CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 8: Paglalarawan ng Damdamin ng Isang Tauhan sa Kuwentong Napakinggan 1
Filipino – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 8: Paglalarawan ng damdamin ng isang tauhan sa kuwentong napakinggan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region II Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mary Cris B. Gadiano Editor: Aprilyn F. Kimmayong, Romeo A. Bugayong Jr. Tagasuri: Ronald T. Bergado, Rozen D. Bernales, Bennedick T. Viola Tagaguhit: Aprilyn F. Kimmayong Tagalapat: Aprilyn F. Kimmayong, Jerson Rod A. Acosta Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Jessie L. Amin Rhoda T. Razon Octavio V. Cabasag Rizalino G. Caronan Roderic B. Guinucay Jorge G. Saddul, Sr. Felimendo M. Felipe Fe G. Buccahan
1 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 8: Paglalarawan ng Damdamin ng Isang Tauhan sa Kuwentong Napakinggan
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pang ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating magaaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Alamin Ang modyul na ito ay binuo para sa batang katulad mo na nasa unang baitang upang maisagawa ang paglalarawan ng damdamin ng tauhan sa kuwentong napakinggan. Ang mga gawaing makatutulong sa iyo upang mailarawan ang damdamin ng tauhan sa kuwentong napakinggan. Ang modyul na ito ay tumutugon sa: • paglalarawan ng damdamin ng tauhan sa kuwentong napakinggan Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: • makapaglalarawan ng katangian ng tauhan sa kuwentong napakinggan (F1PN-IIi-11) • mailalarawan ang damdamin ng tauhan sa kuwentong napakinggan
2 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Subukin Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sumusunod. Anong damdamin ang inilalarawan ng bawat bilang? Isulat ang letra ng tamang sagot. 1. “Naku anak, anong nangyari sa’yo? Bakit may gasgas ang tuhod mo?” Si Aling Selya ay______. a. nagsasaya b. nag-aalala c. natatakot 2. “Wow! Ang ganda naman ng regalo ko.” Ang bata ay_______. a. natatakot b. nalulungkot c. nagsasaya 3. “Naku, paano na ito? Hindi ko natapos ang ipinapagawa ni Nanay.” Ang nagsasalita ay ______. a. nasisiyahan b. nagulat c. nag-aalala
3 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Para sa bilang 4-5, basahin ang kasunod na kuwento at sagutin ang mga tanong. 4. “Bonito, anak, bumangon ka na,” malambing na gising sa akin ng aking ina. Ano ang dadamin ng Nanay ni Bonito sa pahayag na ito? a. Siya ay nagagalak. b. Siya ay naglalambing. c. Siya ay nagagalit. KAYSAYANG MAG-ARAL! ni Elvie G. Corpuz “Bonito, anak, bumangon ka na,” malambing na gising sa akin ng aking ina. “Lunes ngayon at simula na ng mga bagong aralin para sa linggong ito. Kailangan mong ihanda ang iyong sarili bago magsimula,” paalala ni Nanay. Iniligpit ko ang aking higaan, naglinis ng katawan at isinuot ko ang aking uniporme nang buong sigla. Sa ganitong paraan, damang-dama ko na parang nasa paaralan na rin ako. Masaya ako tuwing Lunes. May mga bagong aralin na naman akong matututuhan. Tinuturuan ako ng aking ina, siya ang aking guro. Ma’am Joy ang tawag ko sa kanya. Kapag ako ay pagod na, hinahayaan muna niya akong laruin ang bago kong alagang aso, si Tanus. Bigay ito ng aking lola sa Cavite, si Lola Margarita. Tunay na kaysayang mag-aral, sa paaralan man o sa tahanan sapagkat sa dalawang lugar na ito tiyak na marami akong matututuhan.
4 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 5. “Masaya ako tuwing Lunes. May mga bagong aralin na naman akong matututuhan.” Siya ay __________ a. nagugulat b. natutuwa c. nagtatampo Balikan Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Tukuyin kung ito ay salita o pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang bata ay masayang naglalaro. 2. Nag-iigib 3. Umiinom ako ng gatas tuwing umaga. 4. Kalabasa 5. Masinop si Adam.
5 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Tuklasin Para sa Magulang o Tagapagpadaloy: Basahin ang kuwento at gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong. Panuto: Nasubukan mo na bang magpasalamat? Paano mo ipinakikita ang iyong pasasalamat? Pakinggan o basahin ang maikling kuwento. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Kamay ni Gng. Mary Cris B. Gadiano Nagpaguhit si Ginang Buan sa kaniyang klase sa nais ng mga batang pasalamatan. May gumuhit ng kotse, pusa, bahay, mga tanawin at iba pa. Ngunit kakaiba ang iginuhit ng batang si Maya. Iyon ay kamay. Nang tanungin siya ng mga kamag-aral kung bakit niya
6 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 pasasalamatan ang kamay, hindi siya sumagot kaya nag-isip ang kaniyang mga kamag-aral. Oras na ng reses at naiwang nag-iisa si Maya sa kaniyang upuan. Tinanong ni Gng. Buan ang dahilan. “Maya, bakit kamay ang iginuhit mo?” “Titser, iyon po ang kamay ninyo na lagi pong tumutulong sa akin.” Tumulo ang luha ni Ginang Buan sa kasiyahan. Inaalalayan niya kasi si Maya sa lahat ng kaniyang galaw dahil siya ay lumpo. “Titser, salamat po sa inyong kamay na laging tumutulong sa akin upang ako ay makagalaw at makapag-aral nang mabuti. Lagi ko po kayong ipagdarasal na pagpalain po sana kayo lagi ng Diyos,” nakangiting sabi ni Maya. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang nagpaguhit sa mga bata? 2. Ano ang mga dapat nilang iguhit? 3. Sino ang may kakaibang iginuhit? 4. Ano ang iginuhit ni Maya? Bakit? 5. Ikaw, ano o sino ang nais mong pasalamatan? Bakit?
7 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Suriin 2. Paano nailarawan ang damdamin ni Maya? Ang paglalarawan ng damdamin ng tauhan sa isang Panuto: Balikan ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa kahon na nasa ibaba. 1. Anong damdamin ang inilalarawan ni Maya ng siya ay nagpasalamat sa kaniyang guro? kuwento ay maaaring mahinuha sa pamamagitan ng pagunawa kung ano ang kaniyang ikinikilos, paano ito nagsasalita, at kung paano nagpapakita ng kaniyang mga reaksyion sa mga sitwasiyon sa kuwento.
8 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Pagyamanin 1. Ipinagbawal ng Punonglungsod ang paglabas ng mga batang 15 taong gulang pababa. Si joy ay anim na taong gulang pa lamang. Kaya si Joy ay ___________. 2. Nalinisan na ni Lisa ang buong bahay. Pagkatapos ay dumating ang kaniyang Nanay. Ang nanay ni Lisa ay _______________. 3. Nasira ni Rodel ang laruan ni Miko. Kaya si Miko ay ______________. Panuto: Tukuyin ang damdamin ng tauhan sa mga sumusunod. Isulat ang damdamin naipinahahayag sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
9 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 4. Nawala ni Belen ang kaniyang pera kaya siya ay _______________. 5. Nakatanggap si Rose ng regalo kaya siya ay _________________. Isaisip Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang salitang dapat ilagay sa mga patlang. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Ang paglalarawan ng 1. ______________ ng tauhan sa isang kuwento ay maaaring mahinuha sa pamamagitan ng pagunawa kung ano ang kaniyang ikinikilos, paano ito 2.____________, at kung paano 3.______________ ng kaniyang mga reaksyion sa mga sitwasiyon sa kuwento. A. nagsasalita B. damdamin C. nagpapakita
10 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Isagawa Panuto: Ilarawan ang damdamin ng tauhan sa bawat kuwento. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel. 1. Nagising si Jay na wala na ang Nanay sa kaniyang tabi. Hinanap niya ito pero wala pa rin. Si Jay ay _______________. 2. Malalaki na ang mga pananim ni Adam at namumunga na ang mga ito. ______________ si Adam habang tinitingnan ang kaniyang mga halaman. 3. Gabi na at madilim na ang paligid. Nagi-iisa si Julie sa kanilang bahay. Biglang namatay ang ilaw at may kakaibang tunog siyang narinig. Kaya si Julie ay ________________ na. 4. _______________ si Aling Nena sa humablot ng bag niya. 5. Nasira ang bagong laruan ni Jolo kaya siya ay _______________. masaya malungkot nag-aalala natatakot nagulat galit
11 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Tayahin Panuto: Pakinggan ang kuwento habang binabasa ng magulang. Pagkatapos, ilarawan ang damdamin ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagguhit. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ang Matapat na Kambal ni Mary Cris B. Gadiano Isang araw, masayang naglalakad ang kambal na sina Frendel at Efraim patungo sa paaralan. Sila’y masayang nagkukuwentuhan nang makakita sila ng isang pitaka. “Kuya Frendel, pulutin natin ang pitaka at ilagay natin ito sa “Lost and Found Corner” ng ating paaralan. Patakbong naglakad ang kambal para makarating sa kanilang paaralan. “Magandang umaga po guro!” bati ng
12 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 kambal. “May napulot po kaming pitaka sa daan patungo dito sa paaralan.” “Salamat mga anak dahil ito ang pitakang hinahanap ko,” wika ng guro. Ang kambal ay pinarangalan ng kanilang paaralan bilang pagkilala sa ipinamalas na katapatan. 1. Ihayag ang damdamin ng kambal habang naglalakad. 2. Ihayag ang damdamin ng kambal habang nagkukuwentuhan. 3. Ihayag ang damdamin ng kambal nang may nakita silang pitaka. 4. Ihayag ang damdamin ng guro ng makita ang hinahanap na pitaka. 5. Ihayag ang damdamin ng kambal ng sila ay pinarangalan ng paaralan dahil sa kanilang katapatan.
13 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Karagdagang Gawain 1. Nakawala ang kalabaw ni Tatay. 2. Masunurin ang mga anak ni Nanay. 3. Nasira ni bunso ang paboritong laso ni ate. 4. Nahulog si kuya mula sa puno. 5. Kumulog ng malakas. Nag-iisa si ate sa bahay. Panuto: Isulat ang damdamin ng tauhan sa mga sumusunod na sitwasiyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
14 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Susi sa Pagwawasto Karagdagang Gawain Malayang pagsagot Tayahin masaya 1. masaya 2. nagulat 3. masaya 4. masaya 5. Isagawa aalala - nag 1. masaya 2. natatakot 3. galit 4. malungkot 5. Pagyamanin malungkot 1. masaya 2. galit 3. malungkot 4. masaya 5. Suriin Masaya 1. Nailarawan ang 2. Maya damdamin ni base sa kaniyang kilos at panalita. Isaisip B 1. A 2. C 3. Tuklasin Tanggapin ang 1. anumang kasagutan ng bata na angkop sa katanungan. Si Ginang Buan 2. Mga dapat nilang 3. pasalamatan Si Maya 4. Kamay. Ito ang 5. kamay ni Ginang Buan, ang kaniyang laging guro na tumutulong o umaalalay sa kaniya para siya ay makagalaw dahil sa siya ay lumpo Subukin b 1. c 2. c 3. b 4. b 5. Balikan pangungusap 1. salita 2. pangungusap 3. salita 4. pangungusap 5.
15 CO_Q3_Filipino 1_ Module 8 Sanggunian K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016 A DepEd BEAM Distance Learning Program Australian Government AusAID Mary Cris B. Gadiano, Teacher III, VHSES, Maddela I Aprilyn F. Kimmayong, Teacher III, VHSES, Maddela 1 Larawan ng kambal, English for You and Me, Reading and Language Textbook for Grade 2, page 24 Corpuz, Elvie G. Filipino 1 Ikalawang Markahan- Modyul 4: Wastong Gamit ng Pangngalan. Science City of Muñoz CIDLRMS. 2020
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]