The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Math2_Quarter3_Mod4_Illustrates that Multiplication and Division are Inverse Operations

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Jennielyn Golong, 2023-10-19 01:46:29

Math2_Quarter3_Mod4_Illustrates that Multiplication and Division are Inverse Operations

Math2_Quarter3_Mod4_Illustrates that Multiplication and Division are Inverse Operations

CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Mathematics Ikatlong Markahan – Modyul 4 Illustrating that Multiplication and Division are Inverse Operations 2


Mathematics– Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4 Illustrating that Multiplication and Division are Inverse Operations Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ____________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Gregorio A. Estioco Editor: Nestor P. Nuesca, Jocelyn A. Manalaysay, Nenita J. Barro Cindy D. Oliva, Bryan R. Capangpangan, Paolo D. Estores Ederlinda A. Capangpangan, Realyn B. Tanabe, Ma. Cecilia R. Ortega Tagasuri: Edward C. Jimenez, Bernard R. Feria Tagaguhit: Ruel M. Delos Santos Tagalapat: Mauryl P. Maulawin Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Dominador M. Cabrera, Edward C. Jimenez Bernard R. Feria


2 Mathematics Ikatlong Markahan – Modyul 4 Illustrating that Multiplication and Division are Inverse Operations


Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Alamin Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang paraan ng paggawa para sa pagsulat ng inverse operations sa multiplication at division. Sa katapusan ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. naipapakita ang inverse operation sa multiplication at division (M2NS-IIIc-53); 2. nakasusulat ng inverse operation sa multiplication at division; at 3. nagagamit ang inverse operation sa totoong buhay.


2 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Subukin Ipakita ang inverse operation na hinihingi sa bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. 9 x 3 = 27 a. __ ÷ __ = __ 2. __ x __ = __ b. 40 ÷ 5 = 8 3. 5 x 10 = 50 c. __ ÷ __ = __ 4. __ x __ = __ d. 20 ÷ 4 = 5 5. 9 x 2 = 18 e. __ ÷ __ = __


3 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Aralin 1 Illustrating that Multiplication and Division are Inverse Operations Balikan Sagutan ang mga sumusunod na bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Dahil sa pandemya, may limang pamilyang nabigyan ng 10 kilong bigas bawat isa. Ilang kilong bigas ang naipamigay sa lahat ng pamilya? Sagot: 5 x 10 = __ 2. May 100 sakong binhi ng palay ang ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office. Hinati ito sa 10 barangay. Ilang sakong binhi ang mapupunta sa bawat barangay? Sagot: 100 ÷ 10 = __ 3. May tatlong bata ang nabigyan ng tig-apat na kwaderno. Ilan lahat ang naipamigay na kwaderno? Sagot: 3 x 4 = __ 4. May 10 kaing ng saging ang dinala ni Mang Tasyo sa palengke. Hinati nya ito sa dalawang suking tindera. Tig-ilang kaing ng saging ang bawat isa? Sagot: 10 ÷ 2 = __ 5. May 8 frontliners ang nabigyan ng tig-tatlong Personal Protective Equipment o PPEs bawat isa. Ilan lahat ang naibigay na PPEs? Sagot: 3 x 8 = __


4 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Tuklasin Basahin at unawain ang kuwentong makikita sa ibaba. Makatutulong ito sa iyo upang makagawa ng inverse operation ng multiplication at division. “Anak baunin mo itong tatlong pirasong hotcakes. Nilagyan ko na ng tig-apat na banana toppings galing sa ating tanim”, dagdag ni Aling Hilda kay Jomel. Kinuha ni Jomel ang baunan at maingat na isinilid sa kanyang bag. Humalik sa nanay at naglakad na papunta sa paaralan. Ilan kaya lahat ang bilang ng banana toppings ang nailagay ni Aling Hilda sa baon ng anak? Suriin


5 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Minsan ay nababanggit ng iyong mga guro na kapag ikaw ay marunong nang mag-multiply, kaya mo na ring matutunan ang magdivide. Paano kaya ito nangyayari? Ayon sa kwento sa itaas, si Jomel ay binigyan ng tatlong hotcakes ng kanyang ina. Bawat isa ay mayroong apat na banana toppings. Kapag i-multiply mo ang tatlong hotcakes at apat na banana toppings, makukuha mo ang kabuuang bilang ng toppings na nailagay. Magiging ganito ang multiplication equation: 3 hotcakes x 4 Banana Toppings = 12 Banana Toppings Nakuha na natin ang sagot kung ilan lahat ang banana toppings na may kabuoang bilang na 12. Ngayon naman, gawin natin ang division. Kunin natin ang product (sagot sa multiplication) at maaari nating i-divide sa kahit alinman sa dalawang factors (mga tawag sa numero na pinagmultiply) na ginamit natin. Makabubuo tayo ng division equation tulad nito: a) 12 banana toppings ÷ 3 hotcakes = 4 banana toppings b) 12 banana toppings ÷ 4 banana toppings = 3 hotcakes Samakatuwid, maaaring pagbaliktarin lamang ang mga ginamit na numero sa pag-multiply upang makabuo ng division equation at vice-versa. Tinatawag itong inverse operation dahil maaaring makuha ang sagot ng bawat isa sa kanila.


6 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Subukang sagutin ang mga sumusunod na bilang at gawing gabay ang ibinigay na halimbawa sa itaas. 1. Ilang banana toppings ang nailagay ni Aling Hilda sa bawat hotcake ng kaniyang anak? Sagot:_________ 2. Ilang pirasong hotcake ang ipinabaon ni Aling Hilda? Sagot:_________ 3. Ilan kaya lahat ang banana toppings ang nailagay ni Aling Hilda sa tatlong pirasong hotcakes? Sagot:_________ 4. Kung may 10 pirasong hotcakes si Jomel, ilang banana toppings kaya ang mailalagay? Sagot:_________ 5. Ipakita ang inverse operation ng multiplication na ito: 10 x 4 = 40 Sagot:_________ Ngayong kaya mo nang gumawa ng inverse operation sa multiplication at division, magagawa mo nang sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay!


7 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Pagyamanin A. Basahin ang talata. Pagkatapos, ibigay ang inverse operation na hinihingi ng bawat bilang. Gawing gabay sa pagsagot ang unang bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Nagluto si Aling Marta ng hotcake para sa tatlong frontliners. Gumawa rin siya ng banana toppings. Apat na toppings ang ilalagay sa bawat hotcake. Nakagawa siya ng 20 toppings para kay Nars Jin. Binigyan naman niya ng 16 toppings si Nars Jill. Nagbigay din siya ng 32 toppings kay Nars Roman. Ilang hotcakes at toppings kaya ang nagawa niya? 1. Para sa toppings ng isang hotcake: Multiplication sentence: 4 toppings x 1 hotcake = 4 toppings Inverse operation: 4 ÷ 4 = 1 2. Para kay Nars Jin at Nars Jill:


8 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Multiplication sentence: 9 hotcakes x 4 toppings bawat hotcake = 36 toppings Inverse operation: _________________ 3. Para kay Nars Jin: Division sentence: 20 toppings ÷ 4 toppings bawat hotcake = 5 hotcakes Inverse operation: _________________ 4. Para kay Nars Roman: Division sentence: 32 toppings ÷ 4 toppings bawat hotcake = 8 hotcakes Inverse operation: _________________ 5. Para kay Nars Jill: Division sentence: 16 toppings ÷ 4 toppings bawat hotcake = 4 hotcakes Inverse operation: _________________


9 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 B. Ibigay ang multiplication o division sentence at ang inverse operation nito. Gawing gabay sa pagsagot ang unang bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. May limang buko sa bawat lalagyan. Mayroong 10 lalagyan. Ilan lahat ang buko? Multiplication sentence: 5 x 10 = 50 Inverse operation: 50 ÷ 10 = 5 2. Mayroong 5 kahon. Sa bawat kahon ay may 6 na baso. Ilan lahat ang kabuoang bilang ng baso? Multiplication sentence: 6 x 5 = __ Inverse operation: _____________ 3. Mayroong tatlong supot ng bigas. Sa bawat supot ay may apat na kilong bigas. Ilan lahat ang kabuoang kilo ng bigas? Inverse operation: ______________ Division sentence: 12 ÷ 3 = __ 4. Mayroong 10 sasakyan. Sa bawat sasakyan ay may dalawang bugkos ng kawayan. Ilan lahat ang bugkos ng kawayan? Multiplication sentence: 2 x 10 = __ Inverse operation: _____________


10 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 5. May tatlong mangga sa bawat tumpok. Nakabenta si Ana ng limang tumpok. Ilan lahat ang nabentang mangga? Inverse operation: ______________ Division sentence: 15 ÷ 5 = __ C. Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawing gabay ang division sentence upang makuha ang inverse operation sa multiplication. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. May kabuoang dalawang banig ang nagawa ni Aling Cora. Ginawa niya iyon ng 10 araw. Ilang araw ang kailangan niya para makagawa ng isang banig? Division sentence: 10 ÷ 2 = 5 a. 5 x 2 = 10 c. 5 – 2 = 3 b. 5 + 2 = 7 d. 10 – 2 = 8 2. Bumili ng 40 biik si Mang Baldo. Mayroon siyang apat na kulungan. Ilang biik ang mayroon sa bawat kulungan? Division sentence: 40 ÷ 4 = 10 a. 10 – 4 = 6 c. 10 + 4 = 14 b. 10 x 4 = 40 d. 40 – 10 = 30 3. May nahuling 100 tilapya sa kanyang palaisdaan si Mang Badong. Hinati nya ito sa 10 lalagyan. Ilang tilapya ang ilalagay sa bawat lalagyan? Division sentence: 100 ÷ 10 = 10 a. 100 – 10 = 90 c. 10 - 10 = 0 b. 10 + 10 = 20 d. 10 x 10 = 100


11 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 4. Nakabenta ng 15 piraso ng kawayan ang tatlong magkukumpare. Kung parehas sila ng nakuhang kawayan, tig-ilan ang bawat isa? Division sentence: 15 ÷ 3 = 5 a. 5 + 3 = 8 c. 3 x 5 = 15 b. 15 – 3 = 12 d. 5 – 3 = 2 5. Nakapitas ng 20 kaing ng mangga ang limang Taga-ani. Tig-iilan ang napitas ng bawat isa? Division sentence: 20 ÷ 5 = 4 a. 4 + 5 = 9 c. 5 – 4 = 1 b. 4 x 5 = 20 d. 20 – 5 = 15 D. Sagutin ang multiplication sentence sa hanay A. Ilagay ang inverse operation nito sa hanay B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. 9 x 4 = ___ a. __ ÷ __ = __ 2. 5 x 4 = ___ b. __ ÷ __ = __ 3. 10 x 3 = ___ c. __ ÷ __ = __ 4. 3 x 4 = ___ d. __ ÷ __ = __ 5. 9 x 5 = ___ e. __ ÷ __ = __


12 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 E. Sagutin ang division sentence at ibigay ang inverse operation ng bawat isa. Gawin ito sa sagutang papel. Halimbawa: 24 laruan ÷ 8 bata = 3 Inverse operation: 3 x 8 = 24 Division sentence Inverse operation 1. 12 damit ÷ 4 na bata = ____ 1. ___ x ___ = ___ 2. 15 pirasong bawang ÷ 5 na ballot = ____ 2. ___ x ___ = ___ 3. 9 lapis ÷ 3 bata = ____ 3. ___ x ___ = ___ 4. 50 kilong bigas ÷ 10 supot = ____ 4. ___ x ___ = ___ 5. 10 kilong isda ÷ 2 atado = ____ 5. ___ x ___ = ___ F. Sagutin ang division sentence para magawa ang inverse operation sa kabilang hanay. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Division sentence Inverse operation 1. 27 ÷ 3 = ____ 1. ___ x ___ = ___ 2. 28 ÷ 4 = ____ 2. ___ x ___ = ___ 3. 8 ÷ 2 = ____ 3. ___ x ___ = ___


13 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 4. 45 ÷ 5 = ____ 4. ___ x ___ = ___ 5. 90 ÷ 10 = ____ 5. ___ x ___ = ___ G. Gawin ang inverse operation ng bawat multiplication sentence. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Multiplication sentence Inverse operation 1. 8 biik sa 4 na kulungan 8 x 4 = 32 1. ___ ÷ ___ = ___ 2. 10 sibuyas sa 2 mangkok 10 x 2 = 20 2. ___ ÷ ___ = ___ 3. 5 sardinas sa 10 pamilya 5 x 10 = 50 3. ___ ÷ ___ = ___ 4. 3 manok sa 5 papaya 3 x 5 = 15 4. ___ ÷ ___ = ___ 5. 3 lapis sa 3 bata 3 x 3 = 9 5. ___ ÷ ___ = ___ H. Sagutin ang multiplication sentence upang magawa ang inverse operation sa kabilang hanay. Gawin ito sa iyong sagutang papel.


14 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 1 2 3 Multiplication sentence Inverse operation 1. 12 x 5 = ____ 1. ___ ÷ ___ = ___ 2. 15 x 4 = ____ 2. ___ ÷ ___ = ___ 3. 8 x 3 = ____ 3. ___ ÷ ___ = ___ 4. 10 x 2 = ____ 4. ___ ÷ ___ = ___ 5. 4 x 10 = ____ 5. ___ ÷ ___ = ___ Isaisip Paano isinasagawa ang pagkuha ng inverse operation sa multiplication at division? Piliin ang angkop na salita sa bawat pahayag. Ang ________________ (multiplication, subtraction) ay ang inverse operation ng ________________ (addition, division). Ang ________________ (product, quotient) sa division ay nakukuha sa isang factor ng multiplication sentence. Isagawa Unawain at sagutin ang multiplication at division sentence sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.


15 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 1. 3 x 6 = 18 4. 35 ÷ 7 = 5 6 x 3 = 18 35 ÷ 5 = 7 18 ÷ 6 = __ 5 x 7 = __ 2. 5 x 6 = 30 5. 40 ÷ 4 = 10 6 x 5 = 30 40 ÷ 10 = 4 30 ÷ __ = 5 4 x __ = 40 3. 9 x 3 = 27 3 x 9 = 27 27 ÷ 3 = __ Tayahin Sagutin at ibigay ang inverse operation ng bawat bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Equation Inverse operation


16 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 1. 10 x 5 = ____ 1. ___ ÷ ___ = ___ 2. 9 x 4 = ____ 2. ___ ÷ ___ = ___ 3. 45 ÷ 5 = ____ 3. ___ x ___ = ___ 4. 100 ÷ 10 = ____ 4. ___ x ___ = ___ 5. 27 ÷ 3 = ____ 5. ___ x ___ = ___ Karagdagang Gawain Sagutin ang mga sumusunod na pahayag sa iyong papel. Ibigay ang inverse operation ng bawat equation. Gawing gabay ang unang bilang sa iyong pagsagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.


17 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 1. Ano ang sagot kapag hinati ang 80 sa 10? Equation: 80 ÷ 10 = 8 Sagot: 8 x 10 = 80 2. Ano ang sagot kapag hinati ang 21 sa tatlo? Equation: 21 ÷ 3 = 7 Sagot: __________ 3. Kapag hinati ang 24 sa apat, ano ang sagot? Equation: 24 ÷ 4 = 6 Sagot: __________ 4. Ano ang quotient kapag hinati ang 25 sa lima? Equation: 25 ÷ 5 = 5 Sagot: __________ 5. Ano ang quotient kapag hinati ang 12 sa dalawa? Equation: 12 ÷ 2 = 6 Sagot: __________


18 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Susi sa Pagwawasto Subukin o 1. 27 ÷ 3 = 9 9 = 3 27 ÷ 2. 8 x 5 = 40 o 3. 50 ÷ 10 = 5 5 = 10 50 ÷ 4. 4 x 5 = 20 o 5. 18 ÷ 2 = 9 9 = 2 18 ÷ Balikan 1. 50 2. 10 3. 12 4. 5 5. 24 Suriin 1. apat 2. tatlo 3. 12 banana toppings 4. 40 piraso ÷ 4 = 10 5. 40 Pagyamanin A 4 ÷ 4 = 1 1. 9 o ÷ 4 = 2. 36 9 = 4 36 ÷ 5 x 4 = 20 3. 8 x 4 = 32 4. 4 x 4 = 16 5. B ; 50 5 x 10 = 1. 5 = 10 ÷ o 50 50 ÷ 10 = 5 ; 30 6 x 5 = 2. 6 = 5 o 30 ÷ 30 ÷ 5 = 6 4; 12 ÷ 3 = 3. o 3 x 4 = 12 4 x 3 = 12 ; 20 2 x 10 = 4. 2 = 10 o 20 ÷ 20 ÷ 10 = 2 3; 15 ÷ 5 = 5. 0 5 x 3 = 15 3 x 5 = 15 D ; 36 9 x 4 = 1. 9 = 4 ÷ o 36 36 ÷ 4 = 9 ; 20 5 x 4 = 2. 5 = 4 o 20 ÷ 20 ÷ 4 = 5 ; 30 10 x 3 = 3. 10 = 3 30 ÷ o 30 ÷ 3 = 10 ; 12 3 x 4 = 4. 3 = 4 o 12 ÷ 12 ÷ 4 = 3 ; 45 9 x 5 = 5. 9 = 5 ÷ 45 o 45 ÷ 5 = 9 E 3; 12 ÷ 4 = 1. o 4 x 3 = 12 3 x 4 = 12 3; 15 ÷ 5 = 2. o 5 x 3 = 15 3 x 5 = 15 3; 9 ÷ 3 = 3. 3 x 3 = 9 5; 50 ÷ 10 = 4. o 10 x 5 = 50 5 x 10 = 50 5; 10 ÷ 2 = 5. 0 2 x 5 = 10 5 x 2 = 10 F 9; 27 ÷ 3 = 1. o 9 x 3 = 27 3 x 9 = 27 7; 28 ÷ 4 = 2. o 7 x 4 = 28 4 x 7 = 28 4; 8 ÷ 2 = 3. o 4 x 2 = 8 2 x 4 = 8 9; 45 ÷ 5 = 4. o 9 x 5 = 45 5 x 9 = 45 9; 90 ÷ 10 = 5. o 9 x 10 = 90 10 x 9 = 90 G o 32 ÷ 4 = 8 1. 8 = 4 32 ÷ o 2. 20 ÷ 2 = 10 10 = 2 20 ÷ o 3. 50 ÷ 10 = 5 5 = 10 50 ÷ o 4. 15 ÷ 5 = 3 3 = 5 15 ÷ 5. 9 ÷ 3 = 3 H ; 60 12 x 5 = 1. 60 ÷ 12 = 5 o 60 ÷ 5 = 12 ; 60 15 x 4 = 2. 60 ÷ 15 = 4 o 60 ÷ 4 = 15 ; 24 8 x 3 = 3. 8 =3 o 24 ÷ 24 ÷ 3 = 8 20; 10 x 2 = 4. 20 ÷ 10 = 2 o 20 ÷ 2 = 10 40; 4 x 10 = 5. ÷ 4 = 10 o 40 40 ÷ 10 = 4 C 1. a 2. b 3. d 4. c 5. b Isagawa 1. 3 2. 6 3. 9 4. 35 5. 10 Tayahin 50; 10 x 5 = 1. ÷ 10 = 5 50 o ÷ 5 = 10 50 36; 9 x 4 = 2. ÷ 9 = 4 o 36 ÷ 4 = 9 36 9; ÷ 5 = 3. 45 o 5 x 9 = 45 9 x 5 = 45 ; 10 = 10 ÷ 0 4. 10 10 x 10 = 100 9; 3 = ÷ 5. 27 o 3 x 9 = 27 9 x 3 = 27 Karagdagang Gawain 1. 8 x 10 = 80 2. 7 x 3 = 21 x 4 = 24 3. 6 4. 5 x 5 = 25 5. 6 x 2 = 12


19 CO_Q3_Mathematics 2_ Module 4 Sanggunian Catud, Heminio Jose, Shierley Ferera, Danilo Padilla, and Rogelio Candido. 2013. Mathematics –Ikalawang Baitang Kagamitan Ng Mag-Aaral: Tagalog. 1st ed. Pasig CIty: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat, pp. 149-151. Catud, Herminio Jose, Shierley Ferera, Danilo Padilla, and Rogelio Candido. 2013. Mathematics Grade 2: Teacher's Guide. 1st ed. Pasig City: Department of Education - Instructional Materials Council Secretariat, pp. 211-213. DepEd Memorandum No. 89, s. 2020. Clarifications on the Use of the Most Essential Learning Competencies (MELCs) and other related issues. Most Essential Learning Competencies Matrix K to 12 Curriculum. Department of Education, 2013. p. 168.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version