ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG BARANGAY NG SAN VICENTE, TARLAC CITY (PROGRESO AT ASENSO) VOLUME 1 ISSUE 1 JANUARY TO APRIL 2024 SAN VICENTE, TARLAC CITY Unang Isandaang Araw: Daan tungong ‘Progreso at Asenso.’ Ika-23 ng Marso 2024, naipamalas ng Pamunuan ng San Vicente ang walang tigil na paglilingkod, sa unang isandaang araw sa serbisyo. Sa pangunguna ni Kapitan Mark Joseph “Otep” D. Turla ibinabandera ang mga pangunahing proyeko. Kaliwa’ kanang pagtulong at pamamahagi sa kapwa mamayan ng Barangay San Vicente ang numero unong isinaalang-alang ng buong konseho sa pangunguna ng ating mahal na kapitan kasama ang kanyang buong konseho na sina: Kagawad Dindo Adrian Agdeppa, Kagawad Noel Maglanoc, Kagawad Mahmoud Mohamed Fami Hegazy, Kagawad Roger Liquiran, Kagawad Raymundo De Guzman, Kagawad Marcelino Cabarios Jr., at Kagawad Rene Aiban Antonio. Sa unang isandaang araw ng buong Sangguniang Barangay mabilisang aksyon at solusyon ang kanilang nais ibahagi sa lahat. Nakapagtala ng mahigit 25 na bilang ng mga resolusyon ang nagawa at na-apruba sa ilalim ng konseho ni Kapitan Mark Joseph “Otep” D. Turla. Ang layunin ng naturang mga aprubadong resolusyon ay para sa mamamayan ng Barangay San Vicente tungo sa tunay na pagbabago na may progreso at asenso. Nais na pagbutihin pa ng buong konseho ang kanilang mga nasimulang layunin at mas pagbubutihin pa ang kanilang serbisyo na walang kinikilingan at serbisyong de kalidad para sa lahat. Hindi lamang sa isandaang araw nagtatapos ang mga adhikain at mga plano ng buong konseho dahil ito pa lamang ang simula ng pagbabago na inaasam ng lahat. Ayon sa panayam kay Kapitan Turla, “First 100 days of Quality and Excellent Services” saad nito. SAN VICENTE NGAYON Serbisyong ‘Progreso at Asenso’ nailusad na at patuloy na aarangkada Sa pagsisimula ng araw ng paglilingkod tungo sa tunay na pagbabago para sa buong ka-barangay, serbisyong progreso at asenso na may serbisyong de kalidad para sa masa ang nais ipalaganap. pahina 8 litrato ni Mark Otep Turla
2 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO Kauna-unahang Miss Teen San Vicente, kinoronahan na Sa katatapos na 1st KAISA Tayo San Vicente Festival, Siyam na kandidata mula sa iba’t-ibang bloke ang naglaban-laban para sa iisang korona upang tanghalin bilang kauna-unahang Miss Teen San Vicente bilang parte ng 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival noong ika-4 ng Abril 2024. Tampok ang gandang natural ng iba’t-ibang kandidata mula sa iba’t-ibang bloke ng Barangay San Vicente, Tarlac City sa katatapos na 1st KAISA Tayo San Vicente Festival. Kanilang ipinakita ang kanilang kahusayan at talento at pinatunayan ang pagiging isang ‘beauty queen’. Kanilang ipinarada ang makukulay na kasuotan at galing sa pagrampa at pagsagot sa mga katanungan ng mga hurado. Napukaw niya ang puso ng mga hurado at nangibabaw ang ganda at talino mula sa bloke kwatro na si Mariella Kathrina Pascual Zabala at kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Teen San Vicente. Sa unang parte pa lamang ng patimpalak ay ipinakita n ani Zabala ang kanyang estilo sa paglakad o ang kanyang pasarela upaang mangibabaw sa establado. Sinundan pa niya ito ng pagkakaroon ng kompyansa sa sarili at talino sa pagsagot sa mga hurado sa naganap na ‘question and answer.’ Ayon sa panayam kay Mariella Kathrina Zabala patungkol sa kanyang naramdaman noong araw na siya ay kinoronahan bilang Miss Teen San Vicente ay “Surreal, it was the word to describe the feeling that I felt the moment that I was crowned as the first Miss Teen San Vicente. My dream that was once just in my fantasy came true that night; to litrato ni Nat Munoz BALITA VOLUME 1 ISSUE 1 to be crowned as a beauty queen. Since it was just my second pageant that I joined, I am a newbie and I am still exploring the world of pageantry. I prepared for the pageant physically and mentally by reviewing possible questions and by being aware of the current issues of our surroundings especially in our own community which San Vicente. I am much grateful for the door that opened for me. It still feels surreal that I will be representing our barangay in my next competition. I look forward in experiencing new things and to
3 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO Lutong Pinoy, tampok sa Cooking-Off Competition ng 1s Kaisa Tayo San Vicente Festival BALITA VOLUME 1 ISSUE 1 1st Airsoft (Milsim) Competition, nilahulakan ng iba’t ibang lugar Nagpasiklaban ang iba’t ibang mga eksperto sa pagluluto na nagmula sa iba’t ibang bloke upang kanilang ipamalas ang kanilang angking husay sa kusina at ipatikim sa madla ang mga lutong pinoy na may ‘twist’ ang kare-kare at ang kanilang ‘signature dishes’ na ipinagmamalaki. Nagpasiklaban ang mga kalahok sa galing ng kanilang pagluto at estilo kung paano mangingibabaw ang kanilang galing. Kanilang ipinakita na determinado ang lahat na build new connections in that future journey.” Sa mga Kabataan na nangangarap bilang maging isang ‘beauty queen’ ay “For the aspiring beauty queens, keep focusing on your own journey and make your little self proud.” saad ni Zabala. Ito ang patunay na may gandang natural at talino ang mga kababaihan ng San Vicente tungo sa Progreso at Asenso, basta taga-San Vicente de kalibre. masungkit ang kampyeonato at tanghalin bilang hari o reyna ng kusina. Ang patimpalak na ito ay bahagi ng selebrasyon ng 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival kaagapay ang MDS upang gawing possible ang patimpalak na ito. Bawat kalahok at determinado sa kanilang ginagawa ngunit sa huli ay nangibabaw sila upang tanghalin na panalo na sina: 1. Floorbellas Grilling Station 2. Lechon de Tarlac at JV Guiao Eatery 3. Eva’s Kitchen litrato ni Robert Castro Jr. Dinayo ng iba’t ibang mga Airsoft Group ang kauna-unahang Airsoft (Mislim) Competition noong 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival noong ika- 7 ng Abril, 2024 sa Barangay San Vicente, Tarlac City. Galing sa iba’t ibang lugar ang mga lumahok ng nasabing pangyayari. Higit sa 10 grupo ang sumama at nakipaglaro sa ibang grupo at sa huli ay nakatanggap ang lahat ng sertipiko ng pagkilala para sa kanilang dedikasyon. Pasiklaban ng mga alagang hayop tampok sa Petshow ng 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival Nagpasiklaban ang mga alagang hayop ng iba’t ibang kalahok sa Petshow ng 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival noong ika- 2 ng Abril 2024 sa San Vicente Covered Court. Galing sa iba’t ibang barangay at lugar ang mga nakilahok upang ipakita at ipagmalaki ang husay at ganda ng kanilang mga alaga. Lima sa mga ito ay itinanghal bilang ‘People’s Choice Award at binigyan ng plaque at sertipiko ng pagkilala. Ang patimpalak na ito ay naging matagumpay kaagapay ang kanilang butihing ‘sponsors’ at ang buong konseho ng Barangay San Vicente.
4 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO BALITA VOLUME 1 ISSUE 1 Parade of Stars at Music Festival, handog para sa mga ka-barangay Ibinida ng buong Sangguniang Barangay sa buong mamamayan ng Barangay San Vicente ang ilan sa mga sikat at tinitilian sa industriya ng musika at ‘showbiz’ noong ika- 4 ng Abril 2024 sa Boxpark Building Bypass Road San Vicente, Tarlac City. Ilan sa mga sikat na personalidad gaya ni Raven Rigor, Aaron Villaflor, Leandro Baldemor, Robb Guinto, at Aya Alfonso ang ipinarada sa kahabaan ng kalye ng San Vicente. Kasama rin sa ipinarada ang mga masisipag na emplayado ng barangay at ang mga nagsiwagi sa mga patimpalak gaya na lamang ng Miss Teen San Vicente at litrato ni Steven Quiballo litrato ni Steven Quiballo Kaisa Queen. Sinundan ito ng kasiyahan sa Boxpark Building ng Bypass Road upang makisaliw at sabay sa musika ng iba’t-ibang lokal na mang-aawit o banda na mula sa Tarlac na sina Trisha Andrada, 13th Verse at The Walwals. Nakisaya din ang isa sa sikat na banda sa lahat ng mga taga-San Vicente ang Join the Club. Ito ay hatid ng buong konseho ng Sangguniang Barangay ng San Vicente para sa lahat bilang parte ng katatapos na 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival sa pangunguna ng butihing Kapitan na si KGG. Mark Joseph D. Turla, kasama ang kanyang mga butihing kagawad.
5 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO Tristan Khylie Miranda, itinanghal bilang kauna-unahang Kaisa Queen 2024 Ariba Champaca! Kinoronahan ang kauna-unahang Kaisa Queen ng Barangay San Vicente na si Tristan Khylie Miranda sa katatapos na Kaisa Queen Competition sa naganap na 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival noong ika-3 ng Abril 2024. Sa katatapos na Kaisa Queen Competition o ang Miss Gay Pageant bilang parte ng 1st Kaisa Tayo San Vicente Festival ay nagpasiklaban ang labing-limang kandida mula sa iba’tibang bloke upang irepresinta ang kanilang iisang mithiin at ipaglaban ang karapatan ng isang miyembro ng LGBTQIA+ Community. Nais ng mga kandidata na ipakita ang kanilang anking talino at husay sa larangan na ito at ipakita kung ano ang kanilang kayang gawin. Sila ay nagpasiklaban sa pagrampa, pagpapakita ng kanilang mga talent at pagsagot sa mga katanungan. Sa unang pasiklaban pa lamang ay ipinakita na ng labing-lima na kandidata ang kaninang mga magagarbo at makukulay na kakasuotan para sa National Costume na gawa ng iba’t-ibang mananahi sa Tarlac City, sinundan ito ng casual wear, swimsuit at talent portion. Pagdating sa ‘long gown competition’ ipinamalas ng mga kandidata ang ganda at husay nila sa pagrampa. Sa pagdating ng pagpili ng ‘top 8 finalist’ ay bahagyang nahirapan ang mga hurado sa pagpili sapagkat ang lahat ay may angking talino at tiwala sa sarili. Ngunit sa huli ay nangibabaw sa pitong kandidata si Tristan Khylie Miranda upang hirangin bilang kauna-unahang Kaisa Queen 2024. Ayon sa panayam kay Tristan Khylie Miranda patungkol sa kanyang naramdaman noong kinoronahan siya bilang kauna-unahang Kaisa Queen ay “Of course I’m very happy and overwhelmed because all my sacrifices and efforts are already paid off and I’m one of the youngest in the competition makes me more realize that it’s not just about your age and experience it’s all about your perseverance, dedicadedication and passion.” Ang kanyang mga ginawa at isinaalang-alang naman sa paghahanda sa kompetisyon ay “It’s not easy at all, I’ve prepare for this competition for 6 months practicing my pasarela walk, communication skills, Q and A and dancing skills because I’m eager to have the crown.” Dagdag pa nito ay kanyang inasahan sa kanyang mga susunod na patimpalak ay “I’m looking forward to the Kaisa Queen Tarlac City 2024 and I’m more than ready to represent my barangay which is San Vicente I will not just represent my barangay but also those people in our community. I’m ready to show what San Vicente can offer in the world of pageantry, we can inspire and aspire everyone in my story and show to them what PROGRESO at ASENSO is.” Ang kanyang sagot sa katanungan na kung ano ang kanyang masasabi sa mga nagnanais na sa mga nanais na maging ‘beauty queens’ ngunit takot sapagkat wala pa silang napapatunayan o karanasan at ano ang naghihintay sa kanya pagkatapos koronahan bilang Kaisa Queen 2024 ay “If not now then when? It’s time to show yourself because you are the voice of your own and let your voice echo in the chamber of time. There’s a lot of opportunities that’s why don’t be scared to step up. A lot of competition I guess and represent San Vicente in different pageants. I’m just 17 years old and there’s a lot of opportunity around the world.” saad nito. litrato ni Tristan Miranda BALITA VOLUME 1 ISSUE 1
6 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO 1ST KAISA TAYO SAN VICENTE FESTIVAL VOLUME 1 ISSUE 1
7 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO LIST OF MAJOR AND MINOR SPONSORS VOLUME 1 ISSUE 1 -AGNES STORE -IMM SUPPLIES (PM) -ANTIGUA PANCITERIA -HEALTH CHECK MEDICAL -TARLAC BRIGHT SIGHT -LIFESCREEN DIAGNOSTIC -SAMGY 24 KOREAN MART -PEDROCHE ALUMINUM -EUY GENERAL MERCH. -ANALYN STORE -KORFI MART -RFMJ MOTORPARTS -MMTU MEAT SHOP -TESS EATERY -HOOKAH RESTOBAR -THE WOODS -PRIMA -SOPHIA’S RESTOBAR -NEILA RICE STORE -CROSSING DINER -EVY GENERAL MERCHANDISING - SURLA BEVERAGES
8 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO Serbisyong ‘Progreso at Asenso’ nailunsad na at patuloy na aarangkada LATHALAIN VOLUME 1 ISSUE 1 PATNUGUTAN Ang San Vicente Ngayon (Progreso at Asenso), ang opisyal na pahayagan ng Barangay San Vicente, Tarlac City ay bukas sa lahat ng suhestiyon, opinyon at kontribusyon para sa isang malayang talastasan at pagpapalaganap ng tamang imposmasyon. Ang mga ambag na katha o lathalain ay nagiging pag-aari ng pahayagang ito bagama’t ang lahat ay nananatiling sariling likha ng may akda at hindi pananagutan ng San Vicente Ngayon (Progreso at Asenso). Sa pagsisimula ng araw ng paglilingkod tungo sa tunay na pagbabago para sa buong ka-barangay, serbisyong progreso at asenso na may serbisyong de kalidad para sa masa ang nais ipalaganap. Layunin ng bawat isa ay ang pagkakaroon ng isang tapat at tuwid na konseho para sa buong mamamayan ng San Vicente. Ang buong Sangguniang Barangay ay kasalukuyang pinapalaganap ang linyang “Progreso at Asenso” sapagkat ang kanilang mga adhikain para sa buong mamamayan ng San Vicente ay para sa patuloy na progreso ng bawat isa at tuloy-tuloy na asenso para sa buong pamayanan. Sa patuloy na adhikain ng bawat isa ay patuloy na pagbubutihin ang serbisyong de kalidad at walang kinikilingan para sa lahat. Boses ng masa at kapakanan ng bawat isa ang pangunahing layunin ng buong konseho. Patuloy na tumindig at palakasin ang pwersa tungo sa pagbabago. SAN VICENTE NGAYON (Progreso at Asenso) KGG. MARK JOSEPH D. TURLA Pangkalahatang Patnugot KGG. DINDO ADRIAN AGDEPPA Kaagapay na Patnugot KGG. NOEL MAGLANOC Kaagapay na Patnugot KGG. MAHMOUD MOHAMED FAMI HEGAZY Kaagapay sa Produksyon KGG. ROGER LIQUIRAN Kaagapay na Patnugot KGG. RAYMUNDO DE GUZMAN Kaagapay na Patnugot KGG. MARCELINO CABARIOS JR. Kaagapay na Patnugot KGG. RENE AIBAN ANTONIO Kaagapay na Patnugot KGG. CHARLES MARTHY MAGLANOC Kaagapay na Patnugot
9 MAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO Serbisyo para sa Tunay na Pagbabago: Isang puso para sa buong San Vicente LATHALAIN VOLUME 1 ISSUE 1 “Serbisyong tapat, para sa lahat tungo sa tunay na pagbabago.” Ito ang pinanghahawakan ng ating kasalukuyang kapitan na si Mark Joseph “Otep” Dela Cruz Turla. Simula pa lamang ng kanyang adhikain para sa mamamayan ay noong panahon ng pandemya. Siya ang tao sa likod ng mga ‘community pantry’ at ilan sa mga ‘medical mission’ na kanyang ipinamamahagi sa kanyang mga ka-barangay. Hindi alintana ang panganib ng pandemya sa pagtulong sa kapwa sapagkat ito ang kanyang naging inspirasyon upang manilbihan ng ganap sa buong mamamayan ng Barangay San Vicente. Siya ay kinikilala sa kasalukuyan bilang kauna-unahang batang Kapitan sa Barangay San Vicente. Bagama’t wala siyang masyadong kasanayan sa pagiging isang pulitika, hindi ito naging balakid sa kanya upang makapanilbihan sa kanyang mamamayan. Simula bata pa lamang ay likas na sa kanya ang pagiging matulungin sa kapwa. Siya ay aktibong lumalahok sa lahat ng mga organisasyon hanggang sa kasalukuyan. Sa pagsisimula ng kanyang layunin para sa lahat, ay hindi siya nagdalawang isip na lingapin ang lahat. Siya ay nagsumikap na mas pagbutihin ang kanyang mga adhikain at plano para sa nakararami upang mas magkaroon ng mas malaking oportunidad na maaari niyang ipamahagi sa kanyang nasasakupan. Kaniyang pinatunayan na hindi nasusukat ang galing ng isang lider sa kung gaano na ito katagal naninilbihan, bagkus nasusukat ito sa kung paano maging isang lider na may puso at dedikasyon na kayang ialay para sa kanyang mamamayan. Ang lider na kayang tumindig para sa nakararami at tumindig sa kanyang sariling salita. Serbisyong de kalidad tungo sa tunay na pagbabago na may progreso at asenso. litrato ni Mark Joseph Turla
10 1st Charles Cup Basketball League, sinimulan na ISPORTS VOLUME 1 ISSUE 1 Matagumpay na idinaos ang pinakahihintay na kauna-unahang Charles Cup Basketball League noong ika-3 ng Marso ng kasalukuyang taon sa covered court ng Barangay San Vicente, sa pangunguna ni Kapitan Mark Joseph Turla at ng kaniyang buong partido. Kasabay ng matinding galak at suporta mula sa bawat manonood, opisyal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng paunang mensahe nina Kapitan Mark Joseph Turla at Konsehal Erika Je-an “Kakay” Gozum tungkol sa layunin at inaasahan sa kauna-unahang pagdaraos ng Charles Cup Basketball League sa BaMAKABAGONG BARANGAY SAN VICENTE TARLAC CITY NA MAY PROGRESO AT ASENSO PARA SA PAGBABAGO rangay San Vicente, Tarlac City. Matapos ang mga panimulang aktibidad, isinagawa ang exhibition game ng LGBT community kung saan nanaig ang depensa at opensa ng PPG Tarlac kontra sa San Vicente Selection. Ang ligang ito ay pinangunahan ng buong konseho ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ng kanilang SK Chairman na si Charles Marthy Maglanoc. Sa pagtatapos ng unang araw ng Charles Cup Basketball League, ito’y nagdulot ng kasiyahan, inspirasyon, at pagkakaisa sa bawat manonood at manlalaro na sumubaybay sa programa. litrato ni Daniela Mercado litrato ni Daniela Mercado