The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Patrick Ciervo, 2024-05-24 06:17:00

humadapnon

humadapnon

Halaw sa Epiko ni Hinilawod Tinipon ni Rosario Cruz Lucero Guhit ni Patrick B. Ciervo


Noong araw, bantog na pinuno si Buyung Humadapnon ng isang lugar malapit sa Lawod, Panay. Malakas at matapang si Humadapnon. Sinasabing minsan sa kanyang paglalakbay, may isang malaking bato na gumulong mula ng bundok at di mabuhat ng sandaang tao. Pero dahil sa lakas ni Humadapnon, binuhat niyang mag-isa ang malaking bato Page 1


Minsan naman sa kanyang pakikipagsapalaran, nakaharap niya ang ahas na walo ang ulo. Nakaharang ang malaking ahas sa daan niya. Sa pamamagitan ng lakas at tapang ni Humadapnon, isa-isa niyang tinigpas ang walong ulo ng malaking ahas hanggang mamatay ito. Page 2


Isang gabi, lumitaw sa panaginip ni Buyung Humadapnon ang dalawang kaibigan niyang sina Taghoy at Duwindi at ipinakita ang magandang si Nagmalitung Yawa. Sinabi nina Taghoy at Duwindi na nakatira si Nagmalitung Yawa sa isang malayong kaharian. Umibig agad si Humadapnon kay Nagmalitung Yawa at pagkagising ay naghanda siyang maglakbay. Page 3


Sakay ng isang ginintuang biday o bangka,naglayag si Buyung Humadapnon kasama ang ilang tauhan. Mahirap at mapanganib ang kanilang paglalakabay. Una, napadpad sila sa isang dagat na kulay dugo. Walang hangin at hindi kumikilos ang malapot na tubig. Dahil dito, pitong buwan na hindi makaalis ang biday ni Humadapnon sa dagat na pula. Page 4


Dito ginamit ni Buyung Humadapnon ang kanyang lakas at tumulong siya sa pagsasagwan ng biday. Sabihin pa, nakaalis sina Humadapnon sa malawak na dagat na pula kahit walang hangin. Page 5


Bigla, hinarang naman sina Buyung Humadapnon ng dalawang nagbabanggaang pulo. May makitid na tubig na daanan sa pagitan ng dalawang nagbabanggang pulo. Pero maiipit ang biday ni Humadapnon pagsumuot sila sa makitid na daanan. Page 6


Tinawag ni Buyung Humadapnon sina Taghoy at Duwindi. Humingi siya ng tulong sa dalawang magkaibigan. Agad, pinigil ng dalawa ang nagbabanggaang pulo, at mabilis na nakalusot ang biday ni Humadapnon. Page 7


Napunta sina Buyung Humadapnon sa pulo ng Tarangban. Isang engkatadong pulo ang Tarangban. Dito nakatira ang binukot na si Ginmayunan. Inalok niya ng nganga si Humadapnon at naiyayang magpahinga sa pulo. Page 8


Kailangan siyang magbigay galang sa pagmamagandang loob ng binukot na si Ginmayunan, ngunit ayaw rin niyang malihis ng kanyang pakay na hanapin si Nagmalitung Yawa. Dahil dito tinanggihan niya si Ginmayunan ay nagalit ito at humingi ng tulong sa kapatid na si Kubay Hanginon. Page 9


Si Lubay Hanginon ay higit na makapangyarihan ang gayuma. Naakit si Humadapnon kay Lubay Hanginon at dumaong siya sa Tarangban. Pero pagbaba ni Buyung Humadapnon sa ginintuang biday, agad siyang naengkanto at naging mukhang hayop. Ibinilanggo siya ni Lubay Hanginon sa kuweba nito. Wala namang magawa ang mga tauhan ni Humadapnon. Wala silang laban sa engkanto ni Lubay Hanginon. Page 10


Matagal na nabilanggo sa kuweba si Humadapnon. Hindi naman mabuksan ng kanyang mga tauhan ang makapal na pintuan ng kuweba ni Hangino. Noon naman pala, pumunta sina Taghoy at Duwindi kay Nagmalitung Yawa ag pinakiusapan ito na iligtas si Humadapnon kay Lubay Hanginon. Page 11


At dumating nga si Nagmalitung Yawa sa Tarangban sa anyo ng isang mandirigma. Ang naging pangalan niya niya’y Buyung Sunsamakay. Agad niyang ginamit ang kanyang kapangyarihang engkanto para mabuksan ang pinto ng uweba ni Lubay Hanginon. Nilusob ng mga tauhan ni Humadapnon ang kuweba at napatay nila si Lubay Hanginon. Page 12


Pagkatapos ng labanan, gumamit uli ng kapangyarihang engkanto si Nagmalitung Yawa para maibalik ang dating anyo ni Humadapnon. Naging makisig na lalaki na uli ang bayaning si Humadapnon. Page 13


Nang bumalik ang makisig na anyo ni Humadapnon, lihim ding umibig sakanya si Nagmalitung Ysawa. Sa umpisa, nagpakilala siyang si Buyung Sunmasakay at pinasalamatan siya ni Humadapnon. Inanyayahan siya ni Humadapnon na sumamang humanap kay Nagmalitung Yawa. Page 14


Habang naglalakbay, hindi nakatiis ang dalaga at nagbali sa dati niyang anyong magandang babae. Tuwang tuwa si Humadapnon at noon din, nagbalik silang magkasama sa Lawod. Page 15


Click to View FlipBook Version