtatagumpay. Ipagmalaki Natin Sa ibang pag-aaral ang Kasabihan ay maaaring tawaging Kawikaan ngunit sa Pag-aaral ni Quiambao (2017) sinasabi na ang Kasabihan ay tinatawag sa ingles na Mother Goose Rhyme o tulang pambata na bukambibig ng mga bata at matatanda (hal. Putak, putak Batang duawag Matapang ka’t Nasa pugad). https://www.researchgate.net/publicati on/346737951_Karunungangbayang_Irosanon_Isang_pagtalunton Quiambao (2017). Folklore [Karunungang-bayan].Retrieved from http://www.slideshare.net.htm Alam Mo Ba?


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY Sawikain mga maiikling parirala o pahayag na maaaring maglarawan sa isang tao. Madalas na ginagamitan o binubuo ito ng idyoma. Layunin ng sawikain na mas maging kaaya-aya ang pagbibigay-puna. Halimbawa: taingang-kawali – nagbibingi-bingiha di makabasag-pinggan – mahinhin Kasabihan isang panitik na kagaya ng dalawang naunang halimbawa ay tumatalakay sa pagbibigay paalala at pangaral ng mga ninuno. Madalas na ginagamit ito sa kasalukuyan sa mga islogan o mga gawaing nagpapanatili ng aral sa bawat mamamayan. Halimbawa: Ang batang matapat,pinagkakatiwalaan ng lahat. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan. • Ang Karunungang-Bayan ay mga yamang panitik na ating minana sa ating mga ninuno na siyang nagsisilbing gabay sa pagbasa at pagsulat maging sa kabutihang asal ng mga Filipino. • Ito ay koleksyon ng salawikain,sawikain at kasabihan na nagbibigay-payo,pangaral o puna sa bawat mamamayan • Hanggang sa kasalukuyan ay napahalagahan at nadala ng kultura at sibilisasyon ang Karunungang-Bayan na siyang hiyas ng ating panitikan. Lagumin Natin


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY A. Basahin ang pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon. Mula rito ay piliin ang pinakaangkop na karunungang-bayan. Isulat ang letra ng tamang sagot. _________1.Mayroon kang kamag-aral na madalas na lumiliban sa klase. Ang ibang mga kamag-aral mo ay nag-uusap-usap at sinasabing di na ito makakapag-aral pa dahil kapos sila sa salapi o di kaya siya ay may malubhang sakit. Isang araw ay naganunsyo ang iyong guro na ang nasabing kamag-aral ay hindi na tuluyang papasok sapagkat ito ay mag-aaral na sa Japan at doon maninirahan. A. huwag mong hatulan ang aklat dahil lamang sa kaniyang pabalat. B. kapag may tiyaga, may nilaga C. aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo D. iba ang may natutunan kaysa sa may pinag-aralan. _________2. Ang mga guro ay labis na mababa ang loob sa mga mag-aaral na nakakaranas ng paghina ng resistensya dulot ng tag-init na panahon. A. natutuwa B. nag-aalala C. maawain D. malungkot ________3. Naransan mo na maliitin ng iyong kamag-aral sapagkat hindi ito bilib sa iyong kakayahan. Nang magkaroon ng patimpalak sa pagguhit ay sumali ka sa kabila ng naranasang pangmamaliit. Sa pagtatapos ng patimpalak ay nagwagi ka bilang kampyeon sa pagguhit. Tanging ngiti at pagpapakumbaba padin ang iyong inasal matapos nito. A. huwag kang magtiwala sa di mo kakilala B. huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo C. ang tunay na kaibigan karamay mo sa kahirapan D. kapag binato ka ng bato,batuhin mo ng tinapay. Paghusayan Natin


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY _________4. Gusto mo na makapag-aral sa isang kilalang unibersidad ngunit nag-aalala ka na di makapasa sa paunang pagsusulit dahil dito ay pinakiusapan mo ang iyong kakilala sa loob ng unibersidad na ilakad ka ngunit ito ay may hinihinging kapalit. Bunga nito, mas pinili mo mag-aral ng mabuti at nakapasok ka sa unibersidad sa wastong paraan. A. mataas ang noo B. mababa ang lipad C. pusong bato D. bulanggugo _______5.Dahil dama padin ang pandemya ay nakiusap ang iyong magulang na kung maaari ay babawasan nila ang iyong baon sa paaralan. Bilang pag-unawa sa kanilang hirap ay maluwag sa iyong dibdib ito na pinayagan at di na kumontra. A. lumilipas ang kagandahan ngunit hindi ang kabaitan B. ang mabait na anak ay yaman ng magulang C. matutong mamaluktok pag maikli na ang kumot D. kapag taimtim sa loob nagiging mabisa ang paghulog B. Mula sa mahalagang kaisipan na nakapaloob sa pahayag ay bigyang kahulugan ang mga talinghaga na ginamit.Isulat ang sagot sa puso na katapat. Walang gawaing mahirap Sa taong may pagsisikap. Tulak ng bibig Kabig ng dibdib ubos-ubos biyaya bukas nakatunganga pusong mamon Kapag may tiyaga may nilaga


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY C. Pumili sa mga sumusunod na paraan base sa pagsagot sa tanong sa ibaba. Gawin ito sa isang short bond paper Tanong: Paano mo isasabuhay ang Karunungang-Bayan na iyong natutunan? Mga Paraan ng Pagsagot: A. Pagguhit B. Pagsulat ng islogan C. Pagsulat ng awitin na ang tono ay mula sa sikat na awitin sa kasalukuyan D. Pagsulat ng tula


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY A. Ikaw ay isang tourist guide at nalalapit na mag-alok ng isang paglalakbay sa mga ikawalong baitang na mag-aaral. Bilang paghahanda ay ninanais mo na makalikha ng isang makatotohanang proyektong panturismo na ginagamitan ng paglalarawan gamit ang mga karunungang-bayan na siyang magpapakita ng mga kilalang panturismo na lugar sa bansa. Ang kabuuang brochure ay nakabase sa naka-base sa pagiging akma ng panturismong lugar at paglalarawan gamit ang mga karunungang-bayan. (Sundan ang pamantayan ng pagpupuntos sa ibaba) Pamantayan sa Paglikha ng Proyektong Panturismo Pamantayan 5 3 1 Kaakmaan sa layunin Wasto at sumunod ng tama sa layunin May mga bahagi ng layunin na hindi akma Kailangan pang hasain ang pagsunod sa tamang layunin Wastong gamit ng karunungang -bayan Maayos na nagamit ang karunungang -bayan May iilang gamit ng karunungang -bayan na hindi maayos nagamit sa brochure Kailangan na paghusayan ang paggamit ng karunungang-bayan Presentasyon ng brochure Maganda ang pagkakagawa ng brochure Payak ang pagkakagawa ng brochure Kulang sa kagandahang presentasyon ng brochure Isabuhay Natin


Republic of the Philippines Department of Education NATIONAL CAPITAL REGION SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PINAS CITY TALON VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL ROSE OF HEAVEN DR., TALON VILLAGE, TALON IV, LAS PINAS CITY MGA SAGOT Paghusayan Natin A. 1.A 2.B 3.D 4.A 5.B l aara - ag m agot ng s ariling s- C at B Isabuhay Natin aaral - sariling likha ng mag


Click to View FlipBook Version