“Teki! Anong oras na? Aalis na kami ng itay
mo at hindi ka pa rin gising? Hindi ba’t may
online class ka ng alas nuebe?”
nakapamewang at galit na galit na sigaw
ng nanay ni Teki isang umaga ng Lunes.
“Bumangon ka ng bata ka! Hindi ba’t
sinabi ko sa iyo na huwag aabot ng alas
diyes ng gabi ang paggamit mo ng
kompyuter? Pero ano? Nagpuyat ka na
naman? Bumangon ka na kung hindi
makakatikim ka!” dagdag na sermon ng
nanay ni Teki habang humahangos sa
pag-aasikaso ng agahan ng pamilya at
paghahanda sa pagpasok sa trabaho.
Dali-dali namang bumangon si Teki sa
takot sa kanyang ina. Kahit na inaantok pa
mula sa pagpupuyat sa panonood ng anime
at paglalaro ng online games, agad siyang
dumako sa kanilang kusina upang kumain
ng paborito niyang sinangag, pritong itlog,
at pandesal.
“Anak, hindi ba’t ipinangako natin sa isa’t
isa na tuwing Sabado at Linggo ng tanghali
lamang ang paggamit ng kompyuter mo sa
iyong paglalaro? Baka bumaba ang marka mo
niyan kung parati ka na lamang babad sa
kompyuter,” mahinahon na at nag-aalalang
paalala ng kanyang ina habang
tinitimplahan siya ng gatas.
“Nay, hindi naman po. Naglalaro at
nanonood lamang po ako kapag wala na po
kaming mga gawain at takdang-aralin.
Saka, Nay, madali lang naman po ang mga
aralin namin ngayong markahan. Kayang-
kaya ko po iyon!” pagmamalaki ni Teki
habang ngumunguya ng almusal na
inihanda ng kanyang ina.
Gumuhit ang isang ngiti sa labi ng
nanay ni Teki na nagpapahiwatig
ng pagtitiwala nito sa kanyang
anak. Agad niyang hinalikan ang
noo ng kanyang anak at
nagpaalam na papuntang trabaho.
Pagkatapos ng agahan ay agad na
siyang humarap sa kanyang kompyuter.
Dahil siya ay may online class ngayon,
dumako siya sa group chat ng kanilang
pangkat upang makuha ang google
meet link na gagamitin nila sa klase.
Nagsimula na ang kanilang klase at ang
pagtuturo ng kanilang guro.
Habang nakikinig, biglang may
lumabas na notification sa gilid ng
screen ng kompyuter ni Teki. Mensahe
ito mula sa kanyang kaklase na ni
Mario.
Teki, tara LOL tayo nila Jose at Napaisip si Teki sa mensaheng
Nelson. Tutal, nakaka boring ito dahil alam niyang mahalaga
naman ang klase natin ngayon ang itinuturo ng kanilang guro
kay Bb. Jokson, eh. ‘Wag na lang dahil sa Miyerkules na ang
muna tayo lumabas sa meet, kanilang pagsusulit. Hindi niya
para di tayo halata hahahaha ito pinansin at nakinig na lang
siya sa kanilang guro. Maya maya
ay may lumabas na naman na
notification sa kanyang
kompyuter at nangungulit ang
kanyang mga kaklase na sumali
sa online game na nabanggit.
Dahil antok na antok at wala na
rin ang atensyon ni Teki sa
pakikinig sa guro, ay sumali na rin
siya. Apat na oras na ang nagdaan
at hindi napansin ni Teki na hindi
na siya nakadalo sa iba pa niyang
klase. Ipinagsawalang bahala niya
lamang ito dahil sobrang
nasisiyahan na siya sa paglalaro.
Kinabukasan, masayang bumisita “Teki! Balita ko, may mahirap daw kayong pagsusulit
ang kaibigan niyang si Liya sa ni Noli bukas. Tutulungan ko siyang magbalik-aral
bahay nila. upang makakuha siya ng mataas na marka. Gusto mo
bang sumali sa amin?” masayang tanong ni Liya sa
ngayo’y puro kompyuter na si Teki.
“Ano ka ba Liya? Sabihin mo kay Noli na napakadali
lang naman ng mga aralin namin sa Filipino. Kaya
bakit siya nag-aalala?” sagot naman ni Teki.
“Sabi ni Noli may ibinigay daw na—”
“Kahit ano pa ‘yan Liya, hindi ako magsasayang ng
oras sa pagbabalik-aral na iyan. Maglalaro na lang ako
dito. Saka bakit ka ba nandito? Doon na kayo ni Noli at
magbalik-aral. Bleh!” putol at mapang-asar na saad
ni Teki sa nais na sabihin ni Liya. Lubhang
nalungkot si Liya sa ginagawa ng kanyang kaibigan
at umalis na lang muli sa bahay ng kaibigan.
Dumating ang araw ng Miyerkules at
laking gulat ni Teki sa pagsusulit na
gagawin nila sa asignatura ni Bb.
Jokson. Buong akala niya ay tipikal na
pagsusulit ang gagawin nila sa klase,
ngunit isa pa lang handang talumpati
ang ipinagagawa sa kanila.
Hindi mawari ang gagawing
pagmamadali ni Teki upang magawa
ang pagtatalumpati sa kanilang online
class. Sa kanilang buong klase, siya, si
Mario, Jose at Nelson lamang ang
walang grado para sa huling pagsusulit
nila sa Filipino. Dahil sa takot sa
kanyang mga magulang, itinago niya
ang katotohanang ito.
AGveenraegreal Nagpatuloy ang madalas na paglalaro ng online games ni Teki
at hindi na siya nakakapagbigay ng atensyon sa kanyang mga
gawain at aralin sa paaralan dahilan upang bumaba ang mga
iskor na nakukuha niya sa mga gawain at takdang-aralin.
Isang araw ng kuhanan ng mga grado ng bawat mag-aaral,
nanlumo siya sa hindi inaasahang grado na kanyang nakuha.
“Seventy-three?! Teki, akala ko ba nag-aaral ka nang mabuti?
Anong nangyari sayo? Dati with honors ka, ngayon, ano?
Masyado kaming naging pabaya sayo ng tatay mo. Simula
ngayon, hindi mo na mahahawakan ang kompyuter na ito!
Puro ka na lang laro!” galit na galit na sabi ng nanay ni Teki sa
kanya.
“Pero, ‘nay! Hi-hindi naman po a-ako naglalaro, eh,” sagot ni
Teki habang umiiyak sa kanyang ina.
“Simula ngayon, hindi ka na makakahawak ng gadgets
hangga’t hindi mo natututunan maging responsable sa lahat
ng gamit at pagkakataon na ibinibigay sayo. Ililipat na kita sa
modular upang masubaybayan kita!” dagdag pa ng nanay ni
Teki.
“P-Pero, ‘nay…” mahinang iyak ni Teki.
Makalipas ang ilang araw matapos ang
pangyayaring gumimbal sa linggo ni Teki,
lumabas siya ng malungkot ng kanilang bahay
upang bumili ng suka. Nakita siya ni Liya.
“Teki… Okay ka lang ba? Narinig ko ang
nangyari,” sabi ni Liya.
“Ano, nandito ka rin ba para pagalitan ako, Liya?!”
pasigaw naman na sagot ni Teki.
“Hindi, Teki. Gusto ko lang na malaman mo na
nandito lang ako bilang kaibigan mo para
samahan at tulungan ka. ‘Di ba sabi ko sayo,
masama na palagi ka na lang nasa kompyuter,”
mahinahon na sambit ni Liya.
Napahinto si Teki at napatingin kay Liya.
Umiyak siya at sinabing, “Salamat Liya. Kung
sana nakinig ako sayo, edi sana mataas rin ang
marka ko kagaya ninyo ni Noli.”
“Marami pa namang panahon, Teki, para
makabawi. Gusto mo bang sumama sa ‘min ni Noli
para mag-aral?”
“Mag-aaral o magpapatintero?” mapang-asar na
banggit ni Teki habang pinupunasan ang luha
sa kanyang mga mata.
“E’di, gawin natin parehas! Tara na!” masayang
sagot ni Liya.
Matapos ang pagsusulit ni Teki at ang pangaral ng kanyang ina ay pumasok sa
kanyang isipan ang mga panahong gumagamit siya ng teknolohiya. Kita sa
kanyang mga luha ang pagsisi at ang kanyang pangakong magbago. Ang
presensya ni Liya sa kanya ang nagsilbing gabay upang hindi siya malulong.
Kaya naman, ano na ang hatid ng mga pangyayaring ito sa paggamit ng
teknolohiya sa mga kabataan?