tanikala
ni K.M Imperial
PASASALAMAT
Nagpapasalamat ako kay Papa dahil masarap ang
timpla niya sa kape ko tuwing umaga kasabay ng
mabawang na palabok galing sa karinderia.
Nagpapasalamat ako kay Mama dahil inaaya niya
ako magkape kapag alas dos na ng madaling
araw at tuloy pa rin ako sa pagtipa ng mga
kuwento.
Sa bunso kong kapatid na tinitimpla ako ng kape
tuwing tanghaling tapat.
Sa panganay kong kapatid na pinapainom ako sa
malamig niyang kape.
Nagpapasalamat ako sa sarili ko kasi nandito pa
ako at umiinom ng kape.
Saka kay Lord.
PAMBUNGAD
Isang lagakan ng iba’t ibang karanasan ang papel. Lalo ngayong kasalukuyang
panahon na kung saan hindi lamang ang pandemya ang krisis dahil umiiral din
ang sakit ng kamangmangan, krisis sa matinong pag-iisip, at bayrus ng
kabuktutan. Kailan ba tayo sumulat ng magagandang ala-ala? Sa totoo lang, mas
nakapagsusulat ako kapag napupuno na ako ng pagdurusa –ng nagngangalit na
emosyong hindi ko mailabas dahil apologist ang aking pamilya.
Hindi ito tungkol sa akin.
Matapos bawiin ang mahigpit na lockdown, doon ka lang ulit nasilayan ang
Maynila –sa pinakamalungkot na bersyon nito. Madalas kong lakarin ang
MacArthur Bridge pero sarado na ang tawiran dito. Madalas gumaan ang
pakiramdam ko habang puno ng liwanag ang bagon ng LRT na sinasakyan ko
pero umuulan ng oras na iyon. Sa tingin ko, iyon na yata ang pinakamatagal na
paghihintay ko sa istasyon ng Central. Napatulala na lang ako sa mga tao.
Napansin ko kung gaano sila kasaya umalis, ngunit lukot ang mga mukhang uuwi.
Marahil iniisip nilang balik na naman sa komportableng bilangguan. Hindi ko alam
pero nakasanayan ko na yatang romantisahin ang kalungkutan, pag-iisa, dusa…
Pilit ko itong pinapaganda sa pamamagitan ng talinhaga, ng iba-ibang kulay at
simbolo. Ngunit sa mga tamang mambabasa, lalabas din ang tunay na anyo nito.
Hindi ito tungkol sa akin.
Sabi nila, lahat tayo ay may krus na pasanin –pero sinabi rin ba nila kung tig-iilan
tayo ng krus na kayang dalhin? Magkakasinghaba ba tayo ng kalbaryo?
Magkakapareho ba tayo ng bilang ng tinik sa korona? Marahil walang konkretong
sagot, marahil ang sagot din naman ay “magkakaiba tayo,” pero iisa lang ang
sigurado –lahat tayo ay alipin ng kung ano.
Kaya sinikap kong ilagak ang iba’t ibang dusa ng iba’t ibang tao sa kalipunang
papel na ito.Tulad ng kahirapan at pagdurusang kinakaharap natin ngayon –
pumili ka na lang kung anong tanikala ang maggagapos sa iyo.
NILALAMAN
PASASALAMAT..................................................................................................................I
PAMBUNGAD......................................................................................................................II
NILALAMAN.........................................................................................................................III
DAGLI
Si Hannya...........................................................................................................................2
Sa Biyahe............................................................................................................................3
Sino ka?...............................................................................................................................4
TULANG MAY TUGMA
Bakit mahirap gumising sa umaga?...........................................................................6
Ang pagpapatiwakal ng pluma...................................................................................7
Dagdag o nakaw kultura...............................................................................................8
TULANG MALAYA
Tahanan............................................................................................................................10
Nakatalik ko na sila........................................................................................................11
Dead on Arrival...............................................................................................................12
LATHALAIN
Pang-aalipin ang paghahanap ng susi sa tagumpay........................................13
SANAYSAY
Lente: Lunsaran ng pedagohiya't adbokasiya....................................................16
Sino ang totoong terorista?:
Ang pinagmulan at konteksto ng Bangsamoro.................................................18
MAIKLING KUWENTO
kapos-pasok-sakop......................................................................................................21
Sintensya.........................................................................................................................23
DULA
Walang katapusang lunes..........................................................................................27
MALAYANG AKDA
Fibonacci Poem- Anak.................................................................................................29
Spoken Word Poetry- Agaw-Buhay.......................................................................30
Kritikal na sanaysay- Plakard at Pluma: Pagsusuri sa
kakayahan ng mga Plakard sa Pagtindig at Pakikibaka ayon
sa lente ng Critical Discourse Analysis...................................................................39
SANGGUNIAN....................................................................................................................41.
Isulat mo kung anong naiisip
mo --kung hindi, kasabay
mong mawawala iyan.
-Prof. Joel Malabanan
Tanikala
Tanikala
Mga Dagli
DAGLI
SI HANNYA
Alas tres na ng madaling araw ay gising pa si Hannya. Humihikbi dahil sa muling
paggising ng demonyo. Umupo siya sa kama, pinakiramdaman ang paligid. Nang
masigurado niya na hindi nga siya nag-iisa ay dahan-dahan siyang pumunta sa
kusina upang kumuha ng armas. Gusto na niyang matigil ang demonyo. Matagal
na siyang hindi nakakatulog.
Bago bumalik sa kuwarto ay nagdasal muna si Hannya.
"Ama namin sumasalangit Ka sambahin ang ngalan Mo." Tatlong ulit siyang
nagdasal para sa gabay.
"Amen." Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at tuluyan na siyang
bumalik sa kuwarto. May anino --isang anino sa salamin! Mahahabang sungay --
isang demonyo!
"Mamatay kana!!" Sigaw ni Hannya habang sinasaksak ang demonyo. Galit na
galit at gigil na gigil. Sinigurado niyang tatagos ang kutsilyo sa katawan ng
diablo. Naririnig niya itong tumatawa pero nang maka-labing tatlong saksak na
siya ay biglang nawala ang demonyo kasabay ng pagbagsak ni Hannya.
Duguan.
Tanikala 2
DAGLI
SA BIYAHE
Traffic.
Mahigit isang oras nang nakahinto ang jeep at mahigit Isang oras na ring
nakatitig sa akin ang mamang kaharap ko. Payat at puro tattoo.
Masama ang kutob ko kaya niyakap ko ang aking bag at ipinagkabit ang
pinakamataas na butones ng blouse ko.
Sa buong oras ng biyahe ay tahimik lang siya --ngunit nakatitig sa akin.
Paminsan-minsan siyang humahawak o kumakamot sa may bandang puson niya.
Gusto kong sumigaw dahil hinahawakan niya ang kaselanan niya sa harap ko
pero hindi. Nanghina na lang ako at hindi na siya pinansin.
"Para!" Sigaw niya na nagpaagaw ng atensyon ko. Bago siya bumaba ay muli
siyang kumamot at tila may dinukot sa bandang puson niya --sa loob ng
pantalon niya.
Sinuot niya ang rayban.
Humihina ang kabog ng dibdib ko at napalitan ng awa habang lumalayo siya at
hinahayaang kapain ng tungkod niya ang kalsada.
Tanikala 3
DAGLI
SINO KA?
Isang bagong araw nanaman at nagmamadali na akong naghanda upang
tumungo sa sa kinaroroonan ni Jade. Kinuha ang mga kuwadernong nasa lapag
at maging ang uniporme sa kabinet.
“Lagi ko nalang nakakalimutan plantyahin ang mga uniporme ko.”
Habang inaayos ito ay napagtanto ko na panigurado ay hindi nanaman iyon
natigil sa pag iyak. Inaalala lahat ng problema niya sa bahay at sa eskwela.
Wala naman bago dun. Simula ng nawala ang kaibigan n'ya hindi na s'ya
makausap ng maayos dahil natabunan na ng lungkot at depresyon ang isip n'ya.
At malamang ay di rin iyon nag-aayos ngayon sa sarili niya.
Sinukbit ko na sa balikat ko ang bag ay naglakad pa punta sa harapan ng
salamin. Napatigil ako sa nakita kong repleksyon ng biglang bumukas ang pinto.
“Jade. Anak tama na please, halos isang taon ng wala ang kaibigan mo. Araw-
araw ka nalang ganyan.”
Tanikala 4
Tanikala
Mga TULAng tugmaan
TULANG TUGMAAN
BAKIT MAHIRAP GUMISING SA UMAGA?
Para saan pa ang araw at tanawin
Kung sakal-sakal ng gobyerno ang mga leeg natin
Saan pa ba ako huhugot ng lakas sa paglaban
Kung patuloy lang din ang pagtarantado ng makakapangyarihan
Sa pag-iisa't lumbay na matagal nang nanunuot
Unti-unting lumalaki, bumibigat naging hinanakit at poot
Saan ba ako kayang dalhin ng galit, wala namang inaasahang pagbabago
Patuloy lang sa pagyurak ng buhay ang gobyerno.
Sa tagal kong poot, at sa dilim na nananaig
Tila nawalan na ng puwang ang pag-ibig
Sa pamilya, kaibigan, at pagkapit sa buhay
Manhid, malamig na ang kaluluwa't nalulumbay
Hindi alam kung saan patungo at tutungo
Walang laban, at hindi ko na rin kayang maghintay pa ng pagbabago
Matagal na ang isang taong nakapiit nang todo
Hinihintay na lang kung sinong unang susuko, ang mundo ba o ako.
Tanikala 6
TULANG TUGMAAN
ANG PAGPAPATIWAKAL NG PLUMA
Matagal na panahon ang aking ginugol,
Humulagpos sa tanikalang ubod ng sahol.
Nagpamulat kahit ang katapat ko'y isang kalabit lang ng gatilyo.
Matatapos ang katotohanan nang laplapin ng mga bala ang sentido.
Sagrado ang mga libro, at kaaway ang mga edukado,
Nagsama-samang mga bobo para maliin ang totoo.
Dapat lang sa inyong magpakasakit ng todo,
Tanggapin ng bukas-loob, iaalay ang sarili sa sariling Poncio Pilato.
Husto na ang lahat, at wala nang silbi pa,
Kung ang kutsilyong nagpadanak ng dugo ang sinasamba nila.
Berdugong hindi lang pumatay, ngunit binaboy din ang bayan at madla
Ano't nagpapasalamat pa sa taong gumahasa sa kaniya?
Tunay nga kayong mga anak ng puta,
Lumuluhod, sumasamba sa mga taong humalay sa kaniya.
Matapos parausan, babalik at muling kikitilin,
Oh, bayan ko ang hirap at nakamamatay kang mahalin.
Tanikala 7
TULANG TUGMAAN
MODERNISASYON AT GLOBALISASYON: DAGDAG O NAKAW KULTURA?
Dulot ng modernisasyon at pagbabago; Higit sa lantad na kahalagahan sa teknolohiya
Nag-iba rin ang pamantayan ng tao. Mayroon din itong dulot sa kultura
Bumilis ang ikot ng mundo; Popular, sikat, lundayan ng uso
Paspasang naluluma, at may pumapalit na Pagbabago, pag-usad, kalakip ba talaga ang
uso. progreso?
Tila makapangyarihang bagay; Sa pagtambak ng popular sa nakagisnan
Dulot ng teknolohiya sa buhay. Pinapatay ba nito ang kasaysayan?
Pinalitaw ang mga prebilehiyo’t elitista, Birheng kultura, mababahiran ng kalayaan
Nilugmok ang mga mahihirap at Pag-unlad ba, o panghihimasok ng diwang
manggagawa. makakanluran?
Hinati ng teknolohiya ang lipunan. Isa rin sa aking pinag-iisipan,
Lumikha pa ng pantasya sa kaisipan. Dahil ang kung anong uso ay dinidikta ng
Ngayong sagisag na ang gadgets ng makakapangyarihan.
nakakaangat sa buhay; Iphone, musika, laro, kaisipan, lahat ay galing sa
Sino-sino kaya ang pinepeke ang dayuhan.
kakayahan, at sino ang tunay? Ito’y tila pagbura sa sariling pagkakakilanlan.
Dahil sa kagustuhan at pangangailangan; Ano’t ano pa man, ang pagbabago ay pag-
Gitnang uri naiipit, napapagitnaan. usad.
Mahalaga ba ang pag-upgrade sa mga Ang kulturang popular ang ebidensyang lantad.
bagay-bagay? Nasa pagtangkilik, pag-aaral at pagsusuri dito
Kung ang utang naman ay babayaran ang sagot.
habang buhay? Kung mabuti ang epekto nito, o ang kaakuhan
nati’y malalagot.
Tanikala 8
Tanikala
Tanikala
MMggaa TTUULLAAnngg MMAALLAAYYAA
TULANG MALAYA
TAHANAN
Tinawag itong tahanan
dahil nandito ang katahimikan,
Dito ka bumabalik pagkatapos mong malunod sa panghuhusga.
Matapos kang laspagin ng nagmamadaling oras.
Babalik,
Pero paano kung ang binabalikan ko
ay isa ring hukuman.
Dito namamalagi ang mas mabibigat na hatol.
Isang maling galaw,
may mga posas na babalot sa kamay
Isang maling salita,
ikukulong sa isang bartolina.
Paanong kung ang tahanan
ay siya na ring dahilan ng iyong pag-iyak?
Sino na ang magpapatahan sa'yo?
Tanikala 10
TULANG MALAYA
NAKATALIK KO NA SILA
Nakita ko, naramdaman ko ang pagtulos niya ng kaniyang kahabaan sa'kin. Iba't ibang
anggulo at posisyon pero iisa ang sarap.
Nakita ko, naramdaman ko kung paano siya gumiling, kung paano niya himasin ang meztisa
kong kabuuan. Kung paano niya, iatras at iabante. Kung paano siya lumabas at pumasok,
kung paano siya humugot at bumaon. Paulit-ulit na siklo pero iisa ang sarap.
Nakita ko, naramdaman ko ang pagdating namin sa rurok. Sa panahon na ito'y isa kaming
manlalakbay na nakaabot sa ika-pitong langit. Minsan ay isa kaming marino at sinisisid ang
kaluluwa ng isa't isa. Minsan kami ang dilim at mga bituin na palaging nagkakayakap sa
gabi. Iba't ibang panahon pero iisa ang sarap.
Nakita ko, naramdaman ko kung paano pumuslit ang masaganang itim na katas. Oo,
nakatalik ko na ang pluma. Sa akin nila inilalalabas lahat ng emosyon, sinusulat ang mga
reaksyon at doon nagsisimula ang romansa. Nakagawa na kami ng akdang nakapagbago sa
mundo. Kami ang may gawa ng mga kaalamang nakalimbag. Anak namin ang abakada.
Hindi ako nahihiya, malamang isa akong magdalena, iba't ibang pluma na ang bumaybay sa
aking kalaparan. May mga plumang sanay sa balbal na mga salita, may mga plumang
nagpapanggap na edukado, mayroong elitista. Iba't iba ang estilo pero iisa ang sarap.
Tanikala 11
TULANG MALAYA
DEAD ON ARRIVAL
'Pag namatay ako, halimbawa nasagasaan,
mararamdaman ko sa umpisa 'yung sakit,
tapos mamaya ay mamanhid na ang buong katawan,
maraming dugo na ang lalabas mula sa'kin.
Darating ang mga ambulansiya pero huli na.
Magpapahinga na ako.
Iisipin ko, "sa wakas puta! Hindi ako nag-suicide.
Nalabanan ko ang tukso! Iba ang pumatay sa'kin."
Hahangos ang pamilya ko matapos nilang malaman na dead on arrival na ako.
Mapupunta ako sa morgue.
Sarap ng aircon dito a.
Iiyak sila, siyempre. Maalala lahat ng alaala, pangungulit ko--
Nagulat ako nang kalabitin ako ng waiter.
Nasa fastfood chain ako at mag-isang kakain. \Hindi ako sinipot e.
Ang lalim na ng naisip ko.
"Thank you," sambit ko sa nag-serve.
Inunat ko ang mga paa ko. Nilaro ang staw sa coke float.
Ngayon lang ako nawalan ng aywan ko ba!
Pakiramdam ko may nawala na naman sa'kin.
Noon, wala akong pangarap, noong nakaraang taon, sinipag ako. Kahit gusto ko nang
sumuko sige pa rin dahil may gusto akong makamit.
Ngayon, buhay pa rin naman ang mga pangarap ko pero kung mamamatay ako ngayon
ay ayos lang din sa akin.
Kinuha ko ang float at lumabas na.
Sa bahay ko na ito kakainin.
Para bang okay lang sa'kin. Kung mabuhay, itutuloy ko ang plano ko dati,
kung mamatay, edi mamatay.
Tumawid ako kahit lunod pa rin ang isip
Naging berde ang ilaw.
Tanikala 12
Tanikala
lathalain
LATHALAIN
PANG-AALIPIN ANG PAGHAHANAP NG SUSI SA TAGUMPAY
Isa sa pinakamahirap na lugar ang kinatatayuan ng Sindangan Elementary School sa
bahaging Southern Leyte. Kung titignan ang kulang-kulang na pasilidad, at ang layo nito sa
kabihasnan, hindi mo maiisip na makapaghahabi ito ng kahusayan at galing.
Bagamat naging normal na sa atin ang sitwasyon ng mga tao sa malalayong probinsya at
bundok, lalo ang kalagayang pang-edukasyon nila. Hindi kailan man magiging balakid sa
kanila ang kasalatan at kahirapan. Mas malaki at maningning ang mga pangarap nila, at
sigasig upang maiangat ang edukasyon ng kanilang paaralan.
Sa kalagayan ng lugar at paaralan, salat ito sa kagamitan at kahandaan. Kilo-kilometro ang
layo nito at hindi sapat ang mga pasilidad. Ngunit hindi rin naman matatawaran ang
mapusong pagtuturo na hatid ng mga guro, partikular ni Teacher Leah. Tama nga ang sinabi
ng ulirang mag-aaral ng paaralan na si Abigail, na higit sa materyal na pangangailangan,
wala silang matatalinong estudyante kung hindi sila natuturuan nang maayos ng mga guro.
Mula sa iba't ibang masining na estratehiya, nakita sa dokumentaryo ang implikasyon nito.
Epektibo nitong naituturo sa mga bata ang leksyon, at nabibigyan din nitong inspirasyon
ang mga mag-aaral na magsumikap sa buhay.
Nakalulungkot nga lang isipin ang kalagayan ng ilan sa mga mag-aaral dito, kabilang si
Mildred, na bihira ang nakakaabot sa kolehiyo, gaya ng kapatid ni Mildred. Humantong pa sa
ideya na kahit magpa-alipin ay dapat tiisin hanggang kaya makatapos lamang sa pag-aaral.
Patunay na hindi pa ganap at naabot ng inklusibong edukasyon ang mga masusukal at liblib
na lugar sa Pilipinas.
Tanikala 14
Tanikala
Mga SANAYSAY
SANAYSAY
LENTE: LUNSARAN NG PEDAGOHIYA’T ADBOKASIYA
Ang pagiging guro ay isang sopistikado at sistematikong bokasyon kung saan marapat na maging
malawak ang saklaw, ngunit tiyak ang pag-unawa ng isang taong tatahak ng landas na ito. Malawak
ang saklaw dahil kinakailangan ng pag-unawa sa iba’t ibang kakayahan, galing, at perspektiba ng mga
mag-aaral. Sa ganang akin ay mahusay ang gurong bukas at handang tumanggap ng ideolohiya ng
estudyante dahil ito naman ang pangunahing layunin natin, ang magabayan sila sa pagbuo ng kani-
kanilang kaisipan. Bagamat kahingian ang pagiging malawak ang saklaw, kinakailangan din na tiyak
ang pag-unawa dahil sa pamamagitan nito ay makapipili tayo ng lente na makatutulong sa atin sa
paggawa ng sariling pedagohiya.
Mula sa butil-karunungang inihasik ni Salazar, tinukoy niya na ang panitikan ay isang lakas na
nakapagpapakilos. Marahil ang tanong ay “anong klaseng lakas?” “saan makikita ang lakas?” at “anong
pagkilos o aksyon ang gagawin?”. Mula sa mga katanungang ito ay mapapatunayan ang kahalagahan
ng pagsusuri ng lente, kung paano ginamit ang mga salita, at ang konteksto nito. Hindi ka naman kasi
magtatanong kung hindi ka magsusuri, at ang nagsusuri ay puro tanong. Dito nangingibabaw ang
esensya ng pagsusuri sa panitikan. Mayroon itong tangan-tangang mensaheng sinusuri upang mapiga
ang gusto nitong iparating.
Bilang guro, upang maisapraktika ang esensya ng pagsusuri, isa sa bokasyon ko
ang maging gurong pinahahalagahan ang pagsusuri, at ideolohiya, dahil ito ang buhay. Sabihin mo
mang mahirap ka o mayaman, nakatuntong sa paaralan o hindi, mayroon at mayroon kang ideolohiya,
at ang pagsusuri nito ang magreresulta sa katotohanan. Katotohanang may mga naghihirap,
katotohanang may nang-aabuso, katotohanang mayroong kanser sa lipunan. Isa rin sa lenteng
pinagmumulan ng aking adbokasiya at magiging pedagohiya sa hinaharap ay ang lente ng pagiging
malay. Bagamat konektado pa rin ito sa pagsusuri, nais kong magtuon sa mga ideolohiya. Para sa akin,
kahit ako ay guro ng Filipino, tinatanaw ko pa rin ang malaking ugnayan nito sa Agham Panlipunan.
Samakatuwid, magpinsang-buo ang layunin ng dalawang kurso na magkaroon ng integrasyon ang
nasyonalismong itinuturo sa loob ng paaralan.
Tanikala 16
SANAYSAY
Pinapangarap ko ring maisakatuparan ang pagkikintal sa isip ng mga mag-aaral na ang nasyonalismo
ay hindi lang pagkabisado sa mga sagisag ng Pilipinas, hindi lang ito pagkilala sa mga bayani, at lalong
hindi lang ito pagbasa sa mga nakalimbag na kasaysayan. Adbokasiya kong maitawid sa labas ng
paaralan ang konsepto ng nasyonalismo ng mga estudyante ko. Ang pagmamahal sa bayan ay
pakikiisa at pakikisangkot. Ito ay magagawa kung alam kung paano ang matalinong pagsusuri, at
malay sa katotohanan.
Tanikala 17
SANAYSAY
SINO ANG TOTOONG TERORISTA? : ANG PINAGMULAN AT KONTEKSTO NG
BANGSAMORO
Sa pinakatimog na bahagi ng rehiyon ng Mindanao nakatira ang karamihan sa mga
Muslim. Ang mga Muslim ay hindi maitatanggi na nagtataglay ng natatanging kasaysayan,
pagkakakilanlan, kultura at relihiyon. Dahil dito, nahiwalay sila sa Pilipinas at naging isang
rehiyon na may sariling gobyerno at nagsarili. Ang salitang “Moro” ay nagmula sa Espanya na
tumutukoy sa mga Muslim na may lahing o nagmula sa Hilagang Kanlurang Africa, na kilala sa
tawag na Moors (Rasul and Rasul, 1998). Unang ginamit ang salitang “Moro” ng mga
kolonisador na Espanyol, dahil nakakita ang mga ito ng pagkakatulad sa pagitan ng mga
katutubong Islamisado sa Maynila at sa Moors, noong ika-labing anim na siglo (Majul, 1985).
Kung titignan hindi maipagkakaila na malaki ang naging epekto ng kolonyalismo sa ating bansa,
lalo na sa ating pamumuhay at mga pag-iisip. Hindi na bago sa atin ang katotohanan na
pinalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa bansa, ngunit lingid sa ating kaalaman,
sinubukan din nilang sakupin o angkinin ang kabuuan ng Mindanao.
Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa kanilang masamang binabalak dahil pinaglaban
ng mga Muslim ang kanilang bayan. Ngunit dahil dito ang mga Espanyol ay nagpalaganap ng
kung ano-anong mga bagay tungkol sa mga Muslim at sa Mindanao na naging dahilan kung
bakit ang tingin ng iba ay mga terorista at mararahas ang mga mamamayang nakatira rito.
Ginamit ng mga Espanyol ang relihiyon at minanipula ang pag-iisip ng ibang Pilipino laban sa
kanilang kapwa, sa pag-aakala na magiging susi ito upang tuluyan nilang masakop ang bansa.
Ginamit ng mga Espanyol at pati na rin ng mga Amerikano ang ilang kristiyanong sundalo
upang kalabanin o atakihin ang mga mamamayan sa Mindanao, bilang resulta hindi na na
iwasan ng mga Moro na isiping walang kaibahan ang mga Pilipinong ito sa mga bansang
nananakop sa kanila (Buendia, 2005).
Tanikala 18
SANAYSAY
Sa kabilang banda, ang mga Amerikano ay humahanap at gumagawa ng mga paraan
upang tuluyang mapatalsik ang mga Moro sa kanilang tirahan. Ginamit nila ang kakulangan sa
edukasyon, panata sa relihiyon at ang pagtutol ng mga Moro na maging modernisadong bansa.
Dahil dito hindi nagawa ng mga Moro na alamin pa ang katotohanan ukol sa titulo ng kanilang
mga lupain, kaya naman sa hindi katagalan, kapitalismo ang namayagpag sa kanilang lugar.
(Melencio, 1994) Sunod-sunod ang mga pagsakop na naganap sa kanilang lugar, subalit ang
mga Moro ay hindi pa rin nagpatinag at patuloy nilang ipinaglalaban ang kanilang teritoryo.
Kaya lamang ang laban ay hindi nagtapos sa pagitan lamang ng mga ibang bansa kundi pati
ang kapwa Pilipino.
Sa kabuuan, ang nosyong agresibo at barbaric ang mga Moro ay nagmula pa sa panahon ng
kolonisasyon. Dahil hindi nagtagumpay ang mg Espanyol na sakupin ang mga Bangsamoro,
ipinagkalat nila na ang mga tao rito ay maiilap at hindi sibilisado. Dahilan upang
magpasahanggang ngayon, palagi pa ring terorista ang tingin sa mga Moro. Kahit nakamit na
ng Pilipinas ang kalayaan, nagpatuloy pa rin ang paghihirap at pakikipaglaban ng mga Moro,
inatake ang kanilang mga agrikultura at mga pinagkukunan ng natural na yaman na dulot pa rin
ng kapitalismo (Abubakar and Askandar, n.d.). Ang kanilang mga karapatang pantao ay patuloy
na inaapakan, tuloy-tuloy ang labanan, bombahan at mga barilan na pati mga ordinaryong
mamamayan na nais lamang ng payapang buhay ay nadadamay. Dahil dito nabuo ang mga
kilalang rebolusyonaryong grupo na Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National
Liberation Front (MNLF) upang magsilbing tinig at depensa nila laban sa digmaan. (Library of
Congress, 2013).
Tanikala 19
Tanikala
mga maikling kuwento
MAIKLING KUWENTO
KAPOS-PASOK-SAKOP
Alas dos y sais. Buháy ang katawang lupa at handa na namang magpakasasa sa batis ng
kasalanan. Bago humalik sa iba't ibang lalaki ay ang pulang lipistik muna ang ikiniskis ko sa
aking mga labi. Mas mapula, mas agresibo --dominante --kahit ako naman talaga ang nasa
ilalim. Isinuot ko ang pinakamaikli kong tube dress at nagsuot ng fish net stockings kasama ang
5 inches stiletto. Habang buháy ang Malate, buháy ang babae.
Pagpasok ko ng cabaret ay mabilis na humango sa hanging hinihinga ko ang magkahalong alak
at matatamis na pabango ng mga puta. Nakita ako ng fresh from Spain! kong manager at
itinuro ang unang kuwarto na may bilang na 899. "Galingan mo, 'Kano 'yan!" Bulong ng aking
manager nang may diin.
Pagpasok ko sa kuwarto ay nakahanda na ang lahat. Malamlam na mga ilaw, samu't saring
laruan ng aliw at alak. Nakita ko ang kustomer na --na isa ngang Amerikano. Matangkad ito at
matangkad din ang kargada. Tila handa ito para sa akin. Kinabahan ako dahil bukod sa mga
salitang bastos sa Ingles ay wala na akong ibang alam sabihin. Sabagay, narito ako para
umungol, hindi para makipag-inglesan nang matatas.
"strip for me," sabi niya nang nakangisi habang hinihipo at hinihimas ang sarili.
Nginitian ko rin siya at sinimulan ang sariling palabas. Gumiling-giling ako ayon sa saliw nang
mahinang kanta mula sa radyo. Dahan-dahan kong ibinaba ang tube. Hinimas ang sarili. Nilaro,
pinisil, inalog at nilamas ang sarili. Nabigla ako nang gigil akong hinawakan ng Amerikano sa
baywang at ikinandong sa kaniya.
Iba pala ang laplap ng Amerikano.
Tanikala 21
MAIKLING KUWENTO
Siyempre kailangan kong itayo ang bandera ng bansa, hindi ako nagpatalo kaya inilabas ko ang
dila ko at kinilala ang bibig niya. Kinagat-kagat at sinupsop ko ito nang sabik na sabik. Kasabay
nito ay tila may iisang ritmong sinusundan ang mga katawan namin dahil sabay ito sa indayog
ng kalamnan. Magkasabay na gumigiling na tila hindi na mapaghihiwalay ang katawan namin.
Gigil niya akong iniangat at sa muling pagbaba niya ng katawan ko ay sinigurado niyang
nakapasok --nakasagad ang kaniyang pagkalalaki. Iba ang sarap. Sinulit ko ang pagkakataon
kaya't mas binilisan ko ang pagtaas-baba at paglabas-pasok nito.
"Fuck faster!" Sabi niya nang hinihingal. Para naman akong robot na agad sumunod. Mabilis na
mabilis akong gumiling, tumuwad at bumuka. Tila may iisang himig din ang mga ungol namin
na dinadala ang mga katawan namin sa rurok ng pagkakasala. Kasabay ng pag-indayog ko ay
siya ring pagbayo niya. Mabilis, gigil at sobrang dulas dahil sa naguumapaw na kamunduhan.
Habang abala ang katawan ay gumagala ang mga kamay. Nilamas, sinupsop at hinigop. Ito na
yata ang pinakamasarap na pagkuha ng kaluluwa.
"20 million dollars, let me cum inside."
Nabigla ako dahil hindi ito tanong. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagbilis ng bayo niya ay
isinagad niya at lumabas ang masaganang katas na tangan ang kaniyang lahi --sa loob ko.
Wala na nga akong kawala.
Tanikala 22
MAIKLING KUWENTO
SINTENSYA
Maganda ang panahon ngayong araw, maaliwalas ang paligid, at mahangin. Ako ay isang
asawa at ama na patuloy na kumakayod para sa ikakabuhay ng kaniyang mag-iina.
"Itay, itay, nandito na ang itay!"
Bigla akong napalingon sa aking mga anak na sabik na sumalubong sa akin. Kapag ako'y
malungkot, wala nga pala sila kung saan ako ngayon. Anong taon na nga ba ngayon at anong
oras na? Kelan ba ako huling tumingin sa kalendaryo? Kelan ba huling gumalaw ang kamay ng
orasan? Hay, matagal na, napakatagal na! Isang pangyayari sa buhay ko ang nagtulak sa akin
upang ako ay masadlak sa aking kinalalagyan. Isang eksenang pasan-pasan ko. Gabi noon at
pauwi na ako, nang salubungin ako ng aking asawa na umiiyak,
"Pepe! Pepe! si bunso hindi bumababa ang lagnat kailangan na nating dalhin sa hospital"
Ang sabi ng aking asawa, tuliro at lito sa aking narinig dahil hindi ko alam kung saan ako
kukuha ng pera. Ang anak ko ay may sakit at kailangan ng doktor. Kaya sa magulo kong isipan
ay nasabi ko sa asawa ko: Sige, bantayan at punasan mo muna ng malamig na tubig upang
bumaba ang kaniyang lagnat. Maghahanap lang ako ng pera." At tumalikod ako na hindi alam
kung saan direksyon tutungo. Habang naglalakad ay iniisip ko kung kanino at saan ako lalapit.
Sinubukan kong lumapit sa aking mga kilala at kaibigan, naawa man sila sa aking kalagayan ay
wala rin silang maibigay, dahil katulad ko isang kahig isang tuka rin sila.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin at nag-iisip na ako na gumawa ng hindi maganda, pero
ako ay naguguluhan . . .sa tuliro kong isip, ay namataan ko na may isang babae akong
makakasalubong at tila siya ay abalang-abala sa sinuman ang ka-text niya. Sa isip ko,
mapapatignan ko ang anak ko kung sakaling makukuha at mabebenta ko ang kaniyang
cellphone. Labag man sa aking kalooban pikit mata kong hinablot ang kaniyang cellphone at
kumaripas ng takbo. Natulala at nataranta man ang ale ay agad siyang nagsisigaw
"Magnanakaw! Magnanakaw!”
Tanikala 23
MAIKLING KUWENTO
Sa aking narinig ay lalo kong binilisan ang pagtakbo, dumadagundong ang aking dibdib sa
takot na mahuli ako ng pulis at ang kagustuhan kong madala sa hospital ang aking bunso.
Papaliko na ako nang ako ay madapa, hindi ko napansin ang nakausling bato, nagpagulong-
gulong ako sa kalsada, at doon naabutan ako ng mga taong bayan na humahabol. Sipa, suntok,
tadyak ang inabot ko bago ako dinala sa presinto. Doon ay nakita ko ang babaeng hinablutan
ko ng cellphone galit na galit, at pinagpapalo ako. Umiiyak ako na humihingi ng tawad sa kanya,
at winikang nagawa lamang ito dahil ang anak ko ay may sakit at kailangan ko ng pampa-
hospital. Ngunit tila siya ay walang narinig at winika sa mga pulis na siya ay magsasampa ng
kaso laban sa akin. Kaya’t ako ay pinosasan ng mga pulis at dinala sa kulungan. Sa kulungan
pandalas ang aking iyak, naiisip ko ang aking anak, nagsisikip ang aking dibdib.
"Diyos ko tulungan mo po ako!"
Ang sabi ko sa aking isipan. Ilang buwan ang lumipas at ako ay hinatulan makulong sa salang
pagnanakaw. Matulin nalagas ang dahon ng panahon, ilang taon na nga ba na ako ay nandito?
Sa tuwing aking binabalikan ang nakaraan ay hindi ko maiwasang magtanong, kasalanan ba
ang pilitin kong mabuhay ang aking anak? Kasalanan ba na ang babaeng iyon at ang kaniyang
cellphone ang naging solusyon ko? Ang babaeng iyon, anak pala siya ng gobernador sa aming
bayan at sinabi niya na gagawin niya ang lahat upang ako ay mabulok sa kulungan hanggang
sa ako ay mamatay. Ilang taon na nga muli at parang sariwa pa ang mga alaala, sabagay, sa
apat na sulok ng kulungan na ito ay parang tanikalang pabalik-balik sa aking alaala ang mga
pangyayari. Mga pangyayaring nagbigay sa akin ng kalungkutan, matagal na akong nakakulong
at matagal na akong nagsisi. Tatlumpung taon (30) na puno ng pangungulila at pagsisisi. Ano
na kaya ang nangyari sa aking mag-iina. Mula ng makulong ako ay hindi na ako nakatanggap
ng balita o pagbisita man lamang nila.
Tanikala 24
MAIKLING KUWENTO
Asan na kaya sila? Sa mga gabing lumilipas ay patuloy ang aking pagtangis, hanggang kailan
ako magtitiis, sadyang ganito ba ang kapalaran ng katulad kong mahirap? Madalas akong
mapaisip na siguro ang tanging makaka pagpapalaya na lang sa akin ay ang kamatayan.
Matanda na ako at unti-unti dinadaig na ako ng aking mga karamdaman. Sa isang maliit na
karton ay sinulat ko ang aking pighati.
Sa aking mag-iina, habang sinusulat ko ang liham pamamaalam ay hindi ko mapigilan ang
lumuha para sa mga taong nasayang na puno ng kalungkutan at pangungulila, sa silakbo ng
aking emosyon ay nakaramdam ako ng paninikip sa aking dibdib, napakasakit. Hanggang sa
nagdilim ang aking paningin at tuluyang panawan ng uliran. Narinig ko na biglang nagkagulo
ang lahat ng tao. Maraming boses akong naririnig ngunit hindi ko maunawaan. naramdaman ko
na may bumuhat sa akin at nagmamadaling sinugod ako sa klinika.
Sa nanlalabo kong pandinig naulinigan ko na "Tawagin niyo si Dr. Nicolas!" sa papawala kong
pandinig nasambit ko sa aking sarili na sana siya ang aking anak, “Anak ko!” ang huling salitang
nasabi ko bago ako bawian ng buhay.
Tanikala 25
Tanikala
dula
DULA
Tanikala 27
DULA
Tanikala 28
DULA
Tanikala 29
DULA
Tanikala 30
DULA
Tanikala 31
DULA
Tanikala 32
DULA
Tanikala 33
DULA
Tanikala 34
Tanikala
MALAYANG AKDA
FIBONACCI POEM
ANAK
Siya
ang--
Ina
Pag-iral
Wangis sa poot
Inosente. Walang malay
Walang kasalanan, ngunit sinentensyahan
Kamatayan ang sagot ng dalawang hukom na silang may kasalanan.
Tanikala 36
SPOKEN WORD POETRY
AGAW-BUHAY
Langit, lupa, impyerno;
im-- im--
imperialistang mananakop
Sintang bayan pilit kinupkop
Pero hindi lambing o aruga ang serbisyo,
Panghahalay, digmaan, at kolonyalismo--
Ang tipak ng diwang maka-Pilipino ay pilit tinibag
Tinaniman ng bomba ang daang nilalakad,
habang sa dulo'y may estasyon ng pagbabagong bihis --
Kuminis,
Umunat,
Tumangos, nag-iba,
Bayang aba, ano-ano ang kaya mong itaya?
Edukasyon, kultura, kalayaan?
Bakit tayo ang dapat mawalan?
Sa lupa ng Pilipinas, bakit Pilipino ang salat?
Promotor ng kolonisasyon na makapal pa sa kalabaw ang balat.
Bawiin kung anong sa atin dekolonisasyon ang ipalaganap,
Sa mga Pilipinong mulat, at bayang uhaw sa sariling katas, sa mga susunod na
bukas tayo ay aalpas.
Im-- im-- impyerno
Saksak-puso, tulo ang dugo
Patay na edukasyong pinalawig ngunit hindi maka-Pilipino.
Sari-saring kaalaman at paraan ng pamumuhay na may bahid ng kolonyalismo--
Ngunit mula sa mga pantas, masosolusyunan ito.
Tanikala 37
SPOKEN WORD POETRY
Sa kapangyarihang ng banal na mga salita
Hindi wangis sa bibliya, ngunit siyang naglalang sa bansa.
Wika ng bayan na lilipon sa madla,
Lilinis, bubuhay sa nasyonalismong pag-iisip
Sa wakas, mumulat ang mga lumilingon at pikit.
Im-- im-- impyerno
Saksak-puso, tulo ang dugo
Patay na mga mamamayang ninuno
Pagyurak sa Karapatan ng mga purong Pilipino,
Ang dekolonisasyon ay siya ring panawagan sa Karapatan ng mga katutubo,
Dahil silang mga totoong nagmamay-ari ng bayan ang siya ring magpupuno,
Sa hamon ng pagbuo ng lipunang maka-Pilipino na walang bahid-kolonyal.
Pangarap ng mga wika at katutubong agaw-buhay ang makaraos sa pagpapagal.
Im-- im-- impyerno
Saksak-puso, tulo ang dugo
Patay-buhay,
Umalis na sa pwesto ang mga berdugo
Bayani di umano dahil sa pagtayo bilang pinuno
Ngunit ang totoong intensyon ay ipagkanulo ang bansa
Kaya bilang Pilipino, isang kalakasan ang pagkakaisa at pagpapaunlad sa sariling
wika
Dahil ito ang lakas nating armas at kalasag laban sa mapagsamantala
Matatag na ebidensyang sa mga nang-abuso’y maniningil
Ang bayan na may wikang maunlad, ay ang bayang hindi kailan man pasisiil.
Tanikala 38
KRITIKAL NA SANAYSAY
PLAKARD AT PLUMA: PAGSUSURI SA KAKAYAHAN NG MGA PLAKARD SA
PAGTINDIG AT PAKIKIBAKA AYON SA LENTE NG CRITICAL DISCOURSE ANALYSIS
Sa daluyong ng mga Pilipinong nagsasapraktika ng kanilang demokratikong tungkulin, ang
mga pagtitipon o rallies ang nagiging lunsaran ng mga pinagsama-samang boses ng masa.
Upang maging matagumpay ang pagpaparinig ng mga hinaing at nagkakaisang pananaw, sa
mga welga na ito idinadaan ng mga tao ang kanilang hinahangad upang tapikin o hamigin ang
mga namumunong nagkikibit-balikat. Kaugnay nito, kasama rin ang napapanahong campaign
rallies para sa darating na halalan 2022 sa mga pagtitipon para sa masa. Kaakibat ng konsepto
ng pagwewelga, hindi maihihiwalay dito ang mga plakard na patuloy na iwinawagayway na tila
hindi man magsalita ang masa ay naghuhumiyaw naman ang mensahe ng mga paskil na ito.
Kung hindi mapaghihiwalay ang mga plakard at pakikibaka, nangangahulugan ito na ang mga
isinulat na pahayag, na kung minsan ay simbolikal at minsan naman ay tila tulang may
tugmaan, ay malaki ang gampanin sa pagsususog sa diskurso kaugnay ng pagsupil sa mga
isyung panlipunan, at tunggalian sa uri.
I.Ang plakard bilang panitikan
Ayon sa diksyunaryo, ang placard o plakard ay isang paskil na inilalahad sa publiko, nakadikit
man ito sa mga pader o dala-dala ng mga tao. Maaaring ang mga nakasulat dito ay tignan lang
natin bilang isang pagpapahayag, ngunit kung susundan ang pagpapakahulugan ni Salazar
(1995) na ang panitikan ay ang lakas o puwersa na nag-uudyok sa lipunan upang kumilos o
mahamig, kaya naman masasabi na ang mga plakard ay bahagi ng ating panitikan. Dagdag pa
rito, sinabi rin ni Salazar na ang panitikan ay mapagpalaya ng mga ideyang nagpupumiglas.
Upang patunayan, narito ang iba’t ibang pahayag na makikita sa mga plakard sa mga
nagdaang rally:
Tanikala 39
KRITIKAL NA SANAYSAY
[1] Ipagtanggol ang ating kabuhayan! –Piston
[2] Wika at Panitikan, Ipaglaban! –Alay Sining
[3] Justice system sa Pinas, malupit sa mahihirap! –Bayan Muna
[4] Pondohan ang COVID-19 Benefits ng mga health workers! –NKTIEA-AHW
[5] Labanan ang panunupil sa Lumad na paaralan at mga guro sa aming komunidad! –
TIPJUNGAN
Sa mga halimbawang ito mahihinuha na ang mga ito ay hindi lamang mga pahayag ng
emosyon, ngunit isang uri ng paninindigan laban sa kabuktutan. Isa itong patunay na ang mga
plakard ay panitikan dahil ito ay humihikayat ng mas kritikal na pag-iisip at ito ay mayroong
katangi-tanging anyo ng karunungan na may mataas na antas ng kaisipan, saloobin, at
damdamin (Gavieta, 2021). Kung gayon, tama rin ang sinabi ni Villafuerte (2000) na ang
panitikan ay mga salitang dumadaloy sa ating katawan, dahil gaya ng mga nakasaad sa mga
plakard, ito ay kumakatawan sa mga hinaing, pangangailangan, at kagustuhan ng mga tao –at
higit lalo itong umiigting at mas nag-aalab dahil ang mga lumilikha ng panitikan sa mga plakard
ay mula sa mga minorya, at biktima ng opresyon. Mula sa mga sinabi ng mga dalubhasa,
masasabing ang mga plakard ay isang uri ng mabagsik at agresibong panitikan na ang layunin
ay magdulot ng pagbabago, magmulat at maging kasangkapan sa pagtataguyod ng malaya at
inklusibong lipunan.
II.Talakay sa kaugnayan ng Critical Discourse Analysis
Ayon sa librong The Handbook of Discourse Analysis, sa bahagi ng Critical Discourse Analysis
ni Teun A. Van Dijk, ang konsepto ng Critical Discourse Analysis (CDA) ay ang pag-aaral sa
kung paano ang abuso sa kapangyarihan, dominance, at hindi pagkakapantay-pantay ay
kinokundena at sinusupil sa pamamagitan ng mga teksto at pagsasalita (Schiffrin et al., 2001).
Kaya naman sa kanitong konteksto, sinasabing madalas maiugnay at magamit ng mga Critical
Discourse Analysists ang mga salitang kapangyarihan, hegemony, ideolohiya, social class,
diskriminasyon, institusyon, social structure, social order at iba pa (Schiffrin et al., 2001).
Samakatuwid, ang mga plakard gaya ng mga tinalakay sa itaas ay nasa ilalim ng CDA dahil
lantaran ang paggamit nito ng wika bilang instrumento sa pagsupil sa kabuktutan ng gobyerno.
Tanikala 39
KRITIKAL NA SANAYSAY
Dagdag pa rito, sa isang pag-aaral nina Tooba Tauqir at Khadija Akram (2020) na
pinamagatang Linguistic analysis of language used in placards observed during Aurat March
2020, pinagtutuunan nito ng pansin kung paanong ang wika o mga salitang ginamit sa rally na
nagbigay ng mas malakas na epekto sa mga nakababasa nito. Ayon pa sa mga may-akda,
layunin ng papel na palutangin ang mahalagang gampanin ng mga salita at wika sa mga
rebolusyonaryong pakikibaka katulad ng peminismo na tuon ng Aurat March 2020 –gaya rin ng
mga plakard na makikita sa iba’t ibang rally.
Gayundin, nakikita kong iisa ang sentimyento ng mga nangunguna sa Aurat March 2020 at iba
pang Pilipinong organisador ng mga welga na kung magiging subtle ang kanilang atake sa mga
plakard, hindi nila maipapakalat ang kanilang mga hinaing (Mahfooz, 2020). Samaktuwid, ang
pag-aaral nina Tauqir at Akram ay ginamit din ang CDA bilang lunsaran sa pagpapalutang ng
ideya na ang lenggwahe ay isang makapangyarihang instrumento at mayroong esensyal na
gampanin sa pagpapaalab ng rebolusyunaryong adhikain.
Samakatuwid, isang magandang pagpapakahulugan ang nabigyang-diin dito dahil lumalagpas
ang pagtingin natin sa panitikan bilang isang pasibo at romantikong sulatin, bagkus mayroon
din itong katangian na matapang, nag-aalab, at handang manindigan sa mga rebolusyon. Ang
pagbuo ng plakard ay kinakailangan ng agresibong panitikan, alimpuyo ng pluma at mga
Pilipinong umaatikabo ang damdaming nasyonalismo. Sa ganitong paraan ay buong lakas
nilang maipagsisigawan ang kanilang pananaw kontra sa mga mapang-abuso at naghaharing-
uri. Bilang bansang demokratiko, pinatutunayan nito na ang malayang pagpapahayag ay hindi
lang nakikita sa pagsasalita, ngunti sa pagsulat din at pagkilos –at nahihigitan ito ng mas
malalakas pang puwersa lalo na kung mas tumitindi ang pangangailangan ng pag-alpas mula
sa opresyon.
Sa kabuuan, ang mga plakard ay hindi lang plakard. Minsan ito ay panitikang may tugmaan
pero mas madalas itong maging boses ng mga mahihirap, mga katutubong ninanakawan, mga
magsasakang pinapaslang at mga Pilipinong nasa laylayan.
Tanikala 40
SANGGUNIAN
Gavieta, M. R. (2021, May 15). Ang Panitikang Pilipino. PressReader.
https://www.pressreader.com/philippines/watchmen-daily-
journal/20210515/281535113876956
Kress, G. (1990). Critical Discourse Analysis. Annual Review of Applied Linguistics, 11, 84-99.
doi:10.1017/S0267190500001975
Schiffrin, D., Tannen, D., & Hamilton, H. (Eds.). (2001). The Handbook of Discourse Analysis.
Blackwell Publishers Ltd.
https://edisciplinas.usp.br/pluginfile.php/4966482/mod_resource/content/1/van%20DIJK%20Cr
itical%20Discourse%20Analysis.pdf
LINK NG MGA LITRATO
https://gulfnews.com/photos/news/49-years-after-martial-law-in-the-philippines-why-many-
filipinos-choose-not-to-forget-1.1632415152450
https://www.saatchiart.com/art/Collage-Depression-No1-Collage-on-
Acrylic/793511/4849500/view
https://muslimmirror.com/eng/the-twin-challenges-of-poverty-and-hunger/
https://loeildelaphotographie.com/en/ted-mcdonnell-welcome-to-malabon/
https://unsplash.com/s/photos/traffic
https://www.aa.com.tr/en/world/oic-efforts-to-bind-arguing-filipino-muslim-
movements/150000
Tanikala 41
ANG TUNAY NA
TANIKALA AY
KAMANGMANGAN
at ang
sistemang
nag-uudyok
sa
kamangmangan
The Artifcer
TANIKALA
ni K.M Imperial