The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by tacola21323, 2021-04-11 07:18:07

Noli Kab. 1-10

Noli Kab. 1-10

Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Sa wakas ay nalaman na ng lahat ang kung bakit siya
Nagpapiging -si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin ay dumating
mula sa 7 taong pag-aaral sa Europa. Nagulat ang lahat, sina
Padre Damaso, Padre Sibyla at Tenyente Guevarra. Binati ni
Crisostomo si Padre Damaso na kilala niyang matalik na kaibigan
ng ama ngunit itinatwa ito ng prayle. Ito ang rason kung bakit nagalit si Tenyente Guevarra na
ang tingin sa inasal ng pari ay isang magaspang nap ag-uugali.

Kabanata 3
Ang Hapunan

Wala man lamang nagbalita kay Crisostomo
tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Bumalik siya sa
Pilipinas upang dalawin ang puntod ng ama.

Ano ang nais ipiankaulugan ni Rizal sa winika ni
Crisostomo na:

…lagi nang namamalas ko na ang pananagana o
pagdarahop ng mga bayan ay nababatay sa kanilang
Kalayaan o mga kaisipan… nababatay sa mga
pagsusumakit o sa pagiging makasarili ng kanyang mga ninuno…”

Ang bayang Malaya ay tiyak na uunlad ngunit ang isang sakop ng iba ay mananatiling
nagdarahop. Gayundin, kung hindi nagmamalasakit ang pinuno ng bayang ito at nananaig ang
pagkamakasarili ay walang katiyakan ang kaunlaran.

Kabanata 4
Erehe at Pilibustero
Kay Tenyente Guevarra nalaman ni Crisostomo Ibarra ang tunay na
nangyari sa ama.
Kahit marami ang gumigiliw Kay Don Rafael Ibarra dahil angkan niya
ang pinakamayaman sa buong San Diego at napakabuti niya, marami pa
ring lihim na kaaway ang ama.
Ayon kay Tenyente Guevarra, ang kasamaan ng mag Kastila rito sa
Pilipinas ay dahil sa:
- Papalit-palit ng pinuno (na lagi namang tiwali)
- Ang mga ipinadadala ng Inang Espanya ay ang mga may maruruming
pamumuhay sa Espanya
- Ang paglalagay sa mga hindi karapat-dapat at walang kakayahan dahil lamang
isang Espanyol
- Umiksing paglalakbay mula Espanya hanggang Maynila

Kabanata 5 *

Kabanata 6
Si Kapitan Tiago
➢ Negosyante at ginamit ang kanyang pera para sa impluwensya
➢ Sunud-sunuran sa mga prayle
➢ Asawa ni Pia Alba nan ang manganak ay nagging malungkutin
➢ hanggang sa namatay
➢ Si Maria Clara, isang maganda, maputi ang balat, bilugan ang matang mahaba ang
pilikmata, maninipis ang labi at ang buhok ay mamula-mula noong bata pa – walang
nakuha ni isang hawig kay Kap. Tiago.
➢ Ipinagkasundo nina Don Rafael Ibarra at Kap. Tiago sina Crisostomo at Maria Clara na
makasal.

Kab. 7 – 8
Suyuan sa Asotea at Mga Alaala

Ang dapat tandaan: Ang liham ng binata sa dalaga bago ito umalis papuntang Europa ay
may mahalagang gampanin sa bandang huli ng nobela

Kab. 9
Mga Bagay-bagay ukol sa bayan
➢ Nagsimula nang gumawa ng paraan si Padre Damaso upang hindi matuloy ang pag-
iisang dibdib nina Crisostomo at Maria Clara
➢ Ipinakilala rito ang isang paring payat at tila may sakit na magiging hadlang sa buhay
ni Crisostomo.

Kab 10
San Diego

Don Pedro Ebarramendia – sinasabing malupit na nakitang bangkay na sa puno ng balete sa
gubat na nabili nila sa San Diego. Maaaring nagbigti o binigti ng mga kaaway.

Ang Ibarra ay pinaikli nang Ebarramendia.


Click to View FlipBook Version