The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by carol.cepillo, 2023-06-11 22:36:26

KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA

KATAPATAN SA SALITA AT SA GAWA

Keywords: KATAPATAN

1 Strategic Intervention Material in EsP 8 MARIA CHRISTINA D.MANZANO Master Teacher II BERNADETTE F. FERRER Teacher I


2 : MARIA CHRISTINA D. MANZANO Dalubguro II-EsP BERNADETTE F. FERRER Teacher I : MARIA CHRISTINA D. MANZANO Dalubguro II : LERMA A. LAGUITAN Teacher I : GEMMA B. CALUMPITA Filipino Koordineytor : MARY JANE F. BATALLER EsP Koordineytor : ADONA I. MAGDALUYO Teacher I-LRC Coordinator : JEANETTE J. RUGA Head Teacher VI Officer-In-Charge Office of the School Principal : DR. FELICES P. TAGLE Education Program Supervisor Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)


3 Unang Gawain Ikalawang Gawain Ikatlong Gawain Ikaapat na Gawain 1. Mga Layunin (Objectives) …………………………………………………1 2. Gabay ng Gawain (Guide Card)……………………....................................2 3. Pangkalahatang-ideya ng mga Gawain (Overview of the Activities)………………………….……………………3 4. Kard ng mga Gawain (Activity Card)...........................................................9 WASTONG PARAAN NG PAGKILALA NG KAHALAGAHAN NG KATAPATAN……….................10 Nilalayon ng gawaing ito na tayahin ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan. SURI-LARAWAN…………………….……………...……12 Tayahin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsuri sa mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. TALAS-ISIPAN (WORD HUNT)…………………….15 Tayahin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagiging matapat sa salita at gawa BIBIG NG KATAPATAN……………………...…….17 Tayahin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtala ng mga paraan ng pagtugon sa bawat sitwasyon sa pagsasabuhay mga kilos sa pagiging matapat sa lahat ng oras at maging bukas sa pagbabago na may kalakip na pagninilay-nilay. 5. Kard ng Pagtatasa (Assessment Card)…………………………….……...19 6. Kard ng Pagpapayaman (Enrichment Card)…………………………….20 7. Kard ng Sanggunian (Reference Card)…………………………………..21 8. Susi sa Pagwawasto……………………………….......................................22


4 Pangkalahatang Layunin Ang araling ito ay magpapalalim sa iyong pag-unawa sa integridad ng katapatan sa mga salita at gawa ---- isang birtud na nangangailangan ng sama-samang pagkilos upang manatiling makinang at buhay ang ating pagkatao. Ang pagkakaroon ng malalim at malawak na kaalaman at isang mahusay na kasanayan ang magiging sandata upang mapanatili itong buhay at nagniningning tungo sa pag-unlad ng ating pagkatao. Tiyak na Layunin 1. Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan. (EsP8PBIIIg-12.1) 2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. (EsP8PBIIIg-12.2) 3. Napangangatwiranan na: ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal (EsP8PBIIIh-12.3) 4. Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa. (EsP8PBIIIh-12.4) 1


5 Least Mastered Skills 1. Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan. (EsP8PBIIIg-12.1) 2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. (EsP8PBIIIg-12.2) Tiyak na Layunin 1. Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan. (EsP8PBIIIg-12.1) 2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. (EsP8PBIIIg-12.2) 3. Napangangatwiranan na: ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal (EsP8PBIIIh-12.3) 4. Naisasagawa ang mga mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa. (EsP8PBIIIh-12.4) 2


6 KATAPATAN SA SALITA AT GAWA Ang katapatan ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay ng tao ang mga totoong pangyayari, tama, mabuti, at angkop para sa sitwasyon. Ang paraan ng pagpapakita ng katapatan ay maaaring sa salita at gawa. Mahalaga ang pagiging matapat sa salita at sa gawa sa paghubog ng pagkatao lalo’t higit sa mga kabataan. Sa kabilang dako, ang hindi pagiging matapat sa salita at gawa ay makikita sa panloloko at pagsisinungaling. Katapatan sa Salita Naipakikita ang katapatan sa pamamagitan ng paggamit ng matatapat na mga salita. Ang katapatan ay makikita sa pagsasabi at pagsasabuhay ng mga ugali na naaayon kung ano ang tinatanggap na totoo, tama, mabuti, angkop at moral para sa mga sitwasyon. Ang matatapat na salita ay nagbibigay ng totoo at tamang impormasyon sa sitwasyong kailangang ipahayag ang katotohanan. 3


7 Ang tuwirang pagtatago ng tamang impormasyon upang baluktutin ang katotohanan ay isang panloloko at pagsisinungaling. Katapatan sa Gawa May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay natutuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan. Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa katapatan. Pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo: 1. Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari. 2. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang hindi masisi o maparusahan. 3. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari. 4. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. Ang tiwala ay inaani mula sa patuloy na pagpapakita ng magandang halimbawa ng katapatan sa kapwa. 5. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. 4


8 6. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang birtud na pinahahalagahan ng maraming tao. 7. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. Apat na Uri ng Pagsisinungaling 1. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying). Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa upang protektahan at hindi mapahamak o maparusahan ang kapwa. Ginagawa ito bilang pagtatakip sa maling ginawa ng isang kapamilya o malapit na kaibigan o kakilala. 2. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili at upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-enhancement Lying). 3. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying). Ang uri ng pagsisinungaling na ito ay itinuturing na masama sapagkat ang pansariling kapakanan lamang ang pinahahalagahan dito. 4. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying). Minsan, kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento na makasisira sa kanyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa kanya na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kanya. Sa paraang ito, 5


9 nakararamdam ng kasiyahan ang taong gumagawa nito. Ito ay dahil sa kanyang palagay na makagaganti siya sa kanyang kaaway. Mga Dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao Upang makaagaw ng atensyon o pansin Upang mapasaya ang isang mahalagang tao Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao Upang makaiwas sa personal na pananagutan Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kanyang palagay ay seryoso o “malala”. Ang mga Mabubuting Bunga ng Katapatan sa Salita Ang pagsasabi ng totoo ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, kalituhan at hindi pagkakasundo. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o maparusahan. Ang pagsasabi ng totoo ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa. Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento. 6


10 Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang birtud na pinahahalagahan ng maraming tao. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. Apat na pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago ng katotohanan. 1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kanya upang ilabas ang katotohanan. 2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kanyang mga tanong. 3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (equivocation). Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon. 4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensya ng impormasyon. Mga Katangian ng taong may katapatan sa gawa Hindi siya manloloko, manlilinlang, o magsisinungaling upang makuha lamang ang kanyang gusto sakapwa. 7


11 Hindi siya nabubulag ng pera upang gumawa ng bawal o mali na lalong ikinahihirap ng nakararami. Hindi niya binabaluktot ang katotohanan upang hangaan at tanggapin ng mga taong kanyang nasasakupan. Hindi siya kukuha ng mga bagay na hindi kaniya kahit na may pagkakataon siyang gawin ito para sa sariling kapakanan. Sisikapin niyang gawin ang kanyang mga sinabi o ipinangako bilang patunay ng kanyang katapatan. Tatanggapin niya, magpapaliwanang at hihingi ng paumanhin sa pagkakataong nabigo siya o hindi nakumpleto o hindi nagampanan nang husto ang pangakong binitiwan. Ang matapat na tao ay tinutupad ang pangakong binitawan. Ang matapat na tao ay iniaayon ang kanyang salita at gawa sa katotohanan. May komitment siya sa katotohanan at sa mabuti at matatag na konsensiya. Alam niya ang katotohanan ay ang mga pagpapahalaga at birtud ng kabutihan na moral at ayon sa batas ng Diyos. Ibinibigay niya sa kapwa ang mga karapatan na nararapat sa kaniya gabay ang diwa ng pagmamahal. 8


12 WASTONG PARAAN NG PAGKILALA NG KAHALAGAHAN NG KATAPATAN Gamit ang akrostik, bigyan ng pagpapakahulugan ang salitang KATAPATAN sa kahalagahan nito sa paghubog ng ating pagkatao. Nilalayon ng gawaing ito na tayahin ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan. SURI-LARAWAN Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang larawan na angkop para dito. Tayahin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsuri sa mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. TALAS-ISIPAN Tukuyin ang tamang sagot ng mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang mga kasagutan sa WORD HUNT sa ibaba. Tayahin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagiging matapat sa salita at gawa BIBIG NG KATAPATAN Naisasabuhay ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pagiging matapat sa salita at gawa Tayahin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtala ng mga paraan ng pagtugon sa bawat sitwasyon sa pagsasabuhay mga kilos sa pagiging matapat sa lahat ng oras at maging bukas sa pagbabago na may kalakip na pagninilay-nilay. 9 0


13 WASTONG PARAAN NG PAGKILALA NG KAHALAGAHAN NG KATAPATAN K-- ailangang maging tapat sa ating sarili at kapwa A--raw-araw ito ay ugaliin T--apat sa salita at sa gawa na walang pagaalinlangan A--ting alamin ang landas ng tama at mali P--ahalagahan ang birtud ng Katapatan upang A--ng antas ng moralidad ay mataas T--anggapin ang pagkakamali, A--ng mahalaga katapatan ay pinaiiral upang pagkatiwalaan N--aisin natin na tayo ay palaging MATAPAT para sa KABUTIHANG PANLAHAT! Panuto: Gamit ang akrostik, bigyan ng pagpapakahulugan ang salitang KATAPATAN sa kahalagahan nito sa paghubog ng ating pagkatao. Gawing halimbawa ang nasa iba. 10


14 Rubrik sa Pagsulat ng Akrostik MGA TANONG Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong. 1. Batay sa iyong isinagawang pahayag ng kahalagahan o magandang naidudulot ng pagiging matapat., ano ang konsepto tungkol sa katapatan sa salita at gawa ang natutuhan mo? _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 2. Ano ang nangyayari kapag hindi mo pinahalagahan ang birtud ng katapatan? Ipaliwanag. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 3. Ano ang halaga sa iyo ng pagiging matapat sa salita at gawa bilang isang tao? Ipaliwanag. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 11


15 SURI-LARAWAN Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang larawan na angkop para dito. 1. Pinagbilinan ni Jasmine ang kanyang anak na si Jastine na gawin muna ang takdang aralin bago gumamit at maglaro ng computer. Ano ang dapat gawin ni Jastine? 2. Nahihirapan si Joshua na sagutin ang mga tanong sa pagsusulit. Ano ang dapat niyang gawin? 12


16 3. Palabas na ng silid-aralan si Angela nang mapansin niyang naiwanan ng kaniyang kaklase ang payong nito. Ano ang dapat gawin ni Angela? 4. Naubusan ng papel si Carter. Ano ang maaari niyang gawin? 5. Aling larawan ang nagpapakita ng pagiging matapat sa bilin ng magulang na gamitin ang computer set sa pag-aaral? 13


17 MGA TANONG Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang iyong natuklasan mula sa gawain? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 2. Ano ang epekto ng pagiging matapat? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 3. Ano ang bunga ng pagiging matapat? __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 4. Bakit mahalagang masuri ang sanhi at bunga ng pagsasabi at paggawa nang may katapatan? Ipaliwanag. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 14


18 TALAS-ISIPAN PANUTO: Tukuyin ang tamang sagot ng mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang mga kasagutan sa WORD HUNT sa ibaba. 1. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. 2. Ang katapatan _____________ay binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita 3. Uri ng pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa upang protektahan at hindi mapahamak o maparusahan ang kapwa. 4. Ito ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay ng tao ang mga totoong pangyayari, tama, mabuti, at angkop para sa sitwasyon. 5. Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa anumang tanong na maaaring magtulak sa kanya upang ilabas ang katotohanan. 6. Ang _____________ lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban. 7. Uri ng pagsisinungaling na ito ay itinuturing na masama sapagkat ang pansariling kapakanan lamang ang pinahahalagahan dito. 8. Upang makaiwas sa personal na pananagutan, ang _______ ay isang halimbawa. 9. Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong dalawang kahulugan o interpretasyon. 10. Ang katapatan ___ _______ ay naipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng matatapat na mga salita. 11. Ito ay nangangahulugan ng pagliligaw sa sinumang humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kanyang mga tanong. 12. Ang MENTAL _____________ay nangangahulugan ng paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensya ng impormasyon. 15


19 MGA TANONG Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang iyong natuklasan mula sa gawain? ______________________________________________________________________________ 2. Ano ang kabutihang naidudulot ng may maayos na samahan ang magkakaibigan? Magbigay ng halimbawa. ______________________________________________________________________________ MGA TANONG Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang iyong natuklasan mula sa gawain? Ipaliwanag ang iyong damdamin sa pagpapalawig ng iyong kaisipan tungkol sa katapatan. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 2. Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa lahat ng oras? Ano-ano ang magandang naidudulot sa iyo ng pagiging matapat sa kapwa Pangatwiranan. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 16


20 BIBIG NG KATAPATAN Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang bibig kung sumasang-ayon at ekis (×) kung hindi sumasang-ayon. Ang pagiging tapat ay dapat na nagsisismula sa sarili. Wala ng taong tapat sa panahon ngayon kaya wala nang pag-asa ang tao. Ang lahat ay inaatasang magsabi ng katotohanan upang mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa. Hindi dapat ipinagmamalaki ang magagandang nagawa bagkus hintayin ang papuri ng kapwa Tama lang na pagtakpan ang kasalanang nagawa ng kapatid laban sa kapwa upang hindi masira ang magandang reputasyon ng pamilya. 17


21 MGA TANONG Sagutan ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang iyong natuklasan mula sa gawain? Pangatwiranan ang iyong kasagutan. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 2. Bakit mahalagang tayahin ang iyong kakayahan sa katapatan at maging bukas sa mga pagbabago? Pangatwiranan. __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ 18


22 Gaano Ka Natuto? 1. Ito ay isang pagpapahalaga kung saan isinasabuhay ng tao ang mga totoong pangyayari, tama, mabuti, at angkop para sa sitwasyon. A. karapatan B. birtud C. katapatan D. katotohanan 2. Ayon sa kaniyang aklat may apat na pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan. A. V. Gorospe B. M. Dy C. W. Churchill D. A. Maslow 3. Ito ang uri ng pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao A. anti-social B. self-enhancement C. prosocial D. selfish 4. Ang mga sumusunod ay katangian ng taong may katapatan sa gawa MALIBAN sa: A. Hindi tumutupad sa pangako. B. Hindi siya nabubulag ng pera. C. Hindi niya binabaluktot ang katotohanan. D. Hindi siya kukuha ng bagay na hindi kaniya. 5. Kumpletuhin ang pahayag, “Labis sa salita ngunit kulang sa ___________.” A. aksyon B. gawa C. aral D. kilos Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at mga pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot. 19


23 maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya pananagutan sa katotohanan mabuti/matatag na konsensya diwa ng pagmamahal Salita Gawa Panuto: Gamit ang isang graphic organizer isulat ang konseptong naunawaan mo mula sa mga gawaing ibinigay. Gabay mo ang nakasulat na salita sa loob ng kahon. 20


24 Pagninilay: ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. Makakamtan ba natin ang respeto at kaganapan ng ating pagkatao sa pamamagitan ng pagiging matapat? Ipaliwanag .___________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ DepEd 2013, Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 1. Bakit mahalagang maunawaan ang konsepto ng birtud ng KATAPATAN sa ating pagkatao at masuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan. 21


25 IKALAWANG GAWAIN 1. A 2. B 3. B 4. A 5. A KARD NG PAGTATASA 1. B 2. A 3. D 4. C 5. A GAWAIN IKAAPAT NA √ 1. 2. X √ 3. √ 4. 5. X GAWAIN IKATLONG KARD NG PAGPAPAYAMAN a salita at gawa ay Ang pagiging tapat s pagpapatunay ng pagkakaroon ng pananagutan sa katotohanan at mabuti/ matatag na konsensya. Ito ay may layuning maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya gabay ang diwa ng pagmamahal. 22


Click to View FlipBook Version