ang hiraya
ISANG ANTOLOHIYA
DEONILA | DIEGO | PAGADUAN | SALALILA | VILLADORE
DEDIKASYON
Ang kabuuan ng portpolyong ito ay taos pusong inihahandog ng
aming pangkat sa mga minamamahal naming mambabasa.
Layunin naming maantig ang inyong kalooban sa pamamagitan
ng pagpapahayag ng personal na mga hinaing, danas sa lipunan,
at damdamin sa iba't-ibang anyo ng literatura. Kung saan,
nakalakip ang aming mga napulot na aral at napagtanto mula sa
kursong Panitikang Filipino.
Nangunguna ang aming lubos na pasasalamat sa Poong Maykapal
na nagbigay sa amin ng lakas at patnubay na maisakatuparan ang
proyektong ito. Kami ay nagpapasalamat sa kaniyang walang
hanggang pag-iingat at mga biyayang iginagawad sa amin upang
kami'y mapanatiling buhay at may lakas.
Sa mga magulang na walang sawang sumusuporta at nagtitiwala
sa amin. Sa bawat miyembro ng grupong ito na nagbuhos ng oras
at pagsisikap upang makabuo at mailathala ang kariktan ng
bawat akda.
At higit sa lahat, sa aming guro na si Prof. Boy Roberto O. Umil
na siyang naggabay at nagturo ng mga mahahalagang aral
tungkol sa Panitikang Filipino. At sa pagbibigay sa amin ng
pagkakataon na maipamalas ang talento at kahusayan sa nasabing
proyekto.
Ang portpolyong ito ay inilalaan namin sa mga kabataan, mga
guro, at mamamayang Pilipino. Taglay ng antolohiyang ito ang
iba’t ibang aral at inspirasyon na inaaasahan naming
makapupukaw ng samu’t saring damdamin, reyalisasyon, at
pagmuni-muni para sa bayan.
Ang bawat akdang nakapaloob dito ay taos pusong iniaalay ng
aming pangkat para sa inyo, at para sa bayan.
INTRODUKSYON
Panimula
Ang salitang hiraya ay nagmula sa sinaunang Tagalog na nangangahulugang
“fruit of one’s hopes, dreams, and aspirations”. Ito ay nanggaling sa
pararilang “Hiraya Manawari” na nangangahulugan namang “may the wishes
of your heart be granted”. Dagdag pa rito, ang salitang Hiraya ay nagmula sa
Sanskrit ng “Hrdaya o hridaya”. (Proud Pinoy, n.d.) Ito ay kasingkahulugan
ng salitang imahinasyon kung kaya’t maaari din itong pakahulugan bilang
kakayahan ng ating isipan na bumuo at magpahayag ng mga konsepto o
imahen sa malikhain at masining na pamamaraan. Ito ay nabubuo sa
pamamagitan ng padudugtong-dugtong ng mga naging karanasan,
obserbasyon, at mga pananaw ng may-akda.
Ang Hiraya: Isang Antolohiya ay kalipunan ng mga maiikling kwento, dagli,
sanaysay, tula, at kritiko ng awit at tula na isinagawa ni Diana Rose Deonila,
Jassen Diego, Ivan Jhay Pagaduan, Aleeyah Salalila, at Nyziel Kye Villadore
bilang pinal na proyekto para sa asignaturang Panitikang Filipino.
Naglalaman ito ng mga istoryang hango sa mga danas, kaisipan, at
imahinasyon ng mga may-akda sa panahon ng pandemya.
Layunin
Layunin ng pangkat na makabuo ng isang antolohiya ng mga sanaysay at
kwento na umiikot sa panahon ng pandemya at sa kakatapos pa lamang na
eleksyon 2022. Ang antolohiyang ito ay magtatalakay ng mga
kontemporaryong isyu at mga bagong tagpo sa panahon ng pandemya tulad
ng: a) pagkakaiba ng mga politikal na pananaw at paano ito nakakaapekto sa
mga personal na relasyon; b) paglaganap ng misinformation at fake news; c)
kahalagahan ng mental na pangkalusugan; d) karanasan ng mga estudyante
sa online classes; at d) ang kawalan ng hanapbuhay ng maraming Pilipino sa
panahon ng pandemya.
Suliranin
Bagaman mayroon nang pangkalahatang ideya ay naging suliranin pa rin ng
pangkat ang pag-iisip ng mga mas partikular na konsepto para sa gagawing
mga akda. Upang matugunan ang suliraning ito ay napagdesisyunan na ang
bawat isa ay magbabahagi ng kanilang ideyang nais na gawan ng sulatin o
akdang pampanitikan. Sa ganitong paraan ay maiiwasan din na magkaroon
ng parehas na konsepto o ideya ang mga akdang isusulat ng mga awtor at
upang maging mas malawak ang sakop ng antolohiyang ito.
INTRODUKSYON
Kahalagahan ng Panitikang Filipino
Maraming natutunan ang ikatlong pangkat sa Panitikang Filipino dahil sa
napakalawak ng naging saklaw ng mga talakayan sa iba't ibang isyung
pumapatungkol sa panitikan, sining, at kulturang Pilipino. Sa loob ng ilang
linggong talakayan sa asignaturang ito ay nakatuon ang pag-aaral sa ilang
akdang pampanitikan na sumasalamin sa Pilipinong kultura, pamumuhay, at
maging ang pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng bansa. Binagtas nito ang
pagkilatis, pagsusuri, at pag-aanalisa ng mga piling akda tulad ng maikling
kwento, sanaysay, tula, at awitin na isinulat ng mga Pilipinong manunulat sa
wikang Filipino.
Bukod dito, inatasan din ang klase na magsulat ng mga akdang nabanggit, na
siyang makikita sa antolohiyang ito, upang sa gayon ay maipakita ang ang
mga natutunan at napagtanto sa pag-aaral ng Panitikang Filipino. Sa
ganitong paraan, mahuhubog ang kasanayan ng bawat mag-aaral sa wikang
Filipino at mas lalong mapalapit at mapayabong ang kabatiran sa katangian
at kahalagahan ng katutubong panitikan. Sa ganitong mga gawain, mas lalong
nalilinang ang wikang Filipino, ang wikang siyang nagbubuklod-buklod sa
bawat isa at kalauna’y magiging malaking ambag sa pag-unlad ng isang
bansa. Dahil ang pagpapaunlad sa wikang kinagisnan and siyang magiging
landuyan ng pagkakaisa ng mga mamamayan tungo sa pag-unlad ng
Pilipinas.
Ang pagkilala sa Panitikang Filipino ay katumbas ng pagyakap hindi lamang
sa kahalagahan ng sariling wika kundi pati na rin sa sariling identidad at
kultura bilang mga Pilipino.
MGA NILALAMAN
I
SANAYSAY
1 Ang mga aswang sa lupa
2 Mga panibagong kanser sa lipunan
3 Tulong, paano naman kami?
II
DAGLI
4 Lunes na naman
5 Dalawang taon na
III
TULA
4 Banda rito, dako roon
IV
MAIKLING KUWENTO
1 Kulay rosas
2 Makabayan at makapolitika
V
KRITIKO NG AWIT AT TULA
4 'Di niyo ba naririnig?
5 Pag-ibig sa tinubuang lupa
VI
BIBLIYOGRAPIYA
I
MGA SANAYSAY
SANAYSAY BLG. 1
ANG MGA ASWANG SA LUPA
Ni Jassen O. Diego
“Uhaw ka lang sa atensyon.”
“Magdasal ka lang, mawawala din yan.”
“Hindi naman totoo iyan. Gawa-gawa lang ‘yan ng imahinasyon mo.”
“Nasa isip mo lang iyan.”
Ito ang madalas na ibabato sa iyo ng karamihan sa oras na humingi ka ng tulong
para sa iyong mental na pangkalusugan. Pagdating sa usaping mental na kalagayan
at mga karamdaman, isa na itong ordinaryong tagpo sa mga usapan sa loob man ng
pamilya o sa labas kasama ang ating mga kaibigan o sa ating kinabibilangang
komunidad. Minsan ay dadagdagan pa iyan ng “Masyado ka pang bata para
magkaganyan,” o kaya’y “Mukha ka namang masaya, paano ka madedepress?”
Lingid sa kaalaman ng karamihan, nagreresulta ang mga salitang ito upang
ipagsawalang bahala na lamang ang kanilang nararamdaman. Dahil na rin sa
kawalan ng suporta ng pamilya’t kaibigan, at takot na mahusgahan ng lipunan ay
hindi nabibigyan ng agarang medikal na atensyon ang mga taong nangangailangan
ng propesyonal na tulong. Ang pagsasawalang-bahalang ito ang marahil isa sa mga
pangunahing dahilan kung bakit mas dumarami pa ang kaso ng mga nagpapatiwakal
sa ating bansa at maging sa buong daigdig.
Ayon sa World Health Organization (WHO), isang buhay ang nakikitil sa bawat 40
segundo, at bawat taon ay mayroong halos 800,000 na katao ang namamatay dahil
sa pagpapatiwakal sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Binigyang diin din ng WHO na
ang mga miyembro ng LGBTQ, mga taong nakakaranas ng diskriminasyon, pang-
aabuso, karahasan, may problemang pinansyal, nawalan ng mahal sa buhay, at iyong
mga taong may mental at substance abuse disorders ay ang mga grupo na
bulnerable sa pagpapatiwakal. (Tacio, 2018)
Samantala sa Pilipinas, bago pa man ang pandemya ay mataas na rin ang suicide
rate sa ating bansa. Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2012 ay tinatayang pitong
(7) Pilipino ang nagpapatiwakal sa bawat araw o isang (1) tao ang nagpapakamatay
kada tatlo at kalahating oras. (Butuyan, 2016) Mula sa mga kaso ng pagpapatiwakal sa
ating bansa, 46% dito ay nagmula sa mga kabataan o tinedyer. (Tacio, 2018)
1
Ang mga aswang sa lupa
Mas lalo namang naging kaala-alarma ang bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa
pagdating ng COVID-19. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagkaroon
ng 57% na pagtaas sa suicide rate ng bansa noong 2020 kumpara noong 2019. 4,420
katao ang naitalang nagpakamatay noong 2020, higit na mas mataas sa 2,810 na
bilang noong taong 2019. (Philstar, 2021)
Batay na rin sa mga numerong nabanggit sa naunang talata, mapapatunayang
naging malaki ang epekto ng pandemya sa ating mental na pangkalusugan. Marami
sa atin ang nawalan ng trabaho’t pangkabuhayan pati na ng mga mahal sa buhay
dulot ng COVID-19 virus, at ng mga malalakas na bagyong dumaan tulad ng Odette,
Quinta, Rolly, at Ulysses. Nawalay tayo sa ating mga kaibigan at mahal sa buhay,
walang ibang mapagkaabalahan dahil nakakulong lamang sa bahay, at kung may
problema man sa tahanan ay hindi man lang ito magawang pansamantalang
matakasan. Hindi rin naging madali ang pag-aakma natin sa mga pagbabagong hatid
ng work from home setup at online classes na mas lalo tayong pinahirapan dahil sa
mabagal at hindi maaasahang internet connectivity sa ating bansa. Idagdag pa ang
takot at pagkabalisa na dulot ng kumakalat na COVID-19 virus na ano mang oras ay
pwede tayong madapuan.
Maliban sa mga nabanggit sa unang bahagi ng sanaysay na ito, isa pa sa mga dahilan
kung bakit hindi nabibigyan ng medikal na atensyon ang mga taong may sakit sa
isipan ay dahil mahal ang mga pagpapakonsulta at ang mga gamot na nirereseta
para sa mga may mental na karamdaman. Dito sa Pilipinas, ang SSRI, isa sa
pinakakaraniwang antidepressant na nirereseta ng mga doktor ay nagkakahalaga ng
P50 ang isang tableta, kung kaya’t sa isang buwan ay gagastos ng P1,500 para lamang
sa gamot na iinumin. Bukod pa rito ang P2,000 – P5,000 na bayad para sa
konsultasyon at ang pagsailalim sa mga therapy session na may bukod ding
kabayaran. Madalas ay binabansagan din itong “sakit ng mga mayayaman”, kaya
naman ang ibang wala namang pinansyal na kakayahan ay mas pinipiling huwag
nang magpatingin dahil malaki ang magiging tapyas nito sa buwanang badyet ng
pamilya.
Malinaw na naisaad sa itaas na ang pagkakaroon ng mental health disorders ay hindi
lamang isyung pangkalusugan, isa rin itong isyung pinansyal. Kung kaya’t ang mga
ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health (DOH) at ang mga namumuno
sa ating bansa ay dapat na magkaroon ng maayos na programa at sistemang
pangkalusugan upang ang sambayanang Pilipino (partikular na ang mga nasa
laylayan) ay magkaroon ng pagkakataon na makakuha ng medikal na atensyon na
kanilang kinakailangan.
2
Ang mga aswang sa lupa
Maliban dito, dapat ding paigtingin ang pagtuturo sa mga paaralan ng kahalagahan
ng kalusugan hindi lamang ng ating pisikal na katawan kundi pati ng ating mental na
aspeto. Mainam na maituro ito sa mga kabataan upang makapagbigay tayo ng
kamalayan at mabawasan ang estigma at diskriminasyon na pumapaikot sa ating
pangkalusugang mental. Sa pamamagitan nito, makatutulong ito upang tayo ay
makabuo ng inklusibong lipunan na kung saan ang mga mamamayan ay malayang
nakakapagtalakayan tungkol sa kanilang mga karamdaman nang hindi natatakot na
makutya’t mahusgahan.
Sa kasalukuyan, ang pagkakaroon ng isyu o karamdaman sa ating mental na
kalusugan ay itinuturing ng karamihan na parang mga aswang sa lupa – gawa
lamang ng mapaglaro nating mga isip at imahinasyon upang makakuha tayo ng
atensyon. Isang dasal at krus lamang ang katapat, at pinaniniwalaang mawawala
silang lahat sa isang iglap. Ngunit hindi pa huli ang lahat, may pag-asa pang mabago
ang ganitong atrasadong kaisipan at kultura sa ating bayan patungkol sa ating
mental health - sa pamamagitan ng kolektibong pagtutulungan ng pamahalaan, mga
pangkalusugang institusyon, mga paaralan, mga magulang, at ng buong lipunang
ating ginagalawan.
3
SANAYSAY BLG. 2
MGA PANIBAGONG KANSER
SA LIPUNAN
Ni Jassen O. Diego
Pag-asa. Demokrasya. Kasaysayan. Kinabukasan ng bayan. Ilan lamang ang mga ito
sa nanganganib na makuha sa ating mga Pilipino ng mga nahalal na opisyal ng
pamahalaan noong eleksyon 2022. Matapos ang anim na taong paghihirap ng
Pilipinas sa bakal na kamay ng dating pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagpasok
naman ng pamamahala ng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Jr.
Panibagong administrasyon, ngunit anong uri ng pagbabago kaya ang hatid sa atin
ng rehimeng ito?
Kung titingnan, ang mga nakaupo ngayon sa pamahalaan mula sa pangulo
hanggang sa mga mambabatas ay tila hindi naman kwalipikado sa kanilang mga
nakuhang posisyon. Maraming mga tumakbo sa pagka-senador noong nakaraang
halalan na mga abogado, may kongkretong plano, at may kani-kaniyang
adbokasiya’t plataporma ngunit hindi pinalad na makapasok sa senado. Sila’y
naungusan ng popularidad na taglay ng mga tumakbong artista at mga politikong
dati nang may mga kaso ng korapsyon ngunit idinaan lamang sa mga pagsayaw at
kanta’y tila nalimot na ng sambayanang Pilipino.
Bukod pa sa mga nabanggit sa itaas, naging malaking salik din ang historical
distortion at disinformation sa naging resulta ng eleksyon. Ang historical distortion
o pagbabaluktot sa kasaysayan ay ang sadya o intensyonal na pagbabago sa naratibo
at pangyayari ng kasaysayan para sa pansariling interes ng isang tao, rehimen,
administrasyon, o diktadurya. Ito ay kinapapalooban ng disinformation at mga
kasinungalingan para sa personal na adyenda ng isang tao o grupo. (Bagsit, Balasbas,
& Cruzada, 2020) Halimbawa na nito ang pagtatwa o pagtanggi ng pamilyang
Marcos at ng kanilang mga loyalists sa mga kabuktutan, panlilinlang, pagnanakaw, at
paglabag sa mga karapatang pantao noong panahon ng pamumuno ni Ferdinand
Marcos Sr. Samantala, ang disinformation naman o disimpormasyon ay ang
intensyonal na pagpapalaganap ng maling impormasyon na may layuning
maapektuhan ang pampublikong opinyon at linlangin ang taumbayan. (McNamara,
2019) Ito ay madalas na iniuugnay sa fake news na siya ring laganap sa kasalukuyang
panahon. Ang ilan sa mga halimbawa ng disimpormasyon na lumaganap noong
4
Mga panibagong kanser sa lipunan
panahon ng pangangampanya ay ang pandaraya raw ni dating bise presidente Leni
Robredo sa halalan 2016, ang pagiging Oxford graduate ni Bongbong Marcos, at si
BBM daw ang nagpanukala ng Free Tuition Act - ang lahat ng ito ay pawang walang
katotohanan.
Mahigit 90% ng mga Pilipinong mayroong internet connection ay gumagamit ng
social media. Nito lamang 2021, tinatayang 81% ng populasyon ng Pilipinas ang
mayroong Facebook at 85% ng mga Pilipinong mayroong internet access ay
nanonood sa YouTube. Ang bawat Pilipinong gumagamit ng internet ay
nakapaglalaan ng apat na oras kada araw sa paggamit ng social media. (Quitzon,
2021)
Batay sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2017, napag-alaman na ang mga
Pilipinong may internet connectivity ay mas nagtitiwala sa mga impormasyon at
balita na nababasa o napapanood sa social media kaysa mainstream media tulad na
ng radyo, telebisyon, o kaya ay pahayagan. Ngunit dahil sa mabagal na internet sa
Pilipinas, ay pahirapan ang mag-fact check gamit ang iba pang mga mas
maaasahang internet sites. (Quitzon, 2021) Dagdag pa rito, hindi gaanong
napapangasiwaan ng Facebook ang mga impormasyon na ibinabahagi ng mga
gumagamit nito. Kung kaya’t ang Facebook ang isa sa mga naging panguhaning
platapormang ginamit ng mga politiko upang makapagpalaganap ng maling
impormasyon.
Ang mga nabanggit sa taas ang ilan sa mga naging negatibong epekto ng
modernisasyon at pag-usbong ng teknolohiya partikular na ng internet. Bagaman
naging madali ang paghahanap natin ng impormasyon sa pamamagitan ng mga
search engines at social media sites, naging madali rin ang pagpapalaganap ng mga
maling impormasyon sa internet dahil hindi nasasala nang maigi ang mga
impormasyong inilalahad ng mga netizens.
Sa kabila ng mga pagbabaluktot ng kasaysayan at mga pagpapalaganap ng maling
impormasyon, mayroong isang katotohanan akong naobserbahan: mahirap labanan
at pabulaanan ang disimpormasyon sa Pilipinas. Kapag naglahad ka ng mga balita,
artikulo, at iba pang uri ng ebidensya sa isang biktima ng maling impormasyon, ay
hindi naman nila babasahin. Kapag sinubukan mo namang hikayatin sila sa isang
maayos na diskurso ay sasagutin ka lang ng, “Respeto na lang.” Minsan kapag
nagbabahagi ka lang naman ng katotohanan ay masasabihan ka pa ng, “Eh ‘di ikaw
na matalino!” o kaya’y “Ikaw na lang kaya magpresidente.” Mahirap manghamig
dahil sarado na ang kanilang mga isipang walang ibang pinakikinggan kundi ang
mga inihahain sa kanilang kasinungalingan.
5
Ang mga aswang sa lupa
Maliban sa panghahamig at mga diskurso, marami pa sanang ibang mga paraan
upang masugpo ang patuloy na paglaganap ng historical distortion at
disinformation sa ating bansa, ilan sa mga ito ang sumusunod:
1.Edukasyon - Pagpapaigting sa damdaming makabayan at nasyonalismo sa
pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan ng mga tunay na kaganapan noong
panahon ng Batas Militar. Ang mga kabataan ang pinaka-bulnerable sa pagiging
biktima ng maling impormasyon kung kaya’t dapat bigyang diin ang pagtuturo
sa kung paano dapat na tratuhin ang impormasyon na kanilang nababasa o
naririnig sa internet.
2.Social media regulation - Dapat mapangasiwaan nang masinsinan ang mga
impormasyong ibinabahagi sa iba’t ibang social media platforms upang
maiwasan ang pagpapalaganap ng fake news.
3.Magpanukala ng mga batas laban sa historical distortion (partikular na tungkol sa
Batas Militar) at disinformation. Mainam din na masigurong pagtitibayin ang
pag-iimplementa ng batas na ito.
Subalit, katulad na ng nabanggit sa introduksyon pa lamang ay tila wala na tayong
maaasahan sa ating mga namamahala, dahil ang mga naluklok ay sila ring mga
naging pasimuno ng pagtatanim ng mga kasinungalingan at maling impormasyon sa
isipan ng taumbayan. Ngunit, kahit na mahirap ay patuloy pa rin nating gawin ang
ating makakaya upang malabanan ang paglaganap ng mga panibagong kanser sa
lipunan.
6
SANAYSAY BLG. 3
TULONG, PAANO NAMAN
KAMI?
Ni Diana Rose Deonila
Bawat bahagi ng mundo ay nakakaranas ngayon ng pandemya dulot ng COVID-19.
Ang virus na ito ay nakakamatay at mabilis na makapanghawa sa kahit na sino, mapa
bata man o matanda. Dahil dito, maraming mga buhay ang nasira sapagkat nawala
ang karamihan ng mamamayan ng trabaho. Naging malaki ang epekto nito sa mga
manggagawa. Epekto rin nito ang lubos na pagbabago ng normal na buhay ng isang
mamamayan sa pang araw araw na pamumuhay. Ang patuloy na paglaki ng kaso ng
mga taong may sakit na ito ay tunay naman ngang nakakabahala. At paano ito
malulunasan upang bumaba at bumalik sa normal ang ating pamumuhay? Ang
gobyerno ay nagpapatupad ng lockdown, GCQ, MEQC at ECQ sa lahat ng parte ng
Pilipinas ngunit sapat nga ba ito? Dahil sa lockdown maraming umaasa na lamang sa
pa-ayuda ng gobyerno. Paano naman ang mga taong hindi sapat ang binibigay ng
gobyerno para sa kanilang pamilya?
Maraming paraan para kumita ng pera na pantustos at pangbuhay sa ating mga
pamilya. Mahirap man ito o madali, pare-pareho pa rin ang mga tao na kumikita ng
pera sa pang araw-araw na gawain. Ngunit minsan hindi talaga nagkakasya ang mga
kinikita upang matustosan ang mga pangangailangan ng pamilya. Dahil sa
nararanasang epidemya ng bansa, nakadagdag ito ng isipin para sa mga
manggagawa.
Sa Pilipinas, marami ang mga trabahador na hindi nasasahuran nang tama at isa ito
sa dahilan ng paglaki at pagdami ng bilang ng mahihirap sa ating bansa taon-taon.
Kaya naman tayo ay magising sa mapait na katotohanang ito, at maging matapang
na sabihin o isumbong ang mga ganitong gawain upang mas matulungan ang mga
sarili pati na rin ang ibang takot na magpahayag ng saloobin sa ganitong isyu dahil
walang boses at kapangyarihan.
Marami rin sa bansa ang walang trabaho dahil sa kulang na establisymentong
naghahanap ng mga manggagawa na pasok sa pamantayan ng kanilang kumpanya at
sa kakulangan ng edukasyon upang makapasok sa iba’t ibang trabaho na pwede sa
ating bansa. May mga taong mas pinipili na lamang na maging pariwara sa buhay
kaysa magtrabaho dahil na rin sa problema sa sarili na walang nakakaalam at walang
gustong tumulong. Kaya’t maging matalino tayo sa ating mga desisyon sa buhay
upang hindi na madagdagan ang mga taong nagkakaganito dahil sa trabaho.
7
II
MGA DAGLI
DAGLI BLG. 1
LUNES NA NAMAN
Ni Jassen O. Diego
Gising na ang diwa’t isip ngunit ang katawan ay ayaw pang pakawalan ng kamang
aking hinihigaan, at ang mga talukap ng mata’y mabigat, tila ba napagdikit na at
hinding-hindi na mabubuklat. Dama ko sa aking balat ang haplos ng marahang init
ng unti-unting pagsikat ng araw, na tila ba inuudyok akong gumising na’t
pagmasdan ang pagsilang ng umaga, at harapin ang mga hamong dala niya. Lunes
na naman, kailangan ko nang maghanda para sa eskwela. Kaya’t labag man sa
kalooban ay aking pinilit na bumangon upang magluto na ng simpleng agahan at
maligo nang mabilisan.
Paglabas ko upang magtungo sa terminal ay sinalubong ako ng banayad na init na
hatid ng alas syete ng umaga, ng ingay ng mga busina’t sasakyan, at ng mga taong
inip na’t hindi magkandaugaga.
“Neng, sain ka? (Neng, saan ka?)” tawag ng isang tricycle driver.
“State tabi, kuya! (State po, kuya!)” Pasigaw na tugon ko.
“Mara na, kasya pa ang saro uya, (Tara na, kasya pa ang isa rito,)” wika niya nang
siguro’y napansin na mariin kong sinuri ang loob ng tricycle na puno at siksikan na.
Paniguradong mahuhuli ako nito sa klase kaya’t pinili ko na lang sumakay, nang
may tumawag sa aking pangalan, “Jassen? Jassen?”
Mabilis kong sinuyod ang paligid ngunit ‘di ko matagpuan ang pinanggagalingan ng
boses. Muli ako nitong tinawag, “Ms. Diego?”
“Please open your camera,” ani ng pamilyar na tinig.
Napabangon ako sa aking kama, pilit na iminulat ang mata, at napabuntong-hininga.
Pinunasan ko ang aking mga mata’t madalian kong sinuklay ang aking buhok gamit
ang mga daliri, bago muling umupo sa harap ng aking kompyuter upang buksan ang
mikropono’t camera.
“Pasensya na po, ser, medyo mabagal po ang internet namin ngayon,” wika ko.
Hay, Lunes na naman.
8
DAGLI BLG. 2
DALAWANG
TAON NA
Ni Ivan Jhay Pagaduan
"Miguel.."
Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang boses ng aking ina.
Uutusan na naman akong bumili ng gamot sa botika. Agad akong nagbisikleta dahil
alam kong delikado sa gabi at ayoko namang may mangyaring masama sa akin. Sa
bawat pagpedal ko, ay ang pantindig naman ng balahibo sa aking buong katawan.
Dali-daling dumampi ang simoy ng hangin sa aking balat na nagpapadagdag pa sa
aking kaba.
Pagkadating ko roon ay marami ng taong nakapalibot sa tindahan. Nag-aagawan ng
puwesto makauna lamang sa pagbili.
"Isang banig po ng metoprolol" Ani ko sa tindera.
Tila nakabibingi ang ingay ng mga tao rito. Masyadong magulo. Walang
pakundangan ang mga mamimili sa pagbili ng kanilang pangangailangan. Hindi
alintana sa kanila ang magsiksikan kahit pa pinagbabawal ito ng aming alkalde.
"Ah miss, limang pirasong facemask at isang boteng alcohol na rin" Dagdag ko sa
kanya.
Naunawaan naman agad ang aking gustong sabihin.
"Panigurado, hindi lang ito dalawang linggong lockdown" wika ng isang ale na may
kausap sa likod. Hindi ko maiwasan marinig ang kanilang usapan.
"Sana naman dalawang linggo lang ito. Ang mahal pa ng bilihin saka maghahanap pa
lang ng trabaho sa Maynila ang panganay kong anak". Tugon naman ng isa.
Sa pag-uusap nila, sumagi sa aking isipan ang mga pagkakataong masaya kaming
magkakaibigang kumakain ng tuhog sa kanto pagkatapos nang mahabang
pakikibaka namin sa eskwelehan.
9
Dalawang taon na
"250 pesos lahat" sambit ng tindera.
Binigay ko na ang aking bayad at kagyat na sumakay sa aking bisikleta, dala dala ang
mga pinamili. Kasabay nito ang aking pagbuntong hininga. Napakalupit ng mundo.
Sa kabila ng sigalot, kahirapan, opresyon, at katiwalian, dadadagdag pa itong
problema. Natatakot at nangangamba ako sa malaking pagsubok na aming
kahaharapin.
Sa malalim kong pag-iisip, hindi ko na namalayan ang malaking kotseng paparating
sa akin. Nakabubulag ang dalang liwanag ng kotseng iyon.
"Hindi maaari" bulalas ko.
"Miguel"
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga nang marinig ko ang boses ng aking ina.
"Kanina pa kita ginigising. May online class ka pa."
Dalawang taon na simula na magpandemya. Dalawang linggong naging dalawang
taon.
10
III
TULA
TULA BLG. 1
BANDA RITO, DAKO ROON
Ni Aleeyah P. Salalila
Hindi mo aakalain, Gobyernong may kalinga,
Ang maliit sa’ting mata’y sana ang naging suporta.
Makaaantala pala Hindi inaasahang,
Sa nakasanayang gawain. pabayaan ang laylayan.
Virus nang syang tawagin, Dako doon, tahimik
Kalaban kung siya’y tratuhin. Nakakatulog nang mahimbing
Ano kayang nangyari, Di kailangang mangamba,
Nagbago ang ihip ng hangin. walang inaasahan.
Distansya’y naging sagot Buti pa may natulong,
Para iwasang malagot salamat sa pag-alala.
Sapagkat dito’t doon, Bayanihan sa pinas,
tiyak na delikado. Hindi parin nawawala.
Banda rito’y payapa’t, Banda rito, dako roon,
Sapat ang pangangailangan. ay tiyak na iba’t-iba
Dako roon ay takot at salat, ang dalang suliranin,
kanino sila aasa? at bitbit na ligaya
Sila’y makapahinga, Kung kaya naman sana,
Sa batas na wag lumabas! banda rito’y, dako roon
Swerte at nakapaghanda, Ay sana maliwanag
kahit ilan pang bukas. Ang masisilayang bukas
Kami’y kinakabahan
Sa batas na wag lumabas
Sapagkat walang nahanda,
paano na lang bukas?
Banda rito’y reklamo
Paano kaming mahirap?
Kanino na lang aasa,
kung hindi sa gobyerno?
11
IV
MGA MAIKLING KUWENTO
MAIKLING KWENTO BLG. 1
KULAY ROSAS
Ni Ivan Jhay Pagaduan
Banay-banay ang pagbagsak ng kanyang luha na kanina pa pinipigilan habang unti-
unti ang pagpatak ng ulan sa 'di kalayuang bahagi ng kanilang bahay na gawa sa
kawayan. Nakadungaw sa maliit na pinagtagpi-tagping bintana na wari’y lalong
pinasisikip ang kanyang damdaming kanina pa kumikirot. Tanaw ang kaninang
pumapatak lamang ay ang pagbuhos ng ulan na animo'y nakikisama sa kanyang
mabigat na kalooban.
Pighati at lumbay. Ganito ang nararamdaman ni Gracelia nang malaman ang
balitang hindi nanalo sa pagkapangulo ang kanyang pambato sa halalan. Parang
pinagsakluban siya ng langit at lupa, ni hindi makagalaw ang kanyang katawan dahil
pangamba ang nanaig sa puso ng dalagita. Natatakot na muli na namang
malulugmok ang bayan na kanyang kinagisnan.
Pag-asa na kanyang tanging pinanghahawakan ay muli na namang kinuha mula sa
kanya. Nawala na parang bula ang lahat ng kanyang mga inaasam at minimithi para
sa matagumpay na bayan. Sa halo-halong emosyon ay nanariwa sa kanyang isipan
ang lahat ng kanyang karanasan na kainlanman ay hindi niya malilimutan.
***
Magbubukang liwayway na nang magising si Gracelia mula sa mahimbing nyang
pagkakatulog. Abot tenga ang kanyang ngiti dahil ilang araw na lamang ay
masasasaksihan na ng buong sambayanan ang pagkapanalo ng kanyang
napupusuang kandidato. Hindi na siya makapaghintay pa.
"Tay ako na po riyan," wika ni Gracelia sa kanyang ama na naghahanda ng almusal
para sa kanilang umagahan.
Madaling araw pa lamang ay gising na ang kanyang tatay na si Ricardo upang gawin
ang mga nakaatas na trabaho sa bahay bago tumungo sa bukid. Ang ama niya ay
ilang taon nang nagpagal sa pagtatrabaho bilang magsasaka sa sakahan nila mang
Benny. Bago pa sumikat ang araw ay nakahanda na ang kanyang katawan sa
maghapong pakikibaka sa bukirin.
"Pagpasenyahan mo na anak at ‘yan lamang ang ating ulam sa ngayon," ani ng
amang 'di maipinta ang mukha dahil sa kakaunting kinita sa pagsasaka nitong mga
nakaraang buwan.
12
Kulay rosas
Ang kakarampot na kita ng kanyang ama ay hindi kayang pagkasyahin sa ilang
linggo kung kaya’t tumutulong si Gracelia sa paglalaba ng mga damit nila aling
Pasing para magkaroon ng sapat na salaping pandagdag sa kanilang gastusin.
Isang kahig, isang tuka. Yaan lagi ang pasan nila simula nang nagkapandemya at
tumaas ang mga bilihin sa bansa. Hirap man sa buhay ngunit patuloy na lumalaban
hangga't kaya pa ng kanilang mga kamay at paa na kumayod para sa pamilya.
Ang ina ni Gracelia ay pumanaw na nang siya ay isinilang sa mundong ibabaw.
Hindi na nasilayan ang angking ganda dahil ang mga larawan na siyang magsisilbi
sanang alaala ay nasira dulot ng paghagupit ng daluyong bagyo.
"Nga po pala tay, aalis ako ngayon at tutulong sa pamimigay ng mga polyeto sa
karatig barangay," sambit ng anak.
"Tutulong din po ako sa pagpipinta at pagpapaskil ng larawan ni Esteban," dagdag pa
ng anak habang bakas sa kaniyang mukha ang tuwa at pagkasabik.
Nakangiting pinagmamasdan ng ama si Gracelia. Hindi niya akalaing lalaki ang
kanyang anak na mabuti at talentado. Tunay nga na siya ay isang mabuting ehemplo
sa kapwa. Bata pa lamang ay namulat na siya sa realidad ng buhay kaya siguro
lumaking may ipinaglalaban.
"Ingat ka sa pagpunta at pag-uwi. Nalalapit na ang eleksyon at maraming armadong
grupo ang naglilitawan ngayon," tugon ng itay na may kaunting pangamba.
***
Marami nang taga-suporta ni Esteban ang nakapalibot sa lugar kung saan sila
mangangampanya. Kahit pa may dalang panganib ay hindi alintana ang init na
pumapaso sa kanilang balat. Nagbabahay-bahay at isa-isang binigay ang mga poster
at brosyur, ibinabahagi ang buhay at mga naging kontribusyon ng naturang
kandidato.
Pagod ang nadarama sa kanilang pangangampanya ngunit sa pagod na iyon ay
walang katiting na pagsisi si Gracelia na magbigay serbisyo sa kapwa kahit sa maliit
na paraan lamang. Bagaman, dugo at pawis ang kanilang inalay para dito, ay may
mabuting dulot naman ito sa kanilang kandidato.
Ang pagod na iyon ay napalitan ng tuwa nang kanilang pagmasdan ang larawan ng
nakangiting si Jia Esteban. Mababakas ang pagiging magiting na babae at ina na may
mabuting hangarin para sa mga mamamayang Pilipino. Ito ang pinanghahawakan ni
Gracelia, na may pag-asa ang bansa kung sakaling siya ang manalong pangulo.
13
Kulay rosas
***
Ngunit dumating na ang pinakahinihintay ng lahat — ang araw ng eleksyon.
Maagang nagising si Gracelia dahil siya naman ay paroroon sa mababang paaralan at
boluntaryong tutulong upang magkaroon ng maayos na halalan.
‘Di mahulugang karayom ang mga botanteng nandoon, may iba pang mga
nakikipagsisikan makauna lamang sa pwesto. Inayos ng mga guro ang pila upang sa
gayon ay makapagsimula nang bumoto ang mga tao. Isa-isa namang tiningnan ni
Gracelia ang listahan ng mga botante at masusing sinuri ang mga iyon. Naging
maganda ang usad ng pila at mabilis ang naging takbo ng botohan.
Pumasok si Gracelia sa loob ng apat na sulok ng presinto. Kinuha ang balota at
kagyat na umupo sa dulong pwesto upang bilugan ang mga nais niyang iboto. Hindi
niya maitatanggi na masarap pala sa pakiramdam kapag isa nang ganap na botante
at hindi pinipilit kung sino ang iboboto.
Walang bahid ng pamumulitiko at hindi sinusulsulan ng sinuman. Isa-isa nyang
binilugan ang mga kandidatong nais nyang magsilbi sa bayan. Pagkatapos nito,
iniwan na niya ang silid at mapayapang tumungo sa kanyang silya upang tingnan
muli ang listahan ng mga nagsiboto.
Walang naging aberya nitong hapon maliban na lamang sa mga taga-suporta ng
kabilang kampo na nakasuot pa ng kulay pulang damit, pinangangalandakan na sila
ang magwawagi sa dulo.
Ang kulay na siyang sumisimbolo sa mga nagnanais na lumaban sa politika ay siya
ring pagkahati ng mga tao. Subalit, sa kabila ng lahat ng ito, ang kulay ay nagbigay
kay Gracelia ng pag-asa. Pag-asa na malapit niya nang matamasa.
"Esteban, ipanalo natin 'to," bulong niya sa sarili habang sinisiyasat nang mabuti ang
listahan na kanina niya pa hawak-hawak. Hindi na siya makapaghintay pa.
***
Papalubog na ang araw at mayroon pa ring mga botanteng humahabol upang
bumoto. Nakatingin si Gracelia sa alapaap at nangingiting pinagmamasdan ang
kulay ng pinaghalong kahel at rosas.
"Isang senyales na ba 'to na mananalo ka?” Bulalas niya sa sarili habang
namamangha sa ganda nito. Ilang minuto niyang pinagmasdan ang mga kulay
hanggang sa unti-unti nang nagsialisan ang mga tao sa paligid, kasabay ng paglisan
ng liwanag at tuluyang sinakop ng dilim ang kalangitan.
14
Kulay rosas
Ang rosas na sa tingin ng dalaga ay nababalot ng misteryong simbolismo at
kahulugan. Naniniwala si Gracelia na rosas ang kulay ng bukas. "Hindi lang basta
kulay, uri ito ng pamumuhay; kulay ng katangian ng bukas, nakikinig at nagmamahal".
"Ang rosas na simbolismo ng pagmamahal at pag-asa ang mag-aangat sa lipunan,"
wika ng katabi kong nakatingin din sa langit habang mahigpit na hawak ang kulay
rosas na bulaklak.
Hindi namalayan ni Gracelia na narinig ng kasama niya ang kanyang sinabi. Labis
ang kanyang pagkagulat nang isa-isang pumasok sa tenga ang mga salitang hindi
niya inaasahang marinig.
"Ngunit ang paglubog pala ng haring araw ay siya ring pagbalot ng dilim sa buong
santinakpan." Sa mga oras na iyon, ay nabalutan ng kaba ang kaninang masayang
Gracelia.
Umiiling ang kanyang katabi. Doon nalaman ni Gracelia ang nais ipahiwatig ng
kasama. Mayroon ng resulta sa kanilang nayon. Lamang ng ilang libo ang isa sa
tumatakbo rin sa pagkapresidente. Pumapangalawa naman si Leni ngunit malayo
ang agwat sa nauna.
***
Hindi maatim ng isipan ni Gracelia ang lahat ng kanyang nalaman.
"Sabagay, sino ba naman mananalo kung balwarte ito ng kabilang kampo. Hindi na
kataka-taka pa." Ito ang mga katagang pumasok sa kanyang isip bago niya kunin ang
rosas na naiwan ng kanyang kasama at nilisan ang paaralan nang may pagdamdam.
Maghahating gabi na nang makauwi sa bahay si Gracelia. Kasabay nito ang
pagsalubong ng mahigpit na yakap mula sa kanyang ama. Biglang bumuhos ang
kanyang luha na kanina pa pinipigilan. Hagulgol lamang ang narinig ng kanyang
ama mula kay Gracelia dahil hindi pa rin matanggap ang naging resulta ng halalan.
"Paano tayo itay?" Tanong na lalong nagpabigat sa damdamin ng ama.
"Hindi ko rin alam, anak." Ito lamang ang nasambit ng kanyang ama habang
pinanonood ang milyong pagtaas ng boto ng kabilang panig.
Bumitaw sa pagkakayap si Gracelia at tiningnan ang mukha ng ama. Mababakas ang
hindi maitagong pamomroblema lalo pa at bali-balitang bababaan ang presyo ng
bigas.
15
Kulay rosas
"Sa kakarampot na kita sa pagsasaka ay paanong naisip ng uupong pangulo ang na
ibaba sa bente pesos ang isang kilong bigas?" Ika ni Gracelia sa amang hindi na
makaimik, tanda na walang magawa ang ama kung hindi tanggapin ang
katotohanan.
Dali-daling nagkulong sa maliit na kwarto si Gracelia at doon nagpatuloy sa
pagtangis. Sa isip ni Gracelia ay kung may kapangyarihan man siya na kayang ibalik
ang oras ay gagawin niya upang manghimok at baguhin ang pananaw ng mga tao.
Ngunit wala siya nito at ang tanging magagawa niya lamang sa ngayon ay ang
magluksa.
Unti-unti naming bumigat ang kanyang talukap. Bagaman masama ang loob ay
hinila na siya ng antok, at maging sa pagtulog ay nakakunot ang noong tila ba pasan
niya ang buong daigdig.
***
Lumipas ang ilang araw ay tila napipi ang dalaga, walang mga salitang namumutawi
sa kanyang bibig. Nakakulong sa kwarto at napapaisip sa kung paano na ang
magiging buhay ng kanilang ama matapos na iluklok sa susunod na buwan ang
bagong uupong administrasyon.
Napabuntong hininga na lamang ang nagdadalamhating si Gracelia. Hirap tanggapin
ang katotohanan na lulugmok na naman ang bayan ngunit sa kabila nito ay
naniniwala siyang malalampasan nila ang pagsubok kahit gaano pa ito kahirap.
***
At sa pagkakataong iyon, dahan-dahan ang pagbagsak ng kanyang luha na kanina
niya pa pinipigilan kasabay ang pagpatak ng ulan sa ‘di kalayuang bahagi ng
kanilang barong barong na bahay. Nakatingin sa maliit na bintana at tanaw ang
kaninang pumapatak lamang ay ang pagbuhos ng ulan na animo’y alam ang
kanyang pighati at nakikisama sa mabigat niyang kalooban.
Habang nagdadalamhati ay napansin ni Gracelia ang rosas sa gilid ng kanyang papag
at tinitigan iyon na waring kinakausap. Mababakas ang nalalantang talutot nito na
isa-isa nang naglalaglagan sa ibabaw ng maliit na mesa na kung saan nakapatong ang
plorera. Maging ang luntiang dahon nito na siya ring nagbibigay buhay sa bulaklak
ay natutuyot na.
Tila isang pahiwatig na tapos na ang pansamantalang pag-asa na minsang ibinigay sa
kaniya. Madilim, wala nang kulay ang bukas.
16
MAIKLING KWENTO BLG. 2
MAKABAYAN AT
MAKAPOLITKA
Ni Nyziel Kye Villadore
Nagpalina ang sandamakmak at samu’t saring hinaing ng iba’t ibang katauhan. Sa
panahong ang bayan ay may pagkakataon na mabago sa loob ng isang araw.
Magkakilala man o hindi, magkaibigan man o magkaaway ay may hidwaan ukol sa
nalalapit na halalan.
“Maraming salamat sa lahat! Sa oras at mga payo mo tuwing kailangan ko ng
makakausap. Sa walang sawang tawanan at mga paggabay mo sa akin sa aking pag-
aral. Hindi man tayo isinilang na magkadugo, para sa akin hindi ka lang kaibigan,
isang ka nang kapatid, isang tunay na kapamilya. Salamat talaga, Angela”. Ito ang
sambit ni Sarah sa kanyang “debut” o selebrasyon ng kanyang ikalabing walong
taong kaarawan noong nakaraang Pebrero.
Kapwa mag-aaral sa Laguna State Polytechnic University sina Sarah at Angela at
parehas na kumukuha ng kursong “Bachelor of Science in Accountancy”. Sila ay
magkaklase at matalik na magkaibigan simula pa elementarya. Si Sarah ay panganay
at may isang nakababatang kapatid na lalake, ang kaniyang ina ay nagtatrabaho sa
munisipyo samantalang ang kaniyang ama naman ay namamasada ng dyip. Si
Angela naman ay solo at pinapalaki ng kanyang lola Leony na ang ikabubuhay ay
pagbebenta ng gulay sa palengke. Parehas nasawi sa sakit ang mga magulang ni
Angela kung kaya’t ang kanyang Lola ang nagsisilbing magulang niya.
Hindi katulad ng pamilya ni Sarah na nakakaangat-angat at may permanenteng
kabuhayan, sila Angela ay payak lamang. Sa katunayan, bagama’t halos dalawang
linggo lang ang pagitan ng kanilang kaarawan, si Sarah ay may maayos na
selebrasyon ng debut, madaming imbitado, may pormal na programa at
napakadaming handa. Samantalang sina Angela ay naghanda lamang ng pansit
lahok, ang mga gulay na paninda ng kaniyang lola. Iilan lang na malalapit na kamag-
anak at kaibigan ang bisita.
Likas ang angking talino ni Angela, kaya sa kaniyang pagsusumikap, bagaman kapos
sa buhay, ay nakakuha ito ng “full scholarship” sa pamantasan at may kasama pang
allowance subalit kabalikat nito ay hindi na sya pwedeng mag-apply ng scholarship
sa ibang pulitiko o organisasyon upang mabigyan naman ng oportunidad ang iba.
17
Makabayan at Makapolitika
Samantala, si Sarah bilang may koneksyon sa munisipyo ang ina, ay nakakatanggap
din ng tulong pinansyal mula sa tanggapan ng punongbayan. Kapwa masipag na
mag-aral ang dalawang dalaga subalit sa mas maraming pagkakataon ay si Angela
ang tumutulong magturo kay Sarah sa oras na nahihirapan ito sa kanyang mga
asignatura. Si Sarah naman ang tumutulong kay Angela sa mga materyal na bagay
tulad ng pagbibigay ng mga gamit eskwela o minsan ng mga napaglumaang damit
tuwing may programa sa kanilang pamantasan. Maayos ang kanilang pagkakaibigan
na hinulma na ng panahon at pinagtibay ng pagkakataon subalit masusubok ang
tatag nito sa nalalapit na lokal na eleksyon.
Muling tatakbo para sa ikalawang termino ng pagkapunongbayan ang kanilang
kasalukuyang alkade na si Atty. Cesar Lucero. Siya ay kilalang agresibo at sumusupil
ng mga tiwali sa kaniyang sariling pamamaraan. Lingid sa kaalaman ng marami,
may mga taong nakakaranas ng hatol nang hindi dumaan sa masusing
imbestigasyon. Samantala, siya’y nakalikom pa rin ng matinding suporta mula sa
mga mamamayan dahil patuloy na bumababa ang krimen sa kanilang lugar. Ang
kilalang negosyante at doktor na si Mario Lechadores ay siyang magiging katunggali
ni Mayor Cesar. Siya ay kilalang boluntaryo sa programang pagbibigay libreng
check-up para sa mga senior citizen at iba pang charity programs.
Tulad ng eleksyon sa ibang bayan, mainit ang naging kampanyahan ng magkabilang
panig at dumagdag pa rito ang init ng tensyon ng kani-kanilang mga taga-suporta.
Tulad ng inaasahan, si Sarah at ang kanyang buong pamilya ay nakasuporta sa
kasalukuyang administrasyon at dahil hindi maaaring mangampanya ang kaniyang
ina sa kadahilang empleyado ito ng munisipyo, siya ang inaasahan na tutulong para
isulong ang kandidatura ni Mayor Cesar, yaman lang din na isa siya sa benepisyaryo
ng scholarship program nito.
Kung sakaling matalo si Mayor Cesar, hindi lang ang scholarship niya ang pwedeng
mawala kung hindi pati na rin ang trabaho ng kanyang ina sa munisipyo. Higit pa
rito, gaya ng nakararami, siya ay kumbinsido na mas mapapabuti ang kanilang
bayan nang dahil sa pagbaba ng kaso ng krimen. Sa kabilang dako, si Angela ay
kailangan tumanaw ng utang na loob kay Dr. Mario dahil ito ang tumulong sa kanila
ng dapuan ng sakit na COVID 19 ang kaniyang lola noong nakaraang taon. Si Dr.
Mario ang personal na tumingin sa kaniyang lola at nagbigay ng libreng gamot kaya
naagapan at gumaling ito. Isang bagay na labis na pinagpapasalamat ni Angela dahil
para sa kaniya namatayan na siya ng magulang dahil sa mga karamdaman, hindi na
niya kakayanin ang mawalan pa ng kaisa-isahang lola nang dahil sa pandemya. Sa
katunayan, ito ay ginagawa na ni Dr. Mario ang ganitong serbisyo kahit wala pa ang
pandemya.
18
Makabayan at Makapolitika
Maliban sa utang na loob ni Angela, labis ang paghanga niya sa taong ito sapagkat
nakikita niya ang makabayan at makamamamayang karakter nito. Nang dahil dito,
ipinangako ni Angela sa sarili na tulungan si Dr. Mario sa abot ng kaniyang
makakaya bilang sukli sa kagandahang loob at sa pananaw na magiging mabuting
alkalde ito.
Sa simula ay maayos pa ang samahan ng dalawa at pilit nilang iniiwasang pag-
usapan ang isyu ng politika. Tuwing may pasok sa eskwela ay normal lang ang
kanilang pakikitungo sa isa’t-isa subalit unti-unting nagbago ito nang parehas silang
kinuhang lider ng samahan ng mga kabataan na inorganisa ng magkabilang panig. Si
Sarah ay lider ng “Youth for Mayor Cesar Association” o YMCA samantalang si
Angela naman ang presidente ng “SAMAhan ng KAbataang NAgkakaisa kay Mayor
Mario” o “SAMA KA NA kay Mayor Mario”. Dito nagsimula magkailangan ang
dalawang matalik na magkaibigan lalo at nakikita silang magkasama ng mga
estudyante at kabataan sa kanilang unibersidad. Pinili nilang dumistansya sa isa’t-isa
na ‘di man lang napag-uusapan nang maayos ang kanilang mga hindi
pagkakaunawaan sa politika.
Mas lalong uminit ang hidwaan ng dalawa nang mag-upload si Angela ng bidyo ng
pasasalamat kay Dr. Mario sa pagtulong nito sa kanyang pamilya sa panahon ng
pandemya kung saan ang interpretasyon ni Sarah ay pinapalabas na walang
ginawang aksyon ang kasalukuyang Mayor para sa mga mamamayan sa kasagsagan
ng bayrus na dala ng Covid 19. Hindi kalaunan ay naglabas din ng bidyo si Sarah
kasama ang mga iba pang benepisyaryo ng scholarship program ni Mayor Cesar,
bilang tugon sa kampanyang ginawa ni Angela. Lalong uminit ang isyu sa “social
media” nang may mga malisyoso at pekeng balita na ibinato sa dalawang tumatakbo
sa pagka-alkade. Kapwa pinabulaanan ng dalawang lider kabataan ang mga isyu at
kapwa nagpasaring pa na ang kabilang panig ang mga nasa likod nito. Kinompronta
ng dalawang dalaga ang isa’t isa.
“Angela, sana lumaban ka nang patas at huwag magbitiw ng kung ano-anong kataga
na walang katotohanan. Ikaw ay nakakahiya bilang halimbawa ng mga kabataan” ang
masasakit na salita mula sa bibig ni Sarah.
“Aba, wala akong kinalaman sa alinmang fake news, hindi ko gawain iyan at baka
ikaw ‘yon, kagaya ng kandidatong mong mapagkunwari”, ang agresibong tugon ni
Angela.
Parehong sarado ang isip at puso nila at idiin na parehas silang walang ginagawang
mali. Napagdesisyunan nalang nila na i-block ang isa’t-isa sa social media at
tuluyang pinutol ang kanilang komunikasyon.
19
Makabayan at Makapolitika
Pumapasok silang hindi nagpapansinan sa eskwelahan na tila ba estranghero ang
isa’t-isa. Nawala na ang dati ay parang magkapatid nilang samahan. Kapwa may bago
na silang mga matatalik na kaibigan subalit iba pa rin talaga ang samahan nila noon
na kapwa ikinangungulila nila ngayon.
Dumating na ang araw ng halalan at nagdesisyon na ang mas nakararaming
taumbayan. Si Mayor Cesar parin ang uupong alkade sa susunod na tatlong taon,
nakalamang ito ng higit isang libong boto kay Dr. Mario. Maluwag na tinanggap ni
Dr. Mario ang kanyang pagkatalo. Nangako din ito na susuportahan ang nanalong
administrasyon at magpapatuloy sa mga boluntaryong gawain na magbibigay ng
libreng konsulta at gamot sa mga may sakit. Nakita pa ang dalawang kandidato na
itinataas ang kamay ang isa’t-isa matapos ang bilangan patunay ng kanilang
pagkakaisa.
Ang dalawang kandidato ay nagkasundo matapos ang halalan subalit ang dalawang
magkaibigan ay hindi pa rin nagkakaayos. Sariwa pa para sa kanila ang sakit ng mga
binitawang salita ng isa’t-isa at mga maiinit na diskusyon para lang maipagtanngol
ang mga taong pinaniniwalaan nilang mas makabubuti para sa kanilang bayan.
Si Sarah at Angela ay parehong may ipinaglalaban. Ito ay kinabubuuan ng
pansariling pangangailangan at sari-sariling pananaw para sa ikabubuti ng bayan.
Sila ay maihahambing sa taumbayan ng buong bansa na nagkakaroon ng sari-
sariling opinyon at pananaw. Nagkasalpukan dahil sa ninanais na manaig ang mga
hinaing.
Masyadong masalimuot ang politika, maaaring ang ipinaglalaban natin ay
makakamit o hindi kung kaya’t ipairal ang respeto sa bawat isa. Ang tagumpay sa
panig ni Sarah ay suportahan na lamang sapagkat desisyon ito ng nakararami.
Habang ang pagkadismaya sa panig ni Angela ay nararapat ding respetuhin dahil
bumoto rin sila ayon sa kanilang paniniwala. Ang bawat panig ay mayroong
kaalaman na ito ay para sa bayan. Nagnanais na umunlad at mapalago ang kung
anuman. Ngunit sana nga! Sana nga! Para ito sa buong bayan, hindi sa karamihan.
20
V
KRITIKO NG TULA AT AWIT
KRITIKO NG AWIT
DI NIYO BA
NARIRINIG?
Isinalin ni Vincent A. de Jesus
Kaligiran at Kasaysayan
Ang ‘Di Niyo Ba Naririnig’ ay hango sa ‘Do You Hear the People Sing’ ng Les
Miserables. Ito ay isang nobela na isinulat ni Victor Hugo noong 1862 at nagkaroon
na ng napakaraming adaptasyon sa pelikula at teatro. Ang Les Miserables ay
nakasentro sa buhay ni Jean Valjean, isa siyang pulubing Pranses noong ika-19 siglo
na nakulong ng 19 na taon dahil sa pagnanakaw ng tinapay para sa kanyang may
sakit na pamangkin. Tinalakay ng nobelang ito ang mga isyung panlipunan tulad ng
kahirapan, income gap, social class division, at kawalan ng karapatan ng mga
manggagawa at mga kababaihan. Napahapyawan din sa kwentong ito ang June 1832
Rebellion na pinangunahan ng mga idealistikong estudyante nang mamatay si
General Lemarque, kaya mayroong awit ng pagpoprotesta sa mga pagtatanghal sa
pelikula man o teatro, ang ‘Do You Hear the People Sing’. Ito ay isinulat nila Claude-
Michel Schönberg, Alain Boublil, Jean-Marc Natel and Herbert Kretzmer noong
1980s para sa “musical adaptation” ng nasabing nobela. (Les Miserables Wiki, n.d.)
Sa kabilang banda, ang awiting ‘Di Niyo Ba Naririnig’ ay isinalin naman ng
kompositor na si Vincent A. De Jesus sa tulong ni Rody Vera, isang manunulat, at
Joel Saracho, isang aktor. Ito ay unang itinanghal ng mga miyembro ng teatro, mga
aktor, at mga mang-aawit sa isang anti-dictatorship rally ni inilunsad sa Luneta Park
noong ika-21 ng Setyembre 2017. (Chua, 2017) Kung matatandaan, ito ay ang
paggunit ng ika-45 anibersaryo ng pagdeklara ng batas militar o martial law ng
yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Ang pagtitipon na ito ay inorganisa
ng Movement Against Tyranny bilang paggunita sa isa sa mga malagim na
kasaysayan ng Pilipinas, at bilang pagprotesta sa mga ‘di makataong polisiya at
pamamahala ng dating pangulong Rodrigo Duterte tulad na ng mga extrajudicial
killings sa kanyang laban kontra droga o drug war. (Chua, 2017)
Ang kantang ‘Do You Hear the People Sing’ ay hindi lamang naisalin sa wikang
Filipino. Ito rin ay naisalin na sa wikang Polish, Spanish, French, Cantonese, at
Taiwanese Hokkien. Ginamit na rin ang awiting ito sa iba’t ibang mga kilos protesta
tulad na sa US, Turkey, at South Korea.
21
Di niyo ba naririnig?
PAGSUSURI
A) Pangunahing Paksa at Mensahe ng Awitin
Binigyang-diin sa awiting ito ang kahalagahan ng pagtindig ng mga Pilipino para sa
bayan. Isa itong awit-protesta ng mga Pilipinong dumaranas ng kahirapan at
pagtitiis bunga ng hindi maayos na sistema’t pamamahala, korapsyon, at mga hindi
makatarungang gawain ng mga naluklok na opisyal. Nais maiparating ng awiting ito
sa sambayanang Pilipino na mayroon silang karapatan at responsibilidad na
tumindig para sa kanilang sarili at para sa kabutihan ng buong bayan lalo na kapag
ang kanilang mga karapatan ay walang habas na niyuyukaran ng mga
makapangyarihan.
Hinihikayat tayo nitong makilahok sa pagtuligsa sa mga kasong paglabag sa
karapatang pantao at hindi maayos na pamamahala ng mga namumuno sa ating
bansa. Nais tayo nitong himukin na gamitin ang ating boses at pribiliheyo upang
matawagan ng pansin ang mga nakaupo sa gobyerno at maipaglaban ang mga
karapatan ng ating mga kababayan.
Ipinahihiwatig din ng kantang ito ang paghihinagpis ng mga Pilipino para sa
kaniyang inang bayan na bagama’t wala na sa pananakop ng mga dayuhang bansa ay
nananatili pa ring atrasado dahil sa mga kapwa nating Pilipinong ganid sa yaman at
kapangyarihan.
B) Pagsusuri ng Liriko
Koro:
‘Di n’yo ba naririnig? - Tanong Retorikal
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
‘Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim - Pagmamalabis
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab - Pagmamalabis
Verse 1:
Ikaw ba’y makikibaka
At hindi maduduwag? - Tanong Retorikal
Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag
Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag - Assonance
22
Di niyo ba naririnig?
Koro:
‘Di n’yo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Himig ito ng Pilipinong
‘Di muli palulupig
Dudurugin ang dilim
Ang araw ay mag-aalab
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab
Verse 2:
Ikaw ba ay dadaing na lang
Kimi’t magmumukmok
Habang nagpapakasasa
Ang mga trapong bulok
Gisingin ang puso
Galitin hanggang pumutok - Pagbibigay katauhan
Isa sa mga tumatak na liriko sa amin ay ang, “Ikaw ba'y makikibaka at di
maduduwag na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag”. Karamihan sa mga
Pilipino ay natatakot na gamitin ang kanilang boses at walang lakas ng loob upang
makiisa sa pagtuligsa sa mga hindi makatarungang gawain ng gobyerno. Takot dahil
higit naman talagang mas malakas ang kapangyarihan ng mga nasa posisyon at wala
silang laban sa mga ito. Takot para sa kanilang kaligtasan at kawalan ng lakas upang
harapin at tawagan ng pansin ang mga katiwalian ng pamahalaan. Ngunit dapat
nating tandaan na ang kapangyarihan ay nasa ating mga mamamayan, lalo na kung
tayo ay magkakaisa’t magkakabuklod-buklod tungo sa hangaring mapaunlad ang
ating bayan. Ang boses ng mga Pilipino ang magiging susi upang tayo ay makalaya
sa kadiliman at makamit ang ating mithiing pambansang kaunlaran.
Makikita naman sa koro ng awitin na ito ang pangunahing tema at mensaheng nais
iparating ng kompositor - ang pagtawag sa pagkakaisa ng mga Pilipinong pagod at
sawa na sa bulok na sistema, kawalan ng katarungan, mga pangakong napako, at
hindi maayos na administrasyon ng mga politiko sa iba’t ibang isyung panlipunang
kinakaharap ng ating bansa. Makikita rin sa liriko ng koro ang pag-usbong ng
makabayang damdamin ng mga Pilipinong handa nang lumaban upang bumuo ng
isang nasyon na ating pinaka-inaasam - bansang progresibo, maunlad, at malaya.
23
Di niyo ba naririnig?
C) Elemento ng Musika
Ang ritmo ng tambol sa awitin ay maihahalintulad sa tunog ng pagtibok ng puso at
ito ay nakatulong upang magbigay ng tunog na dakila, matagumpay, nagbibigay
inspirasyon, at nakakaantig ng puso.
Samantala, mapapansin naman sa daynamiks ng kanta na ito’y nagsimula sa mahina
at papalakas nang papalakas habang patuloy na inaawit at inuulit-ulit ang koro ng
kanta. Ang gradwal na pagbabago ng daynamiks sa kabuuan ng kanta ay maaaring
magpahiwatig ng matagumpay na paghimok sa mga kababayan na makiisa sa
paglaban sa mga katiwalian ng gobyerno. Maaaring ang pag-aalsang ito ay nagsimula
sa isang maliit na pangkat lamang ngunit habang patuloy na binubuksan ang isipan
ng ating mga kababayan sa katotohanan ay unti-unti ring lumaki at lumawak ang
kilusan.
Ang himig ng awitin naman ay simple lamang ngunit makapangyarihan at
nakapupukaw ng damdaming makabayan sa puso ng mga Pilipino. Bagama’t dama
ang galit sa himig pati na sa liriko nito ay maririnig din dito ang damdaming
nagbibigay ng pag-asa sa ating mga Pilipino na makakamit din natin ang tagumpay
na ninanais para sa ating bayan.
D) Kahalagahan ng awitin sa kasalukuyang panahon
Ang kantang ‘Di Niyo Ba Naririnig bagama’t naisalin at sumikat noong 2017 ay
muling naging viral sa social media noong 2020 nang ito ay awitin ng mga tanyag na
aktor, aktres, at mang-aawit ng ABS-CBN. Ito ay upang maipahayag ang kanilang
masidhing galit, kabiguan, at kalungkutan dahil sa hindi maayos na pangangasiwa sa
krisis pangkalusugang hatid ng COVID-19. (San Diego, 2020)
Maalala rin na noong 2020 ay naipasa bilang batas ang Anti-Terrorism Act na
itinuturing ng ilan sa mga Pilipino na unconstitutional dahil sa mga probisyon
nitong lumalabag sa ating karapatan sa malayang pagpapahayag.
Isa pa sa mga masalimuot na nangyari noong 2020 ay ang pagpapasara sa isa sa mga
pinakamalaking mass media company sa Pilipinas, ang ABS-CBN Corporation.
Nakita rin ito ng mga kababayan natin bilang paninikil sa kalayaan ng midya na
magpahayag at magbalita.
Nitong nakaraang Mayo 2022 lamang, pagkatapos ng eleksyon ay muling umugong
ang awit na ito bilang pagprotesta sa muling pagbabalik sa kapangyarihan ng mga
Marcos sa kabila ng mga kalupitan, kabuktutan, at paglabag sa mga karapatng pantao
na hatid ng pamilyang ito sa mga Pilipino noong dekada 70.
24
Di niyo ba naririnig?
Konklusyon
Sa panahon ngayon, makikita natin na karamihan sa mga kabataang Pilipino ay
aktibong nakikiisa sa mga ganitong uri ng protesta at programa, sa kalsada man o
kahit sa mga social media sites. Nakakatuwang isipin na bagamat mga bata pa
lamang ay mayroon nang paninindigan at prinsipyong pinaglalaban. Naging
malaking tulong ang midya at sining upang ang mga kabataan ay mamulat sa
katotohanan at mahimok silang gamitin ang kanilang boses laban sa mga katiwalian.
Ang awiting ito ay nagsilbing patunay na ang teatro, sining, musika, at ang panitikan
ay mabisang paraan upang mabuksan ang ating mga isipan, mamulat ang mga
nabulag ng kasinungalingan, maturuan ang ating mga kabataan, muling
mapaalalahanan ang mga nakalimot na ng ating kasaysayan, at higit sa lahat, mapag-
isang diwa at mabuklod ang ating bayan.
25
KRITIKO NG TULA
PAG-IBIG SA
TINUBUANG LUPA
Isinulat ni Andres Bonifacio
Kaligiran at Kasaysayan
Ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, na isinulat ng Ama ng Rebolusyong
Pilipino at ng Katipunan na si Andres Bonifacio, ay isa sa mga nilalaman ng kauna-
unahang opisyal na pahayagan ng Katipunan na pinamagatang “Kalayaan”. Ito ay
isinulat upang himukin ang mga Pilipino na maging makabayan. Ginamit niya ang
salitang "Tinubuang Lupa" upang tukuyin ang lupang sinilangan na ating
kinabibilangan at kinamulatan. Sa pamagat pa lamang ay kakakitaan na nais ipabatid
ng may akda ang kanyang lubos na pagmamahal sa kanyang kinamulatang lupa.
Kaya't ang tula na kanyang isinulat ay sumisimbolo ng dalisay na pagmamahal para
sa Inang bayan.
Ayon sa istoryador na si Jim Richardson (n.d.), sinabi na ang tula ay nailathala sa
ilalim ng inisyal na “A.I.B”. Pinaniniwalaan na ito ay galing sa pangalan na “Agapito
Bagumbayan”. Ang nasabing palayaw ay nakasulat din sa isa pang tula na
pinamagatang “Ang dapat mabatid ng mga tagalog”, na kung saan ang nagsulat ay si
Andres Bonifacio. Samantala, mayroong dalawang teksto ang tula: ang unang
bersyon ni Jose P. Santos na binubuo ng 28 na saknong at ang ikalawa naman ay
makikita sa Archivo General Militar de Madrid. Mag-kaiba man ang bersyon, hindi
ito nalalayo sa buong nilalaman ng akda. Ayon pa kay Richardson (n.d.), ang
manuskrito na nasa Archivo General Militar de Madrid ay nagpapakita na ito ay
sulat kamay ni Jacinto. May probabilidad na kinopya ni Jacinto ang teksto habang
inihahahanda ang Kalayaan para ilimbag.
Ang tulang ito ay naisalin sa Ingles na pinamagatang “Love for One’s Homeland”. Ito
ay naging tanyag noong ika-19 na siglo at naging kauna-unahang akda na
pumapatungkol sa pagkamakabayan. Kasama sa ilang akda na isinulat tulad ni Rizal
at del Pilar, ang tulang ito ay naisulat noong panahong bago pumutok ang
Rebolusyong 1896. Ang nasabing rebolusyon o mas kilala sa tawag na Digmaan ng
mga Tagalog ay umiikot sa hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Espanyol.
Kung kaya’t isinulat ito upang ipa-udyok sa mga Pilipino na lumaban para sa
kalayaan ng bayan at para patalsikin ang rehimeng Espanyol.
26
Pag-ibig sa tinubuang lupa
Tungkol sa Awtor
Si Andres Bonifacio ay isa mga maituturing na dakilang bayani ng Pilipinas. Siya ay
nariyan sa mga panahon na ang Pilipinas ay nilulupig ng mga banyagang
mananakop. Isa siya sa lakas ng ating bansa na nangungunang himukin ang
katapangan at pagmakabayan ng mga Pilipino. Bagaman si Bonifacio ay magaling na
mandirigma, hindi aakalain na siya rin ay isang manunulat na kayang gumawa ng
isang tula para sa kanyang minamahal na bayan. Ang kaniyang tindig at
determinasyon para sa kalayaan ng Pilipinas ay isa sa mga naging mensahe ng
kaniyang akda. Masasalamin ang kaniyang mga karanasan sa pakikipaghimagsik
laban sa mga mananakop at ito ay may layuning magpaudyok ng mga mambabasa
upang maisabuhay ang damdaming makabayan na namumuot sa akda.
Ang konteksto ng pagmamahal sa tulang kanyang isinulat ay nagpapakita ng mataas
na antas sapagkat ang may akda ay handang magbuwis ng buhay upang maipaglaban
ang tinubuang lupa o ang ating bansa. Ito ay maihahalintulad sa isang taong umiibig
ng tunay na sa gitna ng paghihirap, kapaitan, pagdurusa at kahit anong pangyayari
ay magagawang harapin ng buong katapangan. May mga samu’t-saring pagpupuri sa
pisikal na yaman ng bansa, kaginhawaan bago ang pag-aalipusta, at mga bayaning
kagaya niyang handa sa anuman. Ito ay nagpapapahiwatig ng kilusang humihikayat
sa mga mambabasa upang maging katulad niya.
Tungkol sa Akda
Dito inilarawan ng manunulat ang kalagayan ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga
mananakop. Katulad ng mga isinulat ni Rizal, ang tula ni Bonifacio ay naglalayong
pasiklabin ang damdamin ng mga Pilipino para sa bayan. Ninais nya na
makaramdam ng poot at galit ang mga Pilipinong katuwang niya sa pagkamit ng
kalayaan. Ang poot at galit na ito ay ang magsisibling mitsa ng apoy sa puso ng
bawat rebolusyarnong Pilipino upang magkaroon ng mas maigting na dahilan na
ipaghiganti ang bansa at mga naaapi mula sa mga manlulupig. Gusto niyang
pukawin ang atensyon ng mga Pilipino na nabubuhay sa panahon ng rebolusyon at
maging sa kasalukuyang henerasyon na huwag matakot na maipamalas ang pag-ibig
sa tinubuang lupa. Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagpapakita ng kabayanihan na
handang magsakripisyo kahit buhay pa ang kapalit nito.
Ninais din ng may akda na mahatiran ng mensahe ang mga Kastila na sila ay
kasuklam kasuklam dahil sa pang-aalisputa at walang sawang pang-aabuso sa mga
Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsulat ng kanyang tula, namulat ang mga Pilipino sa
reyalidad. Reyalidad na kung saan marami ang nakaranas ng opresyon at kalupitan
lalong lalo na mga kababaihan na pinagsamantalahan at niyurakan ang pagkatao.
Dahil dito, nais ipabatid ng tula na sa kabila ng pighati, panggigiit, at pangiinsulto ng
mga Kastila, dapat na matuto ang mga Pilipino na magkaisa at makibaka sa isip at sa
gawa tungo sa hangarin na mapalaya ang bansa mula sa kasamaan ng mga Espanyol.
27
Pag-ibig sa tinubuang lupa
Kung kaya't napili namin ang panitikang ito dahil ang tula ay naiugnay sa danas ng
ng mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalaman ng mahahalagang pananaw at
karanasan ng manunulat. Ang mga ito ay nagpaigting ng aming damdamin dahil sa
taglay nitong masining na pagpapahayag ng impormasyon at ideya kasabay ng
masidhing emosyon sa tula. Ito ay nagsilbing paalala sa aming mga mag-aaral na
huwag talikuran ang nakaraan kahit gaano pa ito katagal. Ang tulang ito ay isa sa
mga sumasalamin ng ating kasaysayan gayundin ang mga paglalarawan sa katangian
ng pagiging bayani. Ang katapangan at kabayanihan niya at ang naipamalas na
kahusayan sa naturang tula ay nananatiling kamangha-mangha kung kaya't ang
tulang ito ang siyang nangibabaw para sa amin mula sa mga maraming pagpipilian.
Sa pagbubuod, ang tula ay nagbibigay ng kwento ng pagmamahal, katapangan, at
panghihikayat sa mga kapwa Pilipino upang maging makabayan sa pamamagitan ng
pagtatanggol mula sa manlulupig.
PAGSUSURI
A) Uri at Istruktura ng Panitikan
Masasalamin sa tulang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ang iba't ibang elementong
bumubuo sa istrukturang ito. Ang nasabing tula ay may sariling balangkas at wika na
nakapagsasarili sa kabila ng sinasabing tinanggap na inspirasyon mula sa sanaysay ni
Rizal – ang El amor patrio (Almario, 2012). Ito ay isang uri ng tradisyunal na tula
sapagkat ang anyong ito ay may sukat, tugma at may malalim na pagpapakahulugan.
Base sa bersyon na inilimbag ni Jose P. Santos, binubuo ito ng 28 na saknong na
kung saan sa bawat saknong ay may apat na taludtod at may sukat na
lalabindalawahin. Gayunpaman ay may ilang linya pa rin na higit sa labindalawang
pantig katulad ng ikalawang linya sa pang-16 na saknong, ikatlong linya sa una at
pang-17 saknong, at ika-apat na linya sa pangalawa, pampito, pangsiyam at pang-23
na saknong. Bukod pa rito, may ilang linya na mang kulang o binubuo ng labing-
isang pantig kagaya ng unang linya sa pang-anim, pangwalo, pang-15, pang-17, at
pang-18 na saknong.
Mapapansin na gumamit ang may akda ng tugmaan, partikular ang tugmang ganap
na may tugma sa patinig at di-ganap na may tugma sa katinig. Nagtataglay din ito ng
kariktan na siyang pangunahing layunin ng may-akda — ang mapukaw ang
damdamin ng mga mambabasa. Higit sa lahat, isa sa nagpaganda sa tula ay ang
paggamit ng matatalinhagang salita upang mas mapalalim pa ang ibig sabihin nito.
28
Pag-ibig sa tinubuang lupa
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan Aling Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal sa pagkadalisay at pagkadakila
mula sa masaya’t gasong kasanggulan. gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan. Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ang nangakaraang panahon ng aliw, Ulit-ulitin mang basahin ng isip
ang inaasahang araw na darating at isa-isahing talastasing pilit
ng pagka-timawa ng mga alipin, ang salita’t buhay na limbag at titik
liban pa ba sa bayan tatanghalin? ng isang katauhan ito’y namamasid.
At ang balang kahoy at ang balang sanga Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
na parang niya’t gubat na kaaya-aya sa tapat na puso ng sino’t alinman,
sukat ang makita’t sa ala-ala imbit taong gubat, maralita’t mangmang
ang ina’t ang giliw lampas sa saya. nagiging dakila at iginagalang.
Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
bukal sa batisang nagkalat sa bundok sa bayan ng taong may dangal na ingat,
malambot na huni ng matuling agos umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
na nakaka aliw sa pusong may lungkot. kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Walang mahalagang hindi inihandog
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
walang ala-ala’t inaasam-asam dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
kundi ang makita’ng lupang tinubuan. buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan Bakit? Ano itong sakdal nang laki
wari ay masarap kung dahil sa Bayan na hinahandugan ng buong pag kasi
at lalong maghirap. O! himalang bagay, na sa lalong mahal kapangyayari
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. at ginugugulan ng buhay na iwi.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
at siya ay dapat na ipagtangkilik siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ang anak, asawa, magulang, kapatid ng kawili-wiling liwanag ng araw
isang tawag niya’y tatalikdang pilit. na nagbibigay init sa lunong katawan
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
ay nilalapastangan at niyuyurakan ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
katwiran, puri niya’t kamahalan sa inis na puso na sisinghap-singhap,
ng sama ng lilong ibang bayan. sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
29
Pag-ibig sa tinubuang lupa
Di gaano kaya ang paghinagpis Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
ng pusong Tagalog sa puring nalait sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at aling kaluoban na lalong tahimik at walang tinamo kundi kapaitan,
ang di pupukawin sa paghihimagsik? kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Saan magbubuhat ang paghihinay Kayong antayan na sa kapapasakit
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
kung wala ring ibang kasasadlakan muling pabalungit tunay na pag-ibig
kundi ang lugami sa kaalipinan? kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kung ang pagka-baon niya’t pagka- Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
busabos kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop ng bala-balakit makapal na hirap
supil ng pang-hampas tanikalang gapos muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
at luha na lamang ang pinaa-agos
Kayong mga pusong kusang inuusal
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay ng daya at bagsik ng ganid na asal,
na di-aakayin sa gawang magdamdam ngayon magbangon’t baya’y itanghal
pusong naglilipak sa pagka-sukaban agawin sa kuko ng mga sukaban.
na hindi gumugol ng dugo at buhay.
Kayong mga dukhang walang tanging
Mangyari kayang ito’y masulyap sikap
ng mga Tagalog at hindi lumingap kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
sa naghihingalong Inang nasa yapak ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak. sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
nasaan ang dugong dapat na ibuhos? hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
at natitilihang ito’y mapanuod. ito’y kapalaran at tunay na langit.
Leyenda:
Taludtod na may 13 pantig
Taludtod na may 11 pantig
B. Interpretasyon at Pag-aanalisa ng Tula
Makikita sa tula ang nagbubusong damdamin gaya ng pagmamahal, galit,
panunumbat, pagdaramdam at iba. Isiniwala’t niya ang masakit na karanasan ng mga
Pilipino upang mahikayat na ipaglaban ang bayan. Gumamit siya ng mga salitang
pagka-busabos, kapaitan, kasuklam-suklam at iba pa upang ilarawan ang kawalang-
hiyaan ng mga Kastila.
30
Pag-ibig sa tinubuang lupa
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Naipapakita rito ang pagsasaad ng may akda sa paghihirap na dinanas ng mga
Pilipino mula sa “Castilang hamak”. Ito ang nagpaudyok sa kaniya upang hikayating
maigi ang mga kapwa para ipagtanggol ang naghihingalong bansa.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ang mga ito magpapanumbalik sa isipan ng mga Pilipino na huwag hayaang agawin
ng mga kastila ang ating tinubuang lupa. Ang “ginhawa” sa huling saknong ay may
kinalaman sa kalusugan, mabuting pakiramdam, at mabuting pamumuhay. Hindi ito
nalalayo sa gaan sa buhay, aliw, paggaling sa sakit, at kaibsan sa hirap. Samakatuwid,
ninanais ni Andres Bonifacio na makamit ito sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng
lahat.
May mga bahagi rin sa tula ang pangungumbinsi ni Bonifacio ay agresibo.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
31
Pag-ibig sa tinubuang lupa
Dito niya inilantad na sa panahon na ang bayan ay nasa panganib, nararapat na ang
mga Pilipino ay kumilos at mag-alay ng buhay. Maging ang pagtalikod sa ating
sariling pamilya ay kakailanganin sapagkat tirahan natin ang nagagapi at hindi
mamamayani ang ating lahi kung ang mananakop ay hahayaan lamang.
32
VI
BIBLIYOGRAPIYA
Bibliyograpiya
Bagsit, J. M., Balasbas, K., & Cruzada, D. (2020, November 18). ‘Educate, not
humiliate’: Fighting back historical distortions.
https://thelasallian.com/2020/11/18/educate-not-humiliate-fighting-back-historical-
distortions/#:~:text=On%20the%20other%20hand%2C%20historical%20distortion%2C
%20is%20the,an%20intention%20of%20erasing%20a%20portion%20of%20history.
Butuyan, J. R. (2016, July 25). Seven Filipinos commit suicide every day. Inquirer.
https://opinion.inquirer.net/95929/seven-filipinos-commit-suicide-every-day
Daily Guardian. (2020, December 3). Historical revisionism and historical
distortion. https://dailyguardian.com.ph/historical-revisionism-and-historical-
distortion/
McNamara, R. (2019, March 25). What Is Disinformation? Definition and Examples.
https://www.thoughtco.com/disinformation-definition-4587093
Philstar. (2021, July 6) Pandemic year sees 57% rise in suicide rate in Philippines.
https://www.philstar.com/headlines/2021/07/06/2110596/pandemic-year-sees-57-
rise-suicide-rate-philippines
Proud Pinoy. (2021, September 28). Hiraya in English translation with meaning.
https://proudpinoy.ph/tagalog-english/hiraya-in-english-translation-meaning-of-
hiraya-in-english-2/
Quitzon, J. (2021, November 30). Social media misinformation and the 2022
Philippine elections. https://thediplomat.com/2021/11/social-media-
misinformation-and-the-2022-philippine-elections/
Robredo L. (2021, October 20). Isang mensahe mula kay Leni Robredo. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?v=a87RAnyNOwY&feature=youtu.be
Tacio, H. D. (2018, October 11). Suicide snatches one life every 40 seconds. Business
Mirror. https://businessmirror.com.ph/2018/10/11/suicide-snatches-one-life-every-
40-seconds/
33