CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 14: Mga Babala sa Paligid 1
Filipino – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 14: Mga Babala sa Paligid Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region II Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Aprilyn F. Kimmayong Editor: Romeo A. Bugayong Jr. Tagasuri: Ronald T. Bergado, Rozen D. Bernales Tagaguhit: Julious A. Perucho Tagalapat: Aprilyn F. Kimmayong, Teodorico A. Cabildo Jr. Tagapamahala: Benjamin D. Paragas PhD, CESO V Jessie L. Amin EdD, CESO V Octavio V. Cabasag PhD Rizalino G. Caronan Roderic B. Guinucay Jorge G. Saddul, Sr. Felimendo M. Felipe Fe G. Buccahan PhD
1 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 14: Mga Babala sa Paligid
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang katulad mo na nasa unang baitang. Layunin ng modyul na ito na matulungan kayong maisagawa ang pagbabasa ng mga salita at babala na madalas makikita sa paligid. pagbabasa ng mga salita at babala na madalas makita sa paligid. Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: makapagbasa ng mga salita at babala na madalas makita sa paligid nang may kagalakan. (F1PT-IIIb-2.1-IIi-6)
2 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Mag-ingat, basa at madulas ang sahig. Bawal dumaan dito. Mag-ingat sa pagbaba at pag-akyat. Delikado. Bawal magbaba at magsakay ng pasahero dito. Tumigil. Subukin Para sa magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot. Panuto: Basahing mabuti sa Hanay A ang mga salita at babala na madalas nating makita sa ating paligid. Pagkatapos, itambal ang babala sa angkop na larawan sa Hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. A. 2. B. 3. C. 4. D. 5. E. F.
3 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Balikan Para sa magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot. Panuto: Pag-ugnayin ang teksto sa Hanay A sa angkop na larawan nito sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. Mahilig magbasa si Toto. A. 2. Magaling umawit si Dante. B. 3. Masipag maglaba si Lina. C. 4. Nasa bukid si Tatay. D. 5. Mahilig uminom ng gatas si Dino. E. F.
4 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Tuklasin Gabay para sa mga Magulang: Basahin ang kuwento at ipasagot sa iyong anak ang mga tanong. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba nang buong husay. Ang Unang Araw sa Lungsod ni Aprilyn F. Kimmayong Araw ng Linggo at araw para sa pamilya. Ito ang araw na gustong-gusto ni Abby dahil madalas mamasyal ang pamilya pagkatapos ng misa. Sa lungsod mamamasyal ang pamilya sa araw na iyon. Manghang-mangha si Abby sa kaniyang nakikita. Ang tataas ng mga gusali. “Napakaganda sa lungsod!”, ang nasambit ni Abby. Dahil sa hilig ni Abby ang magbasa, lahat ng kaniyang nakikita sa paligid ay kaniyang binabasa. “Stop”, at biglang tumigil ang kanilang sasakyan, “Go”, at umandar na ulit ang sasakyan. “Bawal magbaba at magsakay ng pasahero dito.” “No U-Turn.” “No Left Turn.” “Laging magingat.” at marami pang iba. “Mama, bakit po may mga nakasulat na ganoon?” “Anak, ang mga iyon ay babala para sa atin. Para maiwasan natin ang disgrasiya at para maging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa kalsada.” Marami pang nabasa si Abby sa araw na iyon at lahat ng iyon ay kanilang sinunod at naging maayos at masaya ang kanilang pamamasyal. Ito ang unang araw ni Abby sa lungsod.
5 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa kuwento: 1. Sino ang namasyal sa lungsod? 2. Ano-ano ang mga nabasa ni Abby sa pagpunta niya sa lungsod? 3. Ano ang ibig sabihin ng “Stop”? 4. Ano ang ibig sabihin ng “Go”? 5. Mahalaga ba ang mga babalang ito sa daan? Bakit? 6. May mga nabasa ka na rin bang babala o salita sa ating kapaligiran? Ano-ano ang mga ito? 7. Ikaw, nakarating ka na rin ba sa isang lungsod? Saan? 8. Ano-ano ang mga nagustuhan mo dito? Bakit? Suriin Para sa magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot. Madalas tayong makabasa ng mga babala o salita sa ating paligid. Ang mga ito ay nakatutulong upang makaiwas tayo sa anumang sakuna o disgrasiya. Ito rin ang mga nagiging gabay natin para sa tama nating gagawin. Ang mga sumusunod ay babala o salita na madalas nating makita sa ating paligid. Ano kaya ang dapat nating gawin kapag nabasa natin ang mga ito? Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Mag-ingat. May malaking aso. A. Huwag lumapit sa aso dahil maaaring mangagat ito. B. Maaaring lumapit sa aso.
6 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 2. 3. 4. 5. A. Tumigil sa paglalakad. B. Maaari nang magpatuloy sa paglalakad. No Parking A. Maaaring magsakay at magbaba ng pasahero. B. Bawal magbaba o magsakay ng pasahero sa lugar na ito. C. A. Bawal pumarada ang sasakyan. B. Maaaring pumarada ang sasakyan. A. Maaaring tumawid sa lugar na ito. B. Bawal tumawid sa lugar na ito.
7 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Pagyamanin Gabay para sa mga Magulang: Gumuhit ng sa loob ng kahon kung nabasa nang wasto ng iyong anak ang mga pahayag. Panuto: Basahin nang buong husay ang sumusunod na babala at salitang madalas nating makita sa paligid. 1. 2. 3. 4. 5. Maghugas ng kamay nang madalas. Magsuot ng panakip sa ilong kapag lalabas ng bahay. Tumawid sa tamang tawiran. Huwag lumapit sa pagawaan. Delikado. Laging mag-ingat.
8 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Isaisip Isagawa Para sa magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsulat at pagbasa. Panuto: Kopyahin sa kuwaderno ang sumusunod na babala o salita na madalas nating makita sa paligid. Pagkatapos, basahin nang buong husay. 1. Bawal umakyat sa puno. Delikado 2. Malalim ang tubig. 3. Itapon ang basura sa tamang lalagyan. 4. Laging maghugas ng kamay. 5. Kumain nang masustansiyang pagkain. May mga salita o babala na madalas nating makita at mabasa sa ating paligid. Ang mga ito ay nakatutulong at nagsisilbing gabay sa atin para makaiwas tayo sa anumang sakuna o disgrasiya sa ating kapaligiran. Ating isaisip at sundin ang mga ito.
9 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Tayahin Para sa magulang/guro: Gabayan ang bata sa pagsagot. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na babala o salita. Kulayan ng pula ang hugis puso sa bawat bilang kung ang salita o babala ay nakatutulong para makaiwas tayo sa sakit o kapahamakan. 1. Maligo araw-araw. 2. Kumain ng prutas at gulay. 3. Laging maghugas ng kamay. 4. Bawal tumawid, delikado. 5. Mag-ingat! Madulas ang sahig. Karagdagang Gawain Panuto: Isulat sa kuwaderno ang limang (5) mga salita o babala na madalas nating nakikita sa paligid at basahin ang mga ito nang buong husay. 1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ 3. ___________________________________________________ 4. ___________________________________________________ 5. ___________________________________________________
10 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Susi sa Pagwawasto Tayahin pula May kulay 1. pula May kulay 2. pula May kulay 3. pula May kulay 4. pula May kulay 5. Suriin A 1. B 2. B 3. A 4. A 5. Balikan B 1. A 2. D 3. F 4. E 5. Subukin C 1. D 2. A 3. E 4. F 5.
11 CO_Q3_Filipino 1_ Module 14 Sanggunian Department of Education, K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes, p. 146
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]