The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by , 2016-11-13 03:17:43

AL’ASMA’ ALHUSNA

AL’ASMA’ ALHUSNA

AL’ASMA’ ALHUSNA*
Jack Alvarez

(O ang siyam napu’t siyam na ngalan na pinakamamahal ko)
1. Rahman
Para akong pusang gutom na sumalubong sa kanyang amo pagbukas ng pinto. Ngunit
hindi ako ngumingiyaw sa gabing iyon. Humahagulhol. Nakaluhod. Nakakapit sa mga
paa ng lalaking itinuturing kong panginoon sa loob ng tatlong taong pagiging OFW dito
sa Saudi Arabia.
Marahang-marahang kinalas niya ang aking mga kamay. Maingat na maingat. Dahil tila
nais bumaon ang aking mga kuko sa kanyang suot na puting thawb1.
Inangat niya ang aking mukha. Ni hindi na niya pinahiran ang aking luha. Ibinuka niya
ang pagitan ng aking mga labi tulad ng pagbukas sa isang jewelry case. Nagpakilala
ang espiritu ng bacardi and coke sa aking bunganga bilang choice of poison sa
nakaraang magdamag nang sumama ako sa isang bagong kakilala na Saudi.

“Abdulrahman...” Parang sagradong surah2 nang bitawan ko ang kanyang pangalan.

“Astroglide.” Nag-anyong mabait na kaibigan. Kinilala niya ang isang bote ng personal
lubricant sa tapat ng kama.

Page 1 of 15

Ngayon, naramdaman ko ang kanyang kanang palad sa aking ulo, at dahan-dahang
kinuyom ng kanyang mga daliri ang aking buhok. Napaigtad ako. Parang pusang
ibinitin. Pinalagkit at pinadulas ang buo kong katawan ng aking sariling pawis.

“Where is your Mister Astroglide?” Sindiin ng pagkakabigkas niya nang pilit niyang
ibaon ang bote sa aking likuran.

Wala akong ibang pangalang bibitiwan. “Abdulrahman…” pagmamakaawa ko.
Mas mahapdi ang sumunod na pagbaon. ”Is it more pleasurable than this?” Napapikit
lang ako dahil totoong mas madulas ang lubricant kaysa idinura niyang laway sa aking
mukha. “Where is he?”

Nasisilip ko sa ilalim ng aking kama ang hinahanap niya, kasama ang aking alaga. Sa
pagkakataong iyon, una kong narinig ang kakaibang pagngiyaw ni Sama. Tila isang
munting halimaw na nais kumawala.

1 karaniwang kasuotan ng mga Saudi
2 kabanata sa Quran

***
2. Rahim
Para akong patay na fetus. Hubo’t hubad na nakahiga sa sahig na marmol. Bangag ang
pagkatao. Parang nilason ng sambanig na cytotec.

Page 2 of 15

Hinila niya ako sa banyo. At iginiya niya akong mahiga sa bath tub. Para akong nasa
garapon na ibinababad sa formalin nang maramdaman ko ang pag-angat ng
maligamgam na tubig mula sa gripo.

“I am sorry.” Ngayon lang siya nakapagsalita. “I am Abdulrahim.” Ngayon lang siya
nagpakilala.

Inangat ko ang aking mukha. “It’s okay.”

Nakatulungko siya sa pagkakaupo sa gilid ng tub. Ilang oras din siyang nakadapa
kanina sa ilalim ng kama. Parang biktima sa gitna ng civil war sa Syria.

“What’s your name?” Hindi ko siya nilingon upang ipahalatang di ako interesadong
sagutin ang kanyang tanong. Sa halip, nagsindi ako ng yosi. At pinilit kong ngumiti.

Pinitay niya ang gripo nang mapansing aapaw na ang tubig sa tub.

“Thank you.” Nakatitig lang ako hanggang sa huling patak ng gripo.

“As much as I want to help you but…” Inilapit niya ang ashtray nang mapansing
nalalaglag ang abo mula sa dulo ng sigarilyo.

Page 3 of 15

“Mafi mushkilah…” Pinilit kong ngumiti uli. Simpilit ng pagsasalita ko ng Arabic.

“He’s your boss?” Nakatungo ang tingin sa humimlay na red Marlboro stick sa ashtray.
Dumakot ako ng tubig. Binasa ang sariling mukha, ang leeg, ang braso, ang balikat.
Kung nadidilaan ko lang ang sariling balahibo tulad ni Sama, hindi ko na kailangan ng
tubig upang hugasan ang sariling kahubdan, at kirot na nararamdaman.

Wala akong bibitiwang salita. Wala akong babanggiting pangalan. O kung sinuman man
siya. O kung anuman ang naganap kanina. Umiling ako. Pumikit. Dahil ang lalaki kanina
ay hindi ko lang boss. Ang lalaking iyon ay ang aking diyos.

***

3. Malik
At sino ako sa buhay niya?

“You are my moon,” nag-anyong makata siya. Cliché na ang linyang iyon. Ngunit paulit-
ulit pa rin niyang deskripsyon sa akin. Siguro dahil umaatungal siyang parang aso sa
gitna ng kalaliman ng gabi kapag nasisilip ang kabilugan ng buwan.

Sabi pa nga nila, iniluwal ni Venus ang mga babae, at sa Mars naman ang mga lalaki.
At siguro nga pwedeng i-justify na mula naman sa Buwan ang mga beki.

“How ‘bout me?” balik-tanong niya sa akin sa tonong naghahangad.

Page 4 of 15

“My Lord, my precious King!” Para akong alipin na idinampi ang palad sa kanlungan ng
hari. At dahan-dahang ipinuntirya sa kanyang pundilyo.

Nagkamali ako. Hindi siya mula sa planetang Mars. Hindi lang siya ang itinuturing kong
diyos. Hindi lang siya ang aking hari. Dahil nasasalat ko. Ay sintirik at sing-init ng Araw.

***

4. Quddus
Kanina pa nagkubli ang araw. At nakakabulahaw sa pagtulog ang pag-alingawngaw ng
adhan. Ang hudyat sa pagsisimula sa huling dasal sa araw na iyon, ang isha. At
aasahan kong maririnig ang kanyang pagkatok sa pinto. Babangon ako’t bubuksan ang
shower.

Nang nakaraang linggo, nag-message siya sa akin. “I am waiting my wife to sleep then I
will visit you.” Ngayon, “I am waiting isha will start then I will come to you.”

At humarap siya sa qibla. Hindi lang bilang palatandaan ngunit parang pagdambana sa
mga alaala. Ang larawan ng moske sa Madinah na nakakakwadro sa aming ulunan ay
animo’y lapida. Bilang rekuwerdo sa sisimulan naming ritwal at pagsa-salah sa iisang
kama.

ikaw, Page 5 of 15
at ako

narito tayo.
bismillah1.

hugasan natin ang ating mga kamay,
ang pagitan ng ating mga daliri
palasapin mo ako sa tubig mula sa iyong bibig
sasalubungin ko ang iyong kaluluwa
nang iluwal ito mula sa iyong hininga
hugasan natin ang ating mukha,
ang iyong magkabilang tainga
iangat mo ang iyong mga braso,
at yakapin mo ako
haplusin mo ang aking buhok
at luluhuran,
kakausapin ng aking dila ang iyong mga paa

la ilaha illalah, muhammadan rasulluhah2.
pagkatapos, tatahimik ang shower

Page 6 of 15

sintahimik ng paglamon ng dilim sa liwanag

haharap ka sa qibla3,

at maglalayag tayo sa king size janna4

allahu akbar5.

1 sa ngalan ng Diyos
2 paniniwala ng isang Muslim na si Allah lamang ang Diyos at si Mohammed ang kanyang propeta
3 direksiyon sa pagdarasal at kung saan ang Kaabah sa Mecca matatagpuan
4 langit o paraiso
5 Diyos na makapangyarihan sa lahat

***

5. Salam

At kung ang pag-ibig ay tulad lang ng libog na natatanggal sa isang shower, siguro
araw-araw kong huhugasan ang aking puso. Kumakati lang ang katawan, ngunit kritikal
‘pag puso, nagdurugo. Dahil isang epidemya ang pag-ibig. Nakamamatay. Araw-araw
maraming namamatay. Ngunit hindi sila inililibing. Nakabalsama at pinaglalamayan
hanggang sa muling mabuhay.

Katatapos lang ng mahgrib, ang ikaapat na salah sa araw na iyon. Solo akong
naglalamay sa sariling bangkay. Kamatayan para sa higit ‘sang buwan nang break-up
namin ni Salman.

Page 7 of 15

Nagyoyosi ako sa tapat ng gate ng inuupahan kong apartment habang hinihintay ang
pagtatapos ng salah. Sarado kasi lahat ng tindahan at establisyemento sa oras ng
dasal.

Natatanaw ko na sa di kalayuan ang mga taong palabas ng mosque. At naglakad na
ako sa kabilang eskinita papunta sa isang bakalah o tindahan.

“Salam, sadiq…” binati ako ng isang Saudi nang magkasalubong kami sa harapan ng
moske.

“Salam…” sagot ko naman sa Arabo.

Nagkurus ang aming tungo. Ilang metro ang layo, nilingon ko siya. Nilingon rin niya ako.
Sa likod ng mosque kami muling nagtagpo.

***

6. Mu’min

Kung kailan muling magtatagpo ang minsang nakasalubong sa isang lugar, muli sa
isang pagkakataon ay mapapatunayan ang anyo ng kanyang pag-ibig.

Maghahating-gabi na. Bago ako bumalik sa Al-Khobar, dumaan ako sa Samurai
coffeeshop na nasa lobby ng Shaiki Hotel sa Jubail. Nasa coffee bar ako nang matanaw
ang ilang kaibigan na ka-meet ko rin kaninang umaga. Lumapit ako at nakipagchikahan
sandali para makapagpaalam na rin.

Page 8 of 15

Ilang minuto lang ang lumipas, biglang may humaplos sa aking buhok. Nakatalikod man
ako pero sigurado akong hindi iyon Pinoy na kakilala o kaya kaibigan kundi isa sa mga
Arabo na naroon sa shop. Siguro nahiwagaan siya sa taglay na mahika ng pagiging
brunette ko.

Biyernes kasi at weekend rito kaya maraming nakatambay sa kapihan. Mga kabayan
(kapwa Pinoy), mga itik (mga Indiano), mga pako (mga Pakistani) at mga katutubo o
mas tinatawag naming mga aso (mga Saudi) dahil kapag nakakakita ng bakla ay sunod
nang sunod. Dinedma ko lang. Sabay hawi ng bangs, 'ika nga.

Ilang minuto pa, nilapitan ako. Nag-Arabic. Napatulala ako. At kahit ilang taon na ako
rito sa kaharian, di ko pa rin nahuhulaan ang kanyang mga sinabi. Liban lang sa mga
simpleng dialogue na lagi kong naririnig.
"What? What you want?" Diin ko.

Patuloy lang siya sa pagsasalita. Naisip ko, kung hindi iyon pambabastos ay sabihin na
nating pag-aalok sa hinihimas niya sa kanyang pundilyo. Saglit niyang inilabas ang
kanyang dila. Senyales na himurin ko ang nakabukol sa kanyang pantalon.

"I don't understand you. Go home. Inta go bayt. And fuck your kharouf." Pagtataray ko.
At mas hinarap ko ang pagmumukha niya para isupalpal ang huling pangungusap. Ang
kharouf ay lamb o karneng mutton na karaniwang hinahalo sa kanilang mixed rice
dishes, ang kabsa na sinasabing national dish ng Saudi Arabia.

Page 9 of 15

Tulala ang aking mga kaibigan. Lingid sa kanilang kaalaman, nakamasid sa
nakapagitang salamin ang itinuturing kong tagapagligtas, animo’y isang lobo. At handa
akong ipagtanggol sa asong ulol.

Tumalikod na nakangising-aso ang kaharap kong Arabo. Hindi na makakahol. Bumalik
sa kanyang pwesto. At bahag ang buntot.

***

7. Muhaymin
Mula sa bungad ng Jubail, binabaybay ng kanyang Chevy Malibu ang kahabaan ng
Dharan highway. Pinapakinggan ko ang Rise Like A Phoenix ni Conchita Wurst
matapos i-like ang isang post ng FB friend. Birthday ni Lola Conchita. Isang sikat na
Austrian pop artist at drag queen sa lalaking katauhan ni Thomas Neuwirth.

and rise like a phoenix
out of the ashes
seeking rather than vengeance
retribution
you were warned
once i'm transformed
once i'm reborn
you know i will rise like a phoenix
but you're my flame

Page 10 of 15

Nadaanan namin ang isang police car patrol. Naka-marka ang 993 sa gilid nito.

“It’s traffic police.” Sinipat niya ang metro sa harap. Nakatutok sa 140 kph. 100-120 lang
ang limit.

Pinahinto kami at lumugar sa shoulder lane ng highway.
Pina-turn on ang ilaw ng kotse. Nagtanong ang Saudi personnel, "rajul 'am 'iimra'a?"

At sinagot ng kasama ko ang tungkol sa tunay kong kasarian.
Ngunit pinababa pa rin ako. Umihip ang hangin sa napakalawak na disyerto sa di
kalayuan. Nakatayo ang isang officer sa aking harapan. Patuloy na bumibirit si
Conchita. At tila isang mitolohiyang muling nagbalik sa aking alaala…

Pagdating ng check-point hinarang kami ng mga pulis. Duda sila lalo na’t
mapapansin nilang Pilipino ang kasama ng Arabo. Mainit sa kanilang mga
mata ang walang balbas, malinis at maputi.

Bumaba si Yasser at inabot sa pulis ang kanyang National ID at driver’s
license. Sumilip ako sa side mirror. Nahihinuha kong nagpapaliwanag si
Yasser. Pinababa ako. Kinausap kami. Itinanong kung saan ang punta,
kung anong oras ang balik, kung saan nagtatrabaho. At may ibinulong sa
kasama ko. Hinila ako ni Yasser pabalik sa kotse. Ipinaliwanag niya sa
akin ang gustong mangyari ng pulis. Inabot niya sa akin ang condom na

Page 11 of 15

galing sa kanyang wallet. Wala akong choice. Siya na mismo nagbigay ng
unang hakbang. Sumunod ako sa napag-usapan.

Bumaba ako ng kotse. Dumiretso ako sa police post. Alam ko na ang
mangyayari.

Tantiya ko di na umabot ng tatlong minuto. Bumunot ako ng ilang tissue at
pinahiran ang konting pawis sa mukha at laway na nanikit sa leeg at
tenga.

Malayo pa ang aming pupuntahan. May limang checkpoint pa sa
unahan.1

1sipi mula sa dagling Pag-ibig, sa Ang Autobiografia Ng Ibang Lady Gaga

***

8. Aziz
"Habibi, it's only coffee..." at niyakap niya ako upang patahanin. Hawak ko pa rin ang
paper cup na walang laman.

Lumabas siya. Alam kong dadalhan niya ako uli ng Nirvana coffee mula Le Terrace na
lagi naming tinatambayan pagkagaling sa Jarir Bookstore.

Tahimik kong ipininid ang pinto. Napahagulhol ako. Oo, at napakaliit na bagay para
iyakan ang natapon na kape. At ito na yata ang simula na mula sa pinakamaliit na
bagay ay nais ko nang iyakan dahil sa nalalapit niyang pamamaalam.

Page 12 of 15

sinilip kita nang ika’y papalayo
suot-suot mo ang aking t-shirt at pantalong maong.
iniwan mo ang puting thawb
sapat na maging alaala sa ating huling pagkikita
mga sandaling nakatakda
magsisimula na ang salah

***

9. Jabbar
Hinabol ko pa siya noon sa parking area. "This' yours..." Inabot ko ang malamig na
Starbucks seattle latte.

"A treat for you." Ngumiti siya. Nag-aalok ang ngiti. Nang-iimbita. Pamatid sa panahong
sing-init ng pugon. "You need a ride?" Bagay sa label ng paper cup ng Starbucks
Discoveries. Parang first time experience. Parang may nais matuklasan.

Napangiti ako. 15 riyals rin ang pang-taxi. May libreng latte na, may free ride pa.

Alam kong sinadya niyang ilagay iyon sa grocery bag ko nang nasa counter na kami.
Kanina pa nagro-roller coaster ang pushcarts naming sa magkabilang ailes sa loob ng
Tamimi Markets. Ngayon, nagmistulang amusement park ang aking kwarto ko. Isang
ferris wheel ang gabi.

Page 13 of 15

***
10. Mutakabbir
Umiikot ang aming hawlang mundo sa gitna ng disyerto. Kung ihahambing ang Bahrain
sa Saudi Arabia, masasabing isang parke ito sa kalapit na Islamic countries. Ang 25
kilometrong tulay, ang King Fahad causeway ang nagdudugtong sa dalawang Kaharian.
Luneta ang Bahrain para sa amin. Filled with fun and thrill, ‘ika nga. Bar hopping sa
Juffair. Shopping at sine sa Seef Mall at City Center. Nagagawa namin ang mga
pasimpleng PDA. Kasing init ng qahwa yung holding hands while walking sa lagoon. O
kaya aakbayan niya ako habang nakatunghay kami sa romantikong Amwaj Island.
Pagmamasdan ko siya’t iginuguhit ng panghihinayang ang isang taludtod.

lagi tayong namamaalam
tulad ng paghitit-buga
sa usok ng shisha1
kailan magiging abo ang baga?
kailan papakla ang lasa?
sinisipsip nating dalawa ang tamis ng tifayen2
at nilalasing ng qahwa3 ang ating mga damdamin…

May hangganan iyon pagdating sa King Fahad Causeway. Sandaang latigo ang parusa
ng Sodoma. Ito ang sumpa ng Kaharian ng Saudi Arabia sa ganitong hubog ng pag-
ibig. Kinokondena ang ating pagtatagpo. Haraam ang hinihitit ng ating puso.
Natatakasan ko ang aking diyos ngunit hindi nakakatakas ang aming mga puso.

Page 14 of 15

Ni-bottoms-up ko ang ikaanim na basong may double shot Bacardi at coke. Naduwal
akong parang nagdadalantao. Nangumpisal ako sa inidoro. Isinuka ko ang laman ng
aking sikmura. At ngumiyaw ako nang ngumiyaw na parang pusa.

1tinatawag ring hookah o hubble bubble. Ito ay parte ng kanilang traditional culture at social custom.
2double-apple flavored shisha
3Arabic coffee

***WAKAS***

*most beautiful names.
Ang sampu (1. Rahma; 2. Rahim; 3. Malik; 4. Quddus; 5. Salam; 6. Mu’min; 7. Muhaymin; 8. Aziz; 9. Jabbar; 10. Mutakabbir) ay
kabilang sa isang koleksiyon ng siyam napu’t siyam na dagli.



Page 15 of 15


Click to View FlipBook Version