The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by amdeguzman.alaminos, 2022-12-01 19:22:52

Group5_TechnologyTeachingandLearning

Group5_TechnologyTeachingandLearning

SI TIKBOY
AT ANG

DALAWANG DUWENDE

A R A L I N :

KAYARIAN NG MGA SALITA

MAIKLING KWENTO:

SI TIKBOY AT ANG DALAWANG DUWENDE

Nabiyayaan ng dala
wang anak na lalake
ang mag-asawang Tony at Ninfa Cruz. Sila ay
sina Charles Cruz na ang palayaw ay si
Tikboy at si Tony Cruz Jr. na Junior naman
kung tawagin ng kanyang mga magulang at
kamag-anak. Siyam na taong gulang si
Tikboy habang si Junior ay pitong-taong
gulang. Katamtamang estado ng pamumuhay
ang mayroon ang pamilya Cruz. Isang ahente
sa isang kilalang kompanya ang padre de
pamilya at mayroon rin silang maliit na
tyangge sa tindahan. Si Ninfa ang
namamahala sa kanilang maliit na
negosyo.Naging maganda ang takbo ng
trabaho ni Tony at umunlad rin ang kanilang
negosyo sa tindahan kung kaya’t nakabili sila
ng sarili nilang bahay. Subali’t hindi nila
alam na may mga nakatira na pala rito bago
pa sila lumipat rito.

Sa bago nilang bahay, may sarili nang kwarto
sina Tikboy at Junior. Ngunit hindi roon
natutulog ang bunso dahil nakakatakot raw.
May mga maliliit raw na naglalakad sa sahig
nila tuwing gumigising siya kung madaling
araw. Binalewala ito ng mga mag-asawa.
Baka raw nasobrahan lang sa panonood ng
TV ang bunsong anak nila. Si Tikboy naman
walang ibang ginawa kundi maglaro buong
araw. Isang araw, malapit na ang pinal na
pagsusulit nila ni Tikboy sa paaralan at
pinapa-aral siya ng ina niya. Binilin sa kanya
na mag-aral siya sa kwarto niya at dadalhin
ng mama niya si Junior upang hindi siya
kulitin nito. Sumang-ayon si Tikboy sa bilin
ng mga magulang niya ngunit pag-alis nila,
ni-lock niya ang kwarto niya at naglaro
maghapon sa loob. Wala siyang ibang ginawa
kundi maglaro ng kompyuter at ng mga
laruang bigay ng Tito niya.

Alas-sais na ng hapon ng makauwi ang mag-
asawa at si Junior sa bahay nila. Noong
marining ni Tikboy ang tunog ng sasakyan,
dali-dali niyang niligpit ang mga laru-an
niya at inilabas ang mga libro niya.
“Ang very good naman ng anak ko, sigurado
perfect mo yung test niyo,” sabi ng mama
niya noong madatnan siyang nakayuko sa
libro at nagbabasa.
Masayang silang naghapunan ngunit walang
ka-alam alam sina Tony at Ninfa na hindi
talaga nag-aral ang anak nila. Kinabukasan,
ganun ulit yung nangyari.
Ngunit bago nakapagsimulang maglaro si
Tikboy, napansin niyang nawawala ang mga
paborito niyang laruan sa spiderman. Hindi
niya ito makita kung kaya’t naglaro na
lamang siya ng kompyuter. Pag-uwi ng Papa,
Mama, at kapatid niya, papuri na naman ang
nakuha niya sa mga magulang niya.

Naulit nang naulit iyon hanggang sa natapos
ang araw ng pagsusulit. Paglabas ng grado,
hindi pumasa si Tikboy.
Pag-uwi nila sa bahay, laking gulat ni Tikboy
na kakaunti na lang ang laruan sa kwarto
niya. Hinanap niya at noong buksan niya
yung aparador, laking gulat niya ng may
nakita siyang nakaupo rito – dalawang
duwende.
“Hindi ka pumasa siguro noh? Laro lang kasi
inatupad mo,” sabi ng isang duwende.
“Hindi ka man lang nakinig sa bilin ng papa
at mama mo. Dahil diyan, isusumbong ka
namin sa kanila,” sabi ng isa pang duwende.
Tumakbo palabas si Tikboy at nagsumbong sa
mga magulang niya. Ngunit, hindi siya
pinaniwalaan ng mga ito. Bukod sa hindi siya
pumasa, nalaman nila mula sa titser ni
Tikboy na hindi naman talaga siya nakikinig
sa klase.

Sa tingin nina Tony at Ninfa ay umiiwas lang
ang anak nila na mapagalitan. Walang
magagawa si Tikboy kundi bumalik sa silid
niya. Takot na takot siya kung kaya’t nagtago
siya sa ilalim ng kumot niya.
“Hoy Tikboy labas ka diyan, laro tayo!” sabi
ng isang duwende.
“Laro tayo! ‘Di ba yan lang ang gusto mo,
hindi ka nga nag-aral kakalaro!” dagdag ng
isa pang duwende.
Noong madaling araw na, nagkaroon ng
kakaunting lakas ng loob si Tikboy. Inalis
niya yung kumot at tiningnan ang paligid
niya. Nakita niyang nakaupo ang dalawang
duwende at dilat na dilat na nakatingin sa
kanya.
“Huwag kang matakot sa amin. Hindi kami
masama. Nais lang namin na gawin mo yung
tama, sundin mo yung mga magulang mo,”
sabi ng isang duwende na mukhang awang-
awa na sa takot na bata.

“Talaga? Iiwan niyo na ako dito pag sinunod
ko sina Mommy at Daddy?” tanong ni Tikboy
sa dalawang duwende.
“Oo, basta’t mag-aral ka na at huwag
magsisinungaling dahil kung hindi,
mawawala talaga lahat ng laruan mo ng
tuluyan,” sabi ng isa.
“At isusumbong ka namin sa mga kapwa
namin para marami tayo rito sa silid mo,”
pananakot ng isa pang duwende.
Bumalik si Tikboy sa pagtatalukbong ng
kumot at nakatulog siya. Kinabukasan, hindi
na niya nakita ang dalawang duwende ngunit
hindi niya nakakalimutan ang mga sinabi
nito kung kaya’t naging masunuring bata na
siya nandiyan man o wala ang mga magulang
niya.

KILALANIN KO NGA!

PANUTO: Sagutan ang mga tanong tungkol sa
nabasang maikling kwento.

1.Ano ang ang mga pangalan ng dalawang
anak ni G. Tony at Gng. Nimfa Cruz?

2.Ano ang hanap-buhay ng mag-anak?
3.Ano ang nakatira sa nilapatang nilang

bahay ?
4.Sa nalalapit na pag-susulit ni Tikboy, ano

ang ibinilin sa kaniya ng kaniyang ina?
5.Ano ang naging tungon at tunay na

ginawa ni Tikboy?
6.Ano ang ginawa ng dalawnag duwendo

upang mabago ang pa-uugali ni Tikboy?
7.Ano ang mapupulot na aral sa kwento?

ARALIN:
KAYARIAN NG
MGA SALITA

Kayarian ng salita
Dito malalaman kung papaano nabuo ang
mga salita, kung ito ba ay salitang-ugat
lamang, o may ikinakabit na panlapi,
inuulit o tambalan. Ang salita ay may
apat na kayarian. Ito ay ang Payak,
Maylapi, Inuulit o Tambalan.

1.Payak– binubuo ng salitang-ugat lamang,
walang panlapi, hindi inuulit, at walang
katambal na ibang salita.

Hal.: bahay, kwarto, lakas

2. Maylapi-binunuo ng salitang-ugat at isa o
higit pang panlapi. May limang paraan ng
paglalapi ng salita:

a. Inuunlapian – ang panlapi ay
nakakabit sa unahan ng salitang-ugat
Hal.: umunlad, paglabas , maglaro

b. Ginigitalipian – ang panlapi ay
nakasingit sa gitna ng salita
Hal.: Sinasabi, sumahod, tumugon

c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng
salita
Hal.: Unahin, sabihin, linisan

d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at
hulihan ng salita
Hal.:Pag-isipan,kalipunan

e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan,
hulihan, at sa loob ng salita.
Hal.: Pagsumikapan,ipagsumigawan

3. Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig
sa dakong unahan ay inuulit.
May dalawang uri ng pag-uulit:

a.Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong
salitang-ugat.
Hal.: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama

b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o
bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Hal.: Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad

4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang
pinagsasama para makabuo ng isa lamang
salita.
May dalawang uri ng Pagtatambal:

a. Malatambalan o Tambalang Parsyal –
nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito
ng gitling sa pagitan

Hal.: Bahay-kalakal, habing-Ilok,balik-bayan

b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng
ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang
iba kysa sa kahulugan ng dalawang salitang
pinagsama

Hal.Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari

PAGYAMANIN

Panuto: Suriin ang mga salita at ilagay sa
tamang kayarian nito sa kahon.

1. kapitbahay 10. lumitaw

2. puno 11. bulaklak

3. busilak 12. payapa

4. dalagang bukid 13.tatalon-talon
5. pali–paligid 14.maalikabok 15.tumalima
6. balik-bayan 16.ligaya
17.hampaslupa
7. kahirapan 18.puting-puti
8. marumi 19.ingat-yaman
9. sama–sama 20. halo-halo

KAYARIAN NG SALITA

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN


Click to View FlipBook Version