CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Teksto 3
Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Teksto Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jenniffer J. Barsalote Editor: Ritche E. Carillo, Ramon S. Gravino Jr., Jay Mark M. Alocelja, Thonver Sampaga Tagasuri: Alejandre S. Fernandez, Jr., Romeo A. Mamac, Guillesar Villarente Tagawasto: Myleen C. Robinos, Merla S. Silva, Juvy A. Comaingking Tagaguhit at Tagalapat: Jay Mark M. Alocelja, Marybeth D. Cadion, Ria V. Omaña Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero, Cristy C. Epe, Janette G. Veloso, Beverlt S. Daugdaug, Analiza C. Almazan, Mary Joy B. Fortun Ma. Cielo D. Estrada, Imelda T. Cardines, Mary Jean D. Estrada, Joan M. Niones
3 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Teksto
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Alamin Magandang araw! Kamusta ka? Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang naunang modyul. Ngayon, sisimulan mo ang panibagong modyul upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman. Mayroon akong mga gawaing inihanda upang mahasa ang iyong kasanayan sa pagunawa sa paksa o tema ng mga tekstong iyong nababasa o naririnig. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: • nasasabi ang paksa o tema ng teksto; kuwento o sanaysay (F3PB-III-10).
2 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Subukin Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay hirap sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o basahin sa kanya nang malakas ang bawat aytem. Gawain ng Mag-aaral • Sagutin ang gawain 1. Ito ay tumutukoy sa iniikutang diwa ng teksto. A. detalye B. paksa o tema C. balangkas 2. Ito ang tawag sa mga pangungusap na magkakaugnay. A. paksa B. pamagat C. talata 3. Ito ang kabuuang kaisipan ng isang kuwento. A. pamagat B. tauhan C. paksa 4. Saan karaniwang makikita ang paksa o tema ng teksto? A. gitna B. unahan C. hulihan 5. Mahalaga bang matukoy o masabi ang paksa o tema sa isang kuwento? A. Oo, dahil ito ang gumagabay sa pag-unawa sa binabasa B. Hindi, dahil ang teksto ay laging may tema o paksa. C. Wala sa nabanggit Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong bilang panimulang gawain ng modyul na ito. Kung tama lahat ng sagot mo, maaari mong iliban ang modyul na ito at magpatuloy sa susunod na modyul. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
3 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Aralin 1 Pagsasabi ng Paksa o Tema ng Teksto Balikan Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. • Ipaliwanag sa kanya ang gagawin Gawain ng Mag-aaral • Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro • Sagutin ang gawain Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Mula sa napagalamang mga elemento ng kuwento, punan ang graphic organizer ng mga hinihinging impormasyon. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Si Mayang Pusa at Donang Daga Sa malayong bukirin may dalawang magkaibigang hayop, sina Mayang Pusa at Donang Daga. Lagi silang nasa bukid at naghahanap ng pagkain. Minsan, dumating ang matagal na tag-init, naubos ang pananim at wala ng makain ang magkaibigan.
4 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Tuklasin Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay hirap sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o basahin sa kanya nang malakas ang bawat aytem. Gawain ng Mag-aaral • Sagutin ang gawain Kaya naisipan nilang pumunta sa mga bahay sa bayan upang maghanap ng pagkain. Nang makita sila ng may-ari ng bahay ay binato sila ng walis at tsinelas. Mabilis na lumayo ang magkaibigan sa lugar na iyon at nangakong sa bukid na lamang maghahanap ng pagkain.
5 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. Ang ating bansa ay nakikipaglaban ngayon sa Pandemyang dulot ng COVID-19, kung saan ang ating gobyerno ay gumagawa ng mga hakbang upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng sakit at pagkahawa ng mga tao. Kaya naman ang Inter-Agency Task Force o IATF ay inatasan na maglatag ng mga alituntunin na dapat sundin para mapigilan ang pagkalat ng virus. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng curfew sa buong bansa upang mabawasan ang mga taong pakalat-kalat sa lansangan. Malinaw na isinasaad na ang mga kabataang may edad 20 pababa at 60 pataas na matatanda ay hindi maaaring lumabas ng kani-kanilang mga tahanan sa kadahilanang mas madali silang makapitan ng virus. Ang mga taong may mahahalagang gawain lamang ang pinapayagang lumabas sa mga oras na itinakda. Ang curfew ay magsisimula sa ika-8 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga kinabukasan. Aarestuhin at pangangaralan ang mga taong lalabag sa curfew.
6 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 1. Ano ang pinag-uusapan sa binasang teksto? 2. Ano ang ipinalabas na kautusan ng gobyerno ayon sa binasang teksto? 3. Ano ang gagawin sa mga taong lumalabag sa kautusan ng ating gobyerno? 4. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagkakaroon ng curfew? Bakit? 5. Ano sa palagay mo ang paksa o tema ng tekstong binasa? Suriin Ang pagtukoy sa paksa o tema ng isang teksto ay daan upang higit na maunawaan ang binabasa. Ang paksa o tema ay ang iniikutang diwa na ipinahayag ng may-akda sa binasang teksto gaya ng sa kuwento o sanaysay. Bilang isang mahusay na mambabasa, kinakailangan na unawaing mabuti ang bawat talata upang makapagbigay tayo ng paksa o tema. Ang Paksa ay tumutukoy rin sa kabuuang kaisipan sa kuwento. Halimbawa: Ang pagkakaisa ng mga Pilipino ang tanging sandata sa anumang pagsubok na kakaharapin. Ito marahil ang pinakaunang ambag ng isang indibidwal bilang mabuting mamamayan ng bansa. Sa panahon ng kalamidad ang pagkakaisa upang malampasan ang mga pagsubok ay lumilitaw sa kahit na sinong Pilipino.
7 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 1. Ang sustansiyang mula sa prutas na mangosteen ay nakatutulong para maging matalas ang ating isip at malakas ang katawan. Dahil na rin sa mura ang presyo ng prutas na mangosteen kaya marami ang maaaring makabili nito. Ugaliin ang pagkain nito araw-araw. Paksa o Tema __________________________________ Pagyamanin Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. • Ipaliwanag sa kanya ang gagawin Gawain ng Mag-aaral • Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro • Sagutin ang gawain Panuto: Ibigay ang paksa o tema ng sumununod na mga teksto. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Ang paksa o tema sa tekstong ito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino. Karaniwang nasa unahang bahagi ng tekso makikita ang tema.
8 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 2. Sinasabing ang mga Pilipino ay sobrang mahilig sa musika. Hindi kataka-taka na maraming nagtatayuang karaoke bar sa ating paligid. Maraming magagaling at hinahangaang mga mang-aawit ang nananalo sa ibang bansa. Paksa o Tema _________________________________ 3. Ang Pilipinas ay dinaraanan ng dalawampu o mahigit pang bagyo taon-taon. Kaya naman natuto na ang mga Pilipino na maging matatag sa panahon ng sakuna. Dito makikita mo ang kanilang pagiging matulungin at matiisin. Kahit anong pagsubok ang kaharapin, nananatiling matatag ang mga Pilipino. Paksa o Tema ___________________________________
9 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 5. Katangi-tangi ang pamilyang Pilipino sa mundo. Nagkabubuklod-buklod lalo na sa panahon ng kalamidad o sakuna. Laging nagtutulungan kahit hindi magkadugo. Napatunayan na ang pagbabayanihan ng mga tao sa maraming pagkakataon, tulad ng lindol sa Mindanao at pagputok ng Bulkang Taal. Agad na nagdamayan ang mga Pilipino upang maghatid ng tulong ito man ay materyal o pinansiyal. ‘Yan ang pamilyang Pilipino. Paksa o Tema ___________________________________ 4. Ang buhay sa bukid ay sadyang kaaya-aya dahil sa tahimik na paligid.Sa paggising sa umaga, malamig at malinis na hangin ang sasalubong sa iyo. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Ang mga tao rito ay abalang-abala sa kanilang gawain. Karaniwang hanapbuhay ang pagsasaka at pagtatanim ng gulay. Masarap at mura ang mga gulay dito. Paksa o Tema __________________________________
10 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Isaisip Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. • Ipaliwanag sa kanya ang gagawin Gawain ng Mag-aaral • Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro • Sagutin ang gawain Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin ang sagot sa kahon at isulat sa kuwaderno. Natutuhan ko na bilang isang mahusay na (1)_____________ kinakailangang maunawaan/nauunawaan ang (2)_____________ ng isang (3)____________ upang maibigay ang pangunahing (4)____________ sa iniikutang kaisipan ng isang (5)________. teksto paksa o tema diwa mambabasa talata
11 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Isagawa Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay hirap sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o basahin sa kanya nang malakas ang bawat aytem. Gawain ng Mag-aaral • Sagutin ang gawain Magaling! Marami ka nang natutuhan sa modyul na ito. Panuto: Basahin ang teksto at sabihin ang tema o paksa nito. Isulat sa kuwaderno ang sagot Sa bahay, napansin ng nanay na hinahayaan ni Totoy na nakabukas ang gripo habang ito ay nagsisipilyo “Totoy pakisara ng gripo, huwag kang mag-aksaya ng tubig”, sabi ng nanay. Pero hindi nakinig si Totoy sa sinabi ng ina at patuloy lamang siya sa kaniyang ginagawa. Sa bahay, napansin ng nanay na hinahayaan ni Ttkbkihbitiiil
12 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 1. Ano ang napansin ng nanay sa kuwentong binasa? 2. Bakit labis na nabahala ang nanay sa kuwento? 3. Sa iyong palagay, ano ang ugali ng batang si Totoy? 4. Ano - ano ang tema o paksa ng tekstong binasa? 5. Kung ikaw si Totoy, paano mo pahalagahan ang tubig? Isang gabi, nakita niya ang nanay na nakahiga at nilalagnat. “Totoy, ikuha mo nga ako ng tubig”. Agad na tumakbo sa kusina si Totoy para kumuha ng tubig, ngunit walang tubig na lumabas sa gripo. Wala ring tubig sa pitsel. Nakita ni Totoy na nahihirapan ang kaniyang nanay. Gulong-gulo ang isipan ni Totoy kung saan siya kukuha ng tubig; wala pa naman ang tatay sa bahay dahil naghahanapbuhay ito sa ibang lugar. Nanghihina si Totoy at umiyak nang umiyak sa isang tabi. Nagising si Totoy na basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. “Hay! Salamat at panaginip lang pala”. Ang nasambit ni Totoy sa sarili. Simula noon hindi na siya nagaaksaya ng tubig.
13 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 1. Si Nene ay may bagong sapatos. Kulay pula ito. Paborito ni Nene ang kulay pula. Tuwang-tuwa si Nene nang makuha niya ang sapatos. Regalo ito ng kaniyang ina para sa kaniyang kaarawan. Handa na siyang mamasyal kasama ang pamilya gamit ang sapatos na pula na bigay sa kaniya. Paksa o Tema ___________________________________________ Tayahin Gawain ng Magulang/Guro • Gabayan ang bata sa pagbabasa. • Ipaliwanag sa kanya ang gagawin Gawain ng Mag-aaral • Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro • Sagutin ang gawain Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga teksto. Isulat ang paksa o tema na nais iparating ng binasa sa kuwaderno.
14 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 2. Sina Noli at Jay-ar ay magkaibigang tunay. Lagi silang naglalaro sa hardin. Nagbibigayan sila sa lahat ng bagay, ito man ay pagkain o laruan. Sabay din silang nag-aaral ng aralin. Ang magkaibigan ay laging magkasama sa lahat ng gawain. Paksa o Tema __________________________________________ 3. Ang matandang puno ng Acacia ay hinahangan sa bayan nila Mina at Jerry. Sa tuwing nagsisimba sila ng kanilang pamilya ay humihinto sila sa tapat nito upang ito ay tingalain. Napakatayog ng matandang puno kaya’t lalo nitong napapatingkad ang malalapad na mga dahon. Ito ang palatandaan sa kanilang bayan upang madaling mapuntahan. Paksa o Tema __________________________________________
15 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 4. Ang traysikel ni Mang Dado ay sikat sa daan. Ito ang siyang tagahatid at tagasundo sa mga bata papuntang paaralan. Malinis at may mga harang ang traysikel upang matiyak ang kaligtasan ng sumasakay. Napapangiti ang mga batang sumasakay dito kapag nakikitang paparating na si Mang Dado kasama ang kaniyang traysikel. Paksa o Tema __________________________________________ 5. Ang walis tambo ni Aling Perla ay mabentangmabenta. Pulido at malinis ang pagkakagawa nito. Matibay at hindi agad nasisira. Kaya naman maraming nag-aabang kay Aling Perla at sa gawa niyang walis tambo. Paksa o Tema _________________________________________
16 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Karagdagang Gawain Panuto: Magbasa ng alinmang kuwento o sanaysay. Isulat sa iyong kuwaderno ang tema o paksa ng binasang teksto. Gayahin ang format sa ibaba. _____________________ Pamagat Paksa o Tema: ___________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________
17 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Susi sa Pagwawasto Tuklasin 19 - COVID 1. Curfew 2. Aarestuhin at 3. Pangangaralan Tanggapin lahat ng sagot 4. 19 - COVID , curfew/ tanggaping ang 5. aaral - sagot ng mag Subukin b 1. c 2. c 3. b 4. b 5. Balikan 1. Mayang pusa at Dona daga 2. pusa at daga 3. bukirin/bukid 4. walang makain lugar/ 5. naghanap ng ibang Tanggapin ang ibang sagot Suriin ng Pagkakaisa 1. Pilipino Pagyamanin Mangoosteen 1. Musika 2. Pilipino 3. Bukid 4. Pamilya 5. Isaisip Mambabasa 1. Paksa o Tema 2. teksto 3. diwa 4. talata 5. Isagawa aksaya ng tubig - nag 1. Hindi nakasara ang gripo 2. aksaya 3. aksaya - Huwag mag 4. Maging matipid sa tubig 5. Tayahin Ang sapatos 1. Ang magkaibigan 2. Acasia/puno 3. Traysikel 4. Walis tambo 5.
18 CO_Q3_Filipino 3_ Module 4 Sanggunian Department of Education. 2020. “Totoy - Ro Tubi Hay Kabuhi.” Deped LR Portal. April 30, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/13359.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]