The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Kattie Alison Macatuggal, 2023-10-25 00:32:14

KUWARTER 3 - MODYUL 11 edited v2.0

KUWARTER 3 - MODYUL 11 edited v2.0

FilipinoKuwarter 3 – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay


Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroonngkarapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan munaangpahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulangbayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatakotrademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglayngkarapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulotsa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akdaangkarapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulotmula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraannang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jonabeth M. Banggay Editor: Ramon S. Gravino Jr., Maylen F. Sardido Tagasuri: Emma T. Esteban, Myrene Saragena, Eduardo Eroy Tagawasto: Gemma G. Daño and Merla S. Silva, Myleen C. Robinos, Juvy A. Comaingking Tagaguhit at Tagalapat: Marco Regor A. Jumawan, Jimmy K. Laranjo, Lee WilsonC. Precellas, Marlou G. Samontina, Thonver R. Sampaga, Roel S. Palmaira Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected]


3FilipinoKuwarter 3 – Modyul 11: Paggamit ng Pang-abay


ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda parasaatingmag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibangbahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinangangmgakasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalamanng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulangokung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sakani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalamanngmag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kungkailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroonding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat namanangnatutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali angmgasagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magigingmatapatang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLMna itoupangmagamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahananganumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sapagsagotsa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilanggurokung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamitng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 CO_Q3_Filipino1_Module11Alamin Magandang araw sa iyo. Maligayang pagdating sa modyul na ito. Sa pagpapatuloy ng iyongpag- aaral, matutuhan mo ang paggamit ng mga salitang naglalarawan ng kilos. Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: nakagagamit nang wasto ng mga pang-abay na naglalarawan ng isangkilosogawi. (F3WG-IIIh-6) Subukin Panuto: Punan ng angkop na salitang naglalarawan sa bawat kahonbatay sa kilos na ipinapakita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel. 1. Paano tumatakbo ang bata? a. mabagal b. mabilis c. malakas 2. Paano nakapatong ang aklat sa mesa? a. maayos b. malinis c. makalat 3. Paano nananalangin si Ana?


2 CO_Q3_Filipino1_Module11a. mahina b. malakas c. maingay 4. Paano naglalakad ang pagong? a. mahinhin b. mabagal c. mabilis 5. Paano niyayakap ni Gina ang kanyang Lola? a. maluwag b. mahigpit c. matamlay


3 CO_Q3_Filipino1_Module11Aralin 1 Paggamit ng Pang-abayBalikan Panuto: Suriin ang bawat larawan batay sa kung ano ang ipinapakitangkilosogawi nito. Isulat sa papel ang iyong sagot. 1. ____________________ 2. ____________________3. . ___________________


4 CO_Q3_Filipino1_Module11Tuklasin Basahin mo ang kuwento. Ang Aming Pamilya Isinulat ni: Jonabeth M. Banggay Tuwing umaga, ang bawat miyembro ng aming pamilyaaymaykaniya - kaniyang gawain. Si Tatay ay maagang nagpapakain ng mgaalaganghayop sa likuran ng bahay, habang si Nanay ay abalang naglulutongamingagahan.Matiyagang nagdidilig ng mga halaman si Kuya samantalangmasiglang naglilinis ng bahay si Ate. Ako naman ay maingat na nagliligpitngaming higaan. Sadyang kay inam pagmasdan kung nagtutulungan sa mgagawainang bawat isa. Bukod dito, madaling matapos ang mga gawaing bahay. Panuto: Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa papel. 1. Ano ang paksa ng kuwentong binasa? 2. Ano ang ginagawa ni Ate sa kanilang bahay? 3. Paano isinasagawa ni tatay ang kilos sa pagpapakain ng alagang hayop?4. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? 5. Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa teksto? Paano ito inilarawan? Pagtalakay sa Aralin Suriin


5 CO_Q3_Filipino1_Module11Magiging epektibo at malinaw ang iyong pagpapahayag kung mailalarawan mo nang maayos ang mga kilos o gawi na nais mong ipabatid. Ang salitang maaga, abala, matiyaga, masigla at maingat sa binasangkuwento ay mga salitang naglalarawan ng kilos na tinatawag na pang-abay. Ang nagpapakain, nagluluto, nagdidilig, naglilinis, nagliligpit ay mgasalitang kilos o gawi. Ang tawag natin dito ay pandiwa. Ang pang-abay ay tawag sa mga salitang naglalarawan ng isang kilos o gawi na sumasagot sa gabay na tanong na paano. Halimbawa 1. Ang atleta ay lumangoy. pang-abay pandiwa 2. Nagsasalita nang ang guro. pandiwa pang-abay patihayang mahinahon


6 CO_Q3_Filipino1_Module11Pagyamanin Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa inyong papel at piliinsakahon ang tamang sagot. 1. Si Ben ay ___________umawit. 2. _____________na nanalangin si Marie. 3. Tumalon nang __________ang batang lalaki. 4. ___________na niligpit ni Nanay ang mga gamit sa kusina. 5. ____________na niligpit ni Tatay ang mga damit. Isaisip Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang ideya. Isulatang sagot sa papel. mahusay, masinop, maingat Mahusay, Taimtim, Maingat mahusay, taimtim, mataas Maingat, Taimtim, Mataas Masinop, Taimtim, Mataas Natutunan ko sa modyul na ito na ang ___________ ay salitang naglalarawan ng isang ______ at ______ na may gabay na tanong na_____________.


7 CO_Q3_Filipino1_Module11Isagawa Panuto: Piliin ang tamang pangungusap na may angkop na pang-abay bataysaisinasaad ng larawan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel. 1. a. Nagwawalis ang bata. b. Nagwawalis ang mga bata. c.Nagwawalis nang mabuti ang bata. 2. a. Ang pamilya ay magbabakasyon. b. Ang pamilya ay sabik na magbabakasyon. c. Ang pamilya ay namamasyal. 3. a. Naglilinis si Nanay. b. Sadyang masarap ang ulamna nilulutoni Nanay. c. Masayang nagluluto ng ulamsi Nanay. 4. a. Pinapainom ni Lolo ang mga hayop. b. Hinahabol ni Tatay ang mga hayop. c. Pinapakain nang maigi ni Tatay ang mgahayop.


8 CO_Q3_Filipino1_Module115. a. Si Abby ay naliligo. b. Si Ben ay masayang naliligo. c. Naliligo ang pamilya. Tayahin Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-abay sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. (Maingat, Malawak, Malamig)_________ na umakyat ang mga taosamatarik na bundok. 2. Ang mga bata ay (matipid, masayang, maliwanag) _____________nag- eehersisyo. 3. Tumakbo nang (mabilis, masipag, mahiyain) ____________ ang atleta. 4. (Mabilis, Malikot, Malapad)_________ na nagtatanimang mgamanggagawa. 5. Kumain si Fauna nang (mapait, maasim, matamis) _______ na ampalaya.


9 CO_Q3_Filipino1_Module11Karagdagang Gawain Suriin ang mga larawan. Batay dito, bumuo ng mga pangungusapna may pang-abay. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. ______________________ 2. _______________________3._____________________________


10 CO_Q3_Filipino1_Module11Susi sa Pagwawasto


For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected] Sanggunian K to 12 Filipino Curriculum Guide Diwang Kayumanggi Aklat sa Wika at Pagbasa pp.347, 356


Click to View FlipBook Version