CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Mga Salitang Kilos Para sa Iba’t Ibang Gawain 3
Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Mga Salitang Kilos Para sa Iba’t Ibang Gawain Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ana R. Landero, Maylen F. Sardido, Hazel P. De Leon, Geoffrey S. Andrade Editor: Maylen F. Sardido Tagasuri: Tagawasto: Ramon S. Gravino, Jr., Myleen C. Robiños, Juvy A. Comaingking Tagaguhit: Geoffrey S. Andrade Tagalapat: Marybeth D. Cadion, Salvador B. Belen Jr. Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones
3 Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Mga Salitang Kilos Para sa Iba’t Ibang Gawain
ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Alamin Maligayang pagdating sa panibagong modyul na iyong pag-aaralan. Matutuhan mo rito ang paggamit ng mga salitang kilos. Matutulungan ka ng mga nakahandang gawain upang madagdagan ang iyong kaalaman at magamit ang mga salitang kilos sa mga pangungusap o usapan. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: nakagagamit ng mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan (F3WG-IVe-f-5). Subukin Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pabigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Handa ka na ba? Kopyahin ang mga pangungusap sa papel. Bilugan ang mga salitang kilos na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Naghuhugas ng mga pinggan si Maria. 2. Kumain ka na ba ng agahan, Jovir? 3. Sumusunod ba ang mga drayber sa ilaw-trapiko? 4. Noong Linggo, bumili ng mga gamot ang nanay. 5. May paligsahan sa susunod na buwan, sasali ka ba? Ngayon, daragdagan natin ang iyong kaalaman tungkol sa wastong paggamit ng salitang kilos.
2 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Aralin 1 Mga Salitang Kilos Para sa Iba’t Ibang Gawain Balikan Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pabigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Sumulat ng talata na naglalahad ng sariling karanasan tungkol sa isa sa mga sumusunod na lugar na iyong napuntahan. Salungguhitan ang salitang kilos na ginamit. Isulat ang sagot sa malinis na papel. ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Lugar A. simbahan B. tindahan C. bahay D. ospital E. kalsada
3 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Tuklasin Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Basahin ang sumusunod na situwasyon. Situwasiyon A (Sa Tahanan) Nanay: Kakain na ba tayo, Gelai? Gelai: Opo, Nanay. Naghahain na po ako. Nagpaalam po ba sa iyo si Kuya na mahuhuli siya sa pag-uwi? Nanay: Ah, oo. Ang tatay mo rin pala, tumawag sa akin dahil abala pa raw siya sa mga gawain sa opisina. Mamaya na lang daw siya uuwi. Situwasiyon B (Sa Paaralan) Guro: Mga bata, ihanda ninyo ang inyong drawing notebook. Pagkatapos, gumuhit kayo ng dalawang bagay na magpapasaya sa inyo. Mag-aaral: Kukulayan po ba namin, Ma’am? Guro: Oo, kukulayan ninyo ng angkop na kulay ang mga bagay. Situwasiyon C (Sa Pamayanan) Punong Barangay: Isasagawa natin bukas ang Oplan Pagtatanim. Magtatanim tayo ng mga bakawan sa tabing dagat. G. Reyes: Sasama po ako bukas at maghahanda ng pangmeryenda, Kapitan.
4 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Suriin Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutan papel. Ano-anong salita ang may salungguhit sa bawat situwasyon? 1. Situwasyon A - _________,___________,___________, __________,_____________,__________ Situwasyon B - _____________, ____________, ____________ Situwasyon C - ____________, ____________, _________, ________ 2. Ano ang isinasaad o ipinahihiwatig ng mga salitang may salungguhit? 3. Ano sa palagay mo ang tawag sa mga salitang may salungguhit? 4. Tama ba ang pagkakagamit ng mga salitang kilos sa bawat sitwasiyon? Bakit? 5. Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng mga salitang kilos sa pag-uusap sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan? Nasagot mo ba ang lahat na katanungan? Pakatandaan na iilan lamang ito sa mga salitang maaaring gamitin sa pakikipag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan.
5 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Ang mga salitang may salungguhit sa bawat situwasiyon ay tinatawag na salitang kilos o pandiwa. Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw. Maraming mga salita ang puwedeng gamitin sa pakikipag-usap sa iba’t ibang gawain sa tahanan kagaya ng naglalaba, nagsasaing, nag-aayos, at nagliligpit. Halimbawa: 1. Naglalaba ng mga damit si Kuya. 2. Nagsasaing ng kanin ang Nanay. 3. Nag-aayos ng mga gamit si Elena. 4. Nagliligpit ng mga kumot at unan si Ronel. May mga salitang kilos din na maaaring gamitin sa pakikipag-usap sa mga gawain sa paaralan gaya ng tumayo, makinig, nagsusulat at nagwawalis. Halimbawa: 1. Tumayo nang matuwid ang mga bata. 2. Makinig kayo nang maayos sa panuto ng guro. 3. Nagsusulat ng liham ng pasasalamat si Trisha. 4. Nagwawalis sa halamanan ang pangkat ni Renan. Samantala, may mga salitang kilos naman na angkop gamitin sa pakikipag-usap sa mga gawain sa pamayanan gaya ng nanonood, naglakbay, nagdarasal, sumasama at marami pang iba. Halimbawa: 1. Nanonood si Mang Lito ng larong basketbol. 2. Naglakbay sa Davao ang pamilya ni Gng. Santos. 3. Palagi ba kayong nagdarasal? 4. Sumasama si Jessa sa kanyang kaibigan sa pageehersisyo.
6 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Gawain A Piliin sa kahon ang angkop na salitang kilos na ginagamit sa gawain ng pamayanan upang mabuo ang talata. Isulat ang iyong sagot sa papel. bumili nahuli dinala sumama nag-aabang Araw iyon ng Sabado. Madaling araw pa lamang ay nakasakay na sa kanilang bangka si Esben. _______________ siya sa kaniyang ama para mangisda sa laot. Napakaraming isda ang ____________ nila! Masayang-masaya si Esben. ______________ nila ito sa baybayin. Maraming tao na pala ang ____________ sa kanila upang ____________ ng mga sariwang isda. Gawain B Piliin ang salitang kilos na angkop gamitin sa mga gawain sa tahanan upang mabuo ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa papel. 1. Masayang ____________________ ng mga halaman sina Jayson at Jaylene. A. nagdidilig B. nagmamaneho C. nagsasaing D. nagsusulat 2. Maingat na ___________________ ng mga damit si Jaymark. A. naglalaba B. nagsisibak C. naglalaro D. naghuhugas Pagyamanin
7 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 3. Palagi ka bang ______________ sa mga gawaing-bahay? A. umaawit B. kumakain C. tumutulong D. lumulundag 4. Tuwing Sabado, _____________________ ni Nanay ang mga kasangkapan. A. sinasaing B. pinapalo C. pinupunasan D. tinatamnan 5. Madalas __________________ ng kape ang lolo namin. A. umiibig B. umiinom C. umiiyak D. umaakyat Gawain C Bumuo ng mga pangungusap batay sa kilos na isinasaad sa larawan ukol sa mga gawain sa paaralan. Isulat ito sa papel. 1. _____________________________________ 2. ______________________________________ 3. ____________________________________
8 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 4. _________________________________________ 5. ________________________________________
9 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Isaisip Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. A. Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa notbuk ang iyong sagot. B. Dugtungan: Mahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga salitang kilos sapagkat _____________________________________. Ang mga salitang nagsasaad ng ________ o __________ay tinatawag na ________ o _________. Ang mga salitang kilos o pandiwa ay maaaring gamitin sa paguusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa _______________, ____________, at _____________.
10 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Isagawa Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Bumuo ng limang pangungusap batay sa ipinapakita ng larawan. Gamitin ang mga salita na nagsasaad ng kilos. Isulat ito sa papel. 1. ____________________________________ 2. ____________________________________ 3. ____________________________________ _ 4. ____________________________________ _ 51. ___________________________________ 2. ___________________________________ 3. ___________________________________ 4. ___________________________________ 5.____________________________________
11 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Mga Tala para sa Guro Bigyan ng angkop na marka ang diyalogo na ginawa ng mag-aaral. Gamitin ang rubriks sa ibaba. Rubriks sa Pagsulat ng Pangungusap Pamantayan Puntos Panukatan Paggamit ng Salitang Kilos 5 Lahat ng mga salitang kilos ay angkop ang pagkakagamit sa binuong pangungusap. 4 May isang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong pangungusap. 3 May dalawang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong pangungusap. 2 May tatlong salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong pangungusap. 1 May apat o higit pang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong pangungusap. Nilalaman 5 Napakalinaw at napakahusay na nailahad ang nilalaman ng pangungusap. 4 Malinaw at mahusay na nailahad ang nilalaman ng pangungusap.
12 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 3 Hindi gaanong malinaw na nailahad ang nilalaman ng pangungusap. 2 Hindi malinaw na nailahad ang nilalaman ng diyalogo. 1 Hindi maintindihan ang nilalaman ng pangungusap. Paggamit ng Malaki at Maliit na Titik at Bantas 5 Wasto ang pagkagamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 4 May isang mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 3 May dalawang mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 2 May tatlong mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 1 Halos lahat mali ang paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas.
13 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Tayahin Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Sumulat ng maikling diyalogo batay sa ipinapakita ng larawan tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan. Gamitin ang mga salitang kilos sa pagbuo ng usapan. Isulat ito sa papel. A. Tahanan B. Paaralan
14 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Mga Tala para sa Guro Bigyan ng angkop na marka ang diyalogo na ginawa ng mag-aaral. Gamitin ang rubriks sa ibaba. C. Pamayanan Rubriks sa Pagsulat ng Diyalogo Pamantayan Puntos Panukatan Paggamit ng Salitang Kilos 5 Lahat ng mga salitang kilos ay angkop ang pagkakagamit sa binuong diyalogo. 4 May isang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong diyalogo. 3 May dalawang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong diyalogo.
15 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 2 May tatlong salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong diyalogo. 1 May apat o higit pang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong diyalogo. Nilalaman 5 Napakalinaw at napakahusay na nailahad ang nilalaman ng diyalogo. 4 Malinaw at mahusay na nailahad ang nilalaman ng diyalogo. 3 Hindi gaanong malinaw na nailahad ang nilalaman ng diyalogo. 2 Hindi malinaw na nailahad ang nilalaman ng diyalogo. 1 Hindi maintindihan ang nilalaman ng diyalogo. Paggamit ng Malaki at Maliit na Titik at Bantas 5 Wasto ang pagkagamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 4 May isang mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 3 May dalawang mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 2 May tatlong mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 1 Halos lahat mali ang paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas.
16 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Karagdagang Gawain Gabay ng magulang/guro: Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay ng kaniyang sagot. Gawain ng mag-aaral: Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang maisagawa nang maayos ang gawain. Bumuo ng isang talata na may limang pangungusap tungkol sa iyong ginawa noong Enhanced Community Quarantine o ECQ. Gamitin ang mga salita na nagsasaad ng kilos. Isulat ito sa papel. Ang mga Ginawa ko Noong Enhanced Community Quarantine o ECQ ______________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
17 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Mga Tala para sa Guro Bigyan ng angkop na marka ang diyalogo na ginawa ng mag-aaral. Gamitin ang rubriks sa ibaba. Rubriks sa Pagsulat ng Talata Pamantayan Puntos Panukatan Paggamit ng Salitang Kilos 5 Lahat ng mga salitang kilos ay angkop ang pagkakagamit sa binuong talata. 4 May isang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong talata. 3 May dalawang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong talata. 2 May tatlong salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong talata. 1 May apat o higit pang salitang kilos na hindi angkop ang pagkakagamit sa binuong talata. Nilalaman 5 Napakalinaw at napakahusay na nailahad ang nilalaman ng talata. 4 Malinaw at mahusay na nailahad ang nilalaman ng talata.
18 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 3 Hindi gaanong malinaw na nailahad ang nilalaman ng talata. 2 May kalituhan sa paglalahad ng nilalaman ng talata. 1 Hindi maintindihan ang nilalaman ng talata. Paggamit ng Malaki at Maliit na Titik at Bantas 5 Naisulat nang may wastong gamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 4 May isang mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 3 May dalawang mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 2 May tatlong mali sa paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas. 1 Halos lahat mali ang paggamit ng malaki at maliit na titik sa mga salita at pagbabantas.
19 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Suriin kakain, naghahain, nagpaalam - 1. Sitwasyon A tumawag, uuwi mahuhuli, ihanda, gumuhit, kukulayan - Sitwasyon B magtatanim isasagawa, - Sitwasyon C sasama, maghahanda 2. salitang kilos o galaw uusap sa tahanan, paaralan at pamayanan - 3. sa pag 4. Opo. uusap - 5. upang madaling maintindihan ang pag Susi sa Pagwawasto Balikan (Maaaring sagot) ako ng inutusan Isang umaga, ng isang boteng toyo. bumili nanay na . bumili ako sa tindahan at Pumunta ako sa tindera dahil Nagpasalamat siya sa akin. Ngumiti napakabait niya. Subukin naghuhugas 1. kumain 2. sumusunod 3. bumili 4. sasali 5. Pagyamanin Gawain A 1. sumama 2. nahuli 3. dinala aabang - 4. nag 5. bumili Gawain B A 1. A 2. C 3. C 4. B 5. Gawain C Ang mga sagot ay maaaring ganito: Nagsusulat ng kanyang 1. pangalan si Jeah. Masayang nagtuturo si G. Reyes. 2. Naglilinis ng paligid ang mga 3. bata. maawit si Leo sa harap ng mga U 4. klase. k Bumibili ng pagkain si Beth sa 5. kantina.
20 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Tayahin Ang mga sagot ay maaaring ganito: A. ? Lisa: Nagdilig ka na ba ng mga halaman, Kuya Kuya: Mamaya pa ako magdidilig ng mga halaman, Lisa. B. ? aralin, Amor - g Guro: Naipasa mo na ba ang takdan Amor: Opo, Ma’am. Kanina ko pa ipinasa. C. numin mo na ang iyong gamot, Gab. I Nars: po ako. Gab: Opo, Ma’am. Iinom na Isagawa Ang mga sagot ay maaaring ganito: 1. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. 2. Binabantayan ni Kuya ang maliit na kapatid. 3. Tumutulong si Ate kay Tatay. Nagwawalis ng bakuran si Nanay. 4. 5. Pumupunta ang mga tao sa simbahan. Karagdagang Gawain Ang mga sagot ay maaaring ganito: Ang Mga Ginawa Ko Noong ECQ luto ako ng bahay. Nag - Tumulong ako sa mga gawaing - masasarap na pagkain. Naglaba ako ng mga damit ko. Nag alaga ako ng aking aso na si Kulet. Nanood din ako ng mga palabas sa telebisyon. ip Isais ay galaw o kilos nagsasaad ng Ang mga salitang A. . Ang salitang kilos o pandiwa o salitang kilos tinatawag na uusap tungkol sa iba’t - ag p pandiwa ay maaaring gamitin sa . pamayanan at paaralan , tahanan ibang gawain sa B. Ang sagot ay maaaring ganito: ahalagang matutuhan ang wastong gamit ng mga M - madalas natin itong ginagamit sa pag salitang kilos sapagkat . uusap ng iba’t ibang gawain
21 CO_Q4_Filipino 3_ Module 6 Sanggunian Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana, Florenda Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, et al. 2015. Batang Pinoy Ako - Ikatlong Baitang (Patnubay Ng Guro). 3rd ed. Pasig City: Rex Bookstore, Inc. Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana, Florenda Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, et al. 2017. Batang Pinoy Ako - Ikatlong Baitang (Kagamitan Ng Mag-Aaral Sa Filipino 3). 3rd ed. Tandang Sora Avenue, 22A22B Ever Green Ve Capitol Village, Quezon City, Philippines: Studio Graphics Corp. Department of Education. 2016. K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino (Baitang 1-10).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]