Ang dahilan sa pagpili ng pamagat na “Alaala - Ang Aking Kasaysayan Sa Anyo Ng Pagusulat” ay dahil tinuturi ko ang pagsusulat ko bilang isang “alaala”. Dinadaan niya ang aking paglakbay patungo isang magaling na manununulat gamit ang wikang Filipino. Ang nilalaman ng portfolio ay ang mga sulatin ukol sa buod, abstrak, at bionote. Ito ay hinihingi bilang isang pangangailangan sa ikatlong quarter para sa Akademikong Pagsusulat.
Ang Alamat ng Ilang-Ilang ay isang trahedya puno ng pagmamahal at pagseselos. Ang kwento ay matatagpuan sa Malabon. Ito ay tungkol sa isang babae ng nangangalang Cirila o Ilang. Sinasabi na ang kagandahan niya ay pinilas sa buwan. At dahil kasama pa sa kaniyang tunay na kabaitan ay nirerespeto siya ng buong bayan. Pinapakita rin sa kwento ang isang binata na si Carlos ngunit na mas madalas na tinatawag na si Lanubo. Kilala siya dahil sa kanyang lakas na hindi kayang malabanan. Si Ilang at Lanubo ay nagkilala at agad na nagmahal. Walang makukumpara ang kanilang pagmamahalan. Hindi sila nahihiya na maipakita nila ito at walang problema ito sa kanilang mga magulang.
Isang araw ay may mga dayuhang Tsino na dumating sa Malabon. Nang nakita niya ang kagandahan ni Ilang ay agad na umibig sa kanya. Pero sa kaalman niya sa ugali ng babaeng Pilipina at sa kinatatakutan niyang lakas ni Lanubo ay hindi niya muna agad pinakita ang kanyang pag-nanais at naghanap ng tamang panahon. Sa paghahanda ng kasalan nila Ilang at Lanubo ay lumakbay muna si Lanubo patungong Limay, Bataan upang makahuli ng isang usa para sa mabuting pagsasalosalo kasama ang kanyang apat na matalik na kaibigan. Dalawang araw pagkatapos umalis si Lanubo ay duamting ang mga Tsino para ipakita ang kanilang pagmamahal kay Ilang. Hindi ito tinanggap ni Ilang at tuluyang nilayuan ang mga Tsino. Ngunit nagsabwatan sila kasama ang tulisang Tsino na dumating at dinukot si Ilang para gawin ang kanilang kahit anong ninanais. Mas ginusto pang mamatay ni Ilang kaysa gawin iyo kaya kinuha niya ang sundang ng Tsino at naturok ang puso ni Ilang. Nang nalaman ni Lanubo ang nangyari ay hinanap at pinatay ang halos lahat ng tao na may kasalana nito.
Hindi nawala ang kalungkutan ni Lanubo hanggang sa pagkamatay niya. At ng inilibing siya sa tabi ni Ilang sa tabi ng isang punongkahoy na hindi namumulak ay nagulat ang mga tao sa mabangong amoy na nanggagaling sa bangkay. Sobrang tagal na noong huling namulak ang puno na kung saan sila ay nilibing. Ang mabangong bulakalak na tumubo sa kanilang babgkay ay tinawag na Ilang-Ilang sa paggunita ng dalawang tao na hindi nawawalan ng pagmamahal sa isa’t-isa.
Ang phenomenological na pag-aaral na ito sa buhay na karanasan ng dalawang grade 11 Marist Senior High School na mag-aaral ay naglalayong tukuyin ang kaugnayan sa pagitan ng stress at video games. Sa pamamagitan ng mga online na panayam, nakalap ang mga mananaliksik ng tatlong dahilan na nagpapakita na ang mga video game ay may positibo at negatibong epekto sa kalusugan ng isip depende sa kung paano, kailan, at bakit nila nilalaro ang mga ito.